Isa sa mga napansin ko sa Network Marketing ay ang pagiging maka-Diyos ng mga Networkers. Bakit? kasi nga naman ang daming tinuturo sa bible tungkol sa pera at ang totoo nga nito ang topic sa Pera o pinansiyal ay nabanggit ng 2000 times sa bibliya. Nakaparami, mas maraming beses pa sa salitang Heaven. Ito pa ang madalas na binabanggit na verse ng mga Networkers sa bibliya "For I know the plans I have for you," declares the LORD, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future." Jeremiah 29:11. Noong nagbabasa nga akong bibliya hindi ako makapagmemorize ng mga verses, tapos nang maging networker, na memorize bigla ang verse na iyan. Siyempre naman ang sarap kaya ng pangakong iyan. Ang ibang Networker kasi, stop na diyan sa verse na iyan eh, may kilala nga akong upline eh, panay ang banggit sa salitang DIYOS, GOD at LORD pero binubura agad ng mura na P.I. at nang salitang TARANTADO, although hindi naman mura ang TARANTADO, isang tawag iyan sa lalaking TARANTA, kaysa naman kasi sa "Hoy natataranta ka" para mabilis "Tarantado ka!" kung babae, tarantada. Anyway, minsan kasi ang iba COLORUM lang eh, quote ng quote sa Jerimiah pero wala sa action. Ang iba nga eh, nandadaya pa sa mga POSTER na HIRING DAW, JOB VACANCY pero sa totoo Networking pala, which I consider na more on BUSINESS siya not Employment. Sa poster pa lang nila ay kasinungalingan na, how about yung partner daw sila sa BDO, RCBC, COCA COLA just to make their Company look big? Siguro ginagamit nilang checke ay BDO o RCBC pero doesn't mean na partner na sila dito. At nakita ang Presidente ng Company na umiinom ng COKE, akala partner na sa Coca Cola. The point is, sa una pa lang, TAKOT na silang sabihin ang totoo kasi iniisip nila na kapag nalaman ng mga makakakita na Networking ang patalastas nila ay wala ng pupunta. Nasaan na ang Verse na "Then you will know the truth, and the truth will set you free" John 8:32. Ito pa ang isang malupit sa mga COLORUM, kahit SUNDAY, instead na magCHURCH, nasa mga fastfood, namumusakal este naghahanap ng mga PROSPECT, nasaan na ang "But seek first his kingdom and his righteousness, and all these things will be given to you as well." Matthew 6:33. Ito ang dahilan kaya madalas hindi nagiging successful ang iba (Kung atheist ka o hindi naniniwala sa Diyos, STOP na dito 'wag ka ng magbasa, pero ok lang sige tuloy mo.) Ang daming mga GURU at mga COACH diyan, they teach how to do the BUSINESS, they TEACH ATTRACTION MARKETING they teach whatever strategy they can think of, tapos they FAIL to teach the TRUE Key to SUCCESS! GOD and his RIGHTEOUSNESS! Some Uplines, Coach, Mentors, Masters, Gurus, Fake it Until they make it Uplines and Coach will teach you everything about networking but they don't even mention that the part of your income, 10% of it belongs to God. Kasi nga ang iba pang FRONT lang nila ang imaheng pagiging maka-Diyos. Bago pa ako nakapasok sa isang Kumpanyang naging Speaker ako, may isang NDO na nakapagturo na dapat may tiwala sa Company, Product, Plan, Crosslines, downlines, uplines, team at kung ano ano pa basta ang LAST ay dapat daw ay may TIWALA KA SA DIYOS. Wow! Last siya! Listahan man lang yan, kahit na! Dapat una ang Diyos!
At ito ang pinakamalupit sa lahat, ang iba kilala na malupit mag-invite at magpapay-in sa Company, nagiging top earner pa nga ang iba eh. And they CLAIM that they are WORKERS of GOD, YES! Possible naman at pwedeng pwede. Marami rin naman kasi na totoong Christian sa Networking, But they forget something kakafocus nila sa Network nila. Ang galing nilang mag-invite, minsan nanlilibre pa, ang galing nilang magclosing, ang galing nilang magpresent, napapapay in talaga ang mga guest. Pero pagdating ng Sunday o ano mang date na may Bible Study, Ilang ang guest na dala niya to hear the Word of God?
Ang galing mong mag-invite sa Network Company mo, pero di nag-iinvite sa Church.
Ang galing mong magfollow up sa Networking, sa Church may ma-invite ka man, finollow up mo na ba?
Ang galing mong magpresent ng Marketing Plan, sa Church nanginginig kang magtestify.
Ang galing mong mag-closing, sa Church todo iwas ka sa pagpipreach o pagseshare ng salita ng Diyos.
Isa sa mga downlines ko, kapag tinetext niya ako na may invite siya, tinatanong ko, saan? Sa Church ba o sa Company. Sinabihan ko ang batang ito na dapat balance. Kapag nag-invite ka sa Company mo, dapat may invite ka rin sa Church.
Sa Company mo, upline ka na, sa Church mo, member ka pa rin.
Sa Company mo, upline ka na, sa Church mo, member ka pa rin.
Ask yourself, Ano ba talaga ang Priority ko? Ang makalat ang Marketing Plan ng Company o Makalat ang Salita ng Diyos? Or Both.
You can always do this. Instead ng FORM ang gamitin mo, Talk about God muna, give some testimonies, or atleast invite mo muna siya sa Church mo, then talk about business. Mahirap? Try mo!
Kung binasa mo ito at iniisip mo at pinapakain ang Sub-Conscious mo na wala namang kinalaman ang CHURCH, BIBLE, GOD at WORD OF GOD sa Networking. Harap ka sa salamin mamayang 12AM, at sabihin ang Bloody Mary ng 13 Times nang nakapatay ang ilaw at may hawak kang kandila. Kung di mo kaya CLICK HERE!
Kung binasa mo ito at iniisip mo at pinapakain ang Sub-Conscious mo na wala namang kinalaman ang CHURCH, BIBLE, GOD at WORD OF GOD sa Networking. Harap ka sa salamin mamayang 12AM, at sabihin ang Bloody Mary ng 13 Times nang nakapatay ang ilaw at may hawak kang kandila. Kung di mo kaya CLICK HERE!