Bawat araw na nakikita kong pagod ang asawa ko at nagsasabing ayaw na niyang magtrabaho, lalong lumalakas ang pagnanasa kong kumita ng 100,000 Pesos monthly sa internet. At magmula ngayong araw na ito iyon na ang makabago kong target. Nagset up ako ng isang blog na kung saan nandoon lahat ng mga log at story ko tungkol sa adventure na ito. Nandon lahat ang listahan ng mga ginasta ko na para ma-achieve ang goal na ito, at posible ang kumita ng 100K monthly. January 05, 2011 magmula sa araw na ito triple na ang pagtatrabaho online. Ilalabas ko ang blog na iyon sa January 05, 2012. Dahil sa January 05, 2012 ang target date kong date para ma-earn ang 100k monthly. So far, around $10 palang ang daily ko bilang sideline at ang mga kinikita kong iyon ay hindi ko muna winiwithdraw, lalo ko muna itong pinaparami. Ang pinakasusi ko maliban sa Google adsense ay nakapaloob lahat sa blog na ginawa ko last month, ang http://panalongpinoy.blogspot.com na plano kong gawing .com sa loob ng ilang araw.
Kapag ginusto ko ang isang bagay at ginawan ko ng paraan, makukuha ko ito ng buong buo! -- chayd
No comments:
Post a Comment