Showing posts with label Chayd's Poem. Show all posts
Showing posts with label Chayd's Poem. Show all posts

Monday, April 29, 2013

Death

Death will come upon you
Don’t be sad you’re not alone
Death is not something to cry on
Death is just a transition
God is not sad when you die
God is happy to see you dead
God will open the gates for you
God will hug and welcome you
What is 100 years to eternity?
It’s just a blink of an eye
No  death and calamity
You don't have to cry
And not all are going there
Some will spend eternity in hell
Immortals will seek death
But even death will defy them






Monday, December 3, 2012

Ako


Ako
by chayd

Nabuhay sa kadiliman
Napaligiran ng kasalanan
Nilason ang isipan
Binulag ang katarungan

Hinahanap ang katotohanan
Sa gitna ng kasinungalingan
Para bang kaliwanagan 
sa gitna ng kadiliman

Tinanong kung sino ka
Hindi na rin kita kilala
Sa ugali mong nakakasuka
Sarili mo man 'di mo na kilala

Halika at buksan natin
Ang puso sa panalangin
Para tayo ay mapansin
Ng nakaupong mahabagin

Tuesday, November 27, 2012

Kadiliman


Kadiliman
by:chayd

Tunaw sa isip ang mga pangarap
ang hirap talagang maging mahirap
Kahit sa salamin ‘di na makaharap
Dahil sa wala ng hinaharap

Sakit ng ulo at bulsa
Nakakatakot kapag nagsama
Kalungkutan at pagdurusa
Kamatayan ang resulta

Para lang akong buhay na patay
Walang liwanag na naghihintay
Kadiliman buong buhay
Walang magawa kundi masanay

Nasaan na ang mga kaibigan
Mukhang ako'y nalimutan na naman
‘di na ako nakapagpapaalam
Kita kita na lang sa aking libingan


This Poem is all about my depression dahil sa financial status, although it's about financial, nakakalungkot na ang pera ay kayang i-alter ang ating pakiramdam.

Thursday, July 15, 2010

Alaala ni Ondoy

Alaala ni Ondoy
12:28 PM 7/16/2010


Hanggang ngayon binabalot pa rin ng kalungkutan
Ang puso kong yumakap sa kahirapan
Kahirapang gawa ng kalikasan
Kalikasang sinira ng katauhan


Hindi ko kayo kinalimutan
Kayong mga nasawi at nasaktan
Ang Bagyong sumira ng inyong kabuhayan
Ang nagdulot sa akin ng matinding kalungkutan


Matindi man ang inyong pagsubok na dinaanan
Nasira man ang buong kabuhayan
Ito ang laging tatandahan
Buhay pa ang inyong kinabukasan


Punasan mo ang iyong luha
Magsimula ka muli sa wala
Itayo mo ang iyong bandila
Bandila ng isang taong tunay na dakila


12:44 PM 7/16/2010                                                                                                                                                                                              

Walang Pamagat


Tumawag ka para sunugin ako                                                                                                                
Inaliw mo naman ang mga demonyo
Lumusot ang patalim
sa bakal na damdamin
Nilunok ng kadiliman ang araw
Ang kadiliman mo ay nakakasilaw
Nabulag na sa katotohanan
Impiyerno’y di na matakasan
Ipinasok nanaman
Paborito niyang laruan
Binuksan na ang langit
Sumingit ang pangit
Umiyak ang langaw
Kabataan ay ninakaw
Nagsasayang magnanakaw
Pinatay na ang ilaw
Lumipad ang pag-asa
Iniwan ng umaasa
Nasunog niyang ligaya
Malapit ng maging pera

Wednesday, July 14, 2010

Pagasa

Pagasa
By chayd
8:43 AM 7/15/2010


Hindi ako nag-iisa, pero wala akong kasama                                                                                              
Nararamdaman ko siya, pero di ko nakikita.
Ang kanyang presensiya ang nagbigay ng pagasa
na ako'y bumangon at mabuhay ng masigla.


Hindi dapat siya itatwa
tayo rin ang kawawa
Bubuhos na ang luha
masusunog pa ang kaluluwa.


Sa tuwing siya ay kasama
Lumilipad ang diwa
Nalulunod sa tuwa
naglalaho ang luha


Hindi man siya nakikita, 
alam kong nandiyan lang siya
kaya 'wag mawalan ng pagasa
alam kong kasama mo rin siya


9:01 AM 7/15/2010
Notepad

Wednesday, May 12, 2010

Laman

Laman
by:chayd


Sa dilim nagsasama
na walang kasawa-sawa
Sa unang pagkikita
Sila'y nagkasala


Itinapon ang kautusan
Pinagbigyan ang laman
Napuno ng kasalanan
Ang silid na pinasukan


Tuloy tuloy sa kadiliman
Ang pagnanasa ng laman
Mga taong sinaktan
'Di na pakikinggan


Ibinuhos ng kalangitan
Pagpapatawad sa kasalanan
Sila ay lumuha at iniwan
Kagustuhan ng laman