Monday, May 31, 2010

Po at Opo

       Po at Opo, ay tanda ng pagalang sa mga nakakatanda, at iyan ay noong panahon pa mga lolo at lola natin. Unti-unti ng nawawala ang tunay na kahulugan ng Po at Opo. Kung noon gamit ito sa paggalang sa mas nakakatanda sa iyo, ngayon ginagamit na rin ito sa mas nakakabata sa iyo. Ngayong panahong ito, mas madalas na magamit ang Po at Opo bilang isang expression ng isang textmate o kachat na nagpapacute. Sa text na lang, madalas makita ang salitang “Hello Po!” kahit ang kausap ay walang kagalang galang na titulo o mas nakakabata pa sa nagtext. Dahil sa hindi mabago-bagong istilo ng pamumuhay ng mga Pilipinong kabataan, unti-unti na ring nagbabago ang spelling ng Po at Opo, Sino pa nga ba ang may sala kundi ang mga JEJEMON na iyan. Ang unang ebolusyon ng Po ay, Pow. Parang pinaliit na Power o Powder, pero ang totoong ibig sabihin ng Pow ay Prisoners of War. Ang mga magnobya at magnobyo ngayon ay nagpapapo na rin sa bawat isa. Ang po ay unti-unti ng nasasali sa mga pa-tweetums na salita. Kapag may nagtext o nagsabi sa iyo ng Eow pow! Or Eow po! Hindi paggalang iyon, pagpapacute yon, pagpapaBABY sa sarili, iyong tipong naka pang Japanese School uniform ang nagsabi sayo na may hawak na lollypop. 


Friday, May 28, 2010

God can bless me anywhere


          Noon pa man ay ayaw ko na sa abroad, ayaw kong mag-abroad for the sake of money or mataas na sahod.  Hindi mabibili ng pera ang kasiyahang nadarama ko tuwing nakikita ko ang aking mga anak, asawa, ama, ina, kapatid at mga kamag-anak.  Madalang na madalang lang ang taong aabot ng 100 taon sa mundo, at maaring ako ay tumagal lamang ng 60-80 taon, bawat araw, oras, minuto at segundo ay mahalaga.  Marami ng offer sa akin sa abroad, malaking sahod at magandang trabaho. Hindi ako pumapayag dahil sa prinsipyo kong “Masyadong maiksi ang buhay para ibuhos ko ang panahon ko sa ibang bansa at mawalay sa pamilya para lang kumita ng malaking pera”.  Gusto kong masubaybayan ang paglaki ng mga anak ko na nasa piling nila, at kung iisipin kong kapag nag-abroad ako, aasenso ako at magkakaroon ng masayang buhay, parang inalis ko na rin ang tiwala ko sa Diyos. Naniniwala ako na ang pagpapala ng Diyos ay wala sa ibang bansa, wala sa trabaho at wala sa dami ng kinikita. Basta magtiwala lang sa Diyos at kaya ka niyang ibigay ang pagpapala kahit nasaan ka pa. Walang kapantay na halaga ang nadarama namin sa tuwing kami ay magkakasama. Hinding hindi ko ipagpapalit ang tatlong taon na malalaki ang sahod sa tatlong taon kong kapiling ang aking aking pamilya. Hangga’t naniniwala kami na ang Diyos ang aming magiging provider, mananatili kaming magkakasama at matagumpay. Hindi natin alam kung kailan mawawala ang buhay ng bawat isa sa atin, kaya dapat nating sulitin ang maiksing buhay na ito, sulitin kasama ang pamilya at lahat ng mahal sa buhay.  

           Kung mawawala na sa iyo ngayon ang anak mo at ang asawa at may isang bilyong piso ka at sinabi ng Diyos na kailangan mong magbayad ng 1,000,000 kada araw para mabuhay at makasama mo ang anak mo at asawa, handa mo bang ubusin ang isang bilyon mo para lang makasama sila sa loob ng dalawang taon at pitong buwan?  Hindi ako naniniwala na walang asenso sa Pilipinas, dahil marami na akong nakitang naghirap na umasenso dahil sa sipag at tiyaga. At hindi naman tayo naririto para pagyamanin ang katawang lupa natin, narito tayo para pagyamanin ang Espiritu natin sa pamamagitan ng salita at gawang pangmaka-Diyos at naayon sa banal na Bibliya. Mabuhay kasama ng pamilya bilang isang pamilyang Kristiyano. Sambahin si Kristo na sama-sama. Sama-samang pakiramdaman ang presensiya ng Banal na Espiritu Santo.
Meron akong isang kaibigan na nasa ibang bansa na lubhang nalulungkot at hinahanap ang presensiya ng kanyang pamilya, at eto ang sabi niya:

Ang sabi niya ay:
Hindi naman sa sinisira ko ang loob mo, pero ang makukuha mong pera ay hindi mababayaran ng lungkot at iyong araw na hindi mo nakikita ang pamilya mo..ako nga wala pang anak parang di ko na makakayanan eh..


Oo pre... pero papasyal ako siguro doon... una sa Malaysia tapos maglaland travel papuntang Singapore...ayaw ko ang abroad..medyo masakit



Tama yan pare... ako para sa experience lang talaga ang habol ko... Mas masarap pa ang buhay ko riyan(Pilipinas) kumpara dito... iyon nga lang mabibili mo ang gusto mong bilhin ng mabilis... basta hindi masaya ang nakaabroad pare yan lang ang masasabi ko.



Thursday, May 27, 2010

Tado Vs Vice Ganda


May 24, 2010 on Showtime

Naging mainit ang palitan ng salita ni Tado at ni Vice Ganda dahil sa sinabi ni Tado na,

TADO: “Lahi ng mga matatapang [pertaining to the contestants]. Di bumagay ang pangalan n’yo sa performance n’yo kasi parang pang-gay ung [hums] nye nye nye nye.”

At sumagot si Vice Ganda ng,

VICE GANDA: “Ano namang masama sa pang-gay? May problema ka ba sa mga bakla, Tado?”

at sunod sunod na ang pananalita ni Vice

TADO: “Hindi naman. Just read my shirt.”

VICE GANDA: “Ano nakalagay? Sabi ni Tado, di bale na ang magnakaw kesa mamakla.”

VICE GANDA: “Tado, gusto ko lang sabihin sa iyo na maraming bata ang nanonood at nakakabasa ng mensahe mo ngayon. Ang pagnanakaw ay masamang gawa na ikinukulong. Ang pamamakla, walang nakukulong sa lalakeng pumapatol sa bakla tandaan mo yan.”

Ayon kay Vice "Maraming bata raw ang nanonood at nakakabasa ng mensahe ni Tado, which is "Di bale na ang magnakaw kesa mamakla". Yes, totoong masama ang magnakaw at masama rin naman ang mamakla. Sa madaling salita at base sa reaksiyon ni Vice, Masama ang magnakaw, na totoong masama naman, PERO hindi ang pamamakla. Ang pagnanakaw raw ay masamang gawa na ikinukulong at ang pamamakla, walang nakukulong sa lalakeng pumapatol sa bakla. Hindi porke hindi ikinakukulong ang pamamakla ay mas mabuti na ito sa pagnanakaw, maraming mga bagay ang hindi ikinakukulong pero masama sa mata ng Diyos at tao.

TADO: “Kaya dapat magmahalan tayo.”

VICE GANDA: “O magmahalan tayo dapat may respeto tayo sa kasarian at sa kagustuhan ng ibang tao.”

Ano ba ang tinutukoy na kasarian ni Vice? Dalawa lang ang kasarian sa mundo, sana alam ni Vice kung saan siya nabibilang.
At hindi lahat ng kagustuhan ay dapat nirerespeto, may mga kagustuhang 'di kanais nais sa Diyos at sa tao. Kung lahat ng
kagustuhan ay dapat irespeto, irespeto rin dapat ang kagustuhan ng mga terorista at kagustuhan ng ibang masasamang loob. Irerespeto kaya ni Vice ang kagustuhan kong matapos na sana ang PAMAMAKLA ng mga lalaki sa buong mundo, at nang hindi tayo matulad sa Sodom at Gamorrah? Well PAMAMAKLA at BAKLA are different things. Ang pagiging bakla na walang ginagawang labag sa kautusan ng Diyos ay karespe-respeto, pero ang isang baklang malandi na nagpapatira sa mga lalaki ay isang gawaing hindi kanais-nais at isang gawaing dapat tapusin.

TADO: “Lahi ng mga matatapang…”

VICE GANDA: “At ang pagiging bakla ay hindi kaduwagan. Hindi lahat ng lalakeng straight ay hindi bakla tandaan mo ‘yan. Ang lalakeng hindi marunong tanggapin ang katotohanan ng buhay ay ang totoong bakla tandaan mo ‘yan.”

TADO: “Ang mga gipit, sa bading kumakapit.”

VICE GANDA: “Pero ang gipit kung ganyan ang hitsura, walang baklang magpapakapit!”

Ang mukha ni Tado ay nilikha ng Diyos, at binastos naman ito ni Vice. While ang pamamakla at pagiging bakla, ang tao lang ang may Likha. Ano ba ang gustong ipromote at ipagtanggol ni Vice? Ang pamamakla?

Paniniwala at bago pumasok sa isang relihiyon



Kung biglang magbago ang paniniwala ng mga ministro niyo at matutuklasan nila ang isang mahalagang katotohanan sa bibliya, maniniwala ka pa ba sa kanila at susunod? sumunod ka ba sa kanila dahil ang paniniwala nila sa Bibliya at ang paniniwala mo sa bibliya ay iisa, o sila mismo ang nagturok ng mga bagay na pinaniniwalaan mo ngayon, sinubukan mo bang alamin muna ang katotohanan bago nagpaturok sa paniniwala nila?
Naniniwala ka ba sa iyong paniniwala ngayon dahil sa iyon ang paniniwala nila o may sarili kang paniniwala at pagsasaliksik ng katotohanan na may gabay ng Banal na Espiritu? 


The Legend of 3 kings





" Ang Pasko ay sumapit. Tayo ay mamagsi-awit .... blah blah blah.... nang si Kristo ay isilang MAY TATLONG HARING NAGSIDALAW "


3 kings visited Jesus? Who asked them to visit Jesus? Do you know? yeah you're right! it's HEROD THE KING, so it means this king commanded 3 kings to visit Jesus. In otherwords HEROD THE KING is the KING of KINGS since he commanded 3 kings that easy. From which kingdom are these 3 kings came from? I don't know the bible doesn't say where they came from. In fact the bible doesn't even said they were 3 KINGS. The words are THREE and KINGS. First of all they weren't THREE, no specific number was mentioned in the bible. And they're not KINGS either. If they were, i am sure that each king will bring atleast a batallion of footmen, hundreds of chariots and maybe a handful of archers, for their protection. By the way for those people who thinks they are Christians and keep singing this song, here is the verse for you. 


"Now when Jesus was born in Bethlehem of Judaea in the days of Herod the king, behold, there came wise men from the east to Jerusalem,Saying, Where is he that is born King of the Jews? for we have seen his star in the east, and are come to worship him.When Herod the king had heard these things, he was troubled, and all Jerusalem with him.And when he had gathered all the chief priests and scribes of the people together, he demanded of them where Christ should be born.And they said unto him, In Bethlehem of Judaea: for thus it is written by the prophet,And thou Bethlehem, in the land of Juda, art not the least among the princes of Juda: for out of thee shall come a Governor, that shall rule my people Israel.Then Herod, when he had privily called the wise men, inquired of them diligently what time the star appeared.And he sent them to Bethlehem, and said, Go and search diligently for the young child; and when ye have found him, bring me word again, that I may come and worship him also.When they had heard the king, they departed; and, lo, the star, which they saw in the east, went before them, till it came and stood over where the young child was.When they saw the star, they rejoiced with exceeding great joy." -- Matthew 2:1-10


Nice song of truth Huh?


Tuesday, May 25, 2010

Isa na lang ang Kulang aalis na!

(Reposted. Galing sa dati kong blog)

        Isa na lang ang kulang aalis na! Yan ang madalas na marinig sa mga sasakyang pampasahero ngayon. Ngunit madalas at alam nating lahat, na hindi isa ang kulang kundi kalahati na lang. Halos lahat sa atin ay nakaranas na ng isang matinding pagpapanggap, na kunwari ay naka-upo tayo sa jeep, pero ang totoo ang mga tuhod natin ang nagbibigay ng enerhiya para tayo ay manatiling magmukhang naka-upo, at nagkukunwaring hindi nahihirapan. Minsan may pasuklay effect pa o aayusin kunwari ang buhok para 'di halatang nanginginig na ang mga tuhod. Nangangamba 'pag may pa-likong daan, dahil alam mo na matinding pwersa ang babanatan ng mga tuhod mo o ang mga kamay mo na lumalabas na ang ugat, kakabanat sa hawakan ng jeep sa taas, binubuhat ang sarili para di mahulog. Hanggang kailan ba mananatili sa isip ng mga driver ang mentalidad na ang jeep nila ay may partikular na kapasidad na makapagsakay ng partikular na bilang ng pasahero? Iniisip nila ang jeep nila ay tig-walo, Siyam o sampo ang magkabilang panig. Binabase nila ang kapasidad sa normal na laki ng isang tao, Salamat na rin at di sa isang pwet na bata ibinase ang kapasidad ng sasakyan nila. Maraming mga pasahero ang may salbabida sa tiyan, at kumukunsumo ng extra space, ngunit ang kapasidad ng mga jeep ay nakabase pa rin sa isang normal na laki ng isang pasahero. Paano kung may sumakay na sampung matataba sa kanila? Ang hirap kasi sa kanila ay pinagpipilitan nila ang paniniwala nila na magkakasya ang ganyang bilang sa kanilang jeep. Sino ba ang biktima? Tayong mga pasahero na humahabol sa oras. Sabihin na nating nasa pasahero na kung sasakay siya sa isang masikip na jeep, na alam niyang kalahating puwet lang ang makakaupo, oo, tamang nasa pasahero iyon, pero paano kung walang magtitiyaga na sasakay dahil masikip na? Iaalis ba iyon ng driver? Hindi, maghihintay siya ng mabibiktima niya na magtitiyaga sa katiting na pwestong natitira, o kaya naman ay maghihintay siya ng may magsabing "Ilan pa po ba ang kulang? babayaran ko na lang". Walang magagawa ang mga biktimang pasaherong nakasakay na, kundi maghintay ng isa pang nagmamadaling handang magtiyaga sa katiting na pwestong natitira. Makikita sa mata at kilos ng mga pasahero na huli na sila sa kanilang trabaho o mga appointment. At itong si ganid na driver naman ay cool na cool lang, hintay pa rin ng hintay. Isa pang malaking nakakabanas sa ibang mga driver ay yung halos wala ng puwesto sa loob tigil pa ng tigil sa bawat kanto at tumitingin kung may naglalakad na tao na maaring sumakay sa kanila. Ang tagal maghihintay, di naman pala sasakay. Totoong ginagawa ng mga ibang driver ang bagay na iyon dahil kailangan din nilang kumita, mahirap na daw kasi ang buhay ngayon. Kailan ba dumali ang buhay? Sinasabi nilang mahirap na daw ang buhay ngayon, pero di nila alam na minsan sila ang nagpapahirap sa buhay ng isang pinoy. Isang minutong paghihintay sa isang taong naglalakad sa kanto na hindi man lang alam kung sasakay o hindi, ay malaking epekto na sa mga nakasakay na pasaherong nagmamadali. At ang lalakas pa ng loob ng ibang mga driver ang magwelga para itaas ang pamasahe. Karapat dapat bang itaas? Paano kung mga pasahero naman ang magwewelga para sa Maayos na serbisyo? Pagbibigyan ba sila? Nasaan na ang Maayos na serbisyong maayos na makaka-upo ang bawat pasahero na walang isang naghihirap at nanginginig ang tuhod para lang makarating sa lugar na pinupuntahan niya. Anyway, hindi lahat ng driver ay ganid at masama, may mga mabubuti ring driver at marunong umintindi sa mga mata ng pasaherong mahuhuli na sa trabaho. Apat sa mga Tito ko ay driver, isa sa mga 41(and counting...) kong pinsan ay driver, at hindi ko alam kung isa sila sa mga mababait o ganid na driver.

"Basta Driver, Sweet Lover!" Sana man lang maging sweet din sila sa mga pasahero, at mahalin na parang kamag-anak ang bawat nakasakay sa jeep.


Monday, May 24, 2010

Don't Hit yourself

Kung babanatan mo ang isang grupo o tao, laging tiyakin na, hindi ka magmumukhang tanga. Kagaya ko maaring sa mga post ko ay mukha akong tanga, pero dito na muna tayo magfocus.

Ang gusto niyang sabihin ay:
Go to Hell!
POSER 
You're a Loser


A looser or a losser is someone who can't spell loser.

Sunday, May 23, 2010

PABASA - Mahal na Araw

Bata pa lang ako tingin ko ayos ang Pagpipinitensiya, Cool kung baga. Sabi nila kung gusto mo daw gumaling ang isa sa mga may sakit mong mahal sa buhay ipagpanata mo daw siya para gumaling. Sinasabi ng ilang mga Katoliko na ang pagpipinetensiya ay isang proseso para mabawasan ang kasalanan. Ang Kasalanan ay hindi dapat mabawasan, dapat itong mawala. Nababawasan nga ba ang iyong kasalanan sa tuwing ika'y nagpipinetensiya at binubugbog ang sarili? Dahil karamihan sa mga katoliko ay ignorante pagdating sa bibliya, di nila alam na lalo lang silang nagkakasala sa kanilang ginagawa. Sinasabi sa bibliya na


 "What? know ye not that your body is the temple of the Holy Ghost which is in you, which ye have of God, and ye are not your own? For ye are bought with a price: therefore glorify God in your body, and in your spirit, which are God's." sa tagalog ay: "Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay banal na dako ng Banal na Espiritu na nasa inyo? Ang inyong katawan ay mula sa Diyos at kayo ay hindi sa inyong sarili. Ito ay sapagkat binili kayo sa halaga. Luwalhatiin nga ninyo ang Diyos sa inyong katawan at espiritu. Ang inyong katawan at espiritu ay sa Diyos." 


Ito ay matatagpuan sa Unang Corinto Kapitulo Sais at Bersikulo Dise nuebe hanggang bente (1 Corinto 6:19-20). Nalulhatian ba ang Diyos sa pagpipinetensiya? HINDI! Isa itong insulto sa Diyos. Paano naging insulto? Pinapamukha ng isang Katoliko sa ibang mga relihiyon katulad ng mga muslim na ang ating Diyos ay isang malupit na Diyos na kailangan mo munang saktan ang iyong sarili para lang mapatawad. Walang utos ang Diyos na gayahin ang kanyang ginawa dahil kung gagayahin ang kanyang pagsasakripisyo marahil ubos na ang mga lalaking katolikong pilipino dahil kailangan muna nilang mamatay para magaya ang ginawa ni Kristo. Hindi ganon kadali para gayahin ang pagsasakripisyo ni Kristo. Isa pang malaking pagkakasala ay ang pagyuko sa mga rebulto sa bawat istasyon na dadaanan, malinaw na malinaw sa bibliya na ang pagyuko sa mga rebulto ay isang malaking kasalanan. Ayon sa Bibliya,

"Thou shalt not make unto thee any graven image, or any likeness of any thing that is in heaven above, or that is in the earth beneath, or that is in the water under the earth:
Thou shalt not bow down thyself to them, nor serve them: for I the LORD thy God am a jealous God, visiting the iniquity of the fathers upon the children unto the third and fourth generation of them that hate me;". Exodus 20:4-5.

Ganun ba kahirap para mapatawaran tayo sa Diyos? Ganun ba kalupit ang Diyos natin? Hindi. Mas gugustuhin ng Diyos na tayo ay lumapit sa kanya at magdasal ng taimtim Kahit anong oras, panahon at sitwasyon maari tayong lumapit sa Diyos. Hindi lamang tuwing pasko o sa mahal na araw. Sa mga nagpipinetensiyang nagsasayang ng dugo para lang Mapatawaran, Hindi kayo napatawaran kung sa rebulto kayo nagdasal. Sa mga nagbuhat ng Krus at nagdasal sa rebulto Hindi kayo Napatawaran. Walang kapatawaran ang matatagpuan sa mga rebulto. Kung gusto mo ring sumunod sa kagustuhan ng Diyos, bago mo pabutasan ang iyong likod at itapon ang dugo o mag aksaya ng lakas sa pagbuhat mga krus, Ito ang maari mong gawin. Pumunta sa mga Hospital at doon mag donate ka ng dugo at tinitiyak kong Mas kalulugdan ng ating Diyos ang iyong ginawa kaysa sa pagtatapon mo ng dugo at pagyuko sa mga mumurahing rebulto. Kung naman plano mong magbuhat ng Krus at magsayang ng lakas, ibuhos mo ang iyong lakas sa pagtulong sa iyong kapwa. Magtrabaho ng maghapon ng Libre at ibahagi sa mga dukha ang iyong kinita. Mas kalulugdan ng ating Diyos ang paggawa ng mabuti kaysa sa pagpapakasasa sa isang tradisyon na hindi naman Maka-Diyos. Tapusin na ang tradisyong ng Kahibangan at kamamangmangan. Binabase ng ilan ang kanilang tradisyon sa bersikulong ito: 


"Then said Jesus unto his disciples, If any man will come after me, let him deny himself, and take up his cross, and follow me." - Matthew 16:24. 


Ang sinasabing Krus ni Kristo ay ang pagbabata sa kahirapan na dadaanan sa pagsunod sa kanyang kagustuhan at mga utos.

Sinagot na ng Diyos ang ating dasal

    Napakabigat ng pakiramdam ko kahapon, hindi dahil sa sakto lang ang pambili ko ng gatas para sa mga anak kong kambal, at lalong hindi rin dahil may sakit akong nararamdaman, higit pa sa physical na sakit ang aking naramdaman. Ano ba ang pakiramdam na makita mo ang pitong buwan mong anak na naghihirap at yakap na yakap sa iyo dahil sa sakit na nararamdaman? Si Floyd, na bunso sa dalawa kong anak ay nakaramdam ng isang matinding sakit kahapon, sa sobrang sakit na nadama, ayaw niyang bumitaw sa pagkakakarga sa kanya. Kitang-kita ang kanyang paghihirap, pinagpapawisan ng malamig at kitang-kita sa kanyang mukha ang bakas ng sakit na nadarama. Pitong buwan lang si Floyd, hindi pa niya kaya ang kahit anomang sakit. Hindi kami sigurado kung ano ang nararamdaman niya, pero dahil gustong-gusto niyang nakakarga at naiipit ang kanyang tiyan sa aking dibdib, inisip naming masakit ang kanyang tiyan. Ilang oras siyang nakakarga at patigil-tigil na iyak, siguro tuwing susumpong atsaka iiyak. Dahil sa sariling akala lang namin na tiyan ang masakit sa kanya, pina-inom na lang siya ng gamot at may ipinahid ang kanyang ina sa kanyang tiyan. Gustong-gusto ko na talaga siyang idala sa hospital, dahil hindi ko na rin kayang tignan ang aking anak na tinitiis ang sakit at hinihintay itong mawala, pero hindi sapat ang aking pera para ipadala siya sa hospital. Magiging tapat ako, may sarili akong negosyo at kumikita rin naman ito, pero napupunta lang ito sa mga utang na binabayad at sa pang-araw-araw na pagkain, kaya halos sakto lang kami para makapamuhay ng masaya, masaya kung walang nagkakasakit, dahil kung meron, mahihirapan nanaman akong maghanap ng mauutangan para  pambayad sa hospital, at hindi ganoon kadaling maghanap ng mauutangan. Naalala ko ang sinabi ng Pastor ko, “The first and the last thing you do, is PRAY”. Habang karga-karga ko si Floyd, naglakad-lakad ako sa labas at nagdarasal at pagkatapos kakanta ng mga worship at praise song. Dahil sa napakahina ng aking pananalig, hindi pa rin nawawala ang sakit ng aking anak. Pigil na pigil ako sa sarili ko, gustong-gusto kong umiyak dahil ‘di ko na talaga kayang nakikita ang paghihirap niya, pero hindi ako pwedeng magpakita ng panghihina ng loob sa harap ng aking asawa, kailangan akong manatiling matatag at kalmado upang manatili rin siyang matatag. Naglakad ako at pumasok sa kwarto habang karga-karga si Floyd, nagdadasal at humihingi ng tulong sa Diyos. Naniniwala ako na ang DASAL ay isang klase ng gamot, nasa pananalig na lang ng nagdadasal kung magiging mabisa ito. Ipinakarga ko muna sa aking ina si Floyd at ako’y pumasok sa banyo, lumuhod at nagdasal. Sadyang mababa talaga ang pananalig ko, dahil kung talagang buo ito, hindi na ako mag-aalala at ipagtitiwala na sa Diyos ang nararamdaman ng aking anak. Kinuha ko ang cellphone ko, tinext ang aking pastor, sinabi kong ipagdasal ang aking anak at mag-agree siya sa akin na gagaling siya na kagaya ng sinabi ng bibliya,


“Again I say unto you, That if two of you shall agree on earth as touching any thing that they shall ask, it shall be done for them of my Father which is in heaven.”Matthew 18:19


Ilang minuto lang at nagsuka si Floyd ng napakarami, pangalawang pagsusuka na ito. At biglang nagreply si Pastor ng “Nagdasal na kami” (sila ng asawa niya). Biglang nakatulog si Floyd at tumigil na sa pag-iyak at mukhang mabuti na ang kanyang pakiramdam. Nagreply ako sa aking Pastor ng “Sinagot na ng Diyos ang ating dasal”.

    Sa sariling karanasan kong ito, dito ko nakita at naramdaman ang pakiramdam ng isang magulang habang nakikita ang kanyang anak na naghihirap. Ano ba ang pakiramdam ng aking ina noong na-aksidente kami? Ano ang naramdaman niya nang makita ang ilang buwan niyang unang anak na naliligo sa sariling dugo at ang pagasa niyang mabuhay ay bente porsiyento lamang? Nangyari ito noong sanggol pa lamang ako dahil sa isang aksidenteng kagagawan ng isang amerikanong wala sa sarili habang nagmamaneho, basag ang bungo ko at nagkaroon ito ng butas, na nanatili pa rin hanggang ngayon. Itinakbo kami sa hospital at milagrong nakaligtas ako sa kamatayan. Halos sumabog ang aking damdamin na makita ang aking anak na naghihirap dahil sa sakit ng tiyan. Ang ina ko naman ay halos ikamatay na makita akong walang malay at naliligo sa sarili kong dugo, ano pa kaya na nakita ng Diyos Ama na inalipusta, binastos, ipinako sa krus at pinatay ang kanyang anak ng mga taong nilikha niya? Namatay si Kristo para sa ating kasalanan, iniligtas niya tayo sa ating orihinal na kababagsakan, ang impiyerno. Ang tanging gagawin mo lang ay tanggapin na siya ang iyong tagapagligtas at talikuran ang mga kasalanan mo at simulang ikalat ang mabuting balita na ipinangaral niya. Ano ang pakiramdam ng Diyos Ama kung binabalewala mo lang ang pagkamatay ni Kristo?


Friday, May 21, 2010

Buena Mano (Good Hand) - Panigo (Kapampangan)

"Kuya sige na kunin mo na, buena mano lang! bigay ko ng lang ng trenta sa iyo"

Marami sa mga Pilipino ang naniniwala sa Buena Mano. Magaan na unang benta o mabigat/masamang benta. Sinasabi nila na kapag ang isang mamimili ay magaan ang buena mano marami raw na bibiling paninda sayo. Ngunit totoo nga ba ang paniniwala tungkol sa buena mano? totoo bang may mga tao na malalakas ang hatak kapag sila ang nag-buena mano? totoo nga rin ba na may mabigat din ang hatak? Kung totoo man ito, ibig sabihin isa itong kapangyarihan. Napaka impossible ng paniniwalang ito, dahil ang paniniwalang ito ay may kaugnayan sa tinatawag na FREE WILL. Halimbawa si Juan ay magaan ang Buena mano niya. Ibig bang sabihin darami na ang benta sa tindahan na binilhan niya? Ibig sabihin lahat ng bumili sa tindahang iyon ay dahil lang kay Juan? Ibig ring sabihin na si Juan ay may kapangyarihang ma-iba ang kapalaran ng ibang tao, parang si Maria ay dapat bibili sa ibang tindahan pero dahil si Juan ay bumili sa unang tindahan at magaan ang kanyang buena mano mag-iiba ang desisyon ni Maria at bibili na lang siya sa unang tindahan na binilhan ni Juan. Gayon din kung baligtad ang kapangyarihan mo sa Buena mano. Kung mabigat ang kapangyarihan mo, makokontrol mo rin ang ibang mamimili sapagkat di sila bibili sa tindahan na binilhan mo, para ring nag-iwan ka ng isang sumpa sa tindahang iyo. Ngayon dapat pa bang maniwala sa malaking kalokohang ito? Isang paniniwalang di man lang sinasaliksik ng karamihan sa mga Pilipino. Ano ang basehan ko sa paniniwalang di totoo ang BUENA MANO power? Noong bata pa ako at nagtitinda ng pandesal naniniwala rin ako sa magandang buena mano. Marami ang naniniwala na ang nanay ko ay maganda ang buena mano niya, magaan daw, kaya ang daming mga tindera ang gumigising sa kanya ng maaga para lang magbenta ng kanilang mga produkto. Isa ako sa mga naniniwala na ang nanay ko ay pinagpala sa kapangyarihang iyon. Malakas ang benta ko ng pandesal sa ilang araw. Minsan mahina. Tuwing humihina ang benta ko iniisip kong baka hindi maganda ang mood ni nanay kaya mahina ngayon. Kung iisiping mabuti hindi totoo na ang nanay ko ay magaan ang kanyang buena mano. At di totoo ang paniniwala sa Buena Mano.

Comics: Peter Pan (3-1)

Basahin ang mga nakaraang pages Part 1 | Part 2





Itutuloy...

Thursday, May 20, 2010

The Social Networking Capital of the World!

Facebook, patok ngayon sa Pilipinas. Kung wala ka nito, di ka "IN", wala sa uso kumbaga. Kailan lang ito sumikat dito sa Pilipinas, habang noon pa sikat na sikat sa ibang bansa. Dati ang sikat na sikat ay ang FRIENDSTER na 'di na gaanong pinapansin ng ibang lumipat ng Facebook dahil di na daw uso, Galing! Pagkatapos tinambayan ng ilang taon bigla na lang iiwan ng parang basura. 2002 nang unang ipakilala ng World Wide Web (WWW) ang Friendster at isa ito sa mga pinakaunang social networking website. Sumikat ito sa Estados Unidos, at natapos ang kasikatan noong 2004 dahil sa sangkatutak na technical problem at server delays. Pagkatapos ibinasura ng mga Amerikano ang Friendster, unti-unti namang pinupulot ng mga Pilipino ang pinagsawahang network ng mga banyagang matatangkad. Kaya naman pala nagtataka si Chris Lunt(Friendster Director of Engineering) kung bakit tumataas ang web traffic nila sa gitna ng gabi, at ang traffic na iyon ay puro galing sa Pilipinas. Ganoon katindi ang mga Pilipino, basta nauso, 'di ka mapapahiya kung ikaw ay nagbebenta ng uso. Kinikilala tayo ngayon ng buong mundo bilang "The Social Networking Capital of the World!". Kasi nga naman ang iba nagpapaka-adik sa FACEBOOK, ang usong-uso at BAGONG-BAGONG Social Network daw. Bagong-Bago? Siguro sa kanila bago, PERO 2003 pa meron ng FACEBOOK na lumilipad sa internet, hindi nga lang FACEBOOK ang pangalan kundi FACEMASH na naging THEFACEBOOK na siya namang naging FACEBOOK noong 2005, papalitan ko, MAY FACEBOOK na noon pang 2005. Kaya huwag magtanong ng "Meron kang Facebook? yung bago ngayon sa internet?". Puwede pa kung "'Yung uso ngayon!". Ang FACEBOOK ay parang pokemon sa pokemon world, Usap-usapan sa halos lahat ng lugar. "Oi! Pare! Na-ipost mo na ba yung bagong picture ng mga kamote mo sa facebook?". "Pare! Kumusta di, pa eh. Nakita ko yung mga nahuli mong pusit kanina sa profile mo, ang tataba pare. Nagcomment nga ako don eh. Nabasa mo na?" - Hindi pa naman ganyan katindi ang hatak ng Facebook pero malapit na sigurong pati mga magsasaka at mangingisda ay gagawa na ring Facebook account para mai-post ang mga ani nila. Dati kung gusto nilang i-add ka sa facebook nila ang tanong lang ay "May peysbuk ka ba?", ngayon nagiging nakakatakot na at naging parang DAPAT MERON KA na tanong, "Ano ang peysbuk mo?", hindi ba nakakatakot? Eh kung wala ka? sasabihan kang "Ay ganon!?" o "Ah ok!". O 'di ba parang sinasabi nila na DAPAT MERON KA NITO!
Lumilitaw rin ang pagiging pasikat ng iba sa Facebook. Ang paglalagay ng mga larawang nagsasalamin sa kanilang pagiging mayaman. Si Juanita ipinost ang bagong iPHONE 3G niya na may comment sa sarili ng “Just got my iPHONE 3g, kakasawa na kasi yung BlackBerry eh, para maiba naman.” At tiyak ang sunod sunod na mga comment ng mga kaibigan niya na may halong pagpapasikat rin, kagaya ng “Sis, magkano ngayon yan? I’m planning to get one kasi eh!” o “ Mas gusto ko pa rin ang BlackBerry ko.” Kailan lang ay may nagpost ng picture ng pagkain, masarap ang itsura, maganda ang design sa mga plato at may mga bulaklak sa plato na di naman makakain, para magmukhang marami nga naman. Yung inumin niya ay may nakalagay na manipis na manipis na lime sa taas, na siguradong nakakahiyang sipsipin kapag nasa mamahaling restaurant. Siguro ang inuming iyon ay nasa $3-$4 nasa 180-200 pesos, Take note: Iced Tea lang yon. Balik sa pagpapasikat, Ano nga ba ang punto ng iba kapag nagpopost ng mamahaling pagkain sa Facebook? Pagpapasikat, iyan lang ang makita kong dahilan. Ipopost mo ba kung yung tirang tinapa lang kagabi ang ulam mo kaninang umaga? At pipicturan mo ba ito? Para lang ipagmalaki na iyon ang kinain mo? Tutal ipinopost ng iba ang kinakain nilang masasarap na pagkain dapat rin nila sigurong ipost ang itsura ng pagkain na iyon kapag lalabas na ito sa kanilang pwet(Excuse the word, pero di naman bastos yan). Picturan nila habang ito ay papalabas, eeeew! Kadiri, yan sigurado ang iniisip mo. Anong nakakadiri doon? 'Di dapat mandiri sa ganoong klaseng bagay dahil merong kang ganyan sa tiyan. Dahil sa nakita ko ang pagpopost ng taong iyon ng kanyang kinain, sinabayan ko ng isang komento na may laman, “Ako kanin na malamig lang at yung tirang itlog kaninang umaga”. (Oo, tama! may facebook din ako). Pero kahit itutok ng ABS-CBN o ng GMA 7 ng sabay ang camera sa amin ng taong iyon kapag kami ay magjejebs na, tinitiyak ko sa lahat ng tao sa mundo na parehong kulay brown lang ang lalabas sa pwetan namin.

Take note*
Para ma modify ang kulay ng tae kumain ng mga sumusunod:
Avocado: Medyo green
Dinuguan: Black
Bubog at Blade: Red

Wednesday, May 19, 2010

Tuesday, May 18, 2010

Facebocrite

Ang mga matataba Facebook at Friendster na niluluto ang sarili sa nagmamakaawang komento sa sarili na, “Ang taba ko rito!” – Alam naman ng lahat ng mga kaibigan mo kung gaano ka kalakas lumamon at gaano kalaki ang tiyan mo. Nakita pa nga nila kung ilang layer na ang tiyan at leeg mo eh. Bakit nila ipopost ang isang picture na alam nila mismo kung ano ang mapapansin sa kanila? At ipopost ba ng mga pangit na hinahamak ang sariling picture kung sa palagay nga nila ay pangit ang pagkakakuha? Hindi siguro, Dahil kung sa akala nila pangit ang mga letratong gustong iupload sa Friendster o Facebook mas pipiliin pa nilang ilagay ang picture ng idol nilang artista o simpleng question mark kung facebook at smiley naman kung friendster. Ito ang mga tunay na gusto nilang marinig kapag pinangunahan ka nilang magkomento:


“Ang taba ko rito!” – Gusto lang nilang marinig na “Ay di nga eh, medyo pumayat ka nga diyan eh” “Waaaa ang pangit ko!” – Di totoo yan, pa humble effect lang yan, pero sa palagay niya poging pogi siya sa pose niyang iyon, hinihintay na may magkomento ng “Hi! Ur so cute!”. (Oo so cute, palitan mo lang ang ilong mo ng ilong ni Marianne Rivera, ang mata mo ng mata ni Angel Locsin, Ang kutis mo ng kutis ni Donita Rose nung 18 pa siya, Ang buhok mo ng buhok ni Bob Marley, paretoke ka na kaya.) “heheheheh, bagong gising lang ako diyan sensiya na” – Umagang umaga piling niya napakapogi niya kaya pagbigyan mo na sabihin mo lang na “Ang pogi mo pala kapag bagong gising ka” (Mas pogi ka siguro kung tulog, siguro mas maganda kung matulog ka na lang habang buhay, o kaya naman ay matulog ka muna bago makipagdate para poging pogi ka pagkagising mo at sabay date, wag ng maliligo).

Stupid Chain Message

Many of my friends in friendster.com sent me a chain message entitled:

FW: If you are Faithfull to God then Read if not Just Read!!!

i believe na ang will or layunin ng nag send nito ay mabuti... BUT whoever started this chain message.. im sure He/She is ignorant. you know why? tignan niyo tong part ng message niya:

"She then was sent to a foster home. The
foster mother was a Christian and took
the child to church. On the first day
of Sunday School, the foster mother told
the teacher that the girl had never
heard of Jesus, and to have patience with her. The teacher held up a
picture of Jesus and said, "Does anyone
know who this is?" The little girl
said, "I do, that's the man who was holding me the night my parents died."

THAT'S THE MAN WHO WAS HOLDING ME??? who? the one in the picture? who said that the man in the picture is actually Jesus? Did they invented a camera during the time of Jesus? or the photographer/artist of that photograph/painting knows what exactly Jesus look like? GOD IS A SPIRIT GOD WE SHOULD WORSHIP HIM IN SPIRIT AND TRUTH. We dont need symbols or images to worship the true God. In fact God is not pleased with those pixelated images, graven in a cheap wood or made of UNION CEMENT statues. You know what? kung gusto lang ng Diyos na pagawa ng mga statue, models, images or any kind of kulachichi, He could have told NOAH, ABRAHAM, ISAAC, ISAIAH, JACOB, PETER, JOHN and all the prophets. Come on People Grow up! if you're going to make or start a chain message make sure you dont make yourself look stupid and ignorant.

it's better to quote a bible verse than to start a moronic chain messages when i say moronic those are the type "IF YOU DONT DO THIS, IF YOU DONT DO THAT" stuff.

Comics: Peter Pan





Kung nais niyo pang ituloy ko ang pagkocompile ng komiks na ito, ilagay lang sa comment box ang inyong commento. Salamat po!


Payong pang-Kwarto

Laging tatandaan na kung ang kwarto mo ay may mga bakal ang bintana, bumili na maso at i-stock ito sa kwarto, pwede na rin ang martilyo. Kung magkasunog man at makulong ka sa iyong kwarto, meron kang isang bagay na magagamit para wasakin ang inyong dingding o ang bintanang may bakal. Kung sobrang yaman ka at sampung palapag ang bahay niyo at nasa pang anim na palapag ang iyong kwarto, kailangang may lubid ka rin para kung sakaling mawasak mo man ang bintana niyo, hindi na kailangang mapisa ang utak mo dahil sa pagtalon sa napakataas na palapag.

Laging ilalocked ang pinto ng iyong kwarto, para kung sakaling may magnakaw man sa bahay niyo at magising ka, hindi ka na nila kailangang paslangin o pagsamantalahan, dahil hindi rin nila alam na gising ka. Mas malaki ang posibilidad na mapatay ka o ma-rape kung kasalukuyan silang nagnanakaw at bigla kang magising at magsisisigaw. Hayaan na lang silang maging magnanakaw, mas makabubuti sa iyo iyon kaysa sa maging silang mamamatay tao.

Monday, May 17, 2010

Pasalamat ka!

                Bakit ba kaya nating bumasa ng mga horoscope kahit sing-haba pa ng lyrics ng Lupang Hinirang ang nakasulat dito, kayang magbasa ng mga walang kakwenta-kwentang  chain messages, na nananakot na mamamatay ka kapag ‘di ka sumunod sa gusto ng nagpadala? Bakit ba kaya nating maglaro ng isa hanggang tatlong oras ng Farmville, Mafiawars, Pet Ville, Cafe World at kung ano-ano pang mga applications sa facebook na kung iisipin ay pang batang mga laro? Bakit ba napakadali nating ibigay ang oras natin sa mga walang kwentang bagay na nagbibigay sa atin ng panandaliang aliw?
                Facebook, isang social networking website na nilamon ang pagkasikat ng Friendster. Kitang-kita sa mga wall ng mga member dito ang ‘di mabilang na post tungkol sa mga Applications o Games na ginagamit at nilalaro nila. Minu-minuto ay uulanin ka ng mga post na nag-uupdate ng pangyayari sa kanilang virtual na bukid o kung ano pang kabirtuwalan na ginagawa nila. Kitang-kita ang pagkahumaling nila sa mga virtual na larong ito. May mga tao ring tuwang-tuwa sa isang application na kung susuriing mabuti, isa ito sa mga pinagbabawal ng Biblia, ang Horoscope, na kilala bilang Daily Horoscope sa facebook.  Pati Horoscope ng may horoscope ay binabasa ng iba at nakakapagcomment pa sila. Kahit anong bagay na lang ang ipost ng mga kaibigan ay may nagcocomment, hindi naman kasi bawal magcomment. Ang nakakalungkot lang ay ang ‘di pagpapakita ng interest sa mga pangmaka-Diyos na post kagaya ng mga kinukuhang verse sa bibliya. Nakakalungkot ring isipin na napakarami nating oras sa mga bagay na wala naman mabuting benepisyong maidudulot sa ating Espiritu, pero sa mga bagay na makakapagpabusog sa ating mga Espiritu ay ‘di pinapansin. Siguro iniisip nila na HINDI COOL na post ang mga Bertikulo ng bibliya, hindi kasing COOL ng post na “I just got my new IPOD” o “Juan Dela Cruz: Is listening to I’m Yours by Jason Mraz.” O kaya naman ay “Juan Dela Cruz: Is pissed”.  Cool di ba? Kasi may Pissed eh. Di bale tuwang-tuwa naman sa kanila si Lucifer, dahil nilalike nila ang mga bible verse kahit hindi nila ito binabasa, para lang maipakita na kunwari interesado sila sa mga pangMAKADIYOS na bagay. Isa hanggang tatlong oras ng paglalaro ng mga pang batang applications, pero kahit isang minuto ay hindi mabigyan ang DIYOS ng isang simpleng pasasalamat. Ang daming mga bagay na dapat ipagpasalamat sa Diyos sa bawat panibagong araw ng iyong buhay.

Pasalamat ka at nagfefacebook ka lang, samantalang ang iba ay halos mabaliw na sa kakaisip kung saan sila kukuha ng makakain sa araw na ito.

Pasalamat ka at ikaw ay may malinaw na paningin, samantalang ang iba ay hindi man lang alam ang itsura ng kanilang Ama at Ina dahil sa sila ay bulag.

Pasalamat ka at ikaw ay nakakalakad, samantalang ang iba ay wala na ngang mga paa, wala pang pambili ng wheelchair.

Pasalamat ka at nakakapagtype ka ng iyong ipopost, samantalang silang mga putol ang kamay ay kahit anong gawin nila ay di nila mayayakap ang kanilang mga magulang.

Pasalamat ka dahil sa milyong-milyong namamatay sa araw-araw ay isa ka sa mga nakakaligtas.

Kung gugustuhin ng Diyos na mamatay ka ngayon, kaya niya. Pasalamat ka dahil binibigyan ka pa niya ng pagkakataon para mabago ang iyong buhay. Huwag ring iisipin na kapag nagbago ka na ay kukunin na niya ang iyong buhay, dahil sa iyong pagbabago sa pangalan ng Panginoon makikita ang DAPAT at TUNAY na buhay, kaya huwag ikatakot ang pagbabago.

Pasalamat ka at nabasa mo ito, samantalang Milyon ang mga batang gustong matutong magbasa, pero wala silang sapat na pera para makapag-aral.

** Ang Chaydscope ay hindi isang klase ng Horoscope.

My First Chibi Character - Luti

Iniisip kong gumawa ng kwento at komiks gamit ang mga chibi. Pero hindi pa ako sigurado, dahil tinatapos ko pa ang ilang komiks na ginagawa ko. Wala pa akong ideya kung anong klaseng kwento ang gagawin ko kay Luti. Si Luti ay base kay Tito Luti ko na isa sa mga paborito kong Tito sa side ng nanay ko.

Meet Luti:


Sunday, May 16, 2010

Eclipse: Moon and Venus

Sinundo ang mga bata mula sa arayat. Habang sakay ng Trike na dinadrive ni tatay, kapansin pansin sa langit angKakaibang liwanang ng buwan at ng venus na parang may gustong sabihin, na paniguradong wala naman. Siguradong sasabihin ng iba na isa itong sinyales o anumang klaseng simbolo. Kagabi rin ay ibinalita ito sa TV na ang nasa taas ng Buwan ay ang planetang Venus. Hindi ko na nakita ang Eclipse, pero nakita ko ang pagkakalinya ng dalawang agaw-pansing liwanag kagabi. At ganito ang itsura nila:

Friday, May 14, 2010

Mga pagbabago buhat ng magkaanak ako

1. Dati kapag pumupunta ako ng bayan nakasapatos at pormang porma. Ngayon, kahit nakatsinelas na lang ay ok na, kahit nakashort at nakasimpleng damit na lang.

2. Dati kapag nasa Jollibee ako o McDonalds, Large Fries lagi at Top of the line burger ang inoorder mapa-CHAMP man, Quarter Pounder o Big Mac walang problema. Ngayon kahit tig 28 pesos na burger na lang, tinitipid pa ang pera, pandagdag gatas na rin kasi.

3. Dati halos bawat ikalawang araw nalilinis ko ang kuko ko sa paa at kamay, ngayon isang beses na lang sa isang linggo.

4. Dati rati nakakabili pa ako ng mamahaling deodorant, ngayon yung mga nakasachet na lang na tig 6 pesos na may nakasulat na 5 pesos lang dapat.

5. Dati papalit palit lang ng cellphone, ngayon kahit pampaload minsan wala pa.

6. Dati bawat may sikat na pelikula ay sa sinehan ko napapanood, ngayon umaasa na lang sa mga pirated DVD o sa pagdadownload sa internet.

7. Dati tuwing may makikipagtextmate sa akin ay papatulan ko at magreregister pa akong unlimited kahit globe ako at smart siya na nababalewala rin pagka-unlimited ko, ngayon kahit pa itext akong nagyayaya na makipagsex ay di ko na pinapansin.

8. Dati ginagamit ko ang lunch break ko sa pagsesurf sa internet, ngayon ginagamit ko na sa isang oras na pagtulog dahil sa puyat..

9. Dati ako ang hinihiraman ng pera, ngayon ayaw na akong ipahiram dahil sa sobrang dami ng utang.

10. Dati kahit nagagawa ko ang mga bagay na gusto kong gawin at magpakalunod sa luho ay malungkot pa rin, ngayon kahit 'di ko na nagagawa ang lahat ng bagay na ginagawa ko walang kasingsaya ang nadarama bilang isang mabuting ama.

Pinaglihi ka sa Usog

Alam mo ba kung anong klaseng bagay ka kung isa kang bagay? anong klaseng hayop kung hayop at anong klaseng prutas kung prutas ka? Malalaman mo iyon sa mga matatandang naniniwala sa "PINAGLIHI" o kaya naman ay itanong mo sa mga magulang mo. Sinasabi nila na pinaglihi ka sa isang bagay na laging pinupuna, kinalulugdan o kinaiinisan ng iyong ina noong pinagbubuntis ka pa niya. May pinaglihi sa isang klase ng prutas, ang iba naman ay sa mga hayop kaya nga may taong mukhang aso at unggoy. Siguro rin ang mga
taong malalakas ang putok ay pinaglihi sa "Bulanglang" o mas kilala bilang sinigang sa bayabas. Hindi ako naniniwala sa ganitong klaseng paniniwala. Halata naman na kapag isinilang na ang bata at nakita ang kanyang kakayahan doon nila naiisip kung anong klaseng prutas, hayop, pagkain o bagay ang isang bata, bakit hindi nila sabihin kung saan siya pinaglihi bago pa siya isilang? Ang mga buntis ngayong panahon ay iba ang
ginagawang libangan dahil na rin sa taas ng teknolohiya, kaya naman iba na dapat ang henerasyon ng mga batang pinaglihi sa kung saan saan. Siguradong darating ang araw may mga batang pinaglihi na sa iPhone, Ipod, Itouch, laptop at kung ano ano pang klaseng mga teknolohiya. Siguro ang mga taong ipaglilihi sa itouch ay madali lang matouch.

Isa pang cool sa ating mga Pilipino ay ang kapangyarihang manakit ng tao at mapawalang bisa ang pananakit na iyon sa simpleng panis na laway lang. Iyon ang usog. Isang kapangyarihan kung saan pwede mong masaktan ang isang sanggol sa pamamagitan ng pagpuna, minsan may mga matatandang nauusog rin. Para hindi mo mausog ang isang tao, kailangan mo munang sabihin ang magic word na "PWERA USOG" pagkatapos mong mapuna ang isang sanggol, kapag masyado ng huli ang magic word kailangan mong lagyan ng napakabantot mong laway ang biktima, dahil sa bantot ng laway mo tiyak na mawawala ang usog dahil mamamtay na ang bata sa bantot.
Pero hindi naman masama ang magsabi ng "PWERA USOG" para lang di ka mapagbintangan kung sakaling magsuka ng Century Tuna ang pinansin mong sanggol.

Minsan ginagawa ring parang siopao ang mga sanggol para maiwasan ang Usog na yan. Nilalagyan ng lipstick sa ulo, bilang tanda na siya ay Asado at sinulid bilang tanda na siya ay Menudo, parang siopao nga lang.