Nung nasa Mid-Entry ako, ang unang
network ko, nahirapan akong magpa-pay in dahil ang center ay nasa Tarlac pa, at
nasa Angeles ako, may mainvite man ako, tatamarin ring pumunta, at ang Company
na ito, dati na palang may Center sa Angeles lugar namin pero nagsara lang.
Hindi ko rin alam na ang Company na pinasukan ko ay may sampung taon na pala sa
Pilipinas, Sikat na. Proud naman ako dahil akala ko malaking puntos iyon para
lumaki ang team ko(and yes! Maganda rin naman na ang Company mo ay sikat at mapagkakatiwalaan na), ang problema, karamihan pala ng mga networker mas gusto
nila ang tinatawag na PIONEERING STAGE. Gusto sila ang nasa taas para mas
malawak ang market nila. After a few months of rejections at hirap na pabalik
balik sa center just to Re-purchase at ang mahirap pa dito, akong mag-isa lang
at ang upline ko ay nasa Abra, ang layo non sa Pampanga, I finally decided to
give up and look for another MLM Company na fresh pa at may kateam talaga ako
na makakatulong, Isa sa mga kabanda ko dati ay nasa pareho pala kaming
industry, Networking. Gusto niyang ilatag ang Marketing Plan ng Company niya,
kaya naman I decided to attend their BOM sa McDonalds sa Dau. Magaling ang pagkakalatag pero
iisipin ko muna sabi ko, although hindi ko naman talaga iisipin. Ayaw ko in other
words .
Naglalakad ako sa Angeles when one cute lady handed me a flyer at tinext ko
naman ang number na nakalagay sa flyers, instant! Bukas daw meet kami at ang
hindi niya alam magpe-pay in na ako. Ready na akong sumali dahil bago ko pa
siya tinext inaral ko na sa internet ang marketing plan nila, I just want to
join them dahil gusto ko ang ka-team ko ay nasa area ko lang, nabigla ang taong
magiging sponsor ko, literally ang sabi niya ay, “Nakakabigla ka naman, Sir!”
anong nakakabigla don? Hindi ba kaya nila pinresent ang negosyo nila so that
may mapa-pay in sila, bakit nabibigla ngayon at nagpepay-in ako on the spot?
Kasi hindi sila sana’y na nag-inquire kahapon, na-orient ngayon, pay-in agad.
Obvious eh. Ang isa sa napansin ko ay ang pagiging ARROGANT ng pinaka-upline namin,
he even said MATRIX are SCAM, Stay away from PTC. Alam ba niyang galing sa PTC
ang pinagpay-in ko? Nakikita ko ang kayabangan ng Upline namin, He even use the
WORD GOD kung pakikinggan mo, parang tunay siyang Christian, pero kung
makapag-mura naman tinalo pa si Fred Durst(Limp Bizkit) sa dumi na bibig niya.
Kung ano ang turo ng upline ganoon din ang mga downline sigurado, that’s why I decided
not to follow him dahil upline mismo, sinisira ang industriya ng networking,
kinukumpara pa nga niya ang network namin sa Ibang Network Companies na nagbebenta daw
ng Glutathione at mga sabon sabon. What’s wrong with Soap and Glutathione? Ang daming
taong kumita doon na mas mayaman pa sa kanya.
The
High-Entry Story
Nag-attend
ulit ako ng B.O.M. ng Company ng dati kong kabanda para malinawan ulit ako, may
mga guest na iba at mga babae lahat, mga Call Center Agents daw, may pera sila
siyempre, kaya nilang ma-afford ang taas ng Entry sa Company na ito. The Upline
handed the application form and I ask my upline kung magiging downline ko ba
sila kapag nagpay in na ako, nasilaw talaga ako dahil akala ko magpepay in na
agad ang mga iyon kaya naman inisip ko na unahan na sila. Nag-pay in ako
kinabukasan. Aggressive pa ako sa
pag-iinvite sino nga ba naman ang hindi mag-aaggresive kung halos kulang sa siyam
na libo ang nilabas mo, ininvite ko kahit sino na lang just to impress my team
mates na nag-eeffort talaga ako, although sa likod ng sub-concious ko alam kong
di magpepay in ang mga iyon, kitang kita naman na hindi sila nakikinig. Nalaman
ko na lang nga na ang isa sa mga ininvite ko ay pinagtatawanan ako ng mga
kaibigan niya sa trabaho na dati ko ring mga katrabaho. At siyempre hindi nga
sila magpepay in, hindi naman talaga nila gusto ang negosyo at sarado naman
talaga ang isip nila sa ganitong klase ng negosyo, sabi nga, you can’t force
someone to be someone they’re not. Kung may ine-expect man akong magpepay in ay
iyon ang na-invite kong babae na matagal ko ng kaibigan at ang dami niyang
tanong na kung iisipin mo na talagang gusto niyang sumali kaya siya
nagtatanong, WRONG! Hindi siya sumali, networker ang asawa niya at open minded
naman siya, pero sa laki daw ng Entry, NO WAY!
The Low-Entry Story
Pati
ang pabango na low-entry pinatulan ko at pati ang Personal Collection. I really
want to become financially free. Kaya todo invest ako.
Madalas
kong naririnig talaga ang PIONEERING STAGE sa high entry ko, naisip ko,
pioneering stage nga sila sa area namin ang hirap naman magpapay in dahil sa
laki ng entry, naghanap ako ng isang company na PIONEERING STAGE, at the same
time MURA lang. I found this company na saktong sakto, below P800 ang entry,
Affordable at PIONEERING STAGE talaga at may Center pa sa area namin na
kakatayo lang. Nag-enjoy ako sa Company na ito at ito na ang finocus ko, ang
daling magpapayin at I build ang team, Doctor pa ang Speaker kaya pati sa
product well explained, by text lang may napapapay in ako. Later on, natrained
ako ng husto sa Company na ito na to the point na binabayaran na ako ng Company
para maging Speaker at naging official speaker pa ng Pampanga at naging member
ng Core Group at Core One pa, ang pinakamataas na uri ng Core sa Company na ito,
Ginawa na rin ako ng Company as Representative, lumaki ng lumaki ang team namin,
but since, low entry di rin ganoon kataas ang Pairing Bonus at ang laban ay 2
is to 1, kailangang mo pa ng tatlong tao just to earn P225. Ang dami kong
natutunan sa pag-sstay ko sa Company na ito, dahil habang nandtio ako nagse-self study ako, dito ko rin nalaman ang tungkol sa
mga iba’t – ibang strategies sa pagmamarket. Hindi ko alam na ginagawa ko na
pala ang tinatawag nilang Attraction Marketing sa Company na ito, hindi ko nga lang alam ang
tawag dito ay ganoon. Nabasa ko lang sa mga libro ni Ann Sieg ang Attraction Marketing, Before I even know it, I was actually doing it. Just like ang iba tao ngayon, they don't know what networking is, kapag nalaman nila, ayaw nila, pero di nila alam na they do networking all the time :-).
Sarado
na ang isipan ko sa mga High Entry dahil sa training at turo ng mentor ko, alin
nga ba naman ang mas mabilis pumasok ang tao, sa below 800 o sa 4000 pataas? Iyan
ang mentality na pumasok sa akin. Although focus ako sa Company na ito, may
nanlibre sa akin na taga Saudi at ipinasok ako sa Company na may P2,500 entry,
pumayag ako libre naman at hindi ko naman talaga ito i-wowork out.
Back to Mid-Entry(May focus ba na nagpapalibre? hehe)
Still
focus sa Low entry pero, dahil sa napapansin ko na kahit anong training ang
ipasok mo sa mga NEW BLOOD, kung nabaliw lang sila, at wala talagang panggalaw,
wala rin Commitment eh, malaki nga ang team ko pero nasa 10-15 lang lagi ang
active, ang iba lulubog lilitaw, kasi nga naman magkano lang ang entry walang
commitment, mababa ang entry, mababa ang commitment level ng iba, kaya nilang
talikuran eh. Yung 2,500 na nilibre sa
akin, magmemerge ang Company sa isang bago at Pioneering Stage na Company galing
ng U.S. at ang inuna nilang bansa ay ang PILPINAS, isang Once in a lifetime opportunity, madalas huli ang Pilipinas kapag International Company., at P2,000 lang ang entry. Isa ako sa mga gagawing Founding Member na may 2% profit
share ng Company at ang ganda ng Marketing Plan ng Company na ito, sa ganda ng Marketing Plan,
nilatag ko ito sa mga dati ko ng naka-team sa High Entry at Low Entry. Instant,
Pay In agad. At ang malupit pa dito, ang buong team ng High Entry na pinasukan
ko, itong Mid-Entry na ngayon ang ipofocus nila. Ang daming nagpepay in at kahit hindi ko pa imeet
nagpepay in sila under my sponsor name, May tao na nga ako sa Mindanao, sa Isabela,
Sa Laguna, sa Manila, Nueva Ecija, Tarlac, Bulacan, at ang ginagawa ko lang ay
magstay sa pamilya ko, at magblog at magtext, ganoon lang. And ito pa ang
malupit may taong ayaw na ayaw na mag-ibang Company sa dati kong Company at
binabawal niya talaga na magkaroon ng Company ang mga members, ngayon ay
Downline ko na sa Mid Entry na napasukan kong ito, ano nga ba ang sikreto ko?
Abangan niyo ang mga post ko or SUBSCRIBE!
After all, hindi naman talaga ganoon kahirap magpa-Pay in kahit anong Company ka pa at kahit anong Entry ka pa,
basta tamang tao lamang ang kinakausap mo at make sure na ang kausap/kachat mo
ay hindi ka nagsasayang ng oras. Nasabi ko lang na mahirap magpa-Pay in sa High Entry dahil sa Mindset ko na mali dati at walang tamang Trainings.
No comments:
Post a Comment