Showing posts with label Chayd's Life. Show all posts
Showing posts with label Chayd's Life. Show all posts

Wednesday, January 23, 2013

Will you give to Beggar or Not?

One day, may isang matandang umiiyak at humihingi ng tulong sa office namin. May dalang reseta at kung anu ano pa, umiiyak siya at sinasabi niyang nakakahiya man, kailangan niya itong gawin para makabili ng gamot. Walang isip isip binigyan ko na. Some will say, GIMIK lang yan bakit mo bibigyan? Ang tanong dito, paano ka nakakasiguro na GIMIK lang iyon? what if NOT? Gagamitin lang iyan sa sugal, what if not? ang tinitignan dito, kung may lumapit sayo na tao at hihingi ng tulong pinansiyal, kung may mabibigay ka naman, are you willing to give? or magduda na lang na gagamitin lang ito sa kalokohan o ang iba sinasabi, ipambibili lang nila iyan ng DRUGS. Are you really concern sa kalagayan ng tao? Ayaw mo siyang mag-DRUGS? o ayaw mo lang talagang tumulong dahil NAIINIS ka sa pagmumukha ng nagpapalimos sa iyo? Ginagawang palusot ang pagiging MALINIS  na kunwari ay ayaw mong magDRUGS ang nagpapalimos sa iyo. Ang part mo is, mamigay sa nangangailangan, hindi naman tayo sigurado kung saan niya gagamitin ang perang ibibigay mo. Kung duda ka at concern talaga na gagamitin niya ito sa drugs or kung saan mang kalokohan. Buy Him/her something nalang na makakain niya, you're concern right? 

Ang iba kasi, hindi na sila magbibigay sa mga nagpapalimos, sinisiraan pa nila ito. Walang wala na nga ang tao, sinisiraan mo pa, ANONG KLASENG TAO ka? Kung ayaw mamigay sa mga nangangailangan HUWAG KA NG MAGPALUSOT at gawing PALUSOT pa ang PANINIRA sa kanya.

Well, si Lola na lumapit sa amin, according to her, gagamitin niya sa DRUGS(Gamot) ang pera :)

By the way, hindi ako nag-eexpect ng anumang kapalit sa pagtulong ko kaninu man, but after helping this Old lady, dumami ang mga CLIENTS at INQUIRIES ko sa online business. Maybe coincidence, but I do believe na kung ang BOSS na natutuwa sa kanyang empleyado ay binibigyan ng REWARD, ang DIYOS pa kaya na nakakakita sa mga ginagawa mo. Anyway i'm not helping for the sake of rewards. Gusto ko lang talagang makatulong.

** Hindi siya ang nasa PICTURE
Credit goes to: http://www.treklens.com

Ad-Post Works on Facebook


This Ad/Post just altered our minds. Nananahimik kami, nakita ng ka-office ko ang post na ito sa facebook, naisip nila na ang sarap yatang magkape at magpandesal. Takbo sa Pandesal ni Mang Juan and Bought two sachet of Kopiko Brown Coffee. So, it is proven that AD/POST works and it can alter your mind too.

Right Time -  Ipost ang ads sa tamang oras. Example: Coffee, aside sa umaga anong oras magandang ipaalaala sa mga makakabasa na dapat silang magkape? Coffee break.

Right Photo/Caption: Don't make it too obvious that you're selling something, just post a photo that makes them feel na kailangan nila ang product or gusto nila itong matikman o gamitin, o kaya naman make them curious. Use your imagination, just remember, don't sell.

Friday, December 28, 2012

Reklamador na Driver


Habang naka-upo ako sa front seat ng jeep, ang driver at ang kakilala niya sa likuran ko ay nagkukwentuhan, but more on nagrereklamo with their love ones, paramian sila ng reklamo sa mga mahal nila sa buhay, mukhang ang anak ng driver ay nag-asawa ng maaga, walang trabaho, and buong oras na nakasakay ako puro na lang reklamo. Hindi ko alam kung ano ang point nila, para ba ipakita na cool sila dahil nangangaral sila sa mga anak nila at narinig ko pa nga na pinalayas pa niya ang sarili niyang anak dahil sa parang parasite na sila, and I keep on hearing na masarap daw ang buhay nila na matutulog na lang at kakain. Sa ginagawa ng driver na ito, kung makikilala ko man ang anak niya at makikita, ang unang papasok sa isip ko ay ang mga reklamo ng tatay na ito. I mean, what's the point na siraan mo ang miyembro ng pamilya mo sa maraming tao, kapag nakita nila ang siniraan mo ano ang mararamdaman o impression ng makakakita? "Ang taong iyan ay tamad at palamunin lang" gusto ba ng tatay na ito na negative ang tingin ng mga tao sa anak niya? Walang saysay ang pagrereklamo mo sa tao kung sa iba mo naman ito sinasabi, ano ba ang magagawa ng pagsasabihan mo? Siya ba ang makakapagsolusyon sa nirereklamo mo? Ang anak niya ang pinoproblema niya pero sinasabi niya sa kaibigan niya na puro reklamo rin. Matatapos ang usapin nila na walang solusyon ang magaganap, kundi puro kasiraan ng mga nadamay na tao. Base sa aking pagsusuri, ginawa nila ang walang kuwentang pagrereklamo na iyon for the sake na may mapagkuwentuhan lang.

Minsan kakareklamo natin, hindi natin alam na nasisira na pala ang mga taong nadadamay sa reklamong walang kakwenta kwenta. Bago magreklamo at magkalat ng kung ano ano, isipin mo muna ito:

1. Ano ang point ko sa pagrereklamong ito?
2. May madadamay bang mga tao?
3. Kapag natapos ang usaping ito, may mapapala ba ako? Masosolusyunan ba ang problema ko sa taong nirereklamo ko?
4. Makatarungan ba na pag-usapan ang mga negative na ugali ng isang tao habang wala siya?
5. Sino ba ang mas masama? Ang taong pinag-uusapan habang nakatalikod o ang taong nagkakalat ng kung ano ano sa kanya.


Let no corrupting talk come out of your mouths, but only such as is good for building up, as fits the occasion, that it may give grace to those who hear.- Ephesians 4:29

Do not grumble against one another, brothers, so that you may not be judged; behold, the Judge is standing at the door. - James 5:9

-- More at: http://www.openbible.info/topics/complaining

Sunday, December 16, 2012

Organic Market at Museo ning Angeles

If you’re an organic person and want an organic market with an organic vendors selling organic products, you can visit Museo ning Angeles every Saturday.

Because of this organic event, parang naramdaman ko na gusto kong maging hardinero, isa sa mga nagustuhan ko sa market na ito ay ang mga Produkto ng Zabala’s Home Garden, dahon palang may lasa na, pinatikim sa akin ni Aling (teka! Di ko alam ang pangalan) yung mga dahon ng paninda niya. May lasang asukal, may parang vicks at may parang tea. Gusto ko sanang matry yung lasang asukal, titignan ko kung pwedeng gamitin ang dahon niya sa kape. Sa side ng event na ito,nariyan naman ang mga nagtitinda ng mga bibingka at puto bumbong. Here are some photos of this event.






Monday, December 10, 2012

Pacquiao - Marquez 4: Ang pakiramdam ng pagkatalo

Iba talaga ang pakiramdam kung marami kayong nanonood at iisa ang nais na mangyari pag lumalaban ang ating pambansang kamaho, lahat ng kasama ay gustong manalo si Pacquiao kaya naman tuwing nakakapuntos siya ay maganda ang aura na nilalabas ng sigawan at tuwa ng bawat manonood na kasama. Ang nakakalungkot at tatamaan ka talaga ang pakiramdam mo ay hindi makuha ang ineexpect at gusto mong mangyari, ang matalo si Pacquiao. Kung matatalo siya sa desisyon ok pa sana di gaanong apektado, pero ang makita mong dumapa ng dalawang beses ang iniidolo mo sa boxing ay isang tunay na nakapanlulumo. Dahil sa nagsama sama ang aura ng pagkabigo, mararamdaman talaga ang kalungkutan nang matalo si Pacquiao. Maybe God has a bigger plan kay Manny. Manalo o Matalo, Idol kita Manny! Watch and feel: 


The 10th PGG Family Reunion Experience


Pamintuan – Gantan – de Guzman

From the Clan of Arsenio de Guzman, kaya kami nakapunta, first time kong umattend ng ganoong kalaking reunion. Plano ko lang ihatid sina Nanay at ang mga kapatid ko, pero nagstay na rin ako, mukhang enjoy, at enjoy nga.
Free Swimming
Free Swimming sa lahat mapabata man o matanda.


Free Food
Although matagal sa pila dahil sa dami ng tao, worth it naman ang pagpipila. Sa food, color coding ang pagkuha, kung anong kulay ng stub mo, dapat doon ka pipila. 


At ito ang bunga ng aking pagpila:


Food Review: 8 out of 10 (10 is the highest) 
Nakakabusog and masarap.

Free Pacquiao - Marquez Live viewing
First time kong manood ng laban ni Pacquiao na may kasamang sumisigaw. But the sad part is, nung natalo siya, nagsama sama ang negative aura kaya naman napakalungkot at emotionally affected ang mga tao.





Best of all sa experience is:
Quality time with your loved ones

Oh, I forgot about the Raffle.
Lahat ng dumalo 18 years old above, may free raffle ticket. Two of my Clan ay nanalo, si Darang Dang  (Erlinda de Guzman) ay nanalo na Turbo and Racquel de Guzman ay nanalo ng P500. 


Friday, December 7, 2012

Is God Behind it?

6 Months ago I pawned my Lenovo laptop. Tinanong ko sa PG Pawnshop kung magkano, they said P3,000, so lumipat ako ng RPM Pawnshop, kinuha nila ng P4,500. That was 6 months ago, what do you expect if you're going to pawn it again? Maybe kung sa PG dati ay P3000 lang nilang kukunin, ngayon siguro ay P2000 na lang or less. While sa RPM ay P3000 na lang. Bumababa kasi ang value nila, sa cellphone nga, ilang weeks lang ang bilis mabawasan ng value sa mga pawnshop. So, I need atleast P5,000 today. Dinala ko ito sa  RPM and I expect na ang sasabihin nila ay P3000, I'm ready naman kung ganoon ang offer. Guess what? di na daw nila makukuha dahil sa napakaliit na damage sa likod. Too bad. Now, my other option is atleast i-try sa PG Pawnshop, I was with my son Philip by the way. Naglalakad sa ilalim ng mainit na araw papuntang PG. Chineck ng babae (getting nervous baka mapansin nila ang damage na napansin nung sa RPM), pinacheck nung babae sa loob, nang lumabas, I was ready to get the laptop back at umuwi na lang, a miracle or weird thing happen, the girl said, P5000. I doubled check, kano ulit? P5000. Cool! Did God just gave what I need? or It is all just a coincidence? I believe it was God.  




Wednesday, November 28, 2012

Be careful what you wish for

If you remember na kumita ako dati sa internet at nakapagpatayo ng internet shop, nagpagawa rin akong dalawang fishball cart at kumuha ng magtitinda para dito, isa sa mga nagtinda ko ay nasa kulungan na ngayon, isa siya sa mga matalik kong kaibigan na halos lahat ng tao ay ayaw sa kanya and against sila sa pagkakaibigan namin, dahil sa kilala siya bilang labas pasok sa kulungan, magnanakaw daw siya, sa paningin nila, sa paningin ko isa siyang tao na kailangan rin ng kaibigan at kung iisipin sa lahat ng mga naging kaibigan ko, siya ang totoong may pakialam sa akin at may concern, If I’m a millionaire, kaya kong iwan ang bahay sa kanya na nakabukas ang maleta na may isang milyong piso, ganoon ako katiwala sa kanya. Yes, I admit na naging thief siya, but that doesn’t mean na thief na siya forever, I don’t judge him, ang tingin ko sa kanya ay kapantay lang ng tingin ko sa mga taong banal ang imahe sa kapwa nila tao. And besides lahat naman tayo naging thief, if you’re an employee and reading this and you’re not supposed to browse on the internet while working, guess what? You’re a thief too, you’re stealing some time, and stealing is stealing, sin is a sin. There is no small and big sin, stealing a 25 centavo and stealing a million has no difference. Pero ulit, nasa attitude yan, doon tumitingin si God. That’s just the summary of my first fishball vendor. Now, let’s talk about the other vendor. Noong una, malaki ang kinikita niya, malaki rin ang commision niya. Then, after a few weeks, akala ko HIT ko na ito sa fishball business, nagsimula siyang malugi, laging kulang ang mga benta niya at ang lugi niya ay mas malaki pa sa dapat na maging commision niya, kalmado lang ako kapag kausap siya, although not happy about it, I still give him atleast P200.00 kahit lugi ako just to pay his effort. Now, naging araw araw ay ganyan, I’m not earning anymore, siya na lang ang kumikita. Okay pa rin, still giving him a chance. One night nagtext siya, pahinga na daw muna siya. Ayaw na niya. 2-3 days later (di ko maalala). Naglilinis na siya ng sarili niyang kawali, nabalitaan ko na nagpapagawa na siya ng sarili niyang pisbolan, nalulugi at hindi kumikita ang binabalita niya sa mga tao, at maliit daw akong mamigay ng commision, (P300-P400) noon di pa siya nalulugi, and I earn about P100-200 lang, kapag nalugi siya wala pa ako, sayang ang effort ko na pagluluto ng sauce at pamamalengke. Sa lahat ng hindi kumikita siya lang ang nakapagpatayo ng sarili niyang negosyo and I’m furious. Galit na galit ako, pero right niya yon, although there rumors na kumukuha siya ng mga extra fishball sa bahay na patago, hindi ko siya kinonfront para sa isang away. What I did is wait for him na makapagtinda ng pansarili and planuhin na ibagsak siya. All I want is for him to fail. I wanted to punch him, beat him and burn his fishball cart pero di ko magawa. Few months later, ako bumagsak, wala ng nagtitinda sa dalawa kong cart. Pinarent ko na lang, and unfortunately mahina na daw dahil bigla na lang dumami ang mga nagtitinda, until na huminto na ang mga nagrerent at binenta ko na ang fishball cart kong isa. Then one day, bigla kong nabalitaan na ang dati kong vendor, ay nalulugi na, bigla na lang siyang huminto, nagtago dahil sa utang. I should be happy dahil yon ang gusto kong makita, ang bumagsak siya, pero hindi ko naramdaman iyon. Ang naramdaman ko ay kalungkutan and I even wanted to cry for him. One thing I realized, that guys has no mother and father, although may kapatid siya, he’s lonely, iyon lang ang ikabubuhay niya, and bagsak na siya at may utang pa, I even felt guilty na ako ang dahilan kasi kung bakit nasa sitwasyon siya ngayon, kung hindi ko siya kinuha na magtitinda, edi sana nananatili siyang basurero ngayon at hindi nagtatago, kaysa naman ngayon ay wanted siya sa mga pinagkakautangan niya. So, totoo pala na BE CAREFUL WHAT YOU WISH FOR. Hindi rin masaya kung ang ninanais mo ay para sa ikababagsak ng isang tao. I wish he could find a better job na ika-aasenso niya. Kung umasenso sana siya sa pagpifishball, somehow although I know he will not admit it, nasa subconcious niya na umasenso siya dahil sa aking tulong.

Wednesday, October 10, 2012

Maybe the most emotional post

Maybe this is the most emotional post na ipopost ko, headache, pressure at depression ang nararamdaman ko ngayon, I am writting this using my phone while one of my leaders sa networking is talking and sharing ideas, I can’ even focus. I wanted to quit. Quit about about life. Wanted to die, sakto 3rd floor pa naman tong building. Ang ganda ng meeting namin, tapos nang i-check ko ang cellphone, may 2 misscalls at ilang mga text. Natiyempuhan ko naman ang tawag niya at tinatanong kung nasaan na ako, umamin ako na nasa Bayan pa rin, yung nagbabantay daw sa mga anak ko naniningil na, wala na daw gatas ang mga anak ko sina kambal at ang bunso, mainit na akong sumagot sa kanya, dala na rin ng emotion, CONTINUE READING>>>

Friday, September 28, 2012

The Problem is always part of the Solution


Today, pinadala sa akin ng Law Office ng Credit Card Company ko ang Final Demand Letter na dapat kong bayaran ang halagang halos hindi ko naman ginastos, triple ang patong sa orihinal kong ginamit, no wonder na madaming tao ang nalulunod sa utang nang dahil sa credit card. Malaki ang problema ko dahil kahit sa installment na sinasabi nila ay mahihirapan ako at kung babayaran ko man ito, kailangan maisakripisyo ko ang gatas ng aking mga anak, take note MGA ANAK, I have 3 kids na pare parehong umiinom ng gatas, at ang gatas ay hindi basta basta ang halaga, example na lang nito ay ang gatas ng bunso na P183 ang isang box na hanggang mag-hapon lang, paano pa yung nakalata na, ang dalawa naman na kambal ay mura nga, P95 nga lang pero 24hrs lang ubos na, nagdadiaper din sila, vitamins at ang tubig na ginagamit sa pagtimpla ng gatas ay dapat Distilled Water na may halaga rin siyempre, kumpara sa iniinom namin na purified , isang container P30 lang, pero ang distilled, isang 6000ML ay P78 na. Hindi pa kasama diyan ang daily na pagkain namin, how about the yaya na weekly na nagrerequest ng sahod? Kung may bibili ng Kidney ko siguro mababayaran ku ng cash ang utang sa credit card, yun ay kung may taong willing na magamit ang kidney ko na puro pinagbalatan ng 3 in 1 coffee sachet lang ang laman. Anyway, dalawa ang pwede kong gawin sa sitwasyong ito.

Magfocus sa Problema
Pwede akong magfocus sa problema at maghapong magpaputi ng buhok kakaisip sa napasok kong ito. Maging masama ang ugali dahil sa problemang hinaharap at gawing dahilan ang problema para ipaintindi sa mga taong paligid sa akin kung bakit ako nagiging masungit at mainitin ang ulo. Maawa sa sarili ko hanggang maisip ko pa ang ibang mga problema at tuluyan na akong mapepressure at tatanda ang itsura ng limang taon. Magkakaroon ng puting buhok at tatawagin itong Lucky Charm. Worst, sisisihin ko ang Diyos sa mga nangyayari sa akin, maiingit sa ibang umaasenso at sisirahan sila para naman kahit papaano kung maghihirap sila may kasama akong naghihirap.

            Kalimutan ang Problema at humanap ng Solusyon

Since walang solusyon sa pagtutok sa problema, ang naiisip kong solusyon ay ang solusyon mismo, ang unang solusyon sa problema, kahit anong problema pa ito, ay ang pagdedesisyon na sosolusyunan mo ito at doon magsisimula ang mga susunod mong aksiyon kung paano ito masosolusyunan ng tuluyan.

Anong aksiyon ang pwedeng gawin pagdating sa problemang pinansiyal?

                Ang mismong agent ng Credit Card Company na ang nagsabi, “Kung magagawan niyo po ng paraan.” Of course, lagi namang may paraan eh. Pero, ang nakakatakot na paraaan dito ay ang pag-uutang para mabayaran ang utang, pwede pero lalo ka lang malulunod dahil kadalasan kahit kamag-anak mo pa nga ang uutangan mo ay may interest ito. Magsangla o magbenta ng kung anong gamit ang meron ka ay pwede ring i-consider na paraan. Ang mga ganitong klaseng paraan ay temporary solusyon lang pagdating sa pinansiyal na problema, lagi lang kasing nandiyan ang tanong na, “What’s next?” Anong kasunod kapag nasolusyunan mo na ang problema mo?

                May trabaho ako at alam naman na ang pagiging empleyado ay sakto sakto lamang at hindi ito ang solusyon sa problemang ito. Abroad? Di ko rin kaya, di ko kayang iwanan ang mga anak ko at I believe if God will bless me, He can bless me anywhere, kaya okay lang na hanapin ko ang solusyon sa Pilipinas with his help and guidance. Well, this is it, alam mo naman na ang sasabihin kong solusyon ay ang Network Marketing which is sa estado ko ngayon ay iyon talaga ang naiisip kong pinakada-Best na solusyon, and bakit naman (siguradong tanong ng iba). Una, ang inooffer ng ganitong klase ng industriya ay ang pangmatagalan na solusyon, Financial Freedom, iyon ang solusyon talaga, kailangang magkaroon ako nito, para kapag nasolusyunan ko ang kasalukuyang problema, wala ng kasunod, kung meron man siguradong hindi ito pinansiyal na problema unless na hindi ka marunong humawak ng pera, maaring problema kung anong sasakyan ang bibilhin ko, problema kung anong tablet ang bibilhin ko, problema kung anong gadget ang ipangreregalo ko at problema kung saan kami magbabakasyon ng pamilya ko, it’s a matter of choice kung magpofocus ako sa problema, tiyak na ako ang mag-iisa sa pagbabakasyon, at sa selda ito ng city jail namin.

The Problem is always part of the Solution

Kung ano man ang magtutulak sa akin para solusyunan ang problema ko ito ay ang mismong problema, ayaw ko na may ganitong problema kaya dapat itong masolusyunan sa lalong madaling panahon. Gawin lang inspirasyon ang problema, iyon lang ay sapat na para magawan mo ito ng aksiyon.

Kung sino ka man, at kung ano man ang problema mo ngayon, start attracting solusyon, gamitin mo ang utak mo, wag ang puso at emosyon mo. Huwag kang maawa sa kasalukuyang estado mo, maawa ka sa sarili mo kung wala kang planong solusyunan ito. Problemang pinansiyal? Kung willing ka na solusyunan mo ito at handa ka na gagawin ang lahat masolusyunan lang ito(wag lang maminsala ng tao), let’s do it together!



Tuesday, June 5, 2012

How to use other MLM Company to motivate yourself

English ang title, tagalog ang post. Ano nga bang bago?


Anyway, Danger zone muna tayo. What if, may nagtext sayo na interested sa negosyo mo at nakikipagmeet? then kapag na meet mo isasama ka nila sa office/center nila para ipakita ang negosyo niya bago mo mapakita ang negosyo mo? Ready ka ba? Hindi ka ba matatangay? Nangyari pa lang sa akin ito, actually twice na, same reaction lang ako at same feelings. IF newbie ako at ganito na ang pag-iisip ko pagdating sa opportunity, masasabi kong matatangay talaga ako. Today, (June 06, 2012) Nag-attend ako sa isang Business Presentation ng isang Local Company na ngayon daw ay international na dahil may branch ng tatlo sa ibang bansa. Pinanood ang Video and sinubukan ko talagang i-transform ang sarili ko bilang isang taong wala pang experience sa ganitong klase ng negosyo, sa video pa lang, tangay na ako. Ikaw ba namang makakita ng video na ang mga sumasali ay puro enjoyment ang ginagawa, travel dito, travel doon tapos ang gaganda ng mga sasakyan nila, makyu-curious ka siyempre kung ano man ang negosyong ginagawa nila, sa sub-conscious mo, mareregister na gusto mong sumali at subukan ang ginagawa nila. Now, pagkatapos ng video, nagsalita na ang speaker na dating nurse tapos ngayon kumikita na ng around 10,000 - 40,000 a week. Ang galing din niyang magpresent at nakakatawa ang mga patawa niya. Pinakita ang mga Product at mga benefits at mga testimonials, talaga mapapa-WOW ka kung newbie ka. Then the Marketing Plan, this time, mabubuo na ang loob mo para sumali. Entry, nakakaturn-off sa laki pero mabubura iyon ng mga pumasok na sa sub-conscious mo na "YAYAMAN ka DITO!". After the presentation, kinausap ako ng upline ng nag-invite sa akin, and I acted as newbie talaga, di muna nagsasalita and umaagree lang ako to help Her show the other guests na maganda talaga ang Network Marketing. Pagkatapos niyang magsalita at i openmind kami ulit, sinabi ko na ang mga ibang network na pinanggalingan ko at sinabi ko na rin kung bakit ako nasa office nila, "Gusto kasing makita ni Kuya CENSORED (Itago na muna natin) ang Network ko ngayon, pero siyempre dahil nasa office niyo ako RESPETO na lang sa office niyo, I will not present my business here" Pero sa labas namin pinag-usapan. Dahil rin sa narinig niya na madami akong company na napuntahan at pinanggalingan na, She mentioned the word JUNKIE and FOCUS, Ang ibang mga networkers, tingin nila sa taong nanggaling sa ibang mga Network ay JUNKIE. But I think na hindi porke galing siya ng ibang Company ay JUNKIE na siya, marahil ay nakita niya lang sa bago niyang Company ang advantage nito sa pinaggalingan niya, and Besides, I'm not sure but I think si Mark Dapiton, Joseph Lim, Chris Cheng at ang ibang mga kumita at may pangalan na sa mundo ng Network Marketing, bago sila naging Top Earner o kumita man lang ng malaki may dinaanan muna sila na ibang Company, but we never call them JUNKIE, pwede namang sabihin na kaya hindi sila Junkie yung Company na iniwan nila ay nagsara kaya napilitan silang lumipat, but I know someone na nag-eexist pa ang mga network nila pero lumilipat ng Company at I don't look at them as Junkie, karapatan nila iyon, karapatan nilang humanap ng ibang Network na sa palagay nila ay mas matatrabaho nila ng maayos base sa kanilang paniniwala at determinasyon. Although hindi diretso ang patama niya na Junkie daw ako, alam ko na gusto niya ay sumali ako at iyon na ang ifocus ko. She mentioned the word PROFESSIONALISM and nabanggit rin niya na "Kanina nga nag P.R. kami" which means Pusakal Recruiting daw. Well, if that's how they do their business and if that's what they call PROFESSIONALISM, wala akong magagawa. Pero respeto pa rin, hindi ako nakipagdebate sa kaniya at hindi ako nakipag- "Our Company is Better than Yours" "Our Product is a lot better than yours!".

I can always go back and transform myself as a Networker, After presentation, iyon ang ginawa ko, otherwise, member na nila ako at nabenta ko na lahat ng mga gamit sa bahay namin para lang makapagmember ako. But since Super Saiyan 4 na ulit ako, I was inspired by the Video, sa ganda ng Office, sa Galing ng Speaker, sa todo todong tiwala nila sa product nila, sa tour ng mga top earners nila, sa mga kotseng pinapakita nila, sa dating waiter na naging milyonaryo, sa dating tindera na naging milyonarya, sa mga teamwork nila, sa center mismo nila. Pero ang pagka-inspired ko, naka-attached ang Current Company ko, ang sabi ko, Kung ang mga tao dito ay pinagmamalaki ang mga uplines nila na nagkakotse, sa Company ko, kami ng team ko ang magkakakotse at kami ang ipagmamalaki ng iba, sa Company ko, hindi ibang team ang magtatayo ng center(although ok lang naman), Kami ng team ko ang magpapatayo ng Center, Sa Company ko, hindi kami ang manonood ng video ng mga top earners na nagtatravel, kami ang mga top earners na panonoorin ng iba, Sa Team namin magmumula ang mga malulupit na speaker at kami mismong mga uplines ang magiging malupit na speakers, Sa Company ko, kami ng team ko ang mga unang magdadrive na mga mamahaling sasakyan, kami ang nasa video, bilang ganti, susundin ko ang payo ng aking mga magulang, teka! Akala ko panatang makabayan! Tuloy -->. Sa madaling salita, NAGAWA NILA IYON SA COMPANY NILA, MAS MAGAGAWA NAMIN IYON SA COMPANY NAMIN. Ang mga taong resulta muna ang hinahanap, mapapasali talaga, pero iba ako, gusto ko AKO ANG UNANG MAGLALABAS NG RESULTANG MAGPAPATUNAY NA HINDI KAILANGAN ANG ABROAD PARA YUMAMAN, AKO MISMO ANG RESULTA. Ayaw ko na hanggang tagapakinig na lang ako ng testimonies, gusto ko ako ang nagtetestify at ang mga kasunod kong magtetestify ay mga kateam ko rin.

Warning:
This is also dangerous kung di ganoon katindi ang tiwala mo sa Company mo at hindi ganoon katatag ang pundasyon mo. Make sure na alam mo rin ang mga pinagmamalaki ng Company mo laban sa ibang Company at gawin mong basehan iyon kapag malapit kanang matangay. 

Tuesday, May 8, 2012

Pay Ins Made Easy

The Mid-Entry Story       
Nung nasa Mid-Entry ako, ang unang network ko, nahirapan akong magpa-pay in dahil ang center ay nasa Tarlac pa, at nasa Angeles ako, may mainvite man ako, tatamarin ring pumunta, at ang Company na ito, dati na palang may Center sa Angeles lugar namin pero nagsara lang. Hindi ko rin alam na ang Company na pinasukan ko ay may sampung taon na pala sa Pilipinas, Sikat na. Proud naman ako dahil akala ko malaking puntos iyon para lumaki ang team ko(and yes! Maganda rin naman na ang Company mo ay sikat at mapagkakatiwalaan na), ang problema, karamihan pala ng mga networker mas gusto nila ang tinatawag na PIONEERING STAGE. Gusto sila ang nasa taas para mas malawak ang market nila. After a few months of rejections at hirap na pabalik balik sa center just to Re-purchase at ang mahirap pa dito, akong mag-isa lang at ang upline ko ay nasa Abra, ang layo non sa Pampanga, I finally decided to give up and look for another MLM Company na fresh pa at may kateam talaga ako na makakatulong, Isa sa mga kabanda ko dati ay nasa pareho pala kaming industry, Networking. Gusto niyang ilatag ang Marketing Plan ng Company niya, kaya naman I decided to attend their BOM sa McDonalds  sa Dau. Magaling ang pagkakalatag pero iisipin ko muna sabi ko, although hindi ko naman talaga iisipin. Ayaw ko in other words .

Naglalakad ako sa Angeles when  one cute lady handed me a flyer at tinext ko naman ang number na nakalagay sa flyers, instant! Bukas daw meet kami at ang hindi niya alam magpe-pay in na ako. Ready na akong sumali dahil bago ko pa siya tinext inaral ko na sa internet ang marketing plan nila, I just want to join them dahil gusto ko ang ka-team ko ay nasa area ko lang, nabigla ang taong magiging sponsor ko, literally ang sabi niya ay, “Nakakabigla ka naman, Sir!” anong nakakabigla don? Hindi ba kaya nila pinresent ang negosyo nila so that may mapa-pay in sila, bakit nabibigla ngayon at nagpepay-in ako on the spot? Kasi hindi sila sana’y na nag-inquire kahapon, na-orient ngayon, pay-in agad. Obvious eh. Ang isa sa napansin ko ay ang pagiging ARROGANT ng pinaka-upline namin, he even said MATRIX are SCAM, Stay away from PTC. Alam ba niyang galing sa PTC ang pinagpay-in ko? Nakikita ko ang kayabangan ng Upline namin, He even use the WORD GOD kung pakikinggan mo, parang tunay siyang Christian, pero kung makapag-mura naman tinalo pa si Fred Durst(Limp Bizkit) sa dumi na bibig niya. Kung ano ang turo ng upline ganoon din ang mga downline sigurado, that’s why I decided not to follow him dahil upline mismo, sinisira ang industriya ng networking, kinukumpara pa nga niya ang network namin  sa Ibang Network Companies na nagbebenta daw ng Glutathione at mga sabon sabon. What’s wrong with Soap and Glutathione? Ang daming taong kumita doon na mas mayaman pa sa kanya.

                The High-Entry Story

I wasn’t happy with that team, but I love their product and Marketing Plan, especially when most of  my customers na nabentahan ko ng product ay nagrereklamo, lalo na yung kaibigan ko na nagpost sa facebook how suck their system is, I can’t blame him though.

                Nag-attend ulit ako ng B.O.M. ng Company ng dati kong kabanda para malinawan ulit ako, may mga guest na iba at mga babae lahat, mga Call Center Agents daw, may pera sila siyempre, kaya nilang ma-afford ang taas ng Entry sa Company na ito. The Upline handed the application form and I ask my upline kung magiging downline ko ba sila kapag nagpay in na ako, nasilaw talaga ako dahil akala ko magpepay in na agad ang mga iyon kaya naman inisip ko na unahan na sila. Nag-pay in ako kinabukasan.  Aggressive pa ako sa pag-iinvite sino nga ba naman ang hindi mag-aaggresive kung halos kulang sa siyam na libo ang nilabas mo, ininvite ko kahit sino na lang just to impress my team mates na nag-eeffort talaga ako, although sa likod ng sub-concious ko alam kong di magpepay in ang mga iyon, kitang kita naman na hindi sila nakikinig. Nalaman ko na lang nga na ang isa sa mga ininvite ko ay pinagtatawanan ako ng mga kaibigan niya sa trabaho na dati ko ring mga katrabaho. At siyempre hindi nga sila magpepay in, hindi naman talaga nila gusto ang negosyo at sarado naman talaga ang isip nila sa ganitong klase ng negosyo, sabi nga, you can’t force someone to be someone they’re not. Kung may ine-expect man akong magpepay in ay iyon ang na-invite kong babae na matagal ko ng kaibigan at ang dami niyang tanong na kung iisipin mo na talagang gusto niyang sumali kaya siya nagtatanong, WRONG! Hindi siya sumali, networker ang asawa niya at open minded naman siya, pero sa laki daw ng Entry, NO WAY!

The Low-Entry Story
                Pati ang pabango na low-entry pinatulan ko at pati ang Personal Collection. I really want to become financially free. Kaya todo invest ako.

                Madalas kong naririnig talaga ang PIONEERING STAGE sa high entry ko, naisip ko, pioneering stage nga sila sa area namin ang hirap naman magpapay in dahil sa laki ng entry, naghanap ako ng isang company na PIONEERING STAGE, at the same time MURA lang. I found this company na saktong sakto, below P800 ang entry, Affordable at PIONEERING STAGE talaga at may Center pa sa area namin na kakatayo lang. Nag-enjoy ako sa Company na ito at ito na ang finocus ko, ang daling magpapayin at I build ang team, Doctor pa ang Speaker kaya pati sa product well explained, by text lang may napapapay in ako. Later on, natrained ako ng husto sa Company na ito na to the point na binabayaran na ako ng Company para maging Speaker at naging official speaker pa ng Pampanga at naging member ng Core Group at Core One pa, ang pinakamataas na uri ng Core sa Company na ito, Ginawa na rin ako ng Company as Representative, lumaki ng lumaki ang team namin, but since, low entry di rin ganoon kataas ang Pairing Bonus at ang laban ay 2 is to 1, kailangang mo pa ng tatlong tao just to earn P225. Ang dami kong natutunan sa pag-sstay ko sa Company na ito, dahil habang nandtio ako nagse-self study ako, dito ko rin nalaman ang tungkol sa mga iba’t – ibang strategies sa pagmamarket. Hindi ko alam na ginagawa ko na pala ang tinatawag nilang Attraction Marketing sa Company na ito, hindi ko nga lang alam ang tawag dito ay ganoon. Nabasa ko lang sa mga libro ni Ann Sieg ang Attraction Marketing, Before I even know it, I was actually doing it. Just like ang iba tao ngayon, they don't know what networking is, kapag nalaman nila, ayaw nila, pero di nila alam na they do networking all the time :-).

                Sarado na ang isipan ko sa mga High Entry dahil sa training at turo ng mentor ko, alin nga ba naman ang mas mabilis pumasok ang tao, sa below 800 o sa 4000 pataas? Iyan ang mentality na pumasok sa akin. Although focus ako sa Company na ito, may nanlibre sa akin na taga Saudi at ipinasok ako sa Company na may P2,500 entry, pumayag ako libre naman at hindi ko naman talaga ito i-wowork out.
Back to Mid-Entry(May focus ba na nagpapalibre? hehe)

                Still focus sa Low entry pero, dahil sa napapansin ko na kahit anong training ang ipasok mo sa mga NEW BLOOD, kung nabaliw lang sila, at wala talagang panggalaw, wala rin Commitment eh, malaki nga ang team ko pero nasa 10-15 lang lagi ang active, ang iba lulubog lilitaw, kasi nga naman magkano lang ang entry walang commitment, mababa ang entry, mababa ang commitment level ng iba, kaya nilang talikuran eh.  Yung 2,500 na nilibre sa akin, magmemerge ang Company sa isang bago at Pioneering Stage na Company galing ng U.S. at ang inuna nilang bansa ay ang PILPINAS, isang Once in a lifetime opportunity, madalas huli ang Pilipinas kapag International Company., at P2,000 lang ang entry. Isa ako sa mga gagawing Founding Member na may 2% profit share ng Company at ang ganda ng Marketing Plan ng Company na ito, sa ganda ng Marketing Plan, nilatag ko ito sa mga dati ko ng naka-team sa High Entry at Low Entry. Instant, Pay In agad. At ang malupit pa dito, ang buong team ng High Entry na pinasukan ko, itong Mid-Entry na ngayon ang ipofocus nila. Ang daming nagpepay in at kahit hindi ko pa imeet nagpepay in sila under my sponsor name, May tao na nga ako sa Mindanao, sa Isabela, Sa Laguna, sa Manila, Nueva Ecija, Tarlac, Bulacan, at ang ginagawa ko lang ay magstay sa pamilya ko, at magblog at magtext, ganoon lang. And ito pa ang malupit may taong ayaw na ayaw na mag-ibang Company sa dati kong Company at binabawal niya talaga na magkaroon ng Company ang mga members, ngayon ay Downline ko na sa Mid Entry na napasukan kong ito, ano nga ba ang sikreto ko? Abangan niyo ang mga post ko or SUBSCRIBE!

            After all, hindi naman talaga ganoon kahirap magpa-Pay in kahit anong Company ka pa at kahit anong Entry ka pa, basta tamang tao lamang ang kinakausap mo at make sure na ang kausap/kachat mo ay hindi ka nagsasayang ng oras. Nasabi ko lang na mahirap magpa-Pay in sa High Entry dahil sa Mindset ko na mali dati at walang tamang Trainings.

Wednesday, March 28, 2012

Chayd.com is now chayd.net

Chayd.com is now chayd.net
Who cares? Anyway, if someone really reading my blog, my new domain is www.chayd.net

Thursday, March 22, 2012

You're waking up for your boss!

Wala kang choice ngayong araw na ito, kundi gumising ng maaga. Bakit? Para magtrabaho. I know how you hate to wake up that early, galing na ako diyan, ang hirap kayang gumising ng maaga, ang sarap matulog. Pero eto ang mas mahirap at masakit, gumigising ka ng maaga para may makain ka at somehow makaraos ka sa pamamagitan ng pagtatrabaho ng walong oras sa isang araw. Enjoy ba? Tuwang tuwa ka ba na napepressure ka tuwing alam mong malelate ka? Nakakatuwa ba na sa pagsakay mo ng jeep kalahating pwet lang ang nakaupo, nagtiyaga ka para lang makarating ka ng maaga. Kailangan mo ang trabaho mo, dahil ito ang ikinabubuhay mo, PERO, kailangan ka ba talaga ng EMPLOYER o BOSS mo? Maybe, or maybe not. Dahil he can always find someone who is better than you, faster than you, younger than you and maybe cheaper than you. Why ulit? Kapag matagal ka na sa trabaho for sure regular ka na at medyo mataas ang sahod mo kaysa sa noong nagsisimula ka pa lang di ba? Now, if your boss decided to cut off his expences, ang dali lang. Hanap siya ng bagong applicant at ipapalit niya sa iyo and guess what? Mas magaling for sure ang ipapalit sa iyo at mas mura siya kaysa sayo, kasi nga naman bago pa lang siya at CASUAL pa lang. Unfair ba? tama lang iyan, iyan ang batas ng mundo natin ngayon pagdating sa pagiging empleyado. Ito ang malupit, IKAW NAGIGISING KA PARA TUPARIN ANG PANGARAP NG BOSS MO, para makakain ang mga anak ng boss mo sa mga mamahaling restaurants, para makapag-bakasyon sila sa kahit anong bansang gusto nila, para magkaroon ng malaking savings. Ginagamit niya ang TALENT/SKILLS mo para sa pangarap niya at mga PLANO, while YOU, SAKTO SAKTO LANG at NAKAKA-UTANG PA!

Kapag ba, nagkasakit ang isa sa mahal mo sa buhay(Wag naman sana) at nag-absent ka, babayaran ka ba ng boss mo? o ang SSS at PhilHealth ang tutulong sayo? Siyempre may sakit ang mahal mo sa buhay automatic aabsent ka at maglileave but guess what? NO WORK NO PAY!

Pero, what if isa sa pamilya ng boss mo ang nagkasakit at halos maubos na ang pera niya sa savings, then ikaw DAY OFF mo ng SUNDAY at may plano na kayo ng pamilya mo na kumain sa labas at manood ng sine then SATURDAY bago ka umuwi nag-announce ang manager na kailangan daw kayong Pumasok ng SUNDAY. Bakit? dahil kailangan ng malaking pera ng BOSS mo! kapag daw hindi ka pumasok tatanggalin ka sa trabaho. Ngayon, anong gagawin mo sa plano mo sa pamilya mo? CANCEL ang lakad? Iyan ba ang gusto mong buhay? Well, pwede mong sabihin na, hindi naman ganyan ang boss ko. Pero may boss ka pa rin. Hindi ba at mas masarap gumising kung GUMIGISING KA PARA TUPARIN ANG MGA PANGARAP MO AT PANGARAP NG PAMILYA MO kaysa sa BOSS mo na di naman ganoon ka CONCERN sa iyo?

Now, Am I Suggesting na magresign ka? at iwan ang trabaho mo at gumising na lang sa oras na gusto mong gumising? Hindi, Find some other alternatives while you do your current JOB? Bakit? Para kahit matanggal ka, may PLAN B ka at may pumapasok pa ring kita.

CHANGE YOUR ROUTINE! BE YOUR OWN BOSS NOW! I can suggest something na makakapagsurvive ka without having to work! That's what I do. Hindi na ako empleyado! At higit sa lahat HINDI na ako nakatali sa salitang SAKTO SAKTO LANG!

You can always consult me: email: chayd825@gmail.com

Tuesday, July 19, 2011

Understanding Networking: MLM vs My Job

4 years VS Few Months

4 Years sa trabaho, Fixed na sweldo. 4 Years na di nawawala ang utang at 4 years na paulit-ulit lang. Ultimong gatas para sa mga anak kong kambal ay uutangin pa. Diaper, kailangan pang magsangla ng kung ano ano. Sure na ang kita ko niyan, 15 at 30 ng buwan. Pinasok ko ang MLM habang nasa trabaho pa ako at pang-ilan buwan ko pa lang sa MLM Marketing ay nakabili na ako ng mga gamit na kailanman ay hindi ko mabibili kung mananatili akong empleyado, ilang buwan ko palang sa MLM pero nabayaran ko na ang mga utang ko sa trabaho at marami na rin akong naipundar na mga gamit. Samantalang sa pagiging empleyado ko ay pinoproblema ko pa lahat ng gastusin. Totoo rin na kapag kapos ka sa pinansiyal ay madaling uminit ang iyong ulo at madaling makapagsalita ng mga bagay na di mo sinasadya. Noon, ayaw na ayaw kong pag-usapan ang usapang pera. Nang pasukin ko ang mundo ng Networking, Gustong gusto kong magplano at ayusin ang mga problemang pang pinansiyal. Tanging ang BOSS ko lamang ang yayaman sa aking pagtatrabaho kung mananatili akong empleyado. Totoong mas maganda ang may trabaho kaysa sa wala, pero isa-isip rin na ang pagtatrabaho ay napakaliit lang ng tsansa para magkaroon ka ng maginhawa at kontentong buhay at lumaya sa pinansiyal na problema, aasenso ka lang sa trabaho kung nakakaTIPID ka, Nakaka-ipon ka,  nagbabudget ka at mamumuhunan ka. Paano kung mismong sahod mo ay di pa rin sapat? paano mo magagawa ang mga bagay na ito? Karamihan sa mga Pinoy ay imbes na matuwa tuwing araw ng sahod, sila ay namroroblema at nagrereklamo, iyan ang napansin ko sa trabaho ko dati at sa pagsakay sa jeep habang naririnig ang mga kasakay na empleyado sa ibang kumpanya na nagrereklamo at pinag-uusapan ang utang. Isipin mo ba namang mga call center agents na nasasabi pa nilang "wala na akong pera!" iyan ang narinig ko nung isang araw pagsakay ng jeep. Kung iisipin mas mataas ang sahod ng mga Agents kumpara sa mga regular na manggagawa lamang.

Masipag, susi nga ba?


Oo, susi ang kasipagan kung alam mo itong gamitin. Pero kung hindi, mananatili kang masipag na naghihirap habang buhay. Ang magbabalot ba masipag? Mayaman ba siya? Ilang taon mo na bang nakikita ang magbabalot sa lugar niyo? Magbabalot pa rin ba? Nagtitinda ng Sigarilyo sa kalye, o mas kilala bilang "Takatak" sa Pampanga, Masibag di ba? may yumaman ba na nagtitinda lang ng sigarilyo? Construction Worker? Masipag? Oo siyempre, ilang taon ng construction worker ang tatay ko pero construction worker pa rin siya, gayunpaman naitaguyod niya kami hanggang sa lumaki ng maayos at malusog. Pero, mananatili na lang ba kami na TAMA o sakto lang ang kabuhayan? Hindi dapat. Kaya narito ako at naghahanap ng paraan para  paglaki ng mga anak ko ay hindi na nila kailangang maghirap at maging empleyado, gusto ko silang matuto bilang mga Negosyante. Mag-aaral sila hindi para magkaroon ng magandang posisyon sa isang kumpanya, gusto silang mag-aral para magkaroon sila ng SARILI nilang KUMPANYA. Sabi ng iba, ok lang na magtrabaho ng magtrabaho basta sa malinis na paraan. Hindi ba't pwede rin namang Magnegosyo ng magnegosyo sa malinis na paraan?

Ok na ako sa buhay na ganito ayaw ko namang yumaman!


Hipokrito ang taong nagsabing ayaw niyang yumaman lalo na kung nakikita mo siyang nakapila sa mga Lotto outlet. Ang dami kong nakatrabaho na nagsasabing kuntento na sila sa buhay nila na ganoon, pero nakikita ko rin silang tumataya ng Jueteng at Lotto, may kontento bang umaasa sa Jueteng at Lotto? Lahat ng may problemang pinansiyal ay HINDI OK!

Malaki nga ang sahod may natatabi ba?


Kahit gaano pa kalaki ang sahod mo, kung ang gastos mo ay halos pareho lang sa sahod, wala rin! Kahit gaano kalaki ang sahod mo kung wala ka namang savings, wala rin!
Si Juan ay sumasahod ng 60,000 a month pero walang naitatabi. Habang si Pedro ay sumasahod lamang ng 8,000 a month pero nakakapagtabi ng 750 monthly at dinedeposit niya ito sa bangko, mas malaki ang tsansa na umasenso si Pedro kaysa kay Juan. Sa mentalidad pa lamang ay kitang kita na. Hindi sapat ang pagiging matipid kung wala ka namang naitatabi. May silbi lamang ang pagtitipid kung ang dahilan mo ay pag-iipon para pagdating ng araw ay makapamuhunan ka. Mag-ipon para sa iyong pagtanda. Isa-isip ang iyong pagtanda para pag-matanda ka na hindi mo na kailangang umasa sa mga anak mo at mahal sa buhay, ikaw mismo ay kaya mong sustentuhan ang sarili mo.

Bayaran mo muna ang iyong sarili!


Paano ka ba makakapagtabi ng pera kung ang sarili mo ay di mo kayang bayaran? Ganito ang mas magandang gawin. Kung ang utang mo sa iba ay nababayaran mo, utangin mo ang iyong sarili pero 'wag mong kukunin sarili mong pera. Kunwari may utang kang 1,000 sa sarili mo at ang paraan lamang para bayaran ito ay magbukas ka ng Savings account at doon mo ideposit. Kada-sahod bayaran mo ang sarili mo ng 500 (Kung kinsenas ka nagsasahod). Maghanap ng bangko na may mataas na offer sa compound interest. Kung ang makita mo ay nangangailangan ng 2000 initial deposit at magsesave ka ng 1000 kada buwan at may annual interest na 3%, sa loob ng 15 years ay may Php230,107.55 ka. Kung di ka magsesave sa palagay mo after 15 years may ganyang halaga ka? Kung 20 years naman ay Php331,943.5 o di ba? 20 years kang magtatrabaho at biglang magreretiro matatanggap mo ba ang ganyang kalaking pera? Php331,943.5 kaya mo nang buhayin ang sarili mo nang hindi umaasa sa mga anak mo.

Wednesday, July 13, 2011

The Adventure of PhilPlans Free Insurance

Thank God there's an internet, bloggers and social networks. Today I got a call from Ms. May Chua about my free Philplans Insurance and all I need to do to claim the certificate is to go to their office and confirm that I am who I am. So sabi ko " Paano ako magkaka insurance sa company niyo eh di naman ako nag-apply." sabi niya may nagrefer daw sa akin pero ayaw naman nilang sabihin kung sino, malalaman ko rin daw kapag nasa office na nila ako. Too good to be true di ba? Isipin mo kapag na accident ako may benefits ang mga anak ko at kung sino pa ang ilalagay kong beneficiary na wala akong binabayaran. Free? ano ba ang mga free sa panahong ito? Sigarilyo nga lang na tig dos di ka pa malibre ng kaibigan mo tapos insurance pa? Sa mga mall nga ang mga pagkaing FREE Taste eh halos ayaw pa nilang i-libre, lalo na kapag mukha kang patay gutom at lalapit ka sa booth na may nakasulat na FREE TASTE, kapag napansin ng nagpapafree taste na mukha kang matakaw at makapal ang mukha eh kunwari may ginagawa siya at di ka napapansin, ganon nangyari sa akin nung may Free Taste ng QUARTER POUNDER sa McDonalds (Naniwala ka naman?). Back to Philplans adventure, so nagcommit na ako na kukunin ko mamayang after lunch, pero uuwi muna ako para kumain at iuwi ang mga bitbit ko. Medyo kinakabahan ako baka kasi entrapment lang iyon dahil sa pagpatay ko sa tatlong driver na nagbababa ng pasahero sa mga sign na may NO LOADING and UNLOADING (Naniwala ka nanaman, anyway ibang istorya iyon at di ko sila pinatay, ipapahamak ko lang sila, LOL). May isa nanamang tumawag nang malapit na akong makauwi, ibang number at ibang pangalan, pero SAME VOICE, kaya ko rin kaya ginagawa nila, ibaba ng konte ang pitch ng vocal cord at kumbinsing na sa mga taong mahina ang memorya. Di ako mapakali dahil isipin mo na lang maaksidente lang ako at may benefits na ang tatay ko, nanay ko, ang dalawa kong anak at ang asawa ko. Iniisip ko kung nasa 500,000 din each ang benefit why not grab it and wait for a few days at magbabike ako pababa nang Sapangbato Bridge at bigla akong tatalon at gagawin ko ang lahat para mabale ang kaliwang kamay ko nang may tig 500,000 ang mga mahal ko sa buhay, pero dahil maduda ako sinearch ko muna baka kasi masayang lang ang kaliwa kong kamay kung peke lang ang insurance. Malaking Salamat sa INTERNET at sa mga BLOGGER dahil DITO >>> DITO DITO NGA! CLICK MO! at dahil DITO nalaman ko na strategy lang pala nila iyon para lalo akong malunod sa utang. At isa pa nasa likod ko ang girlfriend ng kapatid ko na dating trabaho ay ganoon din, ang mag LURE ng mga taong may CREDIT CARD gamit ang mga matatamis na salita at promos. Mag-ingat din kayo!

Monday, May 2, 2011

Dexter Season 6

Just finished watching Dexter Season 5, Now, Where is season 6? I think I may have to wait for a few months to see more of Dexter. I was really happy when Rita died, but got sad when Lumen left Dexter.

Monday, March 28, 2011

Katas ng mga Bux sites

Halos magsasampung taon na akong kumakayod sa trabaho, pero sampung taon wala man lang akong mabili para sa aking sarili. And for 4 months naman nagsasideline ako ng paclick click sa net. Bux o PTC ang tawag sa mga program/site na pinapasok ko $0.01 per click, pero kung matiyaga ka kaya mong kumita ng $10-40 daily. 10 years na pagkayod ko di man lang ako nakabili ng matinong gamit, samantalang 4 months pa lang ako sa PTC may LCD TV na ako, PSP, GE X5, 2 units ng Nokia C3, Ibanez Guitar, 500GB portable drive and more coming. Ang sarap talaga ng buhay clicker!

Sunday, March 20, 2011

People are happy about Japan's tragedy

Ok first of all pardon my English and the way I write.

I just don't get it, why there are people that are happy about Japan's tragedy. Some Americans and Christians are happy about it! Why? Because they are not Christian Country? Shame on the Christians who are happy about it! So what if they are not Christians? They are humans like you! (Pinapainit niyo ang ulo ko eh). Well if Christianity is all about watching unbelievers die and suffer then I just want to suffer with them than watching Kids, Men and Women, Old and Young dies while I laugh and praise my God on youtube. How about the Americans who keep posting on facebook that Japanese deserves the tragedy? Why? because of Pearl Harbor? How about Hiroshima and Nagasaki? Is that not enough? Where is your heart people?!  Shame on you! 2 atomic bombs that destroyed about 90,000–166,000 people in Hiroshima and about 60,000–80,000 in Nagasaki, while you lost 2,402 Military and 57 civilians. And you think that is not enough yet?








Well I wonder who is the God you are praising, But because you are happy about what happened in Japan I assumed that Satan is your God.

Wednesday, March 16, 2011

The Scammer

Matapos magpakapagod kakaclick araw-araw, naka-earned din ako ng $250 sa alertpay. Kailangan ko ng macash-out pero ilang araw bago ito macredit sa credit card, mapuputulan na kami ng kuryente at paubos na ang gatas ng mga anak ko. Naghanap ako sa internet na nagpapalit ng mabilis ng alertpay funds to western union. May nakita naman ako at ito ang fan page niya:
http://www.facebook.com/pages/Buy-and-Sell-paypal-funds-and-alertpay/166418950065679

Sa una maayos ang usapan sa YM, ang sabi niya pakisend na lang ang funds sa: mymommyb@hotmail.com
Sinend ko naman dahil mukhang convincing ang mga sinasabi niya at isa pa may alertpay dispute naman. Naglog-out siya sa YM at sabi niya lalakad na siya para ideposit sa western union ang pera. Isang oras akong naghihintay sa text niya, control number at iba. Tinawagan ko, di siya macontact, di na rin nagrereply sa mga text ko. Kinabukasan nagriring ang phone niya pero walang sagot. Dinivert pa niya sa sarili kong number at ng may sumagot nag eecho lang ang boses ko. Mga bandang 10AM nagfile na ako sa Alertpay, Paypal at facebook ng mga report tungkol sa kanya. Tapos bigla siyang nagtext na "Paano niyan na send ko na ang pera sa western union, sige rerefund ko na lang at kakaltasin ko ang 700 fee ng western union" so pumayag na ako kaysa sa buong $250 ang mawala. At ang kapal ng mukha niya na mag online pa sa YM at nakipaglokohan pa sa akin eto ang mga usapan namin:

CLICK TO ZOOM:


Ito pa ang report ng iba sa kanya:
http://www.sulit.com.ph/index.php/view+topic/id/77511/BEWARE+OF+THIS+SCAMMER+(REBECCA+BARORO+aka+ELLAH+TAN+aka+KATTY+TAN,+aka+911money)?next=41