Wednesday, May 23, 2012

PTC EXPOSE: Consider This When Joining a PTC Site

Dati nang panahon pa ng ONBUX, VCBux, DINOBUX, AEBUX, AOBux at lahat ng mga BUX sites o PTC sites, ang dali ng pera, dahil nga naman ang Standard click non ay $0.01 per click at ang referral click ay $0.005 and you can click up to 4 ads daily if you're standard member. Kung may 100 referrals ka, 100 x $0.005 x 4 = $2 daily ang calculation mo, kung 100% magkiclick lahat ng mga Referrals mo, sabihin mo na lang na kalahati lang kita mo at nakaka $1 ka sa isang PTC site at may 20 PTC sites kang pinipindot pindot, may $20 ka daily, noon iyon. At oo nga pala ang mga RR o Rented Referrals ay may bayad yan kada renta mo dati sa 100 Referrals ay marerent mo ng $25 sa loob ng 30 days at may tinatawag na autopay o autorenew ang mga PTC, daily narerenew sila. Ngayon, paano naman kumikita ang OWNER ng PTC site sa mga click mo? DAPAT sa mga ads na kiniclick mo doon sila kikita, pero madalas ang mga ads o nagpapa-ADS kuno ay ang sarili lamang nila, kunwari si PTC1 ay sumali sa PTC2, ilalagay ni PTC1 ang referral link niya sa site niya at kapag nagsign up ka under sa kanya hindi na niya kailangang magrent ng Referrals kay PTC2 dahil may Direct Referrals na siyang nakuha kaka-ads niya sa sarili niyang PTC, usually madali lamang mapuno ng Direct Referral ang isang PTC, iyon ay kung may sarili kang PTC at may na establish ka na kung ano mang site na marami kang tagasunod, just like PINOYDEAL, kahit anong pasukin niya tiyak na maraming magsasign up under him dahil kilala na siya at may mataas ang credibility sa Online Marketing. Kumikita ang mga PTC sites noon sa UPGRADES at mga Iniinvest ng mga Members mismo. May upgrade kasi sa mga ptc which cost $10-$90 and to give you an idea, noong nagtatayo pa ako ng mga PTC at binebenta ito sa mga Foreigners ayon sa kaibigan ko na madalas bumili sa akin, daily daw ay may upgrades na $90, mga sampung upgrades kada araw, at hindi pa kasama ang mga bumibili ng referrals non. So madalas ang mga ADS na kiniclick natin ay hindi mga sponsor yon or nagpapatalastas, ang mga kiniclick noon ay mga sarili nilang referral links, unlike sa NEOBUX at CLIXSENSE na ang mga nagpapatalastas ay mga totoo at siyempre ang mga MEMBERS din ang magpapatalastas.

Again, sa upgrades at pinaparent na referrals kumikita ang mga karamihan ng PTC noon, kaya naman ilang buwan lang ay nagsasara na. Isa pang dahilan ng pagsasara nila ay ang paglilimit ng PAYPAL sa kanilang account at di na makakabayad sa mga members dahil ihohold ng paypal ang pera nila ng 180 days.

Today's PTC rate ay madalas ay nasa $0.001 to $0.005, natuto na sila. Kung gusto mong maging $0.01 ang per click mo, mag-upgrade ka.

Kapag ang PTC site ay may rate na $0.05 pataas at nakikita mo na mukhang legit naman o bigatin ang mga nagpapatalastas, mga well known Companies. I-check mo ang rate sa pagpapa-advertise sa kanilang site and calculate:

Halimbawa: Sa 1000 click ang presyo ay $10, ibig sabihin non lugi pa ang site, dahil ang click pa lang ng isang standard member ay $0.01 na paano kung may 1000+ members ka na? sa click pa lang nila magbabayad ka na ng $10 paano pa ang babayaran mong referral click? Anyway, sa iba pang front lang naman talaga nila iyon o pagbabakasakali na may magpa-advertise.

Pinag-uusapan palang diyan ay $0.01 paano pa kung may site na nag-ooffer ng $0.01 - $0.10? Unless the owner is stupid enough to THINK that someone out there ay may magpapatalastas ng $0.2 to $0.3 per click. Imagine sa 1000 click ng mga members gagastos ang Advertiser ng $200 sa 1000 click lang, edi mag-Google Adwords ka na lang o kaya sa Facebook ka papa-advertise? While sa  CLIXSENSE  at  NEOBUX   na kilala bilang ELITE  and LEGIT sites at mga investors pa talaga ang mga makakakita ng pataslas ay $16 lang ang 1000 Clicks for Standard Ads (30 Seconds). Mga sikat at proven na LEGIT na ang mga site na iyan at tiyak na Milyon Milyon na kinita nila and they only offer $0.001 per standard click and out of nowhere may biglang lilitaw na $0.10 - $0.30 per click. Kung ang mga owner ng site na lilitaw na ganyan ang rate ay hinid nag-iisip, bago ka sumali ikaw naman ang mag-isip. Wala naman mawawala kung sasali ka, tama nga naman, walang mawawala kung walang halaga sa iyo ang kada segundo ng buhay mo. Well, kung may payment proof rin, why not di ba? For sure ang owner ng PTC na iyon ay maraming sobra sobrang pera na pinamamahagi by means of PTC.

Think:
$0.1 per click multiply by number of available ads = Payout
Payout multiply by number of members = More Payout

Assuming:
Upgrade is: $30 you click 4 Ads Daily, you earn $0.4 daily + your referrals click Let's say may 10 referrals ka na lang each one can give you half of what you earn sa sarili mong click, like $0.40 / 2 = $0.2 x 10 = $2 + your own click = $2.4 Daily x $30 Days = $72 / month at ang binayad mo lang ay $30. In just 13 days bawi na ang ininvest mo. Kumusta naman si Owner? Kikita sa mga bagong Member? Dapat nagtayo nalang pala siya ng MATRIX site.




No comments:

Post a Comment