Mga salitang galing sa aking pituitary


"Remember, kung ano man ang sitwasyon mo, ang una at huli mong gagawin ay ang Magdasal"
---**------**------**------**------**------**------**------**------**------**---

Tarantado - Ang tawag sa isang taong natataranta.
Para sa mga lalaki lamang, Tarantada para sa mga babae.

---**------**------**------**------**------**------**------**------**------**---

Sino ba ang nagsabing DI MO kaya? Di rin nila kaya ha!

---**------**------**------**------**------**------**------**------**------**---

Hindi Porke't sinabi nilang bobo ka, matalino na sila. At hindi porke't ikaw ang nagsabing bobo siya ay matalino ka na.

---**------**------**------**------**------**------**------**------**------**---

Sabi nila Duwag ka! Kaya lang naman sila matapang dahil sayo ha!

---**------**------**------**------**------**------**------**------**------**---

Pare koy, Parekoy, pare ko'y at parecoy, Saan ba nanggaling ang salitang ito? Ito ay theory ko lamang, maari itong nanggaling sa "Pare" "Ko" at "Ay". Isang salitang bitin. Ang pare koy ay dapat may kasunod na salita, kagaya ng, Pare koy mabait, pare koy mayabang, pare koy masarap, pare koy tarantado at kung ano ano pang dapat isunod sa salitang AY. Hindi ko alam ang salin ng salitang Pare sa English, pero parang ang pinaka malapit ay My Friend, sa madaling salita ang pare ko ay "My Friend is" na maaring mag evolve kung mauuso dito sa Pilipinas, My Friend is > Friendis > Frienish > Frenis > Frens > Prens. sa madaling salita mapupunta rin sa pren. Bakit nga ba ang kumpare ay nagkaroon na pacute na salita? hindi ba dapat meron din ang iba, gaya ng Mare koy, tatay koy, mama koy, kuya koy, tita koy, tito koy, kapatid koy, lola koy, lolo koy, suki koy, kapitbahay koy at marami pang koy na pwedeng lagyan. 

---**------**------**------**------**------**------**------**------**------**---