Showing posts with label My Pituitary. Show all posts
Showing posts with label My Pituitary. Show all posts

Friday, June 3, 2011

Facebook like is their Favorite TOOL!

Facebook Like is one of the best tool when you can’t really say anything to the poster. English yan ha! Astig! Minsan sa sobrang TANGA ng mga friends mo, kahit ano na lang ang ipost mo nilalike nila.

“Guys namatay ang TITO ko kagabi” – 1 Person Like this! – Akala siguro ang LIKE button ay isang senyales na pakikiramay.

Hindi ba nakakahiya kung ikaw yung nakalike doon? Namatayan na nga ang tao, Like mo pa. 

Madalas ko ring makita ang mga tanong na may LIKE.

“Ano kaya ang magandang gawin ngayon?” 2 People Like this – Ang alin? ang question?

“Ano ba ang ibig sabihin ng LOVE?” 2 Morons Like this.

Madalas rin kahit mga walang kwentang post may like pa rin!

“hehehe!” 3 People Like this

At ito ang pinakamatindi sa lahat!

Isang JEJEMON o mas tanga pa sa JEJEMON ang nagtype ng “Hehehehe”, ilang minuto lang, may like na, siyempre ang unang maglalike ay ang sarili niya, e JEJEMON nga eh! So dahil busy ang apat niyang friend sa kakasagot sa mga BOT sa Yahoo Messanger, hindi nila napansin ang napakagandang post ng kaibigan nila, wala tuloy nagcomment. Para magmukhang may nagcocomment siya sa sarili niya ng “AJEJEJEJE” pampadagdag points para mapansin ang post na tanging mga HENYO lamang ang makakapagpost, at di pa nakontento, ilalike pa niya ito para mas mukhang ASTIG!

This Post was inspired by my Friend’s Post: Karl Andrew Castillo

How to show your narcissistic side in facebook? This is how.
                ‎1st step: Comment on your own status
                ‎2nd step like your own status
                ‎3rd step, like your comment on your status
                4th step... wait for someone to like your status... before doing the 5th step.
                If no one likes your status. You WIN!


Sapangbato New Catholic Church

Lumaki ako bilang isang Katoliko. Lumaki na naglalaro sa Puting Simbahan ng Sapangbato, isang lugar na tinuturing kong paraiso noon bata pa ako, isang lugar na nagpapaalala sa akin ng aking kabataan ngayon. Hindi ganoon kaperpekto ang simbahang iyon, isa naman itong MEMORABLE place sa halos bawat tao sa Sapangbato. Hindi ko alam kung ilang taon na itong nakatayo pero gusto ko sanang manatili ito hanggang 100-200 taon, kahit wala na ako. Hindi mahalaga kung ano ang gusto ko dahil hindi naman ito mangyayari kasi hindi naman ako ang may hawak ng kinabukasan ng simbahang minsang itinuring kong Sagrado at Paraiso. Isang araw na napadaan ako, nakita ko na nirerenovate ang simbahan at unti-unting nawawala ang mala-ANTIK nitong itsura. Unti-unting nawawala ang alaala ng aking kabataan sa lugar na iyon, PROGRESS sa iba. Sa akin hindi. Siguro paniniwala ng nagpagawa at mga sumang-ayon na ayusin ito dahil TAHANAN ITO NG DIYOS (TAHANAN nga bang ng DIyos o Bahay ng PARI?), Siguro kung may tatambayan man ang DIYOS, tinitiyak kong mas tatambay siya sa mga TAONG NAGWOWORSHIP sa kanya at nagpePRAISE, hindi sa mga parang nagmemeeting lang at bawat galaw ay parang nakaprogram lang.

Thus saith the LORD, The heaven [is] my throne, and the earth [is] my footstool: where [is] the house that ye build unto me? and where [is] the place of my rest? -- Isaiah 66:1

At nawala na ngang tuluyan ang simbahang may sentimental value sa akin. Although I’m not a big fan of POPE and His Hail Marys, nasaktan pa rin dahil di ko na makikita ang dating simbahang nagpapasaya sa akin.

Sunday, November 21, 2010

Pa English English ka pa!

Hindi nasusukat ang tunay na pagkatao ng isang Pilipino sa galing niya sa salitang English. Ang daming magagaling na Pilipino sa salitang English ngunit ang ugali naman nila ay mas pangit pa sa nasisira kong kuko, Totoong gumaling nga sila sa English ngunit kinalimutan naman nila ang tamang pakikitungo sa kapwa nila Pilipino. Huwag mong ipagyabang ang English na natutunan mo lang sa ibang mga tao at sa mga libro. Tandahan mo na ang English ay hiram na lenguahe lamang at wala kang karapatan para gamitin ito upang ipanglahit sa mga taong 'di gaanong marunong sa salitang ito. Kagaya na lang ni Pacquiao na nagsisikap mag-aral ng English, nilalahit nila ang tao tuwing siya ay nag-Eenglish, ano bang tingin nila sa sarili nila? Matalino? Matalino nga wala namang pakinabang sa bansa, mabuti pa si Pacquiao pinasikat niya ang ating Bansa sa buong mundo, Eh ikaw na marunong magenglish? Ano ka? Huwag ipagyabang ang English mo dahil ang kamatch mo lang sa English ay isang Batang Americano o  Briton pagdating sa pagsasalita. 'Wag mong ipagyabang ang isang lenguahe na AUTOMATIC lang sa ibang bansa. Pilipino ka! Pilipino! Hindi isang Americano kaya huwag magkunwaring isa kang foreigner. Ang iba nga dalawang taon lang sa ibang bansa at kapag nakabalik na sa Pilipinas akala mo kung sino silang nagpifeeling foreigner na halatang halata naman ang tunay na dugo, isang Pilipino. Hindi masama ang magEnglish basta wag lang itong gagamiting basehan ng pagkatao ng isang tao at 'wag gagamitin laban sa taong hindi marunong sa lenguaheng ito. 'Hwag mong tawaging BOBO ang isang taong hindi marunong mag-English, dahil kung iyon ang tawag mo sa kanyan, isipin mo muna ang iyong pinagmulan, tiyak kong isa o mas marami pa sa linya ng lahi mo ang hindi marunong mag-English. Parang nilahit mo na rin ang ilan sa ating mga bayani na hindi marunong mag-English.

Thursday, September 23, 2010

Nasa kabataan ang pag-asa ng ating bayan! ows!?







Sa panahon ngayon ginagamit pa rin ang mga sikat na sikat na mga linya ni Jose Rizal. Kagaya na lang ng, “Ang kabataan ang pag-asa  ng ating bayan” Anong  ang makukuha natin sa mga kabataan ngayon? At anong klaseng pag-asa ang tinutukoy ni Rizal? Kung buhay lang siguro ngayon si Rizal tiyak na iba ang sasabihin niya. Anong makikitang pag-asa sa isang kabataang wala ng ginawa kundi, maglaro ng DOTA, magshopping, mag-facebook, mag-farmville, maglaro ng mga online games, mag-inuman, maglakwatsa at kung ano ano pa. Hindi applicable ang sinabi ni Rizal sa panahon ngayon at hindi applicable sa lahat ng oras, sa panahon niya, oo, dahil ang bansa natin noon ay nangangailangan ng kalayaan na sa palagay siguro ni Rizal na ang mga kabataan na ang mga makakatamasa ng kalayaan na iyon, hindi ang mga matatanda, kaya nadawit ang salitang kabataan. Kung ang tinutukoy naman ni Rizal na ang kabataan ay tatanda at sila ang magiging pag-asa , ang ibig niya talagang sabihin ay, ang mga matatanda ang tunay na pag-asa  ng ating bayan. Hindi rin pwedeng sabihin na, kaya nga ang kabataan ang pag-asa  ng ating bayan dahil ang mga matatandang nagbigay ng pag-asa  ngayon ay dating mga bata, hindi pwede iyon, dahil kung iyon ang dahilan dapat sinabi na niya lang na “Nasa mga fetus ang pag-asa  ng ating bayan” o “Nasa mga spermcells at eggcells ang pag-asa  ng ating bayan” Alisin na natin dapat ang mentalidad at paniniwalang “Nasa kabataan ang pag-asa  ng ating bayan”, pwede, pero kung iyon ang isasabuhay natin, parang wala ng silbi ang mga matatanda at kasalukuyang namamalakad ng ating bansa. Mas makabubuti kung ganito na lang ang ating isa-isip, “Nasa bawat Pilipino ang pag-asa  ng ating bayan” mahirap man o mayaman, bata man o matanda, lalaki o babae, uhm ‘wag na ang mga third sex dahil sa sinabi kong lalaki o babae sila ang “O”.

Teka nga pala, anong pag-asa  ang tinutukoy at hinahanap ng ating bansa? Pag-unlad? Kalayaan? Kasikatan? Kalisnisan? Kung ano man iyon, maging ikaw ang pag-asa  na hinahanap ng ating bansa.




Monday, August 23, 2010

The Mayhem in Manila

Ano ang nangyari? Buong Pilipinas pinapanood ang pagiging mabagal at mahina ng ating kapulisan at ilang rescue team. Hindi dapat nauwi sa ganoon ang naganap na hostage taking sa Manila. Kitang kita kung gaano kahina ang strategy ng mga Pulis natin. Hindi ko alam ang camerang ginagamit ng mga SWAT, pero isa itong camerang pwedeng ipasok kahit sa mga maliliit na butas para makita ang nasa loob nito, wala ba sila non? oras na siguro para magkaroon ng ganoong camera sa mga pulis natin. Wala bang spotlight para ilawan ang loob ng bus? Pasalamat rin sila walang granadang inihagis ang hostage taker sa kanila, dahil kung nagkataon, patay lahat ang mga nakakumpol na pulis, sa likod man o harap. Ano yung lubid na inilagay sa pinto ng bus at hinila nila na wala mang isang minuto ay nabali na?  Hanggang sa napatay ang hostage taker kitang kita ang pagiging mahina at low tech ng mga pulis na nandoon, pinasok nila ang bus na may usok pa ng Tear gas, Kuhang kuha sa camera ang itsura ng mga pulis na pumasok na masakit pa raw sa mukha ang usok ng tear gas, ano ba naman sila, kahit ba gas mask wala silang dala? Buti naman at yung mataas na opisyal ay nakapagdala ng payong para hindi mabasa sa ulan. Anong ginagawa ni PNOY? 'wag namang sabihing hindi siya pwedeng makialam, dahil dapat siyang makialam kung may mga taong nakataya na ang buhay. Kahit man lamang sana tinawagan niya ang Hostage taker or siya mismo ang nakipagnegosasyon at kahit man lang nagsinungaling na ibibigay ang gusto niya para lang mailigtas ang mga hostages. Siguradong kakalma ang hostage taker kung si PNOY mismo ang makikipagnegosasyon. Dahil ba busy si PNOY at hindi niya linya ang ganoong klaseng senaryo kaya hindi siya nakialam? 

Isa pang napansin ko ay ang pagiging magulo ng mga tagapagbalita, si Mike Enriquez na parang hindi nakikinig sa mga kapwa niya tagapagbalita ay hirit ng hirit, hindi man lang pinapatapos na makapagsalita ang mga kasama niya, tanong ng tanong. Kapag pala nininerbiyos si Mike nag-iiba rin ang boses, nawala tuloy ang pagiging astiging imahe niya sa Imbestigador.

Wednesday, July 21, 2010

Sa palagay mo?

Kung mamamatay ka ngayon, sa palagay mo ba sa langit ang bagsak mo o sa impiyerno? Ano sa palagay mo ang katanggap tanggap para sa Diyos para ikaw ay papasukin sa kanyang kaharian? Pag-aralan mo ang buhay mo ngayon kung sa palagay mo ba ay katanggap tanggap ka sa kanya, gawing basehan ang bibliya at ang kanyang mga turo, pasado ka ba? may points ba sa Diyos ang maghapong pagbabad sa facebook, instead na nagbabasa ng bibliya o magdasal man lang? May point ba kay Jesus ang pagpapasikat sa mga social networking website, post ng post ng mga luho at mga nais sa buhay na wala man lang bahid ng pagiging maka-Diyos? Isipin mo ang buhay mo ngayon at ang buhay ng mga tunay na Kristiyano na nanalig sa ating Panginoong Jesus, May mga kristiyanong pinarusahan, pinahirapan at pinaslang ng dahil lamang sa kanilang paniniwala kay Kristo, ikaw gaano ka ka active sa ating Panginoong Diyos? Narito ka ba para mabuhay lamang at mamatay pagkatapos ng ilang taon, o narito ka para isagawa ang tunay mong layunin kung bakit ka nabuhay, at ito ay ang paglingkuran ang ating Diyos. Nabubuhay ka para mabuhay, nagtatrabaho ka para mabuhay, nabubuhay ka para magsaya. Nasaan ang Diyos sa buhay mo? Sapat na ba ang nagsisimba tuwing Linggo para makapasok sa kaharian ng Diyos? Sa palagay mo?

Tuesday, July 13, 2010

Hindi ako nag-iisa, pero wala akong kasama


Mga professional sila dahil may professional na nagturo sa kanila, i can’t afford that. Wala akong sapat na pera para magpaturo sa mga professional photographers  at film maker, But I think yun ang susi para matuto ako, magsisimula akong matuto ng sarili kong paraan at ititigil ko na ang pangangarap, uumpisahan ko na para maging isang professional sa sarili kong paraan.  Oo, totoong sasabihin ng iba na dapat parin akong umattend sa mga film school at digital photography school para matutunan ang tamang proseso. Wala akong pera kaya magtitiyaga ako sa sarili kong proseso at sarili kong lason. Karamihan ng mga professional dito sa mundo ay may nagturo na isa ring professional na tinuruan din ng isa pang professional at sa pinakadulo ng mga professional na ito ay ang isang taong walang ibang nagturo kundi ang sarili niya at ang mga bagay bagay na nakapaligid sa kanya, siya ang MASTER ng lahat ng mga bagay na natutunan ng mga estudyante ng mga naging estudyante niya. At ako ang taong magiging MASTER ng pansarili kong konsepto sa photograpiya at pagawa ng mga pelikula. May camera ba ako na kagaya ng mga professional na nakikita ko sa facebook? Digital SLR? Wala, kailangan ko iyon pero di kaya ng bulsa, makakapagtiyaga ako sa dalawa kong digital camera na maari namang kumuha ng kuha ng mga mamahaling camera, hindi nga lang ganoon kaganda, pero nandoon ang konsepto at nandiyan naman ang adobe lightroom at photoshop. Ang daming mga lumang kuha dito sa mundo na analog pa ang ginamit na hindi kayang lampasan ng mga DIGITAL na bagay. Sa ngayon pangit pa ang mga kuha ko, nasa proseso pa ako ng pagtuturo sa aking sarili. Naniniwala rin ako na wala sa presyo ng camera ang isang magandang kuha, nasa kinukunan pa rin ito, nakakatulong ang quality ng camera pero ulit, nasa kinukunan pa rin iyan, ang actual na bagay o lugar na kinukunan natin ay iyon ang tunay na maganda, ang likha ng Diyos. Kung mababasa man ito ng buong tao sa mundo, maaring may isang milyong tao , hindi, isang bilyong tao ang ‘di sang-ayon sa sinasabi ko, pero wala akong pakialam, sariling paraan ko ito. Sa pagawa naman ng mga short movies at sa katagalan ay mga mahahabang pelikula na, may Video Cam ba ako na kagaya ng mga sikat na Film maker? Wala rin. Pero ang isa sa mga digicam ko ay kayang makapagrecord ng video na Widescreen HD Movie Clips at 16:9 aspec ratio (1280x720pixel) na may 30 frames per second,  pwedeng pwede na itong gamitin para ipanggawa ng pelikula. Pelikulang gawa sa digital camera, maaring nakakatawa, nakakatawa man, maari rin naman itong pumatok, ang iba nga sa ay kuha lang sa cellphone/web cam at i-uupload sa youtube, sikat na sila. Again, wala sa mahal ng equipment, nasa konsepto pa rin. Sina Moymoy Palaboy at Kuya Jobert, pumatok sa kanilang istilo, hindi sa ganda ng kanilang Video Cam. Sa pagsasaliksik ko kung may isang tao akong kagaya na handang magbuhus lang ng konting halaga para sa mga gagawing pelikula, nakita ko na may isang sikat na director na kahit papaano ay kapareho ko ng paniniwala, siya si Robert Rodriguez.  Hindi ko sinasabing pareho talaga kami, ngunit napansin kong ang mga itinuturo niya ay halos magkatulad sa mga paniniwala ko, halimbawa na lang ay ang paggamit ng mga bagay bagay sa aking paligid para sa aking gagawing pelikula, paggamit ng mga kaibigan, miyembro ng pamilya at kamag-anak bilang aking mga artista at pag-iwas sa pagsasayang ng malaking pera para sa pelikula, pagdidiskubre sa pansariling paraan sa paggawa ng iba’t-ibang bagay at pagtigil sa pangangarap at mag-umpisang gawin ang aking mga pangarap, pagamit sa iyong kapaligiran para makasulat ng mga scripts o ideya ng iyong gagawing pelikula.

Mga paborito kong sinabi niya na sadyang gawain ko na noon pa ay:
1.       Discover your own way of doing things
2.       Stop aspiring, start dong. 

Kagaya na lamang ng isinulat kong ito, maaring may bilyong tao riyan na magsabi mali ang paggamit ko ng paragraph, comma, tuldok at iba pa, well atleast naintindihan nila ang ibig kong sabihin. Hindi naman ibig sabihin na ayaw kong matutunan ang tamang pagsusulat. Pinag-aaralan ko pa.

Wednesday, July 7, 2010

Kaya mo 'yan!


Napakapalad ko dahil hindi ibinigay sa akin ng Diyos ang isang pagsubok na maaring ikasuko ko at maaring magdulot ng isang matinding depresyon sa akin, at sa aking pamilya. Totoong hindi tayo binibigyan ng Diyos na isang pagsubok na hindi kaya ng kapasidad natin, ngunit may mga taong napapakatiwakal ng dahil sa mga pagsubok sa ating buhay. Lahat ng pagsubok na binibigay ng ating Diyos ay kaya nating malampasan, alam niya ang ating kapasidad, ngunit nasa atin na kung tututukan natin ang solusyon sa pagsubok na binibigay Niya. Mas tinututukan ng iba ang epekto ng pagsubok sa buhay nila kaya naman nauuwi sa pagpapatiwakal ang solusyon, at iyon ang maling solusyon. Isa ako sa mga taong laging tumitingin sa maliwanag na parte ng buhay, at laging iyon ang ginagawa kong gabay patungo sa mga solusyon sa aking mga problema, pero hindi ibig sabihin na hindi ako lumilingon sa madilim na bahagi ng aking buhay. Tinitignan ko ang madilim na bahagi, upang ito ay kamuhian at itakwil. Sinasabi ko sa sarili ko na habang nasa kadiliman ako, "Ayaw ko sa lugar o sitwasyon na ito, kailangan kong makatakas, kailangan kong makalaya". Ang unang hinahanap ko ay ang butas na nagbibigay ng liwanag sa kadiliman, at iyon ang simula ng aking paglaya, kung wala man akong makitang butas, ako mismo ang gagawa ng butas na aking hinahanap. Ang mga nagpapatiwakal ng dahil sa kadiliman, sila yung mga taong takot sa dilim at kahit na may makitang liwanag, iniisip pa rin nila na ang kadiliman ay mas malawak sa kaliwanagan, at iyon ang simula ng kanilang pagbagsak. Huwag yakapin ang kadiliman, tapusin ito sa pamamagitan ng liyab ng pagasa sa iyong dibdib, kung wala ng natitirang pagasa sa iyong dibdib sumigaw lang ng "Panginoon tulungan po ninyo ako sa pagsubok na ibinigay niyo, gabayan po ninyo ako!" Kahit gaano pa kalaki ang aking determinasyon sa buhay para makalaya sa lahat ng kadiliman sa aking buhay, ang nasa likod nito ay ang pagdarasal. Sa anumang pagsubok sa ating buhay, ang una at huling dapat gawin ay ang magdasal.

Maari ring gumamit ng mga taong kakilala mo bilang inspirasyon sa kanilang matagumpay na pakikipaglaban sa kadiliman ng buhay. Isipin kung gaano kalaki ng kadiliman mo at ikumpara sa laki ng kanyang kadiliman, kung mas malaki ang sa iyo, isipin mo na kapag nalampasan mo ito, maari kang lumapit sa kanya at ikuwento kung paano mo ito nalampasan para sa ikalalakas ng loob niya. Kung naman mas malaki ang hinaharap niyang kadiliman, magalak ka dahil pinipilit niya itong kayanin at kung kaya niya, kaya mo rin. Isa si kuya Boy sa mga naging inspirasyon ko sa mga problemang hinaharap ko sa buhay. Si kuya Boy ay may Psoriasis, malala na ito at sadyang nakakapanglambot kung ito ay iyong pagmamasdan. Kasama ko si kuya sa trabaho, ilang taon na rin niya itong tinitiis at patuloy ang kanyang paglaban. Iba't-iba na ang mga nasubukan niyang paraan para ito ay malunasan, sa kasamaang palad lalo pa itong lumala na siyang nagpahirap lalo sa kanya. Isang araw hindi siya pumasok dahil sa halos 'di na siya makatayo at pinapahirapan na siya ng husto ng kanyang sakit. Gayunpaman, pinilit niyang tumayo upang pumunta sa aming opisina upang ipaalam sa amin na hindi muna siya papasok at kung pwede siyang magfile sa SSS. Nagkuwento siya, nag-iisa na lang daw siya, ipinalayo niya sa asawa niya ang kanyang mga anak, hindi ko alam kung anong dahilan, pero sa palagay ko ayaw niyang masaksihan ng kanyang mga anak ang kanyang paghihirap at panghihina. Para daw siyang sinusunog at pinupunit ang kanyang balat tuwing gagalaw siya, minsan gusto na niyang mamatay, at kung may papatay man sa kanya ay ikatutuwa pa niya. Natural lang na minsan sa buhay ng isang taong nasa matinding paghihirap ay nagnanais na mamatay, pero hindi ibig sabihin na pagsuko na iyon, 'wag lang itong yayakapin dahil pagpapatiwakal ang kasunod nito. Si kuya Boy, hindi lamang Physical ang sakit na nadarama, kasama na ang mental, spiritual at emotion. Alam niya na kahit papaano ang mga malalapit sa buhay niya ay nandidiri pa rin sa kanya at alam niyang nasasaktan ang mga ito tuwing makikita siyang ganyan. Kung ano man ang aking problema ngayon, iniisip ko lang si kuya Boy at lalong lumalakas ang aking loob para mahanap ang solusyon. Iniisip ko minsan kung sa akin mangyari ang nangyayari kay kuya Boy, mas iniisip ko ang aking asawa at mga mahal sa buhay kaysa sa aking sarili, masasaktan sila kapag nangyari sa akin ang ganitong bagay at lalo akong masasaktan kapag sila ay nasasaktan, doble ang hampas nito sa akin.

May problema ka ba? Gaano ba ito kabigat? Kasing bigat ba ng kay kuya Boy? o mas mabigat pa?

KAYA MO 'YAN!

Thursday, July 1, 2010

KOY sa parekoy

Pare koy, Parekoy, pare ko'y at parecoy, Saan ba nanggaling ang salitang ito? Ito ay theory ko lamang, maari itong nanggaling sa "Pare" "Ko" at "Ay". Isang salitang bitin. Ang pare koy ay dapat may kasunod na salita, kagaya ng, Pare koy mabait, pare koy mayabang, pare koy masarap, pare koy tarantado at kung ano ano pang dapat isunod sa salitang AY. Hindi ko alam ang salin ng salitang Pare sa English, pero parang ang pinaka malapit ay My Friend, sa madaling salita ang pare ko ay "My Friend is" na maaring mag evolve kung mauuso dito sa Pilipinas, My Friend is > Friendis > Frienish > Frenis > Frens > Prens. sa madaling salita mapupunta rin sa pren. Bakit nga ba ang kumpare ay nagkaroon na pacute na salita? hindi ba dapat meron din ang iba, gaya ng Mare koy, tatay koy, mama koy, kuya koy, tita koy, tito koy, kapatid koy, lola koy, lolo koy, suki koy, kapitbahay koy at marami pang koy na pwedeng lagyan.

Langaw ka pa rin!

So mahirap ako? oo, tama, eh ano naman ang masama sa pagiging mahirap? Kung makapanglait ka akala mo isa ka ng ganap na mayaman. Hindi ba noon nakatrike ka lang nagseseatbelt pa dahil sa pagiging ignorante mo? di ba noon ngumingiti ka tuwing nakakasalubong kita? Hindi ka makapag-aral dahil sa inyong kahirapan, napakabait mo at napakasimple, at minsan pinangarap ko na maging mayaman ka dahil alam kong marami kang matutulungan kung yayaman ka. At nakakita ka nga ng pagkakataon para yumaman, ang asawanin ang isang banyagang nagsikap para yumaman. Naging asawa mo siya at sumusunod na ang porma mo sa porma niya, isa ka ng fashionista. Bigyan mo lang ng isang napakagandang gabi ang iyong asawa at kinabukasan mabibili mo na ang gusto mong bilhin, nalimutan mo na rin ang pangarap mong makapag-aral, siguro dahil na rin sa sinabi mong gusto mong mag-aral para may chance ka na yumaman balang araw. Ngayong mayaman ka na, iniisip mong hindi mo na kailangan ang pag-aaral, dahil ang iyong paniniwala, kaya lang naman nag-aaral ang mga Pilipino ay para yumaman, mali ka! Isa ako sa mga nag-aral para matuto at para hindi mayurakan ng isang taong kagaya mo na mayaman na walang pinag-aralan. Mayaman ka na nga ba talaga? Kaya bang bilhin ng asawa mo ang isang dignidad ng isang tunay na marangal at masipag na Pilipino? Nakakalimutan mo na yata ang pinanggalingan mo? Minsan ka ring naging langaw na kagaya ko, ang pagkakaiba lang natin ay ang tinutungtungan, nakatungtong ka sa kalabaw, akala mo mas mataas ka pa sa kalabaw. Dahil sa kinalimutan mo ang tamang pag-uugali at edukasyon, nakalimutan mong kahit ang kalabaw na tinutungtungan mo ay pinapakain at kinokontrol lamang ng isang magsasaka, at kailanman ay hindi ka makakatungtong sa isang magsasaka, dahil itataboy ka lang niya. Langaw ka pa rin!

Monday, June 28, 2010

What if

Kung nasunog ang bahay niyo at nawala lahat lahat at bibigyan ka ng Isang bilyon para bumili ng mga kailangan mo, bibili ka ba ng bibliya? Think about it, be honest, wala sa isip mo ang bibliya. Kaya nga sabi ni Jesus na mas madali pa sa isang kamelyo ang makapasok sa butas ng karayom kaysa sa isang mayaman na makapasok sa kaharian ng Diyos.Hindi ka pa man mayaman, hindi mo na siya pinapasalamatan paano pa kung yumaman ka? Masyado mong iniisip ang bukas/kinabukasan mo, kahit sinabi na ni Jesus na 'wag mag-alala kung ano ang kakainin mo bukas, ang ibon nga na hindi nagtatanim ay kumakain, ikaw pa kayang anak ng Diyos?

Tuesday, June 22, 2010

Latakero

May kasabihan tayong mga mahihilig magtrip na, "Walang basagan ng trip" at "Kanya-kanyang trip lang 'yan". Paano kung ang trip ko ay bumasag ng trip at makialam ng trip ng iba? babasagan rin kaya nila ang trip ko? magbabasagan lang kami ng trip. Ngayon ang trip ko ay pagtripan ang trip ng ibang singer na wala ng ginawa kundi magpayaman sa mga kantang isinulat ng ibang singer/songwritter. 'Yung tipong kasisikat lang kaninang madaling araw, inirerevive na kinabukasan. Ang ganda ganda ng original na kanta, tapos bababuyin ng isang babaeng singer o isang lalaking piling rakista, na idinadaan sa taas ng tono. Anong gusto nilang iparating? mas magaling sila sa original na kumanta? o mas maganda ang version na nagawa nila? Ang tanging naiisip ko lang na kantang dapat nirerevive ay ang mga kanta ng Spongecola na siguradong kahit sino ang magrevive ay mas maganda ang kalalabasan ng kanta, 'wag lang si Chito Miranda. Piling kasi ng ibang mga singer na nagpapacute sa mga sikat na istasyon ay COOL ang kumanta ng mga ROCK / Alternative na mga kanta, dahil akala nila na kapag kinanta nila ang mga ito ay rakista na sila at sikat na sikat na sila sa mga totoong rakista. Hindi nila alam, mas nagmumukha silang POSER sa mata ng mga totoong rakista. Anyway, hindi pala ako rakista, dahil hindi ako mahilig sa ROCK, mas matigas pa doon ang hilig ko, METAL, death, black, heavy, thrash at doom metal. Hmmm, minsan kapag piling ko bakla ako, nakikinig rin ako sa alternative, metalcore, hardcore at nu metal.


Tabi tabi po sa mga fans ni Chito Miranda at Spongecola

Wednesday, June 16, 2010

Peys Buk

Kapag nagtetext ka at sa text mo ay babanggitin mo ang Facebook, siguradong ishoshortcut mo ito ng FB, ganoon din sa pagchachat. Tipid letra at parang mas "IN" ka kung FB ang itatype mo kaysa sa Facebook. Ang FB ay madalas kong makita sa mga Forum/Discussion Board, chat room at sa mismong Facebook, noon iyon. Ngayon kahit sa Jeep naririnig na rin ito, "May FB ka?" "Tol ano ang FB mo?".
May punto kung ishoshortcut sa pagtatype, ano naman ang punto kung ang shortcut ng Facebook sa pagsasalita ay FB? Mas makakatipid ba kung imbes na Face ang sasabihin ay EF? at book sa Bee? 


1.peys 2.buk
1.ep 2. bee


Ang laki ng natipid, mabuhay kayo mga Pilipinong Kabataan, kayo ang pagasa ng ating bayan.

Thursday, June 3, 2010

Amerikano, Negro, Hapon, Intsik at Koreano

Kagaya ng naisulat ko na sa Ang Talambuhay ni Ahrean.
Sa ating bansa kapag nakakita ang karamihan sa mga Pilipino na isang Puti, sinasabi kaagad nila na siya ay Amerikano. Walang kwenta kung German, Russian, British, Australian o kahit anong puti ka pa, basta puti ka, isa kang Amerikano sa karamihan ng mga Pilipino. Kung maitim ka naman kahit saan ka pa galing, kung hindi ka tatawaging aeta, Negro ang itatawag sa iyo. Hindi rin nakakawala ang mga singkit na mata dahil sila ang tinatawag nating Intsik, Hapon at Koreano. Madali naman malaman kung Hapon ba siya o Intsik o Koreano. Pero kung Indonesian o Malaysian, parang Pilipino na rin. Minsan sa Estados Unidos may isang Pilipino na tinanungan ng isang batang Amerikano kung nababasa ba daw niya ang mga nakasulat sa TV, Chinese ang mga nakasulat. Ang sabi ng Pilipino ay "I'm a Filipino, not Chinese" at ang sabi ng bata ay "what's the difference?". Marahil ganoon din sa kanila, nalilito sila sa atin kagaya ng pagkakalito natin sa ibang Nasyon. Kagaya ng nasabi ko sa Talambuhay ni Ahrean,

"Kapag naman nalaman natin na hindi pala siya sa America nakatira, kundi sa Russia, iko-consider naman siyang Amerikanong nakatira sa Russia." -- Talambuhay ni Ahrean March 20, 2010 - Asenso

Monday, May 31, 2010

Po at Opo

       Po at Opo, ay tanda ng pagalang sa mga nakakatanda, at iyan ay noong panahon pa mga lolo at lola natin. Unti-unti ng nawawala ang tunay na kahulugan ng Po at Opo. Kung noon gamit ito sa paggalang sa mas nakakatanda sa iyo, ngayon ginagamit na rin ito sa mas nakakabata sa iyo. Ngayong panahong ito, mas madalas na magamit ang Po at Opo bilang isang expression ng isang textmate o kachat na nagpapacute. Sa text na lang, madalas makita ang salitang “Hello Po!” kahit ang kausap ay walang kagalang galang na titulo o mas nakakabata pa sa nagtext. Dahil sa hindi mabago-bagong istilo ng pamumuhay ng mga Pilipinong kabataan, unti-unti na ring nagbabago ang spelling ng Po at Opo, Sino pa nga ba ang may sala kundi ang mga JEJEMON na iyan. Ang unang ebolusyon ng Po ay, Pow. Parang pinaliit na Power o Powder, pero ang totoong ibig sabihin ng Pow ay Prisoners of War. Ang mga magnobya at magnobyo ngayon ay nagpapapo na rin sa bawat isa. Ang po ay unti-unti ng nasasali sa mga pa-tweetums na salita. Kapag may nagtext o nagsabi sa iyo ng Eow pow! Or Eow po! Hindi paggalang iyon, pagpapacute yon, pagpapaBABY sa sarili, iyong tipong naka pang Japanese School uniform ang nagsabi sayo na may hawak na lollypop. 


Friday, May 28, 2010

God can bless me anywhere


          Noon pa man ay ayaw ko na sa abroad, ayaw kong mag-abroad for the sake of money or mataas na sahod.  Hindi mabibili ng pera ang kasiyahang nadarama ko tuwing nakikita ko ang aking mga anak, asawa, ama, ina, kapatid at mga kamag-anak.  Madalang na madalang lang ang taong aabot ng 100 taon sa mundo, at maaring ako ay tumagal lamang ng 60-80 taon, bawat araw, oras, minuto at segundo ay mahalaga.  Marami ng offer sa akin sa abroad, malaking sahod at magandang trabaho. Hindi ako pumapayag dahil sa prinsipyo kong “Masyadong maiksi ang buhay para ibuhos ko ang panahon ko sa ibang bansa at mawalay sa pamilya para lang kumita ng malaking pera”.  Gusto kong masubaybayan ang paglaki ng mga anak ko na nasa piling nila, at kung iisipin kong kapag nag-abroad ako, aasenso ako at magkakaroon ng masayang buhay, parang inalis ko na rin ang tiwala ko sa Diyos. Naniniwala ako na ang pagpapala ng Diyos ay wala sa ibang bansa, wala sa trabaho at wala sa dami ng kinikita. Basta magtiwala lang sa Diyos at kaya ka niyang ibigay ang pagpapala kahit nasaan ka pa. Walang kapantay na halaga ang nadarama namin sa tuwing kami ay magkakasama. Hinding hindi ko ipagpapalit ang tatlong taon na malalaki ang sahod sa tatlong taon kong kapiling ang aking aking pamilya. Hangga’t naniniwala kami na ang Diyos ang aming magiging provider, mananatili kaming magkakasama at matagumpay. Hindi natin alam kung kailan mawawala ang buhay ng bawat isa sa atin, kaya dapat nating sulitin ang maiksing buhay na ito, sulitin kasama ang pamilya at lahat ng mahal sa buhay.  

           Kung mawawala na sa iyo ngayon ang anak mo at ang asawa at may isang bilyong piso ka at sinabi ng Diyos na kailangan mong magbayad ng 1,000,000 kada araw para mabuhay at makasama mo ang anak mo at asawa, handa mo bang ubusin ang isang bilyon mo para lang makasama sila sa loob ng dalawang taon at pitong buwan?  Hindi ako naniniwala na walang asenso sa Pilipinas, dahil marami na akong nakitang naghirap na umasenso dahil sa sipag at tiyaga. At hindi naman tayo naririto para pagyamanin ang katawang lupa natin, narito tayo para pagyamanin ang Espiritu natin sa pamamagitan ng salita at gawang pangmaka-Diyos at naayon sa banal na Bibliya. Mabuhay kasama ng pamilya bilang isang pamilyang Kristiyano. Sambahin si Kristo na sama-sama. Sama-samang pakiramdaman ang presensiya ng Banal na Espiritu Santo.
Meron akong isang kaibigan na nasa ibang bansa na lubhang nalulungkot at hinahanap ang presensiya ng kanyang pamilya, at eto ang sabi niya:

Ang sabi niya ay:
Hindi naman sa sinisira ko ang loob mo, pero ang makukuha mong pera ay hindi mababayaran ng lungkot at iyong araw na hindi mo nakikita ang pamilya mo..ako nga wala pang anak parang di ko na makakayanan eh..


Oo pre... pero papasyal ako siguro doon... una sa Malaysia tapos maglaland travel papuntang Singapore...ayaw ko ang abroad..medyo masakit



Tama yan pare... ako para sa experience lang talaga ang habol ko... Mas masarap pa ang buhay ko riyan(Pilipinas) kumpara dito... iyon nga lang mabibili mo ang gusto mong bilhin ng mabilis... basta hindi masaya ang nakaabroad pare yan lang ang masasabi ko.



Thursday, May 27, 2010

The Legend of 3 kings





" Ang Pasko ay sumapit. Tayo ay mamagsi-awit .... blah blah blah.... nang si Kristo ay isilang MAY TATLONG HARING NAGSIDALAW "


3 kings visited Jesus? Who asked them to visit Jesus? Do you know? yeah you're right! it's HEROD THE KING, so it means this king commanded 3 kings to visit Jesus. In otherwords HEROD THE KING is the KING of KINGS since he commanded 3 kings that easy. From which kingdom are these 3 kings came from? I don't know the bible doesn't say where they came from. In fact the bible doesn't even said they were 3 KINGS. The words are THREE and KINGS. First of all they weren't THREE, no specific number was mentioned in the bible. And they're not KINGS either. If they were, i am sure that each king will bring atleast a batallion of footmen, hundreds of chariots and maybe a handful of archers, for their protection. By the way for those people who thinks they are Christians and keep singing this song, here is the verse for you. 


"Now when Jesus was born in Bethlehem of Judaea in the days of Herod the king, behold, there came wise men from the east to Jerusalem,Saying, Where is he that is born King of the Jews? for we have seen his star in the east, and are come to worship him.When Herod the king had heard these things, he was troubled, and all Jerusalem with him.And when he had gathered all the chief priests and scribes of the people together, he demanded of them where Christ should be born.And they said unto him, In Bethlehem of Judaea: for thus it is written by the prophet,And thou Bethlehem, in the land of Juda, art not the least among the princes of Juda: for out of thee shall come a Governor, that shall rule my people Israel.Then Herod, when he had privily called the wise men, inquired of them diligently what time the star appeared.And he sent them to Bethlehem, and said, Go and search diligently for the young child; and when ye have found him, bring me word again, that I may come and worship him also.When they had heard the king, they departed; and, lo, the star, which they saw in the east, went before them, till it came and stood over where the young child was.When they saw the star, they rejoiced with exceeding great joy." -- Matthew 2:1-10


Nice song of truth Huh?


Tuesday, May 25, 2010

Isa na lang ang Kulang aalis na!

(Reposted. Galing sa dati kong blog)

        Isa na lang ang kulang aalis na! Yan ang madalas na marinig sa mga sasakyang pampasahero ngayon. Ngunit madalas at alam nating lahat, na hindi isa ang kulang kundi kalahati na lang. Halos lahat sa atin ay nakaranas na ng isang matinding pagpapanggap, na kunwari ay naka-upo tayo sa jeep, pero ang totoo ang mga tuhod natin ang nagbibigay ng enerhiya para tayo ay manatiling magmukhang naka-upo, at nagkukunwaring hindi nahihirapan. Minsan may pasuklay effect pa o aayusin kunwari ang buhok para 'di halatang nanginginig na ang mga tuhod. Nangangamba 'pag may pa-likong daan, dahil alam mo na matinding pwersa ang babanatan ng mga tuhod mo o ang mga kamay mo na lumalabas na ang ugat, kakabanat sa hawakan ng jeep sa taas, binubuhat ang sarili para di mahulog. Hanggang kailan ba mananatili sa isip ng mga driver ang mentalidad na ang jeep nila ay may partikular na kapasidad na makapagsakay ng partikular na bilang ng pasahero? Iniisip nila ang jeep nila ay tig-walo, Siyam o sampo ang magkabilang panig. Binabase nila ang kapasidad sa normal na laki ng isang tao, Salamat na rin at di sa isang pwet na bata ibinase ang kapasidad ng sasakyan nila. Maraming mga pasahero ang may salbabida sa tiyan, at kumukunsumo ng extra space, ngunit ang kapasidad ng mga jeep ay nakabase pa rin sa isang normal na laki ng isang pasahero. Paano kung may sumakay na sampung matataba sa kanila? Ang hirap kasi sa kanila ay pinagpipilitan nila ang paniniwala nila na magkakasya ang ganyang bilang sa kanilang jeep. Sino ba ang biktima? Tayong mga pasahero na humahabol sa oras. Sabihin na nating nasa pasahero na kung sasakay siya sa isang masikip na jeep, na alam niyang kalahating puwet lang ang makakaupo, oo, tamang nasa pasahero iyon, pero paano kung walang magtitiyaga na sasakay dahil masikip na? Iaalis ba iyon ng driver? Hindi, maghihintay siya ng mabibiktima niya na magtitiyaga sa katiting na pwestong natitira, o kaya naman ay maghihintay siya ng may magsabing "Ilan pa po ba ang kulang? babayaran ko na lang". Walang magagawa ang mga biktimang pasaherong nakasakay na, kundi maghintay ng isa pang nagmamadaling handang magtiyaga sa katiting na pwestong natitira. Makikita sa mata at kilos ng mga pasahero na huli na sila sa kanilang trabaho o mga appointment. At itong si ganid na driver naman ay cool na cool lang, hintay pa rin ng hintay. Isa pang malaking nakakabanas sa ibang mga driver ay yung halos wala ng puwesto sa loob tigil pa ng tigil sa bawat kanto at tumitingin kung may naglalakad na tao na maaring sumakay sa kanila. Ang tagal maghihintay, di naman pala sasakay. Totoong ginagawa ng mga ibang driver ang bagay na iyon dahil kailangan din nilang kumita, mahirap na daw kasi ang buhay ngayon. Kailan ba dumali ang buhay? Sinasabi nilang mahirap na daw ang buhay ngayon, pero di nila alam na minsan sila ang nagpapahirap sa buhay ng isang pinoy. Isang minutong paghihintay sa isang taong naglalakad sa kanto na hindi man lang alam kung sasakay o hindi, ay malaking epekto na sa mga nakasakay na pasaherong nagmamadali. At ang lalakas pa ng loob ng ibang mga driver ang magwelga para itaas ang pamasahe. Karapat dapat bang itaas? Paano kung mga pasahero naman ang magwewelga para sa Maayos na serbisyo? Pagbibigyan ba sila? Nasaan na ang Maayos na serbisyong maayos na makaka-upo ang bawat pasahero na walang isang naghihirap at nanginginig ang tuhod para lang makarating sa lugar na pinupuntahan niya. Anyway, hindi lahat ng driver ay ganid at masama, may mga mabubuti ring driver at marunong umintindi sa mga mata ng pasaherong mahuhuli na sa trabaho. Apat sa mga Tito ko ay driver, isa sa mga 41(and counting...) kong pinsan ay driver, at hindi ko alam kung isa sila sa mga mababait o ganid na driver.

"Basta Driver, Sweet Lover!" Sana man lang maging sweet din sila sa mga pasahero, at mahalin na parang kamag-anak ang bawat nakasakay sa jeep.


Sunday, May 23, 2010

PABASA - Mahal na Araw

Bata pa lang ako tingin ko ayos ang Pagpipinitensiya, Cool kung baga. Sabi nila kung gusto mo daw gumaling ang isa sa mga may sakit mong mahal sa buhay ipagpanata mo daw siya para gumaling. Sinasabi ng ilang mga Katoliko na ang pagpipinetensiya ay isang proseso para mabawasan ang kasalanan. Ang Kasalanan ay hindi dapat mabawasan, dapat itong mawala. Nababawasan nga ba ang iyong kasalanan sa tuwing ika'y nagpipinetensiya at binubugbog ang sarili? Dahil karamihan sa mga katoliko ay ignorante pagdating sa bibliya, di nila alam na lalo lang silang nagkakasala sa kanilang ginagawa. Sinasabi sa bibliya na


 "What? know ye not that your body is the temple of the Holy Ghost which is in you, which ye have of God, and ye are not your own? For ye are bought with a price: therefore glorify God in your body, and in your spirit, which are God's." sa tagalog ay: "Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay banal na dako ng Banal na Espiritu na nasa inyo? Ang inyong katawan ay mula sa Diyos at kayo ay hindi sa inyong sarili. Ito ay sapagkat binili kayo sa halaga. Luwalhatiin nga ninyo ang Diyos sa inyong katawan at espiritu. Ang inyong katawan at espiritu ay sa Diyos." 


Ito ay matatagpuan sa Unang Corinto Kapitulo Sais at Bersikulo Dise nuebe hanggang bente (1 Corinto 6:19-20). Nalulhatian ba ang Diyos sa pagpipinetensiya? HINDI! Isa itong insulto sa Diyos. Paano naging insulto? Pinapamukha ng isang Katoliko sa ibang mga relihiyon katulad ng mga muslim na ang ating Diyos ay isang malupit na Diyos na kailangan mo munang saktan ang iyong sarili para lang mapatawad. Walang utos ang Diyos na gayahin ang kanyang ginawa dahil kung gagayahin ang kanyang pagsasakripisyo marahil ubos na ang mga lalaking katolikong pilipino dahil kailangan muna nilang mamatay para magaya ang ginawa ni Kristo. Hindi ganon kadali para gayahin ang pagsasakripisyo ni Kristo. Isa pang malaking pagkakasala ay ang pagyuko sa mga rebulto sa bawat istasyon na dadaanan, malinaw na malinaw sa bibliya na ang pagyuko sa mga rebulto ay isang malaking kasalanan. Ayon sa Bibliya,

"Thou shalt not make unto thee any graven image, or any likeness of any thing that is in heaven above, or that is in the earth beneath, or that is in the water under the earth:
Thou shalt not bow down thyself to them, nor serve them: for I the LORD thy God am a jealous God, visiting the iniquity of the fathers upon the children unto the third and fourth generation of them that hate me;". Exodus 20:4-5.

Ganun ba kahirap para mapatawaran tayo sa Diyos? Ganun ba kalupit ang Diyos natin? Hindi. Mas gugustuhin ng Diyos na tayo ay lumapit sa kanya at magdasal ng taimtim Kahit anong oras, panahon at sitwasyon maari tayong lumapit sa Diyos. Hindi lamang tuwing pasko o sa mahal na araw. Sa mga nagpipinetensiyang nagsasayang ng dugo para lang Mapatawaran, Hindi kayo napatawaran kung sa rebulto kayo nagdasal. Sa mga nagbuhat ng Krus at nagdasal sa rebulto Hindi kayo Napatawaran. Walang kapatawaran ang matatagpuan sa mga rebulto. Kung gusto mo ring sumunod sa kagustuhan ng Diyos, bago mo pabutasan ang iyong likod at itapon ang dugo o mag aksaya ng lakas sa pagbuhat mga krus, Ito ang maari mong gawin. Pumunta sa mga Hospital at doon mag donate ka ng dugo at tinitiyak kong Mas kalulugdan ng ating Diyos ang iyong ginawa kaysa sa pagtatapon mo ng dugo at pagyuko sa mga mumurahing rebulto. Kung naman plano mong magbuhat ng Krus at magsayang ng lakas, ibuhos mo ang iyong lakas sa pagtulong sa iyong kapwa. Magtrabaho ng maghapon ng Libre at ibahagi sa mga dukha ang iyong kinita. Mas kalulugdan ng ating Diyos ang paggawa ng mabuti kaysa sa pagpapakasasa sa isang tradisyon na hindi naman Maka-Diyos. Tapusin na ang tradisyong ng Kahibangan at kamamangmangan. Binabase ng ilan ang kanilang tradisyon sa bersikulong ito: 


"Then said Jesus unto his disciples, If any man will come after me, let him deny himself, and take up his cross, and follow me." - Matthew 16:24. 


Ang sinasabing Krus ni Kristo ay ang pagbabata sa kahirapan na dadaanan sa pagsunod sa kanyang kagustuhan at mga utos.

Friday, May 21, 2010

Buena Mano (Good Hand) - Panigo (Kapampangan)

"Kuya sige na kunin mo na, buena mano lang! bigay ko ng lang ng trenta sa iyo"

Marami sa mga Pilipino ang naniniwala sa Buena Mano. Magaan na unang benta o mabigat/masamang benta. Sinasabi nila na kapag ang isang mamimili ay magaan ang buena mano marami raw na bibiling paninda sayo. Ngunit totoo nga ba ang paniniwala tungkol sa buena mano? totoo bang may mga tao na malalakas ang hatak kapag sila ang nag-buena mano? totoo nga rin ba na may mabigat din ang hatak? Kung totoo man ito, ibig sabihin isa itong kapangyarihan. Napaka impossible ng paniniwalang ito, dahil ang paniniwalang ito ay may kaugnayan sa tinatawag na FREE WILL. Halimbawa si Juan ay magaan ang Buena mano niya. Ibig bang sabihin darami na ang benta sa tindahan na binilhan niya? Ibig sabihin lahat ng bumili sa tindahang iyon ay dahil lang kay Juan? Ibig ring sabihin na si Juan ay may kapangyarihang ma-iba ang kapalaran ng ibang tao, parang si Maria ay dapat bibili sa ibang tindahan pero dahil si Juan ay bumili sa unang tindahan at magaan ang kanyang buena mano mag-iiba ang desisyon ni Maria at bibili na lang siya sa unang tindahan na binilhan ni Juan. Gayon din kung baligtad ang kapangyarihan mo sa Buena mano. Kung mabigat ang kapangyarihan mo, makokontrol mo rin ang ibang mamimili sapagkat di sila bibili sa tindahan na binilhan mo, para ring nag-iwan ka ng isang sumpa sa tindahang iyo. Ngayon dapat pa bang maniwala sa malaking kalokohang ito? Isang paniniwalang di man lang sinasaliksik ng karamihan sa mga Pilipino. Ano ang basehan ko sa paniniwalang di totoo ang BUENA MANO power? Noong bata pa ako at nagtitinda ng pandesal naniniwala rin ako sa magandang buena mano. Marami ang naniniwala na ang nanay ko ay maganda ang buena mano niya, magaan daw, kaya ang daming mga tindera ang gumigising sa kanya ng maaga para lang magbenta ng kanilang mga produkto. Isa ako sa mga naniniwala na ang nanay ko ay pinagpala sa kapangyarihang iyon. Malakas ang benta ko ng pandesal sa ilang araw. Minsan mahina. Tuwing humihina ang benta ko iniisip kong baka hindi maganda ang mood ni nanay kaya mahina ngayon. Kung iisiping mabuti hindi totoo na ang nanay ko ay magaan ang kanyang buena mano. At di totoo ang paniniwala sa Buena Mano.