Friday, June 3, 2011

Facebook like is their Favorite TOOL!

Facebook Like is one of the best tool when you can’t really say anything to the poster. English yan ha! Astig! Minsan sa sobrang TANGA ng mga friends mo, kahit ano na lang ang ipost mo nilalike nila.

“Guys namatay ang TITO ko kagabi” – 1 Person Like this! – Akala siguro ang LIKE button ay isang senyales na pakikiramay.

Hindi ba nakakahiya kung ikaw yung nakalike doon? Namatayan na nga ang tao, Like mo pa. 

Madalas ko ring makita ang mga tanong na may LIKE.

“Ano kaya ang magandang gawin ngayon?” 2 People Like this – Ang alin? ang question?

“Ano ba ang ibig sabihin ng LOVE?” 2 Morons Like this.

Madalas rin kahit mga walang kwentang post may like pa rin!

“hehehe!” 3 People Like this

At ito ang pinakamatindi sa lahat!

Isang JEJEMON o mas tanga pa sa JEJEMON ang nagtype ng “Hehehehe”, ilang minuto lang, may like na, siyempre ang unang maglalike ay ang sarili niya, e JEJEMON nga eh! So dahil busy ang apat niyang friend sa kakasagot sa mga BOT sa Yahoo Messanger, hindi nila napansin ang napakagandang post ng kaibigan nila, wala tuloy nagcomment. Para magmukhang may nagcocomment siya sa sarili niya ng “AJEJEJEJE” pampadagdag points para mapansin ang post na tanging mga HENYO lamang ang makakapagpost, at di pa nakontento, ilalike pa niya ito para mas mukhang ASTIG!

This Post was inspired by my Friend’s Post: Karl Andrew Castillo

How to show your narcissistic side in facebook? This is how.
                ‎1st step: Comment on your own status
                ‎2nd step like your own status
                ‎3rd step, like your comment on your status
                4th step... wait for someone to like your status... before doing the 5th step.
                If no one likes your status. You WIN!


No comments:

Post a Comment