Friday, June 3, 2011

Sapangbato New Catholic Church

Lumaki ako bilang isang Katoliko. Lumaki na naglalaro sa Puting Simbahan ng Sapangbato, isang lugar na tinuturing kong paraiso noon bata pa ako, isang lugar na nagpapaalala sa akin ng aking kabataan ngayon. Hindi ganoon kaperpekto ang simbahang iyon, isa naman itong MEMORABLE place sa halos bawat tao sa Sapangbato. Hindi ko alam kung ilang taon na itong nakatayo pero gusto ko sanang manatili ito hanggang 100-200 taon, kahit wala na ako. Hindi mahalaga kung ano ang gusto ko dahil hindi naman ito mangyayari kasi hindi naman ako ang may hawak ng kinabukasan ng simbahang minsang itinuring kong Sagrado at Paraiso. Isang araw na napadaan ako, nakita ko na nirerenovate ang simbahan at unti-unting nawawala ang mala-ANTIK nitong itsura. Unti-unting nawawala ang alaala ng aking kabataan sa lugar na iyon, PROGRESS sa iba. Sa akin hindi. Siguro paniniwala ng nagpagawa at mga sumang-ayon na ayusin ito dahil TAHANAN ITO NG DIYOS (TAHANAN nga bang ng DIyos o Bahay ng PARI?), Siguro kung may tatambayan man ang DIYOS, tinitiyak kong mas tatambay siya sa mga TAONG NAGWOWORSHIP sa kanya at nagpePRAISE, hindi sa mga parang nagmemeeting lang at bawat galaw ay parang nakaprogram lang.

Thus saith the LORD, The heaven [is] my throne, and the earth [is] my footstool: where [is] the house that ye build unto me? and where [is] the place of my rest? -- Isaiah 66:1

At nawala na ngang tuluyan ang simbahang may sentimental value sa akin. Although I’m not a big fan of POPE and His Hail Marys, nasaktan pa rin dahil di ko na makikita ang dating simbahang nagpapasaya sa akin.

No comments:

Post a Comment