Showing posts with label Story(s). Show all posts
Showing posts with label Story(s). Show all posts

Wednesday, June 26, 2013

Para sa mga Magulang

Sa lahat ng mga Magulang,

I mindset niyo na mga anak niyo, mahalagang magaganda ang maitanim sa kanilang subconscious mind habang mga bata pa, dahil pag sila ay lumaki na, ang subconscious nila ang magcocontrol sa buhay nila.
Remember, If you think you can't, You are right! If you think you can, You are also right!

Ito ang kwento ng isang batang estudyante na akala niya ay BOBO siya, nagkatrauma siya dahil sa pagkakahiwalay ng mga magulang niya at dinala niya ito sa pag-aaral, dahil sa traumang ito, hindi siya makapag-focus at dahil dito, kinilala siya bilang "BOBO" tinatawag siyang DUMB ng mga kaklase niya hanggang sa naniwala siya na siya nga ay DUMB. Kapag iniisip mo na mahina ang isip mo, automatic naiisip mo na mahirap ang mga bagay bagay, kagaya ng "Mahirap ang Test", "Mahirap mag-memorize", ":Hindi ako papasa", "Takot ako sa mga pagsusulit", ano ang mangyayari kapag ganyan ang inisip? Bagsak. Napansin ng nanay niya na mababa ang mga grades nito, kaya naman kinausap niya ang bata.

Anak, tandahan mo ito, "Hindi ka BOBO, matalino ka, at binigyan ka ng Diyos ng kakaibang talino, kapag hindi mo ginalingan, magiging taga-map ka lang ng mga factory habang buhay, at hindi gusto ng Diyos na hanggang doon ka na lamang"

Minsan umuwi ang nanay ng batang ito at nakita niya na nanonood ang magkapatid ng TV. Nagalit si nanay at sinabing "Dalawang beses lang kayo manonood ng TV sa loob ng isang Linggo at dapat bago kayo manood tapos na ang mga homework ninyo, ikalawa, hindi kayo makakapaglaro sa labas hanggat hindi tapos ang mga assignment, ikatlo, kailangang magbasa kayo ng dalawang libro weekly galing ng Library at gumawa kayo ng report mula sa binasa ninyo." Well, siyempre magdadahilan ang mga bata, pero ang nasunod pa rin ang kanilang ina.

Isang araw, may itinanong ang teacher ni Ben (Yes, Ben ang pangalan niya). Walang nakasagot, alam ni Ben ang sagot dahil sa natutunan niya kakabasa, kakaiba ang naramdaman ni Ben kaya itinaas niya ang kamay niya at sinagot ito at sinabi niya pa ang kaalaman niya tungkol sa sagot niya "Obsidian". Hindi makapaniwala ang mga kaklase niya at pinuri siya ng kanyang guro. Si Ben ay nakatikim ng isang tagumpay. Naisip niya na tama ang kanyang ina, "Education is the way out of poverty, and reading is the road to achievement." Tumaas ang mga grades ni Ben at nag-graduate siya na kasama sa mga Honor Students at nakapasok siya sa Yale University na kung saan niya na earned ang Degree in Psychology, nag-aral din siya sa University of Michigan at naging interesado siya sa Psychiatry to Neurosurgery. Ang taong ito ay walang iba kundi si Dr. Ben Carson
Dr. Ben Carson
Dr. Benjamin Solomon "Ben" Carson, Sr. (born September 18, 1951) is an American neurosurgeon and the director of pediatric neurosurgery at Johns Hopkins Hospital. Among other surgical innovations, Carson did pioneering work on the successful separation of conjoined twins joined at the head. He was awarded the Presidential Medal of Freedom, the highest civilian award in the United States, by President George W. Bush in 2008. Since delivering a widely publicized speech at the February 2013 National Prayer Breakfast, he has become a popular figure in conservative media for his views on social issues and the government's role in the health care industry. -- Source: WIKIPEDIA

Mga ilang salita ang dapat iwasan na sabihin sa mga anak:

"Hindi mo kaya yan!"
"Ang bobo mo!"
"Ang tanga mo!"
"Sira Ulo!"
"Ang tigas ng ulo mo!"
"_____ ka lang!" (Degrading, Limiting) fill in the blank.

At lahat ng mga negative na pwedeng tumatak sa isip niya.

The more na tinatawag mong matigas ang ulo ng isang bata, nareregister sa kanya na matigas nga talaga ang ulo niya and that's the way he is. We'll kung matigas talaga ang ulo ng bata, try reverse psychology, always appreciate ang mga nagagawa nilang mabuti at lagi silang parangalan kapag nakaka-achieved sila ng mga bagay bagay, mapa-maliit man o malaki.

Tuesday, January 1, 2013

The 35cents Story

Habang nasa jeep ako, nagbabasa ng ebook sa cellphone, nabasa ko ang kwento ni CHIP COLLINS, at nakakarelate ako kaya naman, maluha luha ako sa paligid ng mata ko. Kung nasa kwarto lang siguro, talaga maiiyak ako, dahil alam ko ang pakiramdam ng  ganoon dahil hindi lang isa o sampung beses sa akin nangyari, kundi maraming beses, at mangyayari pa hangga’t hindi ko totally nawowork-out ang future ko at ng pamilya ko. Si Collins ay may 35cents na natitirang pera, ang sabi niya sa kanyang sarili, “Hindi ko man lang mabibili ng gatas ang aking mga anak at pagkain para sa asawa ko, hindi ko na alam ang gagawin” Nasa Church siya nang mangyari ang bagay na ito. Ang sabi niya “Ok, Diyos ko! Ibibigay ko lahat ng 35cents ko, at walang wala na ako, ibibigay ko na ang huling pera ko, kung uubra man ito para sa akin, gagawin ko lahat ng gusto niyo, di ko na alam ang gagawin ko”. Ibinigay niya ang lahat ng pera niya at umalis. Habang papaalis siya, may tumawag sa kanya “Chip! Chip, halika dito”. “Kilala mo ako?” tanong ni Chip. “Oo, pumunta ka sa opisina last week at tinanong mo kung makakapag-TALK ka”.  “Ah, Oo tama!”. Sabi ng tao, “Nakapag-desisyon ako na kukunin kita para makapag-TALK ng walong beses dahil ang negosyo ay nagiging mabuti itong nakaraan, ayos lang ba sayo kung bibigyan na kita ng Cheque at mag-babayad na ako ng advance?” At nakakuha siya ng $400 na para sa kanya ay parang 4 Million dahil nakabili na rin siya ng gatas para sa mga anak niya at pagkain para sa asawa at mababayaran na niya ang bayad sa bahay nila.  Naaalala niyo ba ang READ MORE >>>

Thursday, June 14, 2012

Juan The Networker: Job Seeker - PMDI

Bago simulang ikuwento ni Juan ang kanyang buhay na punong puno ng kulay, Sa mga makakabasa nito, ito ang mas modernong bersiyon ng nauna ko ng isinulat na talambuhay ni Ahrean na di rin natuloy dahil sa walang direction ang kuwento. Game!

Day 1:

"Welcome Back!" Iyan ang mababasa sa WALL ko daily. Wall ko, as in wall talaga, ding ding ng kuwarto ko. Sinulat ko iyon sa likuran ng poster ni Angelica Pangniban, iyong poster ng Ginebra na pinotoshop si Angelica, inalis ang bilbil. Binaligtad ko na lang at gumawa ng malaking sulat na "Welcome Back!". Ginawa ko ang poster na iyon para hindi naman ako malito kung sa mundo ng mga buhay ako nagising o sa mundo ng mga masasamang espiritu. Nagsawa na rin ako sa serbisyo ni Angelica kasi, alam niyo yon! Up, down, Up, down times 100 then aaaaaahhhhhh! Tissue! sa mga mayayaman, sa akin, panyo o basahan lang. Well, bahala na kung ano man ang isipin mo basta iyon na iyon. Madalas kasi akong magising sa mundo na may mga paro parong biglang nagiging ipis, mundo na mahirap makasuntok, mundo na ang bagal kong tumakbo, sa madaling salita, panaginip. Kapag napansin mo parang ang hirap sumuntok o kaya tumakbo, nananaginip ka lang. Isa ang poster na patunay na hindi panaginip ang mga nangyayari kapag nagising ako. Na-iset ko na sa isip ko kahapon pa na maghahanap ako ng trabaho ngayong araw na ito. As usual, ang almusal ang nakakasawang sounds na baby baby baby oooooohhhh! Kinanta mo pustahan tayo! Basta umaga iyan na ang pinapatugtog ng kapitbahay kong wala ng ginawa kundi magbenta ng mga kapeng kakaiba 4 in 1 daw, Cream, Sugar, Coffee at isinama ang balat para maging 4 nga, ganoon din naman sa amin eh, 6 in 1 pa nga, Kape, Asukal, Creamer, Tubig na mainit at yung mga nadedong langgam sa asukal, sabon na sampong beses ang presyo sa safeguard, dishwashing liquid na presyong AVR ng computer, Pabangong di nawawala ang bango sa loob ng limang minuto at ang paborito ko sa lahat, yung pampapayat daw, kung hindi niyo naitatanong, medyo chubby ako, at pinapangarap ko talagang masubukan ang pampapayat niyang produkto. Ligo, almusal, toothbrush at sasakay na ng jeep para makapaghanap ng trabaho.

Nakarating ako sa siyudad ng Angeles at pumunta sa mga mall na may mga bulletin board. Ang daming hiring, pero hindi ako qualified, puro pambabae ang nakikita kong nakadikit. No choice kundi umuwi at magpakalunod na lang muna sa kakapanood ng teleserye ng GMA7. Sasakay na sana akong jeep nang may isang lalaking pawis na pawis ang namimigay ng mga papel at ito ang nakasulat:


Todo sa smile ang nagbigay ng flyer sa akin kaya naman kinuha ko ang number niya, mukhang malaki nga ang kinikita niya touch screen ang cellphone niya at CDR-king ang tatak, di ko pa naririnig ang CDR-King pero mukhang bagong uri ng cellphone, siya ang may pinakaunang cellphone ng CDR-King siguro, kasi nga 12,000 to 50,000 ang kita niya. Matapos niyang ikwento ng konti ang kanyang kumpanya na ang pangalan daw ay PERA ME DIN Incorporated, niyaya niya akong sumama sa office nila. Nang makarating ako sa office nila, ako ay nagbigla dahil napakahumble na tao ng magiging boss ko, nagpapasahod siya ng 12,000 to 50,000 pero ang office niya ay parang yung bahay lang namin, humble siya, gusto ko to. Pinakita niya ang kanyang negosyo at totoong nakakabaliw talaga, possible pala akong maging milyonaryo sa kumpanya niya , ang kailangan ko lang naman tandahan ay ang POWER of 2 na sinasabi niya. Next Year milyonaryo na ako! Pero sabi nung boss, 'wag ko daw muna ikuwento sa mga kakilala ko, baka daw di nila maintindihan, at kailangan ko munang magbayad ng 4,000 kapalit ng mga sabon at kape at mga vitamins daw. Ang bait talaga ng boss ko, sa iba nga ang kapalit lang ng pera mo ay papel, police clearance, nbi clearance, barangay clearance at kung ano ano pang clearance. Pagkauwi ko hahanap ako kaagad ng 4,000. Ang dali lang non eh, PSP ng pinsan ko hiramin ko tapos benta ko, sabihin ko nawala ko tapos babayaran ko na lang, isang sahod ko lang yon may sobra pa. Bibilhan ko na lang siya ng bago, palalagyan ko pa ng paborito niyang laro, tekken at tetris. 

Teka, naalala ko pala. Ang kapitbahay kong Baby Baby Baby oooooohhhh! Parang ganito rin ang negosyo ha. Matanong nga siya kung sa PERA ME DIN Inc. din siya nagtatrabaho, pero hindi siguro, kasi nasabi nung boss na walang benta benta, gagamitin ko lang daw at isheshare kikita na ako. Tapos kapag natutulog ako dumadami na ang aking pera. Astig! di na ako makakatulog nito mamayang gabi, paano ako kikita kung di ako makakatulog? kasi ang pagkakaintindi ko, ang malaking kita ay nasa pagtulog. Tapos ang power of 2, siguro di ko pa masyadong gets, ang sabi lang kasi, mag-invite lang ako ng dalawa eh. Kahit naman sampo pwede akong mag-invite, pero stick to 2 muna ako. Bayaran ko muna tapos iinvite ko si Lola at Lolo.

At nakauwi rin ako. Pakiramdam ko, mayaman na ako, hindi na dapat ako umasal iskwater, kailangan asal mayaman na ako at kailangang medyo ayusin ko na ang pagkilos ko, praktis. Ang sarap ng pakiramdam at nakilala ko yung taong namimigay ng flyers, nakalimutan ko ang pangalan niya. Magkikita rin naman kami ulit eh. Bukas ang lakad ko ay pumunta sa pinsan ko para hiramin ang PSP.