Isang Doctor at 46 Nurses na ang possibleng nasampolan ng Cybercrime Law.
“Umaabot sa 46 nurses sa Taguig-Pateros District Hospital ang sinibak umano sa pwesto dahil sa ginawang pag-like sa isang post sa social networking site na Facebook.
Kwento ni Gina, isa sa mga sinibak na nurse, kabilang umano siya sa nag-like sa isang post ng isang volunteer na doctor tungkol sa kakulangan ng naturang ospital na tugunan ang pangangailangan ng mga taga-Taguig.
Matapos nito, napaulat na sisibakin na sila pwesto sa ospital nang hindi man lamang umano sila kinakausap.
Bukod sa hindi tukoy na dahilan, hindi rin umano sila nakatanggap ng certificate of employment mula sa ospital.
Naninindigan naman ang lokal na pamahalaan ng Taguig sa ginawang pagpapatalsik sa mga nurse dahil sa madalas umanong pagsuway ng mga ito sa patakaran ng ospital at pagkakalay ng intriga sa mga kawani ng ospital at Taguig City govenment.
Giit pa nito, ligal ang pagsibak dahil contractual ang mga ito.Report from ABS-CBN News” – Source: http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Metro/46_nurses_sa_Taguig,_sinibak_dahil_umano_sa_like_sa_FB.html
Ibig bang sabihin nito ay kalaban na natin ang katotohanan?
What if bumili ako sa sulit.com.ph ng isang item at hindi ako masaya sa nabili kong item at nagpost ng Negative Feedback sa kanya, nagrereklamo sa narecieve kong produkto, pwede niyang sabihing sinisirahan ko at pwede na niya akong idemanda dahil sa pagsabi ng katotohanan. Ano ngayon ang silbi ng Positive at Negative feedback sa mga Classified Ads sa internet? What if ang isa sa mga nakatransac mo ay anak ng isang Mayor? Congressman? Gobernador? O Senador? Wala kang choice kundi manahimik. Bawal ang negative feedback.
Wala na ba tayong karapatang magsalita ng katotohanan? Magreklamo?
Paano kung totoo naman na ang kalsada sa inyo ay hindi maayos ayos? Paano kung totoo namang ang Kumpanya niyo ay hindi nagpapasahod ng tama? Paano kung totoo namang ang barangay Captain niyo ay nagsusugal? Paano kung totoo naman ang nilalike mong POST at COMMENT? What if magreklamo na lang tayo kay Mark? Alisin ang LIKE BUTTON? NAKAKAKULONG KASI.
No comments:
Post a Comment