Showing posts with label Earning Adventure. Show all posts
Showing posts with label Earning Adventure. Show all posts

Sunday, May 27, 2012

Ilan na ang Downlines mo kay Lord?

Isa sa mga napansin ko sa Network Marketing ay ang pagiging maka-Diyos ng mga Networkers. Bakit? kasi nga naman ang daming tinuturo sa bible tungkol sa pera at ang totoo nga nito ang topic sa Pera o pinansiyal ay nabanggit ng 2000 times sa bibliya. Nakaparami, mas maraming beses pa sa salitang Heaven. Ito pa ang madalas na binabanggit na verse ng mga Networkers sa bibliya "For I know the plans I have for you," declares the LORD, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future." Jeremiah 29:11. Noong nagbabasa nga akong bibliya hindi ako makapagmemorize ng mga verses, tapos nang maging networker, na memorize bigla ang verse na iyan. Siyempre naman ang sarap kaya ng pangakong iyan. Ang ibang Networker kasi, stop na diyan sa verse na iyan eh, may kilala nga akong upline eh, panay ang banggit sa salitang DIYOS, GOD at LORD pero binubura agad ng mura na P.I. at nang salitang TARANTADO, although hindi naman mura ang TARANTADO, isang tawag iyan sa lalaking TARANTA, kaysa naman kasi sa "Hoy natataranta ka" para mabilis "Tarantado ka!" kung babae, tarantada. Anyway, minsan kasi ang iba COLORUM lang eh, quote ng quote sa Jerimiah pero wala sa action. Ang iba nga eh, nandadaya pa sa mga POSTER na HIRING DAW, JOB VACANCY pero sa totoo Networking pala, which I consider na more on BUSINESS siya not Employment. Sa poster pa lang nila ay kasinungalingan na, how about yung partner daw sila sa BDO, RCBC, COCA COLA just to make their Company look big? Siguro ginagamit nilang checke ay BDO o RCBC pero doesn't mean na partner na sila dito. At nakita ang Presidente ng Company na umiinom ng COKE, akala partner na sa Coca Cola. The point is, sa una pa lang, TAKOT na silang sabihin ang totoo kasi iniisip nila na kapag nalaman ng mga makakakita na Networking ang patalastas nila ay wala ng pupunta. Nasaan na ang Verse na "Then you will know the truth, and the truth will set you free" John 8:32. Ito pa ang isang malupit sa mga COLORUM, kahit SUNDAY, instead na magCHURCH, nasa mga fastfood, namumusakal este naghahanap ng mga PROSPECT, nasaan na ang "But seek first his kingdom and his righteousness, and all these things will be given to you as well."  Matthew 6:33. Ito ang dahilan kaya madalas hindi nagiging successful ang iba (Kung atheist ka o hindi naniniwala sa Diyos, STOP na dito 'wag ka ng magbasa, pero ok lang sige tuloy mo.) Ang daming mga GURU at mga COACH diyan, they teach how to do the BUSINESS, they TEACH ATTRACTION MARKETING they teach whatever strategy they can think of, tapos they FAIL to teach the TRUE Key to SUCCESS! GOD and his RIGHTEOUSNESS! Some Uplines, Coach, Mentors, Masters, Gurus, Fake it Until they make it Uplines and Coach will teach you everything about networking but they don't even mention that the part of your income, 10% of it belongs to God. Kasi nga ang iba pang FRONT lang nila ang imaheng pagiging maka-Diyos. Bago pa ako nakapasok sa isang Kumpanyang naging Speaker ako, may isang NDO na nakapagturo na dapat may tiwala sa Company, Product, Plan, Crosslines, downlines, uplines, team at kung ano ano pa basta ang LAST ay dapat daw ay may TIWALA KA SA DIYOS. Wow! Last siya! Listahan man lang yan, kahit na! Dapat una ang Diyos!

At ito ang pinakamalupit sa lahat, ang iba kilala na malupit mag-invite at magpapay-in sa Company, nagiging top earner pa nga ang iba eh. And they CLAIM that they are WORKERS of GOD, YES! Possible naman at pwedeng pwede. Marami rin naman kasi na totoong Christian sa Networking, But they forget something kakafocus nila sa Network nila. Ang galing nilang mag-invite, minsan nanlilibre pa, ang galing nilang magclosing, ang galing nilang magpresent, napapapay in talaga ang mga guest. Pero pagdating ng Sunday o ano mang date na may Bible Study, Ilang ang guest na dala niya to hear the Word of God? 

Ang galing mong mag-invite sa Network Company mo, pero di nag-iinvite sa Church.
Ang galing mong magfollow up sa Networking, sa Church may ma-invite ka man, finollow up mo na ba?
Ang galing mong magpresent ng Marketing Plan, sa Church nanginginig kang magtestify.
Ang galing mong mag-closing, sa Church todo iwas ka sa pagpipreach o pagseshare ng salita ng Diyos.

Isa sa mga downlines ko, kapag tinetext niya ako na may invite siya, tinatanong ko, saan? Sa Church ba o sa Company. Sinabihan ko ang batang ito na dapat balance. Kapag nag-invite ka sa Company mo, dapat may invite ka rin sa Church.

Sa Company mo, upline ka na, sa Church mo, member ka pa rin.

Ask yourself, Ano ba talaga ang Priority ko? Ang makalat ang Marketing Plan ng Company o Makalat ang Salita ng Diyos? Or Both.

You can always do this. Instead ng FORM ang gamitin mo, Talk about God muna, give some testimonies, or atleast invite mo muna siya sa Church mo, then talk about business. Mahirap? Try mo!

Kung binasa mo ito at iniisip mo at pinapakain ang Sub-Conscious mo na wala namang kinalaman ang CHURCH, BIBLE, GOD at WORD OF GOD sa Networking. Harap ka sa salamin mamayang 12AM, at sabihin ang Bloody Mary ng 13 Times nang nakapatay ang ilaw at may hawak kang kandila. Kung di mo kaya CLICK HERE!


Tuesday, May 22, 2012

Make them think you're BIG

As usual, English title, tagalog post.

This post is all about making your USERNAME cool at may dating sa mga magsasign up using your Company Replicated site. Naalala niyo pa ba noong unang panahon na nababaliw pa tayo sa mga UPLINES natin? Tapos kapag may guest ka gusto mo ang magpresent ang pinakamalupit sa team? Dahil nga sabi nila, sumasali ang mga tao not because of Marketing Plan, not because of the Company, not because of the Product, they JOIN YOU dahil daw masaya. Totoo kaya yon? Ako kasi nang unang sumali sa isang Company, Sumali ako hindi dahil Masaya o hindi dahil gusto ko ang upline, wala nga akong pakialam kahit sino pa ang upline ko eh(although dapat siyempre ang upline na makakasuporta sa iyo), ang mahalaga at ang gusto ko AKO ang magiging UPLINE sa area ko, aaralin ko na lang ang mga inaaral ng mga upline na malulupit ng ibang Company. Tsaka kung magnenetwork ako just to join a group na laging masaya, bakit hindi na lang ako pumunta sa mga amusement park at humanap ng grupo na adik sa kakaTekken, mas masaya yon, o kaya naman ay instead na mag-invest ako sa Network Marketing, gamitin ko na lang ang pera pambili ng AEG baril na pang-Airsoft at mag-airsoft na lang, mas solid ang saya don, namamaril ka pero di namamatay ang mga binabaril, Cool! Tsaka ayaw ko na ang mga sumasali sa Team ko ay puro Ligaya lang ang hanap, mahihirapan akong ibigay iyon lalo na kung kapwa ko siya lalaki. Anyway, kung ganoon ang mga member mo at biglang lumungkot? Hahanap nanaman sila ng team na laging masaya. I'm not saying na pangit ang masaya sa team, may puntos din ang masayang team, Alam ko kasi may magsasabing, mas maganda naman sa masayang team kaysa sa boring na team, Yes you are right! (This is where I'm good at, kinokontra ang sariling post, Just kidding) Ok, nakalimutan ko na ang Topic pala dito ay USERNAME para sa mga replicated sites.

Madalas, sa mga MLM na may replicated site, ang username mo ang basehan para sa Referral Link o Sponsor Link. Halimbawa nito ay, www.YourCompanyName.com/JEJEMON, kapag may magsasign-up under your ref link ganito ang itsura:

Kung online marketing ang ginagawa mo, at may nagsign up sa link mo na may UPLINE syndrome, hahanap yan ng ibang mas mukhang cute na username ng referrer. Pero kung local lang naman ang Company mo or kailangan pa ng code mula sa Company bago makapagregister, I guess ok lang naman kahit ano pa ang USERNAME mo, for sure naman kasi kung local or may Registration Code na magmumula sa Company, ikaw na mismo ang mag-eencode sa magiging downline mo.





Back to International Company na you can sign up using Credit Cards / Payza / Paypal etc. To make them think that you're BIG, make sure sa USERNAME pa lang ay matatakot na sila, like:


I mean sa USERNAME pa lang ay maiisip na nila na BIGATIN ang upline nila, kagaya na lang ng:

Sa mga first time or wala pang masyadong alam na Internet Marketing, ipagsasabi pa nila na, "Hoy ang upline ko ang Admin mismo!". Di ba ang sarap sagutin ang mga Crosslines kapag nagtanong sila ng "Kaninong Team kayo?", Sagot ay, "Sa Admin mismo!". Maraming pwedeng maisip na USERNAME na ang dating ay napakabigat mo: 
Pwede ring Truck, Bulldozer, Yokozuna, LPGMayLaman, etc. It's up to you basta ikaw na mag isip kung ano ang maisip mong may appeal sa mga tao. Eto suggestions ko, President, Admin, VicePresident, Chairman, Founder, MainOffice, <CompanyName> and many more... Contact me if you want.

Para sa mga sira ulo naman na ayaw ng may upline o pakiramdam nila sila ang magiging 001. You can use: unreferred, noreferrer, username, default, sponsor etc.

Kapag naman target mo is send or post your link you can use: home. index, default, about, and many many more basta ikaw na mag-isip sa many many more...

By the way, sa main Company ko ngayon ang username ko is richardtolentino my full name :-(
Since Pioneering kasi at positioning stage, kung ano na lang ang nailagay nung nag-encode.

Siyempre last, may kokontra at kokontra sa post ko na ito siyempre, ang magandang gawin is, Sign up ka sa Blogger or Wordpress, gawa kang blog mo and Make a POST: USERNAME DOESN'T MATTER

Wednesday, May 16, 2012

Networker ka ba? Bakit mahirap ka pa rin?


Kung tamad kang magbasa, wag mo ng basahin, that’s the reason kaya mahirap ka pa rin sa NETWORK mo, TAMAD ka na, Ayaw mo pang matuto! Ok, joke lang… although may laman! BASA!

                Ok, title pa lang, parang pampa-init na ng ulo ng mga networkers, yan ang madalas kasing ikinaiinit ng ulo ng iba, lalo na yung mga nakikipagmeet sa  mga fastfood, tapos kahit softdrinks man lang hindi ma-ilibre ang Prospect. Bad image yon lalo na kung medyo  may kaya ang prospect mo, tiyak na mapapansin niya yon. You talk about wealth and telling people how to get rich and be financially free pero nakikita nila sa iyo how poor you are, not really poor naman, how GIPIT you are, sakto sakto pamasahe, kapag nahulog ang piso lakad ng ilang kilometro para makadiscount sa jeep. Ang sipag sipag mong magnetwork, daily umaalis ka sa bahay dala ang bag na ang laman ay FITA o SKYFLAKES the official Cracker of Pinoy Networkers(anyway lahat naman nagsisimula sa skyflakes kagaya ni Jovit J), iyon na ang tanghalian mo. 


             You can always say na, kasi nga nag-uumpisa pa lang ako, pero remember PINOY ka at nasa PILIPINAS ka, alam mo kung paano mag-isip ang karamihan sa kapwa natin, RESULT First, tapos doon sila sasali, instead na sila ang maging RESULT sila ay nadadala sa RESULT ng iba. Iyon ang pagkakaiba natin sa karamihan, they want to join Network Marketing because sa resulta na nakita nila, while tayong mga tunay na Networkers, We Joined dahil gusto natin na tayo mismo ang maging resulta. But, hindi lahat ay ganoon kung mag-isip. Another thing, bakit negative ang karamihan sa pamilya ng mga Networkers? Dahil wala silang nakikitang resulta! Dahil nakikita nila, nangangayayat ka, kasi puro skyflakes ang laman ng tiyan mo. Accept the FACT that sometimes iniisip mo na magtrabaho na lang! Minsan we compare INDAY to an EMPLOYEE, talo si EMPLOYEE sa dami ng gastos, but in reality,  sa estado mo at struggle mo sa ngayon bilang networker, compare mo sa sarili mo sa isang EMPLOYEE, Talo ka DUDE! Sa isip pa lang natin sila natatalo, but in reality sila may INCOMING, ikaw meron? Puro OUTGOING. Eto pa ang malupit, may nagtext sayo, Prospect daw, meet daw kayo sa McDonalds, ikaw naman litong lito wala kang pamasahe, hiram dito, hiram doon, then pinuntahan mo, late ka ng konti kasi kakahanap mo ng pamasahe, nagsinungaling ka pa na may pinresentan lang o inattenan na meeting. Si Prospect ngayon, may nakaready ng food for you, pinag-order ka na niya, pinresentan mo, tapos mong nagpresent, ikaw naman pinresentan niya, networker din pala siya, nakipaglatagan lang sayo, so, pareho kayong networker,  pero mas mukhang may resulta siya sayo, ang hirap ng pakiramdam ng ganoon, hiniram mo lang ang pamasahe mo just to hear him present his business, di bale nakalibre ka namang French fries .

          Now, the best way para masolusyunan mo ang ganitong problema, FIND a JOB! You hate it! Then Quit! Unless, may limang taong tutulong sayo na kumita ng Milyon. Hindi ba’t napaka-sarap na EENJOY ang network mo ngayon kung ano man yan, kung marami kang PERA? Although nagsstart ka palang sa Network mo pero may PERA kang PANGGALAW kaagad?  Anong pakiramdam ng Prospect mo kung pakainin mo siya ng BIG MAC, bago ipresent ang business? Or wag mo ng ipresent ang business ilibre mo na lang siya, show good deeds, tapos siya na mismo magtatanong, ano ba ang negosyo mo, BOOM! Siya na ang nagtanong!

                Dati, nung nagsisimula pa lang ako sa Networking, may Extrang pera akong pumapasok sa account ko. Kaya naman kapag may Guest ako at dinala sa office, niyaya ko silang mag-McDo, to show na I’m not after their money, you know what, hindi sila nagpay-in dahil sa sinabi ng speaker, nagpepay in sila dahil gusto nilang magawa ang mga ginagawa ko, at gagawin nila ang lahat para lang magaya ako, duplication! Now, there’s a lot of EXTRA income out there, ONLINE. I can recommend some, if you want.


             Blogging, PTC, Freelancing, Paid to read , Forex, HYIP, etc. Now, Blogging, magblog ka gawa ka ng good content, apply sa google adsense and earn kung marami kang bisita sa site/blog mo,  you have to learn SEO too para dumami bisita mo sa site, not a good option? bakit? dahil marami pang cheche bureche, then try, PTC, Paid to Click, click ads for $0.005 and you can click up to 9-10ads daily, in otherwords kung wala ka ring mga direct referrals, you’re just wasting your precious time. Freelancing, kung may talent ka naman like Graphic Designing, Web developing, hanap ka ng mga site na nag-ooffer na mga trabaho online. Paid to read, sign up ka sa mga Paid to Read sites, read emails containing picture ni Lady Gaga at you just have to stare at her for a few seconds para may kita kang $0.01, WOW! Matutuwa ang SPAM FOLDER mo mabubusog sa ganitong klaseng paraaan. Forex, di ko kabisado ito pero maraming kumikita dito, and you have to learn muna tungkol sa forex bago mo pasukin ito. And HYIP, Mag iinvest ka dito and see how your money grow, daily interest kikita ka, pero bilisan mo, madalas ang mga HYIP ay nagsasara. And these are optional lang naman.

                Let’s go back sa nabanggit kong, “Unless, may limang taong tutulong sayo na kumita ng Milyon.” What if meron nga? Now, I know a way how to earn extra money ONLINE by just using facebook, at uulanin ka na ng tig lilimang PISO. Limang Piso konti lang yan, pero kapag marami ang magbibigay sayo ng limang PISO, sulit din. How many Friends do you have in facebook? 300? 400? 1000? How many friends they have? Tapos ang friends ng friend nila ganoon din magbibigay sila ng tiglilimang piso sa account mo? This is not a NETWORK na ipapalit mo sa current NETWORK mo, this is a STRATEGY/PATTERN para masulit mo ang CURRENT NETWORK mo ngayon, this is for you to earn EXTRA para kahit anong lakad mo para sa NETWORK mo ay ma provide mo! This is to show the World na kahit wala ka pang DOWNLINE sa network mo ay may PERA kang PANGGALAW!

Wala ng paligoy ligo pa!

Mag-iinvest nanaman ba ako diyan? YES!

Magkano?  Isang bote ng Redhorse at sampung stick ng Marlboro. Ayos ba? Or kung mamroroblema ka pa doon, P50 na lang. Baka kasi malugi ka ipapadeposito pa ng tindera ang bote ng redhorse.
Magkano naman ba kita? 2.4 Milyon lang. Okay, akala ko ba networker ka? Bakit nagdududa ka? (assuming na nagduda ka) Pero kung nagdududa ka at natatakot ka na mawala ang P50 mo… SHUUUUU! Sinayang mo lang oras mo pagbabasa.


 


Paano ang gagawin at paano yan? (Kunwari duda ka pero interested ka pa ring malaman)

Ok Ganito,

          JOIN ka! Bayad ka ng P50. At humanap ka ng mga NETWORKERS din na may P50. Ok sorry, nakalimutan ko mahirap nga pala ang mga networkers, baka wala silang P50. Empleyado na lang hanapin mo for sure sila meron non. (Joke ulit) Ok 5 na tao ang hahanapin mo na may P50 din. Kapag sumali sila sa P50 nila meron kang  P5 pesos. Maliit lang, sa una. Yung limang nakuha mo hahanap din sila ng Lima kaya may 25 na tao na sa baba mo, sa 25 na iyon may tig lilimang piso ka, 25x5=125Pesos ka na, isang Meal na sa Mcdo iyon. Now, yung 25 na tao hahanap ulit ng tiglilima, so may 125 na sa team mo at may kita ka ng P625 doon, Wow! Pwede ka ng magcontribute sa mga BOM niyo sa McDonalds. Yung 125 na iyon hahanap sila ng tig 5 na tao at magkaka 625 na tao ka, at ang kita mo doon ay P3,125, POWER! Yumayabang ka na niyan, medyo lumalakas na loob mong magpresent dahil may konting bala ka na.Yung 625 mo magiging 3,125 na tao yon at may P15,625 kang kita doon! 
Anyway, eto ang table:

5x8 Matrix:


P2,441,400 – WOW!  At may 2% ka pang bonus kapag nakumpleto mo ang pang 8th level mo and that is P48,825.

           Now, siyempre di naman sa negative, reality lang, what if, hindi kumpleto ang tig pa 5? Ok lang, kikita ka pa rin naman basta make sure ang 5 members mo ay kumpleto, yon ang requirements. Kumpleto mo lang ang Lima mo tapos! Mahirap ba? Imagine P50 na membership fee, kung mahihirapan kang magpapay in sa halagang iyan, ‘WAG KA NG MAGNETWORK’ P50 nga di mo pala kayang makapagpapay in paano pa sa NETWORK mo na for sure nasa 500-20,000 ang entry o mas mataas pa.
What if sa pang 5th on kung anong level man yan ay 50% lang at hindi 100% ang napasok nila, let’s say 5th level, 50% lang ang napasok, so dapat 3,125 pero 1,500 lang pumasok, so 1,500 x P5 = P7,500.

Why is this possible?

          P50 entry, kayang kaya yan kahit sino, so sa P50 na entry pwede mo ring ipang open mind sa isang tao dahil kahit sino pweding itry ang networking sa halagang P50, kapag kumita ang taong isinali mo, at nadoble or triple lang ang P50 niya, maniniwala na siya na sa NETWORKING pala ay pwede talagang kumita, hintaying mong kumita siya ng malaki at ipasok sa network mo, mabilis ang entry dito kaya possibleng possible maabot mo ang 2.4 Milyon.

Sure pay in sa Network mo

                Kapag pinresent mo ang current network mo at nagustuhan niya, pero wala siyang pera, you can offer this and help him earn para makuha niya ang pang entry sa current network mo.

Affordable at makakatulong ka pa!


Nakita mo ang systema, at kitang kita mo na pwede talagang maging milyonaryo sa halagang P50 lang. Kahit PISO pa yan basta may SYSTEMA, magiging MILYON talaga. NOW, Ilan ang taong may malaking pangangailangan sa Pilipinas? Mga kapitbahay mo? Sa halagang P50 magkakaroon sila ng CHANCE na mapalitan ang FUTURE nila. Help them! P50 lang to!

Di ba sabi mo BY JUST USING FACEBOOK?

Yes! Use FACEBOOK to ADVERTISE this, naku naman P50 lang yan, kung may papakita kang agad na resulta kahit yung P50 mo naging P150 yan makakaakot ka na eh!

May Systema ba yan? Product? Baka Pera pera lang...


Of Course may system, May Website, may Back Office at may Genealogy at lahat lahat ng transaction mo, Mga product natin ay mga Ebooks, Video Tutorials at Audio Books..

Nangangati na ang P50 ko, Sali na ako!

     'Wag kang magmadali! Basa muna ulit. Huwag ka ng sasali kung di ka rin kukuha ng limang tao mo, huwag ka ng sasali kung gusto mo lang itong subukan, Huwag ka ng sumali kung wala kang alam na tao na may P50. Anyway, dahil makulit ka, eto na:

Introducing Pinoy Extra Income CLICK THE IMAGE TO JOIN!



P.S.
Kung may Resulta ka na at mayaman na sa NETWORK mo. P2.4 Million is not BAD! Pwede mo ng ilibre ang mga taong gustong gusto ang negosyo mo pero wala sila PEYPEY. ;-)

Meron pang isa eto:

GOLDCLUB50

Why join us? Dahil una, soon kapag may bumisita sa site na Pinoy Extra Income maaring ang link mo na ang nakalagay doon at sayo na diretso ang mga taong magsasign up.
And I will send an IMAGE soon na pwedeng ipost sa Facebook para mabuo mo agad ang 5 Direct Referral mo.

Magbabayad ba agad? Magreg ka ngayon, PAY Later. Pwedeng bukas na lang :)
Eto ang mode of payment pala:


Register na muna then kapag nakaregister ka na, log in ka at may makikita kang info how to upgrade.
Again, PINOY EXTRA INCOME at GOLDCLUB50

Wednesday, May 9, 2012

Why Collect Emails


From Mike Dillard... (COPY...PASTE)
The other day my daughter asked me why do I have 139,642 emails?
Good question.
After thinking about it for a moment, I told her…
“Well, I collect them.”
It’s true.
Hey everyone’s got their thing.
Some collect coins, others stamps, dolls, or other stuff.


I Collect… EMAILS.

Did you know, that every single day you get killer money making ideas right into your inbox?

You get million dollar marketing and copywriting education for FREE?

Most people don’t, so let me shed some light on that.
Like you, I’m on a number of lists where I get emails every single day.
Now most people get annoyed from all that.
Me?
I LOVE IT.
I get subject lines, marketing hooks, scarcity plays and all that jazz delivered to me on a silver platter 24 hours a day.
The key is to understand how to break it down and use it in your own marketing.
You don’t need to buy every single thing, that’ll just be overwhelming and not productive.
But, from time to time I also get caught up in a good sales email, whip out my credit card and buy… IF it’s something I feel will help me with what I do.
So let’s dive into this and see how all these emails can help you…


Put MORE DOUGH In Your Bank Account!

Here’s a screen shot of my inbox right now.
You can’t see, because the image would have been too big, but this is actually over a 2 hour period.
If you look at these subject lines, you can actually create them into template formulas.
Let’s see how can you use these subject lines for your business?
How about this 4th one down – Are you selling to the wrong people?
Are you ______ the wrong people?
You could change that and put – Are you recruiting the wrong people?
What about – concealed carry training secrets exposed…
That’s an easy one – _____ secrets exposed…
You can fill in the blank – selling, recruiting, money making, business building, etc…
Let’s do one more (at the bottom) – These 1372 AWAIers have a definite advantage…
This baby is loaded  – These (exact #) ______ have a definite advantage…
These – top earners, leaders, marketers, network marketers, 6 figure earners, etc….
See how this works?
EASY!
And you’re complaining you get too much email 
I haven’t even cracked them open, because inside they’re also full of ideas, tips, and angles you could use.
IMPORTANT: I do not recommend you steal other people’s copy or subject lines.
But you CAN swipe ideas. We even call it a swipe file.
Heck, why do you think they call it copywriting?
’cause you COPY other people… JUST KIDDING!
Seriously don’t copy others, but see how you can creatively use these ideas as inspiration to come up with your own unique emails.

Tuesday, May 8, 2012

Pay Ins Made Easy

The Mid-Entry Story       
Nung nasa Mid-Entry ako, ang unang network ko, nahirapan akong magpa-pay in dahil ang center ay nasa Tarlac pa, at nasa Angeles ako, may mainvite man ako, tatamarin ring pumunta, at ang Company na ito, dati na palang may Center sa Angeles lugar namin pero nagsara lang. Hindi ko rin alam na ang Company na pinasukan ko ay may sampung taon na pala sa Pilipinas, Sikat na. Proud naman ako dahil akala ko malaking puntos iyon para lumaki ang team ko(and yes! Maganda rin naman na ang Company mo ay sikat at mapagkakatiwalaan na), ang problema, karamihan pala ng mga networker mas gusto nila ang tinatawag na PIONEERING STAGE. Gusto sila ang nasa taas para mas malawak ang market nila. After a few months of rejections at hirap na pabalik balik sa center just to Re-purchase at ang mahirap pa dito, akong mag-isa lang at ang upline ko ay nasa Abra, ang layo non sa Pampanga, I finally decided to give up and look for another MLM Company na fresh pa at may kateam talaga ako na makakatulong, Isa sa mga kabanda ko dati ay nasa pareho pala kaming industry, Networking. Gusto niyang ilatag ang Marketing Plan ng Company niya, kaya naman I decided to attend their BOM sa McDonalds  sa Dau. Magaling ang pagkakalatag pero iisipin ko muna sabi ko, although hindi ko naman talaga iisipin. Ayaw ko in other words .

Naglalakad ako sa Angeles when  one cute lady handed me a flyer at tinext ko naman ang number na nakalagay sa flyers, instant! Bukas daw meet kami at ang hindi niya alam magpe-pay in na ako. Ready na akong sumali dahil bago ko pa siya tinext inaral ko na sa internet ang marketing plan nila, I just want to join them dahil gusto ko ang ka-team ko ay nasa area ko lang, nabigla ang taong magiging sponsor ko, literally ang sabi niya ay, “Nakakabigla ka naman, Sir!” anong nakakabigla don? Hindi ba kaya nila pinresent ang negosyo nila so that may mapa-pay in sila, bakit nabibigla ngayon at nagpepay-in ako on the spot? Kasi hindi sila sana’y na nag-inquire kahapon, na-orient ngayon, pay-in agad. Obvious eh. Ang isa sa napansin ko ay ang pagiging ARROGANT ng pinaka-upline namin, he even said MATRIX are SCAM, Stay away from PTC. Alam ba niyang galing sa PTC ang pinagpay-in ko? Nakikita ko ang kayabangan ng Upline namin, He even use the WORD GOD kung pakikinggan mo, parang tunay siyang Christian, pero kung makapag-mura naman tinalo pa si Fred Durst(Limp Bizkit) sa dumi na bibig niya. Kung ano ang turo ng upline ganoon din ang mga downline sigurado, that’s why I decided not to follow him dahil upline mismo, sinisira ang industriya ng networking, kinukumpara pa nga niya ang network namin  sa Ibang Network Companies na nagbebenta daw ng Glutathione at mga sabon sabon. What’s wrong with Soap and Glutathione? Ang daming taong kumita doon na mas mayaman pa sa kanya.

                The High-Entry Story

I wasn’t happy with that team, but I love their product and Marketing Plan, especially when most of  my customers na nabentahan ko ng product ay nagrereklamo, lalo na yung kaibigan ko na nagpost sa facebook how suck their system is, I can’t blame him though.

                Nag-attend ulit ako ng B.O.M. ng Company ng dati kong kabanda para malinawan ulit ako, may mga guest na iba at mga babae lahat, mga Call Center Agents daw, may pera sila siyempre, kaya nilang ma-afford ang taas ng Entry sa Company na ito. The Upline handed the application form and I ask my upline kung magiging downline ko ba sila kapag nagpay in na ako, nasilaw talaga ako dahil akala ko magpepay in na agad ang mga iyon kaya naman inisip ko na unahan na sila. Nag-pay in ako kinabukasan.  Aggressive pa ako sa pag-iinvite sino nga ba naman ang hindi mag-aaggresive kung halos kulang sa siyam na libo ang nilabas mo, ininvite ko kahit sino na lang just to impress my team mates na nag-eeffort talaga ako, although sa likod ng sub-concious ko alam kong di magpepay in ang mga iyon, kitang kita naman na hindi sila nakikinig. Nalaman ko na lang nga na ang isa sa mga ininvite ko ay pinagtatawanan ako ng mga kaibigan niya sa trabaho na dati ko ring mga katrabaho. At siyempre hindi nga sila magpepay in, hindi naman talaga nila gusto ang negosyo at sarado naman talaga ang isip nila sa ganitong klase ng negosyo, sabi nga, you can’t force someone to be someone they’re not. Kung may ine-expect man akong magpepay in ay iyon ang na-invite kong babae na matagal ko ng kaibigan at ang dami niyang tanong na kung iisipin mo na talagang gusto niyang sumali kaya siya nagtatanong, WRONG! Hindi siya sumali, networker ang asawa niya at open minded naman siya, pero sa laki daw ng Entry, NO WAY!

The Low-Entry Story
                Pati ang pabango na low-entry pinatulan ko at pati ang Personal Collection. I really want to become financially free. Kaya todo invest ako.

                Madalas kong naririnig talaga ang PIONEERING STAGE sa high entry ko, naisip ko, pioneering stage nga sila sa area namin ang hirap naman magpapay in dahil sa laki ng entry, naghanap ako ng isang company na PIONEERING STAGE, at the same time MURA lang. I found this company na saktong sakto, below P800 ang entry, Affordable at PIONEERING STAGE talaga at may Center pa sa area namin na kakatayo lang. Nag-enjoy ako sa Company na ito at ito na ang finocus ko, ang daling magpapayin at I build ang team, Doctor pa ang Speaker kaya pati sa product well explained, by text lang may napapapay in ako. Later on, natrained ako ng husto sa Company na ito na to the point na binabayaran na ako ng Company para maging Speaker at naging official speaker pa ng Pampanga at naging member ng Core Group at Core One pa, ang pinakamataas na uri ng Core sa Company na ito, Ginawa na rin ako ng Company as Representative, lumaki ng lumaki ang team namin, but since, low entry di rin ganoon kataas ang Pairing Bonus at ang laban ay 2 is to 1, kailangang mo pa ng tatlong tao just to earn P225. Ang dami kong natutunan sa pag-sstay ko sa Company na ito, dahil habang nandtio ako nagse-self study ako, dito ko rin nalaman ang tungkol sa mga iba’t – ibang strategies sa pagmamarket. Hindi ko alam na ginagawa ko na pala ang tinatawag nilang Attraction Marketing sa Company na ito, hindi ko nga lang alam ang tawag dito ay ganoon. Nabasa ko lang sa mga libro ni Ann Sieg ang Attraction Marketing, Before I even know it, I was actually doing it. Just like ang iba tao ngayon, they don't know what networking is, kapag nalaman nila, ayaw nila, pero di nila alam na they do networking all the time :-).

                Sarado na ang isipan ko sa mga High Entry dahil sa training at turo ng mentor ko, alin nga ba naman ang mas mabilis pumasok ang tao, sa below 800 o sa 4000 pataas? Iyan ang mentality na pumasok sa akin. Although focus ako sa Company na ito, may nanlibre sa akin na taga Saudi at ipinasok ako sa Company na may P2,500 entry, pumayag ako libre naman at hindi ko naman talaga ito i-wowork out.
Back to Mid-Entry(May focus ba na nagpapalibre? hehe)

                Still focus sa Low entry pero, dahil sa napapansin ko na kahit anong training ang ipasok mo sa mga NEW BLOOD, kung nabaliw lang sila, at wala talagang panggalaw, wala rin Commitment eh, malaki nga ang team ko pero nasa 10-15 lang lagi ang active, ang iba lulubog lilitaw, kasi nga naman magkano lang ang entry walang commitment, mababa ang entry, mababa ang commitment level ng iba, kaya nilang talikuran eh.  Yung 2,500 na nilibre sa akin, magmemerge ang Company sa isang bago at Pioneering Stage na Company galing ng U.S. at ang inuna nilang bansa ay ang PILPINAS, isang Once in a lifetime opportunity, madalas huli ang Pilipinas kapag International Company., at P2,000 lang ang entry. Isa ako sa mga gagawing Founding Member na may 2% profit share ng Company at ang ganda ng Marketing Plan ng Company na ito, sa ganda ng Marketing Plan, nilatag ko ito sa mga dati ko ng naka-team sa High Entry at Low Entry. Instant, Pay In agad. At ang malupit pa dito, ang buong team ng High Entry na pinasukan ko, itong Mid-Entry na ngayon ang ipofocus nila. Ang daming nagpepay in at kahit hindi ko pa imeet nagpepay in sila under my sponsor name, May tao na nga ako sa Mindanao, sa Isabela, Sa Laguna, sa Manila, Nueva Ecija, Tarlac, Bulacan, at ang ginagawa ko lang ay magstay sa pamilya ko, at magblog at magtext, ganoon lang. And ito pa ang malupit may taong ayaw na ayaw na mag-ibang Company sa dati kong Company at binabawal niya talaga na magkaroon ng Company ang mga members, ngayon ay Downline ko na sa Mid Entry na napasukan kong ito, ano nga ba ang sikreto ko? Abangan niyo ang mga post ko or SUBSCRIBE!

            After all, hindi naman talaga ganoon kahirap magpa-Pay in kahit anong Company ka pa at kahit anong Entry ka pa, basta tamang tao lamang ang kinakausap mo at make sure na ang kausap/kachat mo ay hindi ka nagsasayang ng oras. Nasabi ko lang na mahirap magpa-Pay in sa High Entry dahil sa Mindset ko na mali dati at walang tamang Trainings.

Friday, July 29, 2011

Lean and Fab USA

Yes you heard it right! We are now shipping Lean and Fab to USA. Shipping is not a Free Though. Ill post the Shipping rates here soon. We can ship World Wide. International Orders Can Email: chayd825@gmail.com or sales@leanandfab.org or you can visit our official site: www.leanandfab.org

For Filipinos around the World, you can also start your own business by becoming a distributor of Lean and Fab and other Global Fusion Products. Please See Image Below:


Tuesday, July 26, 2011

VMobile Pampanga

If you are looking for a team on Vmobile here in Pampanga, You have found the right person to contact, yeah! It's me! O9O6-400-9859


Ano ang makukuha mo kung sa team ka namin sumali?
1. 100% Full Support
2. The Next person who will join Will be under you!
3. Money and more Money!

Become a Technopreneur
You have to buy the Kit for only P3,988. Once you are a Technopreneur/Dealer you will have 10-14% Discount on Prepaid Load (Lifetime)

What's Included on your Kit?
2 Tarpaulins
3 Sim Cards (Smart)
20 Price list
20 Quick Guide
20 Access Cards
2 Web Access Account
1 Technopreneur Card
The 20 Access Cards

It's either you can sell them or give them away for FREE.
You can sell them for P250
These cards are your retailers card.
Return of Investment by just selling your retailers card
20 x 250 = P5,000
Not only you got your money back, you also earned P1,012.
It's easy to sell your 20 Retailers card, why? Kahit nagloload na ang bebentahan mo, kung malalaman niya na 1 sim lang gagamitin maloload na niya lahat, siguradong kukunin niya. Tanga lang ang hindi pipiliin ang 1 Sim Load All
The Access Cards Override
Once you sold the 20 Access Cards, as soon as they use their cards, you can earn 1-2% for every load consumed by your Retailers.
20 Retailers x 1000 Load daily = P20,000 x 2% = 400 x 30 Days = P12,000 (1% = 6,000)
those are your retailers alone. Earnings doesn't stop there. Keep Reading!
How to Load your Wallet as a Dealer/Retailer?
As I am dealer, if you will be my Retailer, I will handle it for you. I will sell Load Wallet for all my retailers.
Or you can pay thru BDO, Metrobank, BPI and Unionbank or sa Harapang ng Jenra Mall, ITuturo ko rin kung sasali ka.
The other ways to earn
Direct Sales Incentives. If can refer the product(Kit) to someone and he/she avail the KIT you can earn 500.
Team Sales Bonus. Match two pairs of referrals and you can earn another 500 each pair.
Earning Convertion
You can convert your earnings via website (Don't worry I can teach you how if you are interested)
For the Safety of VMobile Company

If you want to become one of us we will help you build your own downlines!
If you are interested on becoming a Technopreneur / Technouser Contact us:
PROUD TERMINATED Team 
Email: chayd825@gmail.com / info@pc825.com
or text: O9O6-400-9859



Read more: http://www.sulit.com.ph/index.php/view+classifieds/id/3916108/VMobile+Pampanga?referralKeywords=vmobile+pampanga

Tuesday, July 19, 2011

Understanding Networking: MLM vs My Job

4 years VS Few Months

4 Years sa trabaho, Fixed na sweldo. 4 Years na di nawawala ang utang at 4 years na paulit-ulit lang. Ultimong gatas para sa mga anak kong kambal ay uutangin pa. Diaper, kailangan pang magsangla ng kung ano ano. Sure na ang kita ko niyan, 15 at 30 ng buwan. Pinasok ko ang MLM habang nasa trabaho pa ako at pang-ilan buwan ko pa lang sa MLM Marketing ay nakabili na ako ng mga gamit na kailanman ay hindi ko mabibili kung mananatili akong empleyado, ilang buwan ko palang sa MLM pero nabayaran ko na ang mga utang ko sa trabaho at marami na rin akong naipundar na mga gamit. Samantalang sa pagiging empleyado ko ay pinoproblema ko pa lahat ng gastusin. Totoo rin na kapag kapos ka sa pinansiyal ay madaling uminit ang iyong ulo at madaling makapagsalita ng mga bagay na di mo sinasadya. Noon, ayaw na ayaw kong pag-usapan ang usapang pera. Nang pasukin ko ang mundo ng Networking, Gustong gusto kong magplano at ayusin ang mga problemang pang pinansiyal. Tanging ang BOSS ko lamang ang yayaman sa aking pagtatrabaho kung mananatili akong empleyado. Totoong mas maganda ang may trabaho kaysa sa wala, pero isa-isip rin na ang pagtatrabaho ay napakaliit lang ng tsansa para magkaroon ka ng maginhawa at kontentong buhay at lumaya sa pinansiyal na problema, aasenso ka lang sa trabaho kung nakakaTIPID ka, Nakaka-ipon ka,  nagbabudget ka at mamumuhunan ka. Paano kung mismong sahod mo ay di pa rin sapat? paano mo magagawa ang mga bagay na ito? Karamihan sa mga Pinoy ay imbes na matuwa tuwing araw ng sahod, sila ay namroroblema at nagrereklamo, iyan ang napansin ko sa trabaho ko dati at sa pagsakay sa jeep habang naririnig ang mga kasakay na empleyado sa ibang kumpanya na nagrereklamo at pinag-uusapan ang utang. Isipin mo ba namang mga call center agents na nasasabi pa nilang "wala na akong pera!" iyan ang narinig ko nung isang araw pagsakay ng jeep. Kung iisipin mas mataas ang sahod ng mga Agents kumpara sa mga regular na manggagawa lamang.

Masipag, susi nga ba?


Oo, susi ang kasipagan kung alam mo itong gamitin. Pero kung hindi, mananatili kang masipag na naghihirap habang buhay. Ang magbabalot ba masipag? Mayaman ba siya? Ilang taon mo na bang nakikita ang magbabalot sa lugar niyo? Magbabalot pa rin ba? Nagtitinda ng Sigarilyo sa kalye, o mas kilala bilang "Takatak" sa Pampanga, Masibag di ba? may yumaman ba na nagtitinda lang ng sigarilyo? Construction Worker? Masipag? Oo siyempre, ilang taon ng construction worker ang tatay ko pero construction worker pa rin siya, gayunpaman naitaguyod niya kami hanggang sa lumaki ng maayos at malusog. Pero, mananatili na lang ba kami na TAMA o sakto lang ang kabuhayan? Hindi dapat. Kaya narito ako at naghahanap ng paraan para  paglaki ng mga anak ko ay hindi na nila kailangang maghirap at maging empleyado, gusto ko silang matuto bilang mga Negosyante. Mag-aaral sila hindi para magkaroon ng magandang posisyon sa isang kumpanya, gusto silang mag-aral para magkaroon sila ng SARILI nilang KUMPANYA. Sabi ng iba, ok lang na magtrabaho ng magtrabaho basta sa malinis na paraan. Hindi ba't pwede rin namang Magnegosyo ng magnegosyo sa malinis na paraan?

Ok na ako sa buhay na ganito ayaw ko namang yumaman!


Hipokrito ang taong nagsabing ayaw niyang yumaman lalo na kung nakikita mo siyang nakapila sa mga Lotto outlet. Ang dami kong nakatrabaho na nagsasabing kuntento na sila sa buhay nila na ganoon, pero nakikita ko rin silang tumataya ng Jueteng at Lotto, may kontento bang umaasa sa Jueteng at Lotto? Lahat ng may problemang pinansiyal ay HINDI OK!

Malaki nga ang sahod may natatabi ba?


Kahit gaano pa kalaki ang sahod mo, kung ang gastos mo ay halos pareho lang sa sahod, wala rin! Kahit gaano kalaki ang sahod mo kung wala ka namang savings, wala rin!
Si Juan ay sumasahod ng 60,000 a month pero walang naitatabi. Habang si Pedro ay sumasahod lamang ng 8,000 a month pero nakakapagtabi ng 750 monthly at dinedeposit niya ito sa bangko, mas malaki ang tsansa na umasenso si Pedro kaysa kay Juan. Sa mentalidad pa lamang ay kitang kita na. Hindi sapat ang pagiging matipid kung wala ka namang naitatabi. May silbi lamang ang pagtitipid kung ang dahilan mo ay pag-iipon para pagdating ng araw ay makapamuhunan ka. Mag-ipon para sa iyong pagtanda. Isa-isip ang iyong pagtanda para pag-matanda ka na hindi mo na kailangang umasa sa mga anak mo at mahal sa buhay, ikaw mismo ay kaya mong sustentuhan ang sarili mo.

Bayaran mo muna ang iyong sarili!


Paano ka ba makakapagtabi ng pera kung ang sarili mo ay di mo kayang bayaran? Ganito ang mas magandang gawin. Kung ang utang mo sa iba ay nababayaran mo, utangin mo ang iyong sarili pero 'wag mong kukunin sarili mong pera. Kunwari may utang kang 1,000 sa sarili mo at ang paraan lamang para bayaran ito ay magbukas ka ng Savings account at doon mo ideposit. Kada-sahod bayaran mo ang sarili mo ng 500 (Kung kinsenas ka nagsasahod). Maghanap ng bangko na may mataas na offer sa compound interest. Kung ang makita mo ay nangangailangan ng 2000 initial deposit at magsesave ka ng 1000 kada buwan at may annual interest na 3%, sa loob ng 15 years ay may Php230,107.55 ka. Kung di ka magsesave sa palagay mo after 15 years may ganyang halaga ka? Kung 20 years naman ay Php331,943.5 o di ba? 20 years kang magtatrabaho at biglang magreretiro matatanggap mo ba ang ganyang kalaking pera? Php331,943.5 kaya mo nang buhayin ang sarili mo nang hindi umaasa sa mga anak mo.