Today, pinadala
sa akin ng Law Office ng Credit Card Company ko ang Final Demand Letter na
dapat kong bayaran ang halagang halos hindi ko naman ginastos, triple ang
patong sa orihinal kong ginamit, no wonder na madaming tao ang nalulunod sa
utang nang dahil sa credit card. Malaki ang problema ko dahil kahit sa
installment na sinasabi nila ay mahihirapan ako at kung babayaran ko man ito,
kailangan maisakripisyo ko ang gatas ng aking mga anak, take note MGA ANAK, I
have 3 kids na pare parehong umiinom ng gatas, at ang gatas ay hindi basta
basta ang halaga, example na lang nito ay ang gatas ng bunso na P183 ang isang
box na hanggang mag-hapon lang, paano pa yung nakalata na, ang dalawa naman na
kambal ay mura nga, P95 nga lang pero 24hrs lang ubos na, nagdadiaper din sila,
vitamins at ang tubig na ginagamit sa pagtimpla ng gatas ay dapat Distilled
Water na may halaga rin siyempre, kumpara sa iniinom namin na purified , isang
container P30 lang, pero ang distilled, isang 6000ML ay P78 na. Hindi pa kasama
diyan ang daily na pagkain namin, how about the yaya na weekly na nagrerequest
ng sahod? Kung may bibili ng Kidney ko siguro mababayaran ku ng cash ang utang
sa credit card, yun ay kung may taong willing na magamit ang kidney ko na puro
pinagbalatan ng 3 in 1 coffee sachet lang ang laman. Anyway, dalawa ang pwede
kong gawin sa sitwasyong ito.
Magfocus
sa Problema
Pwede akong magfocus sa problema at maghapong
magpaputi ng buhok kakaisip sa napasok kong ito. Maging masama ang ugali dahil
sa problemang hinaharap at gawing dahilan ang problema para ipaintindi sa mga
taong paligid sa akin kung bakit ako nagiging masungit at mainitin ang ulo.
Maawa sa sarili ko hanggang maisip ko pa ang ibang mga problema at tuluyan na
akong mapepressure at tatanda ang itsura ng limang taon. Magkakaroon ng puting
buhok at tatawagin itong Lucky Charm. Worst, sisisihin ko ang Diyos sa mga
nangyayari sa akin, maiingit sa ibang umaasenso at sisirahan sila para naman
kahit papaano kung maghihirap sila may kasama akong naghihirap.
Kalimutan
ang Problema at humanap ng Solusyon
Since walang solusyon sa pagtutok sa problema, ang naiisip
kong solusyon ay ang solusyon mismo, ang unang solusyon sa problema, kahit
anong problema pa ito, ay ang pagdedesisyon na sosolusyunan mo ito at doon
magsisimula ang mga susunod mong aksiyon kung paano ito masosolusyunan ng
tuluyan.
Anong aksiyon ang pwedeng gawin
pagdating sa problemang pinansiyal?
Ang
mismong agent ng Credit Card Company na ang nagsabi, “Kung magagawan niyo po ng
paraan.” Of course, lagi namang may paraan eh. Pero, ang nakakatakot na paraaan
dito ay ang pag-uutang para mabayaran ang utang, pwede pero lalo ka lang
malulunod dahil kadalasan kahit kamag-anak mo pa nga ang uutangan mo ay may
interest ito. Magsangla o magbenta ng kung anong gamit ang meron ka ay pwede
ring i-consider na paraan. Ang mga ganitong klaseng paraan ay temporary
solusyon lang pagdating sa pinansiyal na problema, lagi lang kasing nandiyan
ang tanong na, “What’s next?” Anong kasunod kapag nasolusyunan mo na ang
problema mo?
May
trabaho ako at alam naman na ang pagiging empleyado ay sakto sakto lamang at
hindi ito ang solusyon sa problemang ito. Abroad? Di ko rin kaya, di ko kayang
iwanan ang mga anak ko at I believe if God will bless me, He can bless me
anywhere, kaya okay lang na hanapin ko ang solusyon sa Pilipinas with his help
and guidance. Well, this is it, alam mo naman na ang sasabihin kong solusyon ay
ang Network Marketing which is sa estado ko ngayon ay iyon talaga ang naiisip
kong pinakada-Best na solusyon, and bakit naman (siguradong tanong ng iba).
Una, ang inooffer ng ganitong klase ng industriya ay ang pangmatagalan na
solusyon, Financial Freedom, iyon ang solusyon talaga, kailangang magkaroon ako
nito, para kapag nasolusyunan ko ang kasalukuyang problema, wala ng kasunod,
kung meron man siguradong hindi ito pinansiyal na problema unless na hindi ka
marunong humawak ng pera, maaring problema kung anong sasakyan ang bibilhin ko,
problema kung anong tablet ang bibilhin ko, problema kung anong gadget ang
ipangreregalo ko at problema kung saan kami magbabakasyon ng pamilya ko, it’s a
matter of choice kung magpofocus ako sa problema, tiyak na ako ang mag-iisa sa
pagbabakasyon, at sa selda ito ng city jail namin.
The Problem is always part of the
Solution
Kung ano man ang magtutulak sa
akin para solusyunan ang problema ko ito ay ang mismong problema, ayaw ko na
may ganitong problema kaya dapat itong masolusyunan sa lalong madaling panahon.
Gawin lang inspirasyon ang problema, iyon lang ay sapat na para magawan mo ito
ng aksiyon.
Kung sino ka man, at kung ano man
ang problema mo ngayon, start attracting solusyon, gamitin mo ang utak mo, wag
ang puso at emosyon mo. Huwag kang maawa sa kasalukuyang estado mo, maawa ka sa
sarili mo kung wala kang planong solusyunan ito. Problemang pinansiyal? Kung
willing ka na solusyunan mo ito at handa ka na gagawin ang lahat masolusyunan
lang ito(wag lang maminsala ng tao), let’s do it together!
No comments:
Post a Comment