Tuesday, July 19, 2011

Understanding Networking: MLM vs My Job

4 years VS Few Months

4 Years sa trabaho, Fixed na sweldo. 4 Years na di nawawala ang utang at 4 years na paulit-ulit lang. Ultimong gatas para sa mga anak kong kambal ay uutangin pa. Diaper, kailangan pang magsangla ng kung ano ano. Sure na ang kita ko niyan, 15 at 30 ng buwan. Pinasok ko ang MLM habang nasa trabaho pa ako at pang-ilan buwan ko pa lang sa MLM Marketing ay nakabili na ako ng mga gamit na kailanman ay hindi ko mabibili kung mananatili akong empleyado, ilang buwan ko palang sa MLM pero nabayaran ko na ang mga utang ko sa trabaho at marami na rin akong naipundar na mga gamit. Samantalang sa pagiging empleyado ko ay pinoproblema ko pa lahat ng gastusin. Totoo rin na kapag kapos ka sa pinansiyal ay madaling uminit ang iyong ulo at madaling makapagsalita ng mga bagay na di mo sinasadya. Noon, ayaw na ayaw kong pag-usapan ang usapang pera. Nang pasukin ko ang mundo ng Networking, Gustong gusto kong magplano at ayusin ang mga problemang pang pinansiyal. Tanging ang BOSS ko lamang ang yayaman sa aking pagtatrabaho kung mananatili akong empleyado. Totoong mas maganda ang may trabaho kaysa sa wala, pero isa-isip rin na ang pagtatrabaho ay napakaliit lang ng tsansa para magkaroon ka ng maginhawa at kontentong buhay at lumaya sa pinansiyal na problema, aasenso ka lang sa trabaho kung nakakaTIPID ka, Nakaka-ipon ka,  nagbabudget ka at mamumuhunan ka. Paano kung mismong sahod mo ay di pa rin sapat? paano mo magagawa ang mga bagay na ito? Karamihan sa mga Pinoy ay imbes na matuwa tuwing araw ng sahod, sila ay namroroblema at nagrereklamo, iyan ang napansin ko sa trabaho ko dati at sa pagsakay sa jeep habang naririnig ang mga kasakay na empleyado sa ibang kumpanya na nagrereklamo at pinag-uusapan ang utang. Isipin mo ba namang mga call center agents na nasasabi pa nilang "wala na akong pera!" iyan ang narinig ko nung isang araw pagsakay ng jeep. Kung iisipin mas mataas ang sahod ng mga Agents kumpara sa mga regular na manggagawa lamang.

Masipag, susi nga ba?


Oo, susi ang kasipagan kung alam mo itong gamitin. Pero kung hindi, mananatili kang masipag na naghihirap habang buhay. Ang magbabalot ba masipag? Mayaman ba siya? Ilang taon mo na bang nakikita ang magbabalot sa lugar niyo? Magbabalot pa rin ba? Nagtitinda ng Sigarilyo sa kalye, o mas kilala bilang "Takatak" sa Pampanga, Masibag di ba? may yumaman ba na nagtitinda lang ng sigarilyo? Construction Worker? Masipag? Oo siyempre, ilang taon ng construction worker ang tatay ko pero construction worker pa rin siya, gayunpaman naitaguyod niya kami hanggang sa lumaki ng maayos at malusog. Pero, mananatili na lang ba kami na TAMA o sakto lang ang kabuhayan? Hindi dapat. Kaya narito ako at naghahanap ng paraan para  paglaki ng mga anak ko ay hindi na nila kailangang maghirap at maging empleyado, gusto ko silang matuto bilang mga Negosyante. Mag-aaral sila hindi para magkaroon ng magandang posisyon sa isang kumpanya, gusto silang mag-aral para magkaroon sila ng SARILI nilang KUMPANYA. Sabi ng iba, ok lang na magtrabaho ng magtrabaho basta sa malinis na paraan. Hindi ba't pwede rin namang Magnegosyo ng magnegosyo sa malinis na paraan?

Ok na ako sa buhay na ganito ayaw ko namang yumaman!


Hipokrito ang taong nagsabing ayaw niyang yumaman lalo na kung nakikita mo siyang nakapila sa mga Lotto outlet. Ang dami kong nakatrabaho na nagsasabing kuntento na sila sa buhay nila na ganoon, pero nakikita ko rin silang tumataya ng Jueteng at Lotto, may kontento bang umaasa sa Jueteng at Lotto? Lahat ng may problemang pinansiyal ay HINDI OK!

Malaki nga ang sahod may natatabi ba?


Kahit gaano pa kalaki ang sahod mo, kung ang gastos mo ay halos pareho lang sa sahod, wala rin! Kahit gaano kalaki ang sahod mo kung wala ka namang savings, wala rin!
Si Juan ay sumasahod ng 60,000 a month pero walang naitatabi. Habang si Pedro ay sumasahod lamang ng 8,000 a month pero nakakapagtabi ng 750 monthly at dinedeposit niya ito sa bangko, mas malaki ang tsansa na umasenso si Pedro kaysa kay Juan. Sa mentalidad pa lamang ay kitang kita na. Hindi sapat ang pagiging matipid kung wala ka namang naitatabi. May silbi lamang ang pagtitipid kung ang dahilan mo ay pag-iipon para pagdating ng araw ay makapamuhunan ka. Mag-ipon para sa iyong pagtanda. Isa-isip ang iyong pagtanda para pag-matanda ka na hindi mo na kailangang umasa sa mga anak mo at mahal sa buhay, ikaw mismo ay kaya mong sustentuhan ang sarili mo.

Bayaran mo muna ang iyong sarili!


Paano ka ba makakapagtabi ng pera kung ang sarili mo ay di mo kayang bayaran? Ganito ang mas magandang gawin. Kung ang utang mo sa iba ay nababayaran mo, utangin mo ang iyong sarili pero 'wag mong kukunin sarili mong pera. Kunwari may utang kang 1,000 sa sarili mo at ang paraan lamang para bayaran ito ay magbukas ka ng Savings account at doon mo ideposit. Kada-sahod bayaran mo ang sarili mo ng 500 (Kung kinsenas ka nagsasahod). Maghanap ng bangko na may mataas na offer sa compound interest. Kung ang makita mo ay nangangailangan ng 2000 initial deposit at magsesave ka ng 1000 kada buwan at may annual interest na 3%, sa loob ng 15 years ay may Php230,107.55 ka. Kung di ka magsesave sa palagay mo after 15 years may ganyang halaga ka? Kung 20 years naman ay Php331,943.5 o di ba? 20 years kang magtatrabaho at biglang magreretiro matatanggap mo ba ang ganyang kalaking pera? Php331,943.5 kaya mo nang buhayin ang sarili mo nang hindi umaasa sa mga anak mo.

No comments:

Post a Comment