Wednesday, July 13, 2011
The Adventure of PhilPlans Free Insurance
Thank God there's an internet, bloggers and social networks. Today I got a call from Ms. May Chua about my free Philplans Insurance and all I need to do to claim the certificate is to go to their office and confirm that I am who I am. So sabi ko " Paano ako magkaka insurance sa company niyo eh di naman ako nag-apply." sabi niya may nagrefer daw sa akin pero ayaw naman nilang sabihin kung sino, malalaman ko rin daw kapag nasa office na nila ako. Too good to be true di ba? Isipin mo kapag na accident ako may benefits ang mga anak ko at kung sino pa ang ilalagay kong beneficiary na wala akong binabayaran. Free? ano ba ang mga free sa panahong ito? Sigarilyo nga lang na tig dos di ka pa malibre ng kaibigan mo tapos insurance pa? Sa mga mall nga ang mga pagkaing FREE Taste eh halos ayaw pa nilang i-libre, lalo na kapag mukha kang patay gutom at lalapit ka sa booth na may nakasulat na FREE TASTE, kapag napansin ng nagpapafree taste na mukha kang matakaw at makapal ang mukha eh kunwari may ginagawa siya at di ka napapansin, ganon nangyari sa akin nung may Free Taste ng QUARTER POUNDER sa McDonalds (Naniwala ka naman?). Back to Philplans adventure, so nagcommit na ako na kukunin ko mamayang after lunch, pero uuwi muna ako para kumain at iuwi ang mga bitbit ko. Medyo kinakabahan ako baka kasi entrapment lang iyon dahil sa pagpatay ko sa tatlong driver na nagbababa ng pasahero sa mga sign na may NO LOADING and UNLOADING (Naniwala ka nanaman, anyway ibang istorya iyon at di ko sila pinatay, ipapahamak ko lang sila, LOL). May isa nanamang tumawag nang malapit na akong makauwi, ibang number at ibang pangalan, pero SAME VOICE, kaya ko rin kaya ginagawa nila, ibaba ng konte ang pitch ng vocal cord at kumbinsing na sa mga taong mahina ang memorya. Di ako mapakali dahil isipin mo na lang maaksidente lang ako at may benefits na ang tatay ko, nanay ko, ang dalawa kong anak at ang asawa ko. Iniisip ko kung nasa 500,000 din each ang benefit why not grab it and wait for a few days at magbabike ako pababa nang Sapangbato Bridge at bigla akong tatalon at gagawin ko ang lahat para mabale ang kaliwang kamay ko nang may tig 500,000 ang mga mahal ko sa buhay, pero dahil maduda ako sinearch ko muna baka kasi masayang lang ang kaliwa kong kamay kung peke lang ang insurance. Malaking Salamat sa INTERNET at sa mga BLOGGER dahil DITO >>> DITO DITO NGA! CLICK MO! at dahil DITO nalaman ko na strategy lang pala nila iyon para lalo akong malunod sa utang. At isa pa nasa likod ko ang girlfriend ng kapatid ko na dating trabaho ay ganoon din, ang mag LURE ng mga taong may CREDIT CARD gamit ang mga matatamis na salita at promos. Mag-ingat din kayo!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
in every business, it comes with a strategy bro. I bought a package from this insurance company and they give me the free 25k worth insurance na sinasabi mo. they do have promos and matatamis na salita, alangan namng siraan nila sarili nila habang nagbebenta. its all up to you, you want it then go grab it in a legal way. you dont want then just ignore. have a nice day dude.
ReplyDeletetaga insurance company siguro tong anonymous April 25, 2013 hahaha! ung dipensa mo pre masyadong halata sarap mo upakan
ReplyDeleteGot a call from philplans too.sinabi ko n nga na di ako interesado kasi my insurance na kami makulit parin.sabi ko nga kung free din nman,ibigay nlng sa iba.baka mas kailangan pa nila
ReplyDeleteSales Counselor ako ng Philplans since 1994. Lahat ng personal insurances naming mag asawa at lahat ng tatlo naming anak (sa ngayon tapos na ang panganay, 3rd college and second and 2nd college and bunso) ay may Educational Plans. Ganun din iba kong friends and relatives ay planholders din ng Philplans and we/they are reaping the benefits now. But regarding nga sa scheme ng mga unscrupulous na mga taong ito, walang kinalaman dito ang company. Sa tinagal tagal ko bilang sales counselor ngayon ko lang na encounter na meron din palang ganitong scheme ang iba. Nakakalungkot at di nakakatuwa bagkus nakakasira sa magandang pangalan at performance ng company. Ganunpaman, dapat doble ingat lahat ng mga tao. Kahit nga yung isang legitimate na HMO (caritas) saksakan din ng dami ang mga ganitong scheme. nakakaawa lang din ang mga taong hindi naman ready kumuha ng insurance pero dahil sa matatamis nilang dila ang napapa oo agad sa loob lang ng ilang minuto gamit pa ang credit card. Kaya dapat kung balak din lang ninyo kumuha ng mga insurances ay sa mga kilalang agent na kayo kumuha or better yet magsadya nalang sa office ng insurance company na preferred nyo.
ReplyDeleteDapat po bantayan ng company ng Philplans yan kung ayaw nila masira.kc ung philplans ang ginagamit nila.
Deletehello ma'am is it true na pati and CARITAS fake din po? kasi meron din po akong Insurance plan doon... almost a year na po akong nagbabayad
DeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletePhilPlans: 5th flr., E.S Clemente Bldg., Shanum St., corner Otek St., corner Lake Drive, Burnham Park, Baguio City.(near Benguet Inn/Orchidarium) Kindly look for Mr. Luis Ibañez & present this Claiming Code ICG071395FD together with your required id's. -Ms. Abie Raya. Thank you ma'am and God bless! - good evening, naku buti nalang at nagsearch muna ako. Nakapagcommit nako na pupunta bukas, haha...ang sakin naman sinabi ko wala ako credit card pero sabi ni ms. Abie dalhin ko daw check book ko for verification...kaloka, anyways thanks guys...change plan nako ng lakad mas safe pa...lol
ReplyDeletePhilPlans: 5th flr., E.S Clemente Bldg., Shanum St., corner Otek St., corner Lake Drive, Burnham Park, Baguio City.(near Benguet Inn/Orchidarium) Kindly look for Mr. Luis Ibañez & present this Claiming Code ICG071395FD together with your required id's. -Ms. Abie Raya. Thank you ma'am and God bless! - good evening, naku buti nalang at nagsearch muna ako. Nakapagcommit nako na pupunta bukas, haha...ang sakin naman sinabi ko wala ako credit card pero sabi ni ms. Abie dalhin ko daw check book ko for verification...kaloka, anyways thanks guys...change plan nako ng lakad mas safe pa...lol
ReplyDeleteThis is Angel Tuazon of the Philplans office. Your FREE Accident Insurance Certificate Worth 25,000.00 is already available for claiming today __ from 9am to 5pm in our Baguio Office. Exact address is at Phil plans office 5th floor E.S. Clemente Bldg. Otek St. Baguio City. Near Orchidarium. Kindly present this claiming code ..... Look for MR. LUIS IBANEZ.... ...
ReplyDeleteHere's the other info for claiming your certificate..PHILPLANS ofc. is located @ angeles buss. center nepomart complex beside's PHILHEALTH & PAG IBIG ofc.Teresa Ave.Angeles city pampanga.kindly present your claimingcode (EJMSR2681FD)upon claiming & kindly look for Mr.Rene Guevarra/Mr.Prince Sañosa.thanks & godbless-Ms.Noreen
ReplyDeleteHay salamat at nagsearch muna ko bago maaksaya oras ko.
Did you go here?
Delete3rd/F ali mall cubao beside Union bank and in front of cinema 1 same story but has to bring credit card or checkbook for verification purpose. Doesn't Philplans main office check on this or they really allow it for sales purposes. They must have allowed it since dami na such office nationwide.
ReplyDeletePhilPlans: Ground flr. D.T.I. Bldg. Nepomart complex, Angeles business center, Theresa Ave., Angeles City, Pampanga. (Beside Pag-ibig & Philhealth office. near NepoMall) Kindly look for our Releasing Manager Mr. Rene Guevarra or Mr. Prince Sañosa and present this POLICY NO. ICG071395FD together with your required id's. Thank you ma'am and Godbless -Ms. Abie Raya.
ReplyDeleteKaloka.. I have an appointment with them tomorrow morning.. I am a plan holder for 14yrs.. Pero 1st time ko makareceive ng call from PhilPlan un nga saying I was chosen to receive a free Accidental Insurance as loyal planholder. In doubt ako nung sinabi nilang bring 2 valid IDs, credit card or check book.. I asked them why do they need my credit card for verification daw. Hay nagdadalawang isip na tuloy ako to terminate my plan sa mga naririnig at nababasa ko about this scam.
may tumawag din po sa akin ngayon lang and may appointment din ako bukas to claim the said insurance, so talagang modus lang ito?
ReplyDeletemeron po ba dito sa blog na ito ang nakapunta mismo para magclaim at napatunayan na hindi sya totoo? not that i am fully believing PhilPlans and not believing you all.... i just wanna know more about this sana may makapag reply with solid proof bago man ako makapunta doon... may na fill up pan kasi akong insurance before and na recall ko na parang promo din yun noon... so may part sa akin na takot din dahil sa mga blogs ninyo good thing and thankful din ako sa mga testimonies ninyo...... sana may mag reply po sa blog na ito sa akin...
ReplyDeleteMay call din ako kanina and same lang sinabi nila sa akin. Hesitant na ako pumunta nung nalaman ko na nakuha lang pala nila number ko from referral(napakasegurista ko in giving my number kung kanino lang). Magduda na agad or magtanong tanong muna before sumugod sa mga libre. Ahaha. Tapos maghapon sila tawag ng tawag dahil nakapagcommit kana na pupunta ka. Saan ka nakakita ng prize na kaw pa kukulitin na iclaim. Ignore na lang mga ganyan. Yan ikinabubuhay nila, hayaan naten sila mabuhay sa maling paraan at lamunin ng konsensya.
ReplyDeleteI got the same calls from Philplans for a free accident insurance certificate but I turned them down since I've been I'll for a week. Fortunately, I read your blogs that helped confirmed my hunch that it's a scam or deceptive promo.
ReplyDeletePero bakit hindi nila marefund considering im cancelling it on the same day it was processed? Oo mjo tanga ako nung pinirmahan ko. Pero bakit hindi pwedeng irefund?
ReplyDeletePhilplans Pampanga located at Nepo Mart Compex Business Center Groundfloor of DTI bldg. Teresa Avenue beside Philhealth and Sss. Kindly Present your Policy number: EJM110180360 together the required id's. Look for Mr. Rene Guevarra or Mr.Prince Sañosa Branch Managers. Thank you and Godbless! YAN DIN MESSAGE SA AKIN +639268576907
ReplyDeletePhilPlans: 2nd flr., S & P North Bldg., Mc Arthur Highway Nancayasan, Urdaneta City.(infront of CB Mall, near SM Urdaneta). Kindly look for Mr. Eldwin Muñoz or Mr. Patric Paguyo & present this POLICY #: EJM082097FD together with your required id's. Your response is highly appreciated. Thank you!
ReplyDelete- Ms. Venice Garcia
june 5 2019,bago to same lang tinawagan asawa ko pinapapunta sa nepo complex angeles branch,buti nlang nag research ako at snabi ko wag na ituloy ang pangpunta..mabuti na sigurado kaysa maabala pa .saka wlang libre nngayun..bat sila magbigay ngf free insurance wlang ganun sa mga insurance company.
ReplyDeleteMeron din akong call kahpin pinapunta ko to claim my certificate at magdala daw ako ng valid id at company id.. Buti nalang nabasa ko to.... Masasayang lang pala oras ko
ReplyDeleteThank you for your time Mr.Jonathan Daza.Here's the other info for claiming your certificate..PHILPLANS ofc. is located @ angeles buss. center nepomart complex beside's PHILHEALTH & PAG IBIG ofc.Teresa Ave.Angeles city pampanga.kindly present your claimingcode (EJM0001FD)upon claiming & kindly look for Mr.Prince Sañosa/Mr.Rene Guevarra. thanks & godbless.
ReplyDeletePhilPlans: G/f D.T.I. Bldg. Nepomart Complex, Angeles buss. center, theresa Ave., Angeles City pampanga. beside Philhealth & Pag-ibig office.(near NepoMall) Kindly look for our Releasing Manager Mr. Prince Sañosa or Mr. Rene Guevarra and present this Claiming Code: ICG071395FD together with your req. id's. Thank you ma'am and Godbless!
ReplyDelete-Ms. Abie Raya.
I got a CAll din regarding free insurance hindi na kami tumuloy.
Hello po, ako po na biktima nito lang august 10,2019... na swipe nila credit card ko... ano po paraan para ma cancel ko? Sb ko pag aralan ko muna, nakuha ako sa matamis nila salita... at sabi kc one day process lang kaso kasali daw ako sa lucky winner...
ReplyDeletehttp://scamphilplans.blogspot.com/2012/06/guys-hwag-kaung-pumunta-kapag-may.html
ReplyDeleteI don't think you guys understand the meaning of scam, look guys!! did they get your money? and then disappear that you can not find them?. Please visit the office sometime to know the company. If they offer their plans and you think it's good enough and you could afford it then grab but if you don't like then just tell them and the door is wide open they won't force or scam you there and if you think it's a scam then call the police it's just right behind the building..you guys need to think twice the company offers a good benefits and if you wanna know more go directly to the office and inquire..God bless.
ReplyDeleteScam- a dishonest scheme; a fraud.
Deletesynonyms:fraud, swindle, fraudulent scheme, racket, trick, diddle;
Now the Trics: nanalo po kayo sa raffle sir, punta kayo sa philplans office with this code "bla.bla..bla..." para makuha nyo, then.. ladies and gentlemen the catch - bili muna kayo ng insurance para makuha ung napanalonan na insurance na may coverage of 25,000 pesos, sa totoo lang mabibili mo ung insurance na may coverage na 25,000 sa halagang 25-50 pesos so lugi ka sa pamasahe, pag gasolina, etc. kung ibibigay man nila un kahit di ka bibili ng product nila? mag wala ka muna sa office nila para ibigay nila kahit di ka bumili ng product nila.
Sa mga na tawagan, anong banko niyo? Kasi pano nila na laman na mga mga credit card at cheque books tayo? BDO sa akin, share lang. Lols. Pero Di na ako nag punta since nabasa ko to.
ReplyDeleteButi nalang nahanap ko ito. Tinawagan din ako nito yesterday. Nabunot daw ako sa raffle nila. Naniwala naman ako kasi I remember last Aug nagfillout ako ng form sa kanila sa Ali mall cubao. Pero medyo nagtaka na ako nung tinanong kung may credit card ako for strong verification daw. Medyo red flag na sakin yun. Tapos nagtext pa sakin ng confirmation code and inemphasize na wala daw bayad. Based sa mga nabasa ko mukhang scam nga. Di na ako pupunta bukas. Thanks sa blogpost na ito.
Delete