Monday, May 16, 2011

Pansin mo?

Pansin mo ba na mas madalas tayong huminto para hintaying makatawid ang mga cute na cute na sasakyan sa pedestrian lane? Hindi ba't dapat sila ang huminto para sa atin at ng tayo ay makatawid? Ang masama pa nito kapag sinunod mo ang tamang paggamit sa pedestrian lane at muntik ka ng masagasaan ikaw pa ang sisigawan ng busina ng sasakyan.



Napansin mo ba ang sinulat ni Bob Ong sa libro niyang, Ang Paboritong Libro ni Hudas na may nasusulat na:
<&> Nag-iinterview ako ng mga sikat.
<==> Tapos?
<&> Nagbibilang ng top hits!
<==> Mga Kanta?
<&> TAMA! ANG GALING, AH!
<==> Gusto ko 'yan e. Hehe...
<&> Kewl!
<==> May baon ka bang mga CD?
<&> Ako pa! Ano'ng gusto mo?
<==> Meron ka bang Josh Groban?
<&> Eksakto! Kaso lang Pirated...
<==> Bakit ka naman bibili ng original!!!
<&> Oo nga e, 400 pesos...ano ko, bale?!
<==> Diyos ba s'ya?
<==> BWAHAHAHAH
<&> Hahahahhaha!!!

<--------------------------->
E kung palitan kaya natin:

@ Trabaho?
% Wala po tambay lang, mambabasa lang po ng kung ano ano.
@ Anong mga binabasa mo? Playboy?
% Di po mga librong gawang Pilipino.
@ Gusto ko yan! May Libro ka ba ni Bob Ong?
% Wala po eh, dinowload ko lang po sa internet naka PDF. Nasa Flash Drive ko po.
@ May Ebook siya?
% Opo.
@ Nagbayad ka para idownload yan?
% Hindi po, iniscan lang kasi yung mga libro niya at kinompile kaya humingi na lang ako ng kopya sa ka chat ko at binigay yung download link. Ano ako bale?! Tig 150 kaya ang mga libro niya.
@ Bakit Diyos ba siya?
@ Bwahahahahah
% Aheheheheh!

No comments:

Post a Comment