Wednesday, November 28, 2012

Be careful what you wish for

If you remember na kumita ako dati sa internet at nakapagpatayo ng internet shop, nagpagawa rin akong dalawang fishball cart at kumuha ng magtitinda para dito, isa sa mga nagtinda ko ay nasa kulungan na ngayon, isa siya sa mga matalik kong kaibigan na halos lahat ng tao ay ayaw sa kanya and against sila sa pagkakaibigan namin, dahil sa kilala siya bilang labas pasok sa kulungan, magnanakaw daw siya, sa paningin nila, sa paningin ko isa siyang tao na kailangan rin ng kaibigan at kung iisipin sa lahat ng mga naging kaibigan ko, siya ang totoong may pakialam sa akin at may concern, If I’m a millionaire, kaya kong iwan ang bahay sa kanya na nakabukas ang maleta na may isang milyong piso, ganoon ako katiwala sa kanya. Yes, I admit na naging thief siya, but that doesn’t mean na thief na siya forever, I don’t judge him, ang tingin ko sa kanya ay kapantay lang ng tingin ko sa mga taong banal ang imahe sa kapwa nila tao. And besides lahat naman tayo naging thief, if you’re an employee and reading this and you’re not supposed to browse on the internet while working, guess what? You’re a thief too, you’re stealing some time, and stealing is stealing, sin is a sin. There is no small and big sin, stealing a 25 centavo and stealing a million has no difference. Pero ulit, nasa attitude yan, doon tumitingin si God. That’s just the summary of my first fishball vendor. Now, let’s talk about the other vendor. Noong una, malaki ang kinikita niya, malaki rin ang commision niya. Then, after a few weeks, akala ko HIT ko na ito sa fishball business, nagsimula siyang malugi, laging kulang ang mga benta niya at ang lugi niya ay mas malaki pa sa dapat na maging commision niya, kalmado lang ako kapag kausap siya, although not happy about it, I still give him atleast P200.00 kahit lugi ako just to pay his effort. Now, naging araw araw ay ganyan, I’m not earning anymore, siya na lang ang kumikita. Okay pa rin, still giving him a chance. One night nagtext siya, pahinga na daw muna siya. Ayaw na niya. 2-3 days later (di ko maalala). Naglilinis na siya ng sarili niyang kawali, nabalitaan ko na nagpapagawa na siya ng sarili niyang pisbolan, nalulugi at hindi kumikita ang binabalita niya sa mga tao, at maliit daw akong mamigay ng commision, (P300-P400) noon di pa siya nalulugi, and I earn about P100-200 lang, kapag nalugi siya wala pa ako, sayang ang effort ko na pagluluto ng sauce at pamamalengke. Sa lahat ng hindi kumikita siya lang ang nakapagpatayo ng sarili niyang negosyo and I’m furious. Galit na galit ako, pero right niya yon, although there rumors na kumukuha siya ng mga extra fishball sa bahay na patago, hindi ko siya kinonfront para sa isang away. What I did is wait for him na makapagtinda ng pansarili and planuhin na ibagsak siya. All I want is for him to fail. I wanted to punch him, beat him and burn his fishball cart pero di ko magawa. Few months later, ako bumagsak, wala ng nagtitinda sa dalawa kong cart. Pinarent ko na lang, and unfortunately mahina na daw dahil bigla na lang dumami ang mga nagtitinda, until na huminto na ang mga nagrerent at binenta ko na ang fishball cart kong isa. Then one day, bigla kong nabalitaan na ang dati kong vendor, ay nalulugi na, bigla na lang siyang huminto, nagtago dahil sa utang. I should be happy dahil yon ang gusto kong makita, ang bumagsak siya, pero hindi ko naramdaman iyon. Ang naramdaman ko ay kalungkutan and I even wanted to cry for him. One thing I realized, that guys has no mother and father, although may kapatid siya, he’s lonely, iyon lang ang ikabubuhay niya, and bagsak na siya at may utang pa, I even felt guilty na ako ang dahilan kasi kung bakit nasa sitwasyon siya ngayon, kung hindi ko siya kinuha na magtitinda, edi sana nananatili siyang basurero ngayon at hindi nagtatago, kaysa naman ngayon ay wanted siya sa mga pinagkakautangan niya. So, totoo pala na BE CAREFUL WHAT YOU WISH FOR. Hindi rin masaya kung ang ninanais mo ay para sa ikababagsak ng isang tao. I wish he could find a better job na ika-aasenso niya. Kung umasenso sana siya sa pagpifishball, somehow although I know he will not admit it, nasa subconcious niya na umasenso siya dahil sa aking tulong.

No comments:

Post a Comment