"EPXBody, isang U.S. Based Company, Hybrid Matrix + Binary, no flushout, may kita kang 50% sa direct referrals mo, pagdating sa matrix may 25% ka sa mga direct mo at 12% sa mga indirects" "Ay ganon? pangit sir, kailangan mo pa diyang magrecruit, sa aking company kahit pa click click ka lang kikita ka, tapos big company pa, partner kasi ng google". Nag-AKNY muna ako, "Alam ko na yan, ikaw ba namang mas madalas ka pang magtext sa GLOBE ADVISORY di ko malalaman. Anyway, thanks na lang, maganda kung itatry mo i offer sa iba". Akala ko tapos na sa reply niyang, "Ok sir, thanks ulit, just text me kapag nagbago ang isip mo."
After a few days (Kanina - August 23, 2012), "Sir, ayaw niyo po ba talagang i-try ang adszens?" text na naman niya. I replied, "Nope!". Reply ba naman niya "Sir tangang networker lang ang di papatol sa adszens". I got pissed kaya nireplyan ko na lang ng, "Congrats! Tanga ang katext mo!"
Okay, ito ang mga dahilan kung bakit hindi ako sasali.
Maliban sa nakapagdecide na ako na iwoworkout ang current company ko, eto pa ang mga reasons.
1. Duda ako na magtatagal ang Company. Why? dati kong trabaho ay nagseset ng mga GPT at PTC sa mga foreigners and I know kung paano ang kalakaran sa PTC. Kung mapapansin ngayon, kadalasang PTC na tumatagal ay ang may rate na $0.001 to $0.002. Onbux and VCBux ay sikat na sikat dati at $0.01 ang rate nila, di nagtagal, nawala rin. Neobux ay dating $0.01 sa mga standard member, now $0.001 na lang. Now, P10 pesos per click? or $0.23? with 10 ads per day? Well, sa mga walang alam, kakagatin talaga yan, di ko lang alam kung ang owner o gumawa ng PTC na iyan ay alam ang ginagawa niya? Tapos ang mga magpapa-ads pa ay mga DUMMY Advertisers (Nag-iba na ngayon) Dati may BDO, SUNCELL, MCDO etc. BDO magpapa-ads sa PTC? McDo magpapa-ads sa PTC? SunCell? Sobrang galante naman nila kung magbabayad sila ng P10 per click ng mga clickers at P10 sa owner bale P20. Ganoon kasi ang ideya ng PTC, kapag may nagpa-advertise, ang 10%-50% na ibabayad ay mapupunta sa owner at ang natira ay sa mga clickers. So kada-ads na ikiclick mo ay P10, ibig sabihin (kunwari) may kita pa ang owner nun?
So, eto bibigyan ko kayo ng sample computation:
Kunwari sumali ka, nagbayad ka ng P1,500. 15 days lang bawi ka na, kasi ayon sa FAQ's ng Adszens
may daily ads ka daw na 10. 10 x P10 = P100 x 15 days = P1,500 within a month magiging P3,000 ang pera mo bale ang products na binigay sayo ng Adszens ay libre na lang. Kakagatin talaga ito ng karamihan siyempre, sino ba namang hindi kakagat sa ganitong uri ng mala Santa Clause na Company.
Imagine may 60,397 members siya as of now. Kunwari 1,000 members doon ay upgraded at nagbayad ng P1,500 kada isa. P1,500 x P1,000 = P1,500,000. Tignan natin gaano kabilis mawala ang P1.5M na yan
Per Day: 1000 members will click 10ads(P10each x 10ads = P100) = P100,000 (daily expenses for PTC)
After 30 days = P3,000,000 ang gastos ng kumpanya. How about the gastos ng mga product na binigay? i-leless mo pa iyon. Now, sabihin na lang nating per entry lang bumabase ang kita ng Company, kunwari lang ha, para masustain mo ang PTC para sa 1000 member na upgraded, kailangang daily may papasok na bagong miyembro na 66-70, just to pay the first 1000 member na kumita sa PTC, 1000 members pa lang iyan, what if, nagkaroon sila ng 50,000 members na nagkiclick ng 10ads per day?
50,000 x 10ads = 500000ads daily multiply that to P10 each = P5,000,000 daily expenses for PTC.
Take note na nagbayad na daw sila ng: $349 but not recorded.
**Recorded not Recorder**
Sinong stupido ang magpapaadvertise na P10 per click ang babayaran para sa mga tao na ang tanging purpose sa pagclick ng pina-ad mo ay para kumita lang ng sampung piso? PTC adversers ay ang mga taong di pa gaanong namamaster ang SEO para mapasikat ang site nila kaya PTC ang ginagamit nila para madaling madiscover ang sites na pinapatalastas nila. Parang "I'm begging you to visit my site and I will pay you P10 for visiting!"
Malinaw na FAKE/DUMMY advertisers ang mga nasa Adszens. Self Advertisements lang ang mga iyon.
2. The Partnership. According sa mga spammers sa facebook na kagaya ko, at pinipilit nila na ang Adszens ay tied up sa Google at Sulit? Balita ko tinanggal na lahat ng ads ng Adszens sa sulit.com.ph, mukhang tied up nga. And sa google naman, may nagsasabi kasi daw na may google adsense kaya tied up sa google. Well, Google Adsense is way way too far sa Adszens. Eto ang google adsense. Na-alarma daw ang google sa ganda ng systema ng Adszens kaya naman binibili ito ng google at dahil ayaw daw ibenta ang adszens nakipagtied up na lang daw. Now, I don't know kung pinag-aaralan ba ng mga member nila na nagsasabi ng ganito ang sinasabi nila o sadyang pinagmumukha nilang walang alam ang sarili nila. Yung isa ang sabi pa nga niya ay, "kaya nga may powered by google sa side eh" Talagang merong ganon dahil gumamit ang nagdesign ng site ng isa sa mga tool ng google, ang google translate. Kahit search tool nga lang ng google lagay mo sa site mo magkaka POWERED by Google ang site mo eh.
3. Design. According to Mr. Noel Soriano, Ang owner daw ng Adszens ay may Billions (may "s" ha)
"...si Sir Joebert mayamang tao. Sa sobrang yaman ng taong yan,...meron siyang BILLIONS. Alam ko kung paano niya nakuha itong BILLIONS. Hindi ko na sasabihin kung paano niya nakuha. Imagine yung BILLIONS niya shinishare sa atin..."
eto ang link: http://www.youtube.com/watch?v=c8vqqrCx9MA
Billionaryo siya pero hindi makapag-HIRE ng malupit na graphic artist para maayos ang LOGO nila na pinagdidikit sa on-site presentation? Where's the transparency ng logo?
Anyway it's not a big deal naman pagdating sa graphics, ang hindi ko maintindihan ay ang:
4. PTC Script. Billionaryo pero ang ginamit na script ay BUXHost? What's wrong with buxhost? Buxhost is well known na script na ginagamit ng mga SCAMMER na nagtatayo ng PTC together with ZEUS sites. Buxhost ay para sa mga nagtatayong PTC na walang alam sa coding o para sa mga tamad. Anyone can start their own PTC using buxhost, bayad ka lang at maghintay. And if you're going to start a serious PTC business, use GEN4 Script or PTC Evolution, Nten and have i-vinci or easycloud do the templating para naman mukhang professional ang PTC, anong ginagawa ng mga billions ng owner? Just look at the design of Adszensptc.com na site, kung ako nag-iinvest ulit sa mga PTC, no way na mag-invest sa ganyang pagakalayout, header lang ang inaayos naman sa mga BUXhost tapos ganyan pa parang kinopy lang ang logo at basta basta na lang in-upload sa site.
Pasensiya ng kung masyado kong kinriticize ang design ng PTC ng Adszens, but take this as a Constructive Criticism.
You can also Criticize the Company that I am with right now, But be careful, dahil sa site pa lang ng Company na sinalihan ko, pang PROFESSIONAL na talaga at alam mong seryoso at alam ng OWNER ang kanyang ginagawa.