Showing posts with label Palatandaan. Show all posts
Showing posts with label Palatandaan. Show all posts

Tuesday, July 19, 2011

Understanding Networking


Why did I Joined some MLM and Network Marketing instead of finding a job? Why not?

Around 80-90% sa mga Pinoy kapag tinanong mo kung ano ang Networking, ang kadalasang sagot ay dalawa. "Scam" o "Pyramiding", Yes may mga nagsasara at naluluging mga networking, kagaya rin ng mga ordinaryong restaurants, tindahan at banko. Pero bakit iba ang tawag natin sa mga nagsarang tindahan, restaurants at banko, Bankrupt or Out of business, kapag naman ang Networking ang nagsara ang tawag natin ay SCAM. Bakit? May involve na pera? sa banko bang nagsara wala? I'm sure na kahit ang owner ng nagsarang Network ay hindi gusto na magsara at wala siyang intention na isara ang kanyang kumpanya, madalas na dahilan ay nalulugi sila.

Paano malalaman kung ang isang Networking ay Scam?

- Walang Produkto
- Walang Permit o di naka-register sa DTI at SEC
- Walang Opisina o Main Office
Pyramid scheme ang gamit na Systema
- At marami pang iba para malaman (Magresearch sa internet or kumunsulta sa Gobyerno)

Madalas ang mga taong nagsasabi na SCAM ang networking ay mga taong pumalpak dito o mga taong naniniwala sa sabi sabi. Kapag tinanong mo kung bakit sa palagay nila na ang networking ay scam ang madalas na sagot ay;
- Kukunin lang nila ang pera mo, di ka naman kikita diyan.
- Kita naman na ang structure ng system nila ay pa-triangle eh.
- Yung mga una lang ang yayaman diyan, yung nasa baba hindi na.
- Yun ang sabi ni ano na ka ano ano ni ano na inano ni ano.

Walang malinaw na sagot, kumbaga madalas narinig lang sa iba. Totoong may Pyramid Scheme, gayunpaman ang mga taong nagsasabi na ang mga networking ay pyramiding, silang nagsasabi mismo ay hindi naman naintindihan kung paano naging scam o impossible to earn ang Pyramid Scheme. Paano nga ba ang pyramid scheme?
ayon sa wikipedia:

pyramid scheme is a non-sustainable business model that involves promising participants payment, services or ideals, primarily for enrolling other people into the scheme or training them to take part, rather than supplying any real investment or sale of products orservices to the public. Pyramid schemes are a form of fraud.



Iyan! Atleast kung isa ka sa mga nagsasabing ang mga networking ay Pyramiding alam mo kung ano ang sinasabi mo at alam mo kung paano naging FRAUD ang systemang ito.

Ang paborito at gustong gusto kong Systema ng networking ngayon:

Unilevel Compensation Plan


Unilevel Plan

The Unilevel plan has been around for many years and given its proven track record is still used by a number of network marketing companies today. The main benefit to this model is that is very easy to understand, however like all compensation plans, whilst there are some benefits there are also a number of setbacks that should also be considered. READ MORE

Binary plan



The Binary plan is an organizational plan used by multi-level marketing (MLM) organizations wherein new organization members are introduced into a Binary Tree structure, or a left and a right subtree.
A typical MLM binary tree structure. The blue individual will receive compensation from the sales of the downline red members.
Normally, one subtree is referred to as a Power Leg while the second subtree is a Profit Leg.
The Power Leg structure has automatic placement of new members, even by members previously enrolled, or ancestors, to the current member. Since any new members must be placed below their enrolling member, they naturally must fall to an available leaf node of the Binary Tree. Order of placement may be any of PreorderInorder or Postorder as determined by either the organization or the enrolling member's nearest ancestor.

"Ang mga UNA lamang ang Yayaman" Mentality 
Kung ang Networking ay focus lamang sa pagrerecruit at walang products na ibebenta, then totoo ngang ang taas lamang ang yayaman, pero kung may product naman na ibebenta at consumable naman ito, maari ka pa ring kumita kung ikaw ay magbebenta. Pansinin ang AVON, Boardwalk at ang ibang kagaya ng mga ito, ang daming kumikita rito sa pamamagitan lang ng pagbebenta lang. Kung ang networking na sinalihan mo ay may produkto namang gamitin sa pang-araw araw na buhay o kahit buwanang gamit, or produktong may pangalan na at mabisa ang epekto. Makakabenta ka rin kahit wala kang mga DOWNLINES.


Please Read Part 2

Wednesday, July 13, 2011

The Adventure of PhilPlans Free Insurance

Thank God there's an internet, bloggers and social networks. Today I got a call from Ms. May Chua about my free Philplans Insurance and all I need to do to claim the certificate is to go to their office and confirm that I am who I am. So sabi ko " Paano ako magkaka insurance sa company niyo eh di naman ako nag-apply." sabi niya may nagrefer daw sa akin pero ayaw naman nilang sabihin kung sino, malalaman ko rin daw kapag nasa office na nila ako. Too good to be true di ba? Isipin mo kapag na accident ako may benefits ang mga anak ko at kung sino pa ang ilalagay kong beneficiary na wala akong binabayaran. Free? ano ba ang mga free sa panahong ito? Sigarilyo nga lang na tig dos di ka pa malibre ng kaibigan mo tapos insurance pa? Sa mga mall nga ang mga pagkaing FREE Taste eh halos ayaw pa nilang i-libre, lalo na kapag mukha kang patay gutom at lalapit ka sa booth na may nakasulat na FREE TASTE, kapag napansin ng nagpapafree taste na mukha kang matakaw at makapal ang mukha eh kunwari may ginagawa siya at di ka napapansin, ganon nangyari sa akin nung may Free Taste ng QUARTER POUNDER sa McDonalds (Naniwala ka naman?). Back to Philplans adventure, so nagcommit na ako na kukunin ko mamayang after lunch, pero uuwi muna ako para kumain at iuwi ang mga bitbit ko. Medyo kinakabahan ako baka kasi entrapment lang iyon dahil sa pagpatay ko sa tatlong driver na nagbababa ng pasahero sa mga sign na may NO LOADING and UNLOADING (Naniwala ka nanaman, anyway ibang istorya iyon at di ko sila pinatay, ipapahamak ko lang sila, LOL). May isa nanamang tumawag nang malapit na akong makauwi, ibang number at ibang pangalan, pero SAME VOICE, kaya ko rin kaya ginagawa nila, ibaba ng konte ang pitch ng vocal cord at kumbinsing na sa mga taong mahina ang memorya. Di ako mapakali dahil isipin mo na lang maaksidente lang ako at may benefits na ang tatay ko, nanay ko, ang dalawa kong anak at ang asawa ko. Iniisip ko kung nasa 500,000 din each ang benefit why not grab it and wait for a few days at magbabike ako pababa nang Sapangbato Bridge at bigla akong tatalon at gagawin ko ang lahat para mabale ang kaliwang kamay ko nang may tig 500,000 ang mga mahal ko sa buhay, pero dahil maduda ako sinearch ko muna baka kasi masayang lang ang kaliwa kong kamay kung peke lang ang insurance. Malaking Salamat sa INTERNET at sa mga BLOGGER dahil DITO >>> DITO DITO NGA! CLICK MO! at dahil DITO nalaman ko na strategy lang pala nila iyon para lalo akong malunod sa utang. At isa pa nasa likod ko ang girlfriend ng kapatid ko na dating trabaho ay ganoon din, ang mag LURE ng mga taong may CREDIT CARD gamit ang mga matatamis na salita at promos. Mag-ingat din kayo!

Friday, April 23, 2010

Pitong Palatandaan na papunta ka na sa Impiyerno (Facebook Edition)


7 Signs you're on your way in hell Facebook Edition

English (Sorry for the grammar):

1. Ignoring any Godly/Religious Groups in Facebook, You'd rather join
The K-Pop Testicles' Group than Jesus is my God.
2. Clicking LIKE button when a friend posted a bible verse even you didn't really
 read the verse. Hypocrite!
3. You spend 70% of your time in facebook.
4. Enjoying/Using the Daily Horoscope.
5. Posting all the signs of your vanity on your wall.
6. You talk about your virtual farm, pet, cafe and restaurants all the time.
7. You see the number 666 most of the time.

Tagalog:

1. Di pinapansin ang mga MakaDiyos o Relihiyosong Grupo, Mas gugustuhin mo
pang sumali sa grupong The K-Pop Testicles kaysa sa Jesus is My God.
2. Pagpindot sa LIKE button tuwing nagpopost ng mga bertikulong galing sa bibliya
ang iyong kaibigan kahit hindi mo naman talaga ito binasa.
3. Ginugugol mo ang 70% ng iyong oras sa Facebook.
4. Naaliw o ginagamit ang the Daily Horoscope
5. Pagpopost ng iyong kalayawan sa iyong Wall.
6. Madalas na pagsasalita/pagkukuwento tungkol sa iyong virtual na bukid, alaga,
cafe at restaurants.
7. Madalas na makita ang numerong 666.