Malapit ng ma-bankrup ang business ko dahil nasira ang pinaka-importanteng makinang bumubuhay sa maliit naming shop, at sa kalagayan namin ngayon ay 'di namin mapaparepair ng basta basta dahil kulang ang budget para dito. Araw-araw lumalaki ang bayarin ng walang pumapasok na pera sa shop. Ilang araw ang lumipas at hindi nagagawa ang makinang inaasahan namin, halos lahat ng mga proyekto namin ay overdue na at nagrereklamo na ang mga kliyente. Inisip kong ibenta ang ilan sa mga kagamitan ko kasama ang Personal Computer sa bahay para may maipandagdag sa pagpaparepair sa makina. Kulang pa rin kahit mabenta ko ang mga ito. Kailangan na kailangan ko ng maipagawa ito ngayong araw na ito.
Chineck ko ang Google Adsense ko para makita kung may kinita ngayong araw na ito. Chineck ko rin ang payment history ko. Laking gulat ko nang makita kong meron na akong control number(western union) para makuha ang perang kinita sa loob ng ilang buwan. Salamat sa Diyos sa paggamit niya sa google adsense para malutas ang isang problemang 'di nagpapatulog sa akin.
Wednesday, April 28, 2010
Chaydoscope: Pisces, April 28, 2010
For Pisces Only
Isang kaibigan ang magpapagupit ngayong buwan na ito. Kung pupunta ka sa divisoria, hanapin ang isang papel na nahulog sa isang mama na naglalaman ng anim na numero na siya namang lalabas sa lotto. Magugutom ka sa araw na ito at sasabayan ng uhaw, kaya laging magdala kahit crackers man lang at mineral water. Maghahanap ka ng banyo sa loob ng walong oras para umihi, maghanda rin ng tissue baka may sumamang tae sa iyong pagihi.
Lucky Drinks: Promil From 6 to 12 Months with ice.
Lucky Door: Door number 8
Lucky Shirt: Spongebob Shirt
Lucky Panty: Avon
Lucky Finger: Index and Middle
Lucky Body Parts: Nose and Tummy

Tuesday, April 27, 2010
Mega Twins The Comics
Gawa na po ang comics ng mga anak ko, mababasa ito sa http://josiahbrothers.blogspot.com/ Araw araw maglalabas sila ng 5-6 pages, kaya abangan niyo.
Monday, April 26, 2010
Sunday, April 25, 2010
PINOY CUTE BLOG
4/26/2010
Ginawa ko ang pinoycute.blogspot.com. Ang ideya at magiging ng blog na ito ay banatan ang mga taong JEJEMON at turuan sila ng tamang paraan ng pagtatype, pagtetext at pakikipagchat para maiwasan ang pagpuna sa kanila ng ibang tao. Ang blog na ito ay maaring magkaroon rin ng iba't-ibang usapin tungkol sa ating bansa at sa nangyayari dito. Matatagpuan ang blog DITO
http://pinoycute.blogspot.com

Saturday, April 24, 2010
Got another Client
Model Airplane Website
Webdesign nanaman! Ayos! Nakipagkita ako kahapon sa Kliyete at ok naman siya. Dapat before 2nd week of May daw Live na ang site niya about Airplane Model. Medyo challenging ang gusto niya at tiyak na maraming Cropping/Cleaning ng mga Picture ng eroplano ang gagawin, ang kapatid ko na ang bahala sa mga bagay na yon. Hindi naman ako mahal maningil pagdating sa Web Design, parang ako na nga yata ang pinakamurang Web Designer na mamresyo sa buong Pilipinas. Basta mura lang, wag niyo ng alamin kung magkano kung hindi ka rin magpapagawa, kung magpapagawa ka naman just text me :)

Daily Chaydoscope: Libra, April 25, 2010
Daily Chaydoscope
For Libra Only
Ngayong araw na ito ang pinakaswerte mong araw. May magkakacrush sa iyo ngayong araw na ito, pero hindi niya sasabihin dahil mahihiya siya. Masuwerteng kulay ang kulay ng damit ng ikatlong taong nakita mo kaninang umaga. Itaya sa jueteng ang numero ng plate number ng ika-siyam na sasakyang dumaan sa NLEX kahapon, Sa lotto naman lalabas ang huling anim na numero ng cellphone ng ika-pitong taong nakita mo noong nakaraang Linggo.
Lucky Drinks: Coke Litro (Ubusin sa loob ng 60 seconds)
Lucky Foods: 18 Pcs of Banana (kainin pati balat)
Lucky Place: Nearest Hostpital
Lucky Man: Doctor Kwak tayms tu
Lucky Song: My Way
Lucky Hours: 3:56PM and 12:52AM (Make sure gising ka)
Lucky Actor: Mark Herras (Gaganda ang iyong buhay kapag pinanood mo siya ngayong araw na ito)
Lucky Actress: Claudine Barretto (Mababawasan ang utang mo ngayong araw kapag nakita mo sa TV kahit 15 Seconds lang ang nasabing actress.

Friday, April 23, 2010
Pitong Palatandaan na papunta ka na sa Impiyerno (Facebook Edition)
7 Signs you're on your way in hell Facebook Edition
English (Sorry for the grammar):
1. Ignoring any Godly/Religious Groups in Facebook, You'd rather join
The K-Pop Testicles' Group than Jesus is my God.
2. Clicking LIKE button when a friend posted a bible verse even you didn't really
read the verse. Hypocrite!
3. You spend 70% of your time in facebook.
4. Enjoying/Using the Daily Horoscope.
5. Posting all the signs of your vanity on your wall.
6. You talk about your virtual farm, pet, cafe and restaurants all the time.
7. You see the number 666 most of the time.
Tagalog:
1. Di pinapansin ang mga MakaDiyos o Relihiyosong Grupo, Mas gugustuhin mo
pang sumali sa grupong The K-Pop Testicles kaysa sa Jesus is My God.
2. Pagpindot sa LIKE button tuwing nagpopost ng mga bertikulong galing sa bibliya
ang iyong kaibigan kahit hindi mo naman talaga ito binasa.
3. Ginugugol mo ang 70% ng iyong oras sa Facebook.
4. Naaliw o ginagamit ang the Daily Horoscope
5. Pagpopost ng iyong kalayawan sa iyong Wall.
6. Madalas na pagsasalita/pagkukuwento tungkol sa iyong virtual na bukid, alaga,
cafe at restaurants.
7. Madalas na makita ang numerong 666.
Banda-Banda at Dragon Ball Z
Nagsimula akong nagkahilig sa musika nang una kong marinig ang kantang minsan ng eraserheads 'di ko nga lang matandaan kung kailan ko narinig ang kantang iyon pero nasa first or second year ako. Third year ako, isa na akong dakilang tagahanga ng e'heads. Kaya naman kahit nagtitinda lang ako ng pandesal tuwing madaling araw iniipon ko ang mga perang nakokomisyon ko hanggang sa makabuo ng 120-150 pesos at pupunta sa Siyudad ng Angeles at bibili ng cassette tape ng e'heads. Nagkaroon ng album ang eraserheads na Aloha Milky Way at binili ko ito. Isa sa mga kantang nagustuhan ko sa album na ito ay ang Julie Tearjerky. Sa mga panahong iyon nakakapag gigitara na ako, kaya naman nang magkaroon ng battle of the bands sa school namin (SBHS - Sapang Bato High School) ay nagkaroon ako ng ideya na sumali. Binuo ko ang grupo kasama ang dalawa sa mga ka-batch ko at isa pang outsider. Tumugtog kami bilang intermission number, dahil may lalaban na para sa 3rd year. Nangangarap ako na makatugtog sa entablado lalo na sa entablado ng aming eskuwelahan. Ang sarap ng pakiramdam na pagkatapos ng tumutogtog na banda kami na ang tatawagin at may special treatment pa dahil intermission kami. At tinawag na nga ang pangalan namin. Iniisip ko na madali lang ang tumugtog sa entablado lalo na at ginagabi pa kami kakapraktis sa isang kanta lamang. Julie Tearjerky, yan ang maririnig sa bahay ng lola ng gitarista at bassist namin. Malalaki ang mga sponsor namin sa aming drumset dahil ang snare namin ay produkto ng shell at ang iba naman ay gawa sa caltex. Gawa sa gallon ng mga sikat na gasolinahan ang aming drumset. Sarap ng pakiramdam ng umaakyat sa entablado at sigawan ang mga kaklase mo na "Kaklase namin ang mga yan! oooooh!", "Idol! Galingan niyo!" at iba't-iba pang mga sigaw. May problema. Walang mic stand. Mang-gigitara ako at kakanta paano na ito? walang mic stand. Napilitan ang isa mga nag-oorganize na si Kim na hawakan na lamang ang mic habang ako'y kumakanta. Pinagpapawisan na ako ng malamig. Ako ang mag-iintro at intro na "Ting te te teng teng teng teng". Ganon ang dapat ang sound na lalabas sa gitara. Sa panahong iyon wala akong alam sa mga gadget sa panggigitara naka sindi ang distortion ng gitara kaya ang ingay at di ko naririnig ang intro ko, basta ang alam ko na naririnig iyon ng bassist at ang isa pang gitarista dahil bigla na lang silang pumasok. Kakanta na ako dahil sa aking pagbibilang doon ako dapat kumanta. "Julie tearjerky on the phone" Boink, sablay ang boses ko, dinig na dinig ng mga tao iyon. Ang lola ng gitarista at bassist namin na nasa harapan at sigaw ng sigaw bago kami nagsimula ngayon ay bigla na lamang siyang nawala sa gitna na para bang nagsisisi na naging apo niya pa ang dalawang bata na nasa entablado. Ang nanay kong nanonood at ang dalawa kong kapatid na kani-kanina lang ay nasa gilid ng entablado ngayon ay wala na. Ang mga kaklase kong nasa side ng faculty na harapan naman ng entablado ay isa isa na ring nagsi-alisan. Parang bagong taon din ang boses ko na sunod-sunod ang pagkakasablay, parang paputok na putok ng putok. Bawat segundo ay nagnanasa akong matapos na ang kanta pero ang tagal ng bawat segundo, parang isang minuto kada segundo, hindi, parang isang oras, hindi rin parang isang linggo, dahil nasa gitna na kami ng kanta nang bigla kong naramdaman na isang taon na akong nasa entablado. Ang tagal matapos ng kanta. Pinagtatawanan na kami. Sintunado ang boses ko, di kami sabay-sabay, ang layo ng tono ng bass sa gitara at ang layo ng palo ng drummer namin. Isa-isa kaming natapos. Una ako, at sunod-sunod na, samantalang ang orihinal na kanta ay dapat sabay-sabay ang pagtatapos. Hindi na kami nagpasalamat dahil wala namang pumalakpak at hindi naman dapat pasalamatan ang salitang "Booooo! Booooo!". Kanya-kanya na kami ng takbo, pero ni walang dumaan sa hagdanan ng entablado. Lahat kami ay nagsitalunan at wala ng usap-usap. Naiiyak ako. Ngunit di muna ako umiyak. Hinintay ko munang makarating ako sa bahay. Diretso ako sa kuwarto ng mga magulang ko at doon ko naramdaman ang sobrang kalungkutan, napaiyak ako. Napahiya nanaman ako. At oo NANAMAN! dahil madalas akong mapahiya. Ayaw ko ng mag-aral. Gusto ko ng mamatay. Buti na lang at biyernes ang araw na iyon. Walang pasok kinabukasan. Walang isyu na dapat pag-usapan. Wala ring magsasabi ng "Nice Performance!" na may halong pang-iinsulto. Pumasok pa rin ako ng Lunes. Balewala ang ginawa naming kahihiyan. Wala man lang naglakas ang loob na magsalita tungkol sa kahihiyang ginawa namin.
Hindi lang musika ang hilig ko mahilig din akong gumuhit. Madali akong asarin lalong lalo na kung tatawagin akong Dragon Ball. Malaking insulto sa akin ang tawagin akong Dragon Ball. Kung bakit ako pikon di ko rin alam. Tinawag akong Dragon Ball dahil sa talento ko ng paguhit ng Dragon Ball. Gumagawa ng sariling comics at sariling bersiyon ng Dragon Ball. May project kami noon na comics at ang mga character na ginamit ko ay mga character mula sa Dragon Ball. Mga notebook ko ay puno ng mga drawing ng Dragon Ball. At doon na nagsimula ang pagtawag nila sa akin ng Dragon Ball. Ginawang pamikon sa akin ng mga kalaban naming frat ang opening theme ng dragon ball. Kapag dadaan ako kunwari kinakanta nila "Get that dragon ball" banas na banas ako kapag ginagawa nila sa akin ang bagay na iyon. Ako ang founder ng Grupong MR.JADE nang mga panahong iyon. Grupo na binubuo ng mga kaibigan mula pa noong elementary.

Subscribe to:
Posts (Atom)