Hindi nasusukat ang tunay na pagkatao ng isang Pilipino sa galing niya sa salitang English. Ang daming magagaling na Pilipino sa salitang English ngunit ang ugali naman nila ay mas pangit pa sa nasisira kong kuko, Totoong gumaling nga sila sa English ngunit kinalimutan naman nila ang tamang pakikitungo sa kapwa nila Pilipino. Huwag mong ipagyabang ang English na natutunan mo lang sa ibang mga tao at sa mga libro. Tandahan mo na ang English ay hiram na lenguahe lamang at wala kang karapatan para gamitin ito upang ipanglahit sa mga taong 'di gaanong marunong sa salitang ito. Kagaya na lang ni Pacquiao na nagsisikap mag-aral ng English, nilalahit nila ang tao tuwing siya ay nag-Eenglish, ano bang tingin nila sa sarili nila? Matalino? Matalino nga wala namang pakinabang sa bansa, mabuti pa si Pacquiao pinasikat niya ang ating Bansa sa buong mundo, Eh ikaw na marunong magenglish? Ano ka? Huwag ipagyabang ang English mo dahil ang kamatch mo lang sa English ay isang Batang Americano o Briton pagdating sa pagsasalita. 'Wag mong ipagyabang ang isang lenguahe na AUTOMATIC lang sa ibang bansa. Pilipino ka! Pilipino! Hindi isang Americano kaya huwag magkunwaring isa kang foreigner. Ang iba nga dalawang taon lang sa ibang bansa at kapag nakabalik na sa Pilipinas akala mo kung sino silang nagpifeeling foreigner na halatang halata naman ang tunay na dugo, isang Pilipino. Hindi masama ang magEnglish basta wag lang itong gagamiting basehan ng pagkatao ng isang tao at 'wag gagamitin laban sa taong hindi marunong sa lenguaheng ito. 'Hwag mong tawaging BOBO ang isang taong hindi marunong mag-English, dahil kung iyon ang tawag mo sa kanyan, isipin mo muna ang iyong pinagmulan, tiyak kong isa o mas marami pa sa linya ng lahi mo ang hindi marunong mag-English. Parang nilahit mo na rin ang ilan sa ating mga bayani na hindi marunong mag-English.