Monday, June 28, 2010

What if

Kung nasunog ang bahay niyo at nawala lahat lahat at bibigyan ka ng Isang bilyon para bumili ng mga kailangan mo, bibili ka ba ng bibliya? Think about it, be honest, wala sa isip mo ang bibliya. Kaya nga sabi ni Jesus na mas madali pa sa isang kamelyo ang makapasok sa butas ng karayom kaysa sa isang mayaman na makapasok sa kaharian ng Diyos.Hindi ka pa man mayaman, hindi mo na siya pinapasalamatan paano pa kung yumaman ka? Masyado mong iniisip ang bukas/kinabukasan mo, kahit sinabi na ni Jesus na 'wag mag-alala kung ano ang kakainin mo bukas, ang ibon nga na hindi nagtatanim ay kumakain, ikaw pa kayang anak ng Diyos?

Tuesday, June 22, 2010

Bye Bye Laptop

Nagliliyab ang damdamin ko sa sobrang panghihinayang at pagsisisi sa ginawa kong hindi naman kasalanan. Wala akong choice kundi gawin ang bagay na iyon, kailangan na kailangan ko ng pera. May nakuha akong buyer sa aking laptop, na di ko na halos mabilang kung ilang buwan ng nakasangla. Ibebenta ko ito ng mababa, sa isang kondisyon, kailangan munang tubusin ng buyer ang laptop kung gusto niyang icheck, at kung ayaw niyang bilhin pwede kong isangla ulit at ibabalik ang perang ginamit niyang pangtubos. Ayon sa mundo ng segunda mano, ang laptop ko ay nagkakahalaga pa rin ng 24,000 hanggang 30,000, ibinebenta ko lang ito ng 18,000 na naging 15,000, na siya namang naging 13,500. Nakasangla ito ng 7,700, butal dahil binabawasan ko tuwing nirerenew ko. At nagkita nga kami ng buyer, nakita ang laptop, tinubos at susubukan sana sa taas ng Jenra Mall, Libre kasi ang Wifi sa third floor. Low batt pala, dahil sa Core 2 Duo ang laptop na ito, naisipan ng buyer na sa bahay na lang niya subukan at kung may problema ay itetext na lang ako. Dumating ang asawa niya at tinatawaran ng 12,000, dahil iyon lang daw talaga ang budget nila para sa laptop, na malinaw ko namang sinabi na saradong 13,500 bago kami nagkita. Alam ko at alam nila na 12,500 mapupunta ang pagpapalitan ng presyo, at doon nga napunta. Naiinis ako sa sarili ko at gusto kong umiyak dahil sa kagipitan nabenta tuloy ang isang gadget na pwedeng gamitin bilang pagpapanggap na kunwari mayaman ako. Sarap sanang pumunta ng starbucks at buksan ang laptop, umorder ng gintong kape, sisipsipin kada 15 minutes habang nakabukas ang laptop at nakatitig lamang sa isang application na binuksan na pwedeng magtype ng asdfjkl ng paulit-ulit hanggang sa may makapansin sa akin na may laptop ako at naka-order ng isang kapeng pang mayaman. Magsusuot rin ako ng T-Shirt na may nakasulat na "Mayaman ako!"

Latakero

May kasabihan tayong mga mahihilig magtrip na, "Walang basagan ng trip" at "Kanya-kanyang trip lang 'yan". Paano kung ang trip ko ay bumasag ng trip at makialam ng trip ng iba? babasagan rin kaya nila ang trip ko? magbabasagan lang kami ng trip. Ngayon ang trip ko ay pagtripan ang trip ng ibang singer na wala ng ginawa kundi magpayaman sa mga kantang isinulat ng ibang singer/songwritter. 'Yung tipong kasisikat lang kaninang madaling araw, inirerevive na kinabukasan. Ang ganda ganda ng original na kanta, tapos bababuyin ng isang babaeng singer o isang lalaking piling rakista, na idinadaan sa taas ng tono. Anong gusto nilang iparating? mas magaling sila sa original na kumanta? o mas maganda ang version na nagawa nila? Ang tanging naiisip ko lang na kantang dapat nirerevive ay ang mga kanta ng Spongecola na siguradong kahit sino ang magrevive ay mas maganda ang kalalabasan ng kanta, 'wag lang si Chito Miranda. Piling kasi ng ibang mga singer na nagpapacute sa mga sikat na istasyon ay COOL ang kumanta ng mga ROCK / Alternative na mga kanta, dahil akala nila na kapag kinanta nila ang mga ito ay rakista na sila at sikat na sikat na sila sa mga totoong rakista. Hindi nila alam, mas nagmumukha silang POSER sa mata ng mga totoong rakista. Anyway, hindi pala ako rakista, dahil hindi ako mahilig sa ROCK, mas matigas pa doon ang hilig ko, METAL, death, black, heavy, thrash at doom metal. Hmmm, minsan kapag piling ko bakla ako, nakikinig rin ako sa alternative, metalcore, hardcore at nu metal.


Tabi tabi po sa mga fans ni Chito Miranda at Spongecola

Wednesday, June 16, 2010

Peys Buk

Kapag nagtetext ka at sa text mo ay babanggitin mo ang Facebook, siguradong ishoshortcut mo ito ng FB, ganoon din sa pagchachat. Tipid letra at parang mas "IN" ka kung FB ang itatype mo kaysa sa Facebook. Ang FB ay madalas kong makita sa mga Forum/Discussion Board, chat room at sa mismong Facebook, noon iyon. Ngayon kahit sa Jeep naririnig na rin ito, "May FB ka?" "Tol ano ang FB mo?".
May punto kung ishoshortcut sa pagtatype, ano naman ang punto kung ang shortcut ng Facebook sa pagsasalita ay FB? Mas makakatipid ba kung imbes na Face ang sasabihin ay EF? at book sa Bee? 


1.peys 2.buk
1.ep 2. bee


Ang laki ng natipid, mabuhay kayo mga Pilipinong Kabataan, kayo ang pagasa ng ating bayan.

Friday, June 11, 2010

Photo Walk: Mission 6-12 Months & Tarp

Photo Walk: Mission 6-12 Months & Tarp posted.
Click the COMICS tab to start reading

Wednesday, June 9, 2010

Day 1: Photo Comics

Day 1 ng paggamit ko sa Bagong Digicam
CLICK TO ENLARGE


Tuesday, June 8, 2010

My Son Philip is making a cute noise

It may may annoy you, but for me, his voice is soooo cute.

Monday, June 7, 2010

My Own Wilderness





    Hindi ko malaman kung anong klase ng langaw ang dumapo sa ulo ko at tumae ng sangkatutak na problema. Ang dami kong mga pending na gawang ID at nasira ang dalawa kong pang print sa mga ito. Ipinagawa ko at tatlong araw kong binabalikan para lang malaman kung ok na o hindi pa. Ikatlong araw nang maisip ko na pwede ko naman palang tawagan ang technician ng printer sa telepono, kaya’t tinawagan ko. Hindi daw nagawa ang mga printer, hindi raw madetect ang ink nito, samantalang nang inihatid ko ay nadedetect naman ang mga tinta. “Ano? Hindi ba’t noong dinala ko diyan ang mga iyan ay nadedetect pa naman ang tinta? Bakit ngayon hindi na? ‘di na nagawa, gumrabe pa at tapos magbabayad pa ako?” mga tanong kong naghahanap ng sagot na, “Ay sir sige ‘wag niyo ng bayaran” na siya naman ang isinagot ng technician. Dahil sa naintindihan ko naman na napagod siya sa pagbubukas, tinanong ko pa rin ng harapan kung magkano ang babayaran, 100 daw, binayaran ko na. Wala ng pagasa kundi bumili na lang ng bagong printer. Saktong may pera naman ako para pambili ng bago, pero hindi na muna ako bibili. Dinala ko ang mga di naayos na printer at bumili na rin ng transparent sticker sa shop ng technician. Pagkauwi ko, binuksan ang mga printer na di naayos, nabuhos ang tinta ng mga ito sa lalagyan na kahon at ang mga binili kong transparent sticker ay nabuhusan. Naalala kong nakasangla pala ang laptop ko at kailangan kong bayaran ang interest nito para hindi ma-remata, magkukulang din pala ang mga pera kong dapat pambili ng printer dahil kailangan kong mai-renew ang laptop. Nagpahiram ako ng pera sa asawa ko sa kanyang trabaho, at kinabukasan dumating nga ang perang hiniram niya. Ayos na sana, mabibili ko na sana ang Printer at marerenew ko pa ang Laptop, pero, wala ng gatas ang mga anak kong kambal, isang gastos na hindi pwedeng ipagpaliban. Konti lang naman ang diprensiya kung irerenew ko ang laptop, bibili ng gatas at bibili ng printer. Pumunta ako sa Pawnshop na tinutulugan ng aking laptop at nabigla ako sa laki ng interest. Ang buong akala ko ay, 6% lamang ang aking babayaran, 14% pala, dahil noong last na dapat i-renew ko ay hindi ko nirenew at ipina extend ko lang ito ng 15 days at iyon naging 14% na ang dapat na 6% lang, ginawa ko na dati iyon at 6% lang siningil nilang interest. Grabe, naglalakad ako sa daan na dala-dala ang sakit ng loob sa isang pawnshop na nilamon lang ang hiniram na pera ng asawa ko. Binili ang gatas at pansamantalang kinalimutan muna ang tungkol sa printer at ang shop. Sarado ang shop ko at kung bukas siguro ito at maayos ang printer, marahil kumita na ito ng higit pa sa presyo ng isa pang printer.  

    Ikalawang araw.  Isang kaibigan ang tumulong sa akin, kaya naman nagkaroon ako ng sapat na pera para pambili ng printer.  Pumunta ako sa SM Clark para doon na lang bumili, wala ni isa, at masaklap na balita ay phase out na daw ito, hindi ako pwedeng magpalit ng printer dahil ang CISS nito ay para lang sa specific printer na binibili ko. Ang isa pang taong pumatay sa pagasa ko ay ang taong nakasama ko na sa paglalaro ng Airsoft dati, si Sherwin, na salesman sa isang computer shop sa SM, dalawang araw na daw ang lumipas nang may isang lalaki ang kinuha lahat ng printer na hinahanap ko, kaya naman ni-isa wala akong makita. Kahit patay na ang aking pagasa, muli itong nabuhay nang maisip ko ang enigma, pumunta sa enigma at phase out na daw. Umasa pa rin ako na siguradong sa Laki ng Angeles City ay  meron pang isang shop na nagbebenta ng printer na hinahanap ko at wala nga ni isa. Pagasa ko na lang ay ang bagong tayong Mall na malapit sa City Hall, ang Marquee Mall.  First time kong pumunta sa Mall na ito, kahit may isang taon na yatang nakatayo. Sa unang shop, wala. Ikalawa, wala. Ikatlo, meron pa daw pito, buti na lang at nagdarasal ako habang naghahanap. Dahil sa first time kong pumunta rito at nalilito sa pagkakagawa ng Mall, mali ang nilabasan kong Exit, Exit sa likod, salamat sa bundok ng Arayat at nalaman kong nasa likod ako. Ink na lang ang kailangan para sa CISS ko, hindi pa rin sapat ang tira kong pera para makabili ng Ink, pero atleast medyo konti na lang ang hahanapin.

    Ikatlong araw. Wala ng gatas ang mga anak ko, kaya gagamitin ko na lang ang perang tira galing sa Printer para pambili ng gatas, Back to Zero nanaman. Gagamitin muna namin ang ink na original ng Printer para makaipon ng pambili ng ink. Mukhang meron namang naipon maghapon, at ilang sandali pa ay nagtext ang yaya ng mga anak ko at kukunin na ang sahod. Balewala rin ang mga naipon naming pera para sa ink, dahil iyon muna ang gagamitin ko para sa sahod ng yaya ng mga kambal.

     Ikaapat na araw. Isang text mula sa kumpanyang inutangan ko ang nanakot na sa barangay hall na lang daw kami magkikita, dahil ito sa mga overdue ko, wala akong pambayad dahil ilang araw ding sarado ang shop. Mapipilitan akong ibenta ang laptop ko at isa sa mga computer ko, ang problema kailangan ko munang matubos ang laptop. Nasusunog na ang utak ko sa sobrang dami ng iniisip, kaya naman itinext ko ang taong tumulong sa akin, na siyang Pastor ko rin. Itinanong niya sa akin kung ilang taon naglakbay ang mga Israelita bago sila nakarating sa lupang ipinangako, “about 40 years" ang sagot ko. Itinanong niya ulit kung gaano ba dapat katagal ang paglalakbay nila, at itinanong ko rin kung gaano katagal, at ang sagot niya ay “Two weeks”. 2 weeks lang dapat ang itatagal ng paglalakbay, pero dahil sa katigasan ng ulo nila tumagal ito ng 40 years. At sunod sunod na ang kanyang mga payo na napakalaki naman ng naitulong sa akin. Nasa Wilderness daw ako at kailangan akong matuto sa Wilderness na ito. At sasabihin ko ang dahilan kung bakit sa palagay niya at palagay ko na nasa Wilderness ako.


Thursday, June 3, 2010

Amerikano, Negro, Hapon, Intsik at Koreano

Kagaya ng naisulat ko na sa Ang Talambuhay ni Ahrean.
Sa ating bansa kapag nakakita ang karamihan sa mga Pilipino na isang Puti, sinasabi kaagad nila na siya ay Amerikano. Walang kwenta kung German, Russian, British, Australian o kahit anong puti ka pa, basta puti ka, isa kang Amerikano sa karamihan ng mga Pilipino. Kung maitim ka naman kahit saan ka pa galing, kung hindi ka tatawaging aeta, Negro ang itatawag sa iyo. Hindi rin nakakawala ang mga singkit na mata dahil sila ang tinatawag nating Intsik, Hapon at Koreano. Madali naman malaman kung Hapon ba siya o Intsik o Koreano. Pero kung Indonesian o Malaysian, parang Pilipino na rin. Minsan sa Estados Unidos may isang Pilipino na tinanungan ng isang batang Amerikano kung nababasa ba daw niya ang mga nakasulat sa TV, Chinese ang mga nakasulat. Ang sabi ng Pilipino ay "I'm a Filipino, not Chinese" at ang sabi ng bata ay "what's the difference?". Marahil ganoon din sa kanila, nalilito sila sa atin kagaya ng pagkakalito natin sa ibang Nasyon. Kagaya ng nasabi ko sa Talambuhay ni Ahrean,

"Kapag naman nalaman natin na hindi pala siya sa America nakatira, kundi sa Russia, iko-consider naman siyang Amerikanong nakatira sa Russia." -- Talambuhay ni Ahrean March 20, 2010 - Asenso

Wednesday, June 2, 2010

Sakit ng ulo

    Pumunta ako sa Pawnshop kaninang lunch break, at isinabay na rin ang pagbili ng gatas. Nakakasakit ng ulo ang interest na binayaran ko sa nakasangla kong laptop, tapos bibili pa ng gatas. 

     Ang pinaplano kong bibilhin na Printer ay tuluyan na yatang matutunaw. Maghahanap nanaman ng mahihiraman para mabili ang printer. Kailangan ko ang printer na iyon para sa mga bago kong customers. Ipinagawa ko naman ang dalawa kong nasira T10, hindi naman nagawa nung technician. Ang problema lang ay CLOGGED ang ink, pero nang kukunin ko na, naging dalawa ang problema ng isang printer, ang dating clogged, ngayon ay di na rin madetect ang ink. Lalong nasira, tinamaan daw ang board. Ang masakit pa nito may service charge pa daw na 350. Ang sabi ko, hindi na nagawa magbabayad pa ako? lalo ng gumrabe ang isa magbabayad pa ako? siyempre sa telepono ko lang iyon sinabi, dahil malambot na ako kapag kaharap na mismo ang tao. Nagtampo yata ang technician dahil galit ang tono ko sa telepono, kaya sige daw wag ko na daw bayaran, pero nang pipikapin ko na, naisip niya 100 na lang ang aking babayaran. Hindi ako naniniwala sa karma, pero kung papansinin kong mabuti ang buhay ko, parang nakakarma ako sa isang bagay na hindi ko naman ginawa. Bayad sa kuryente, tubig, bahay, gatas kada ikatlong araw, hulugan at iba pang mga utang. Kahit sahod ko hindi kasya, mabuti na lang at patuloy na ngumingiti sa akin ang kambal kong anak, na siyang nagpapaalis ng aking sakit ng ulo at problema. Salamat na rin sa Diyos at financial problem lang ang hinaharap ko ngayon at hindi isang matinding sakit. Ang iba kahit mayaman na mayaman pero may isang sakit na mahirap ng magamot ng isang taong manggagamot lamang, kung alam lang sana na si Jesus ay manggagamot rin, matagal na sana silang nagamot.

"Remember, kung ano man ang sitwasyon mo, ang una at huli mong gagawin ay ang Magdasal"

Tuesday, June 1, 2010

Testing

This is a test using MS Offices 2007