Friday, October 5, 2012

The Danger of Cybercrime Law

May mga kaaway ka ba na alam halos ang mga info mo? Ngayong may cybercrime law na, pwede ka na niyang ipahamak? How? Napakadali lang.
Gagawa siya ng account with the same name, same address, info including your photos.
Add friends and all the people related to you.
Palipas ng ilang araw until maniwala na ang mga madla na account mo iyon or isa sa mga account mo.
The Attack Begins

Since marami ng naniniwala na sayo ang account na iyon, time to do Cybercrime! Manira ng iba, magpost ng mga pictures na hindi karapatdapat, at lahat ng kalabag labag sa RA 10175.

You can defend yourself naman, but what if walang maniniwala sa iyo at sasabihin nilang dinideny mo na sayo ang account na iyon dahil nahaharap ang account na iyon sa cybercrime at kahit sino naman pwede nilang I deny ang account nila at sabihin na, nahack ang account ko at di ko na maaccess.

And What if Na-Hack nga?

What if na-hack nga ang account mo? Nalimutan mong i-logout ito nang mag-internet ka sa isang SHOP? It’s your responsibility na i-logout ang account mo, pero what if nag-brownout? Then kailangan mo ng umuwi dahil malakas ang ulan? Nakatulog ka, then nagkapower? Depende sa internet setting ng shop pero kadalasan, kapag binuksan mo ang facebook website, ang account na hindi nalog-out at naka-log in pa rin, what if ang nakatiyempo sa account mo ay mahilig mag-trip at naisipang gamitin ang account mo sa kalokohan? Yari ka! Enjoy 12 years in Prison dahil nakalimutan mong i-logout ang Account mo.

Ipapakulong ka ng mga Anak mo

What if naiwan mo ang account mo na naka-open dahil nag-CR ka lang sandali? Pinakialaman ng anak mo ang Laptop/PC mo at accidentally na-Hit niya ang Like Button sakto namang yung picture ng isang senador na inedit sa photoshop ang viniview mo? What if may kausap ka at saktong mainit na ang usapan niyo at natype ng anak mo ang $*@&(%(@sjdkajda inisip tuloy ng kausap mo na minumura mo siya? Enjoy 12 Years in Prison.

No comments:

Post a Comment