Daily Chaydoscope
For Scorpio Only
Mamalasin ka ngayong araw na ito dahil sa pagbabasa mo ng Chaydoscope na hindi naman para sa iyo. Makikilala mo ngayong araw na ito ang magiging kabiyak ng kapitbahay ng taong nag-abot ng bayad mo sa jeep last March 23, 2011. Eksaktong 29,000 na pagkurap ang magagawa mo sa araw na ito, dapat sana mawawala ang wallet mo kanina, pero ang dapat na sanang mandukot ay nalate sa pagsakay ng jeep. May tao ngayon sa likuran mo at ooopppsss! huwag mo ng tignan, kakaalis lang niya. May makakasalubong kang naka-White Shirt ngayong araw na ito, at siya ang magiging bayaw ng kapitbahay mo. Ang makikita mong pang-pitong tao ngayong araw na ito ay may P687.50 sa bulsa.
No comments:
Post a Comment