Monday, May 6, 2013

Ang Madilim Niyang Mundo


Ito si Kuya Mando/Lando hindi ako sure dahil nang kausap ko siya, mahina ang boses. Mukha siyang taong grasa at siguro iisipin ng iba na isa siyang baliw. Si Kuya Mando, noon pa man nung malakas pa siya, nakikita ko siyang tinatambakan ang baku-bakong daan mula Margot hanggang Friendship at umaasa lang siya sa barya baryang hinahagis ng mga pampasaherong Jeep. Noon pa man, sa dating pa lang niya, siya na lang mag-isa sa buhay at wala ng sumusuporta sa kanya, ang kahanga-hanga sa kanya ay ginagawan niya ng paraan ang kanyang gutom, hindi siya nagpapalimos, ginagawan niya ng aksiyon ang pangagailangan ng kanyang katawan. Naayos ang kalsadang dati niyang pinagkukunan ng kita kaya naman tuwing umuulan at may konting damage lang sa kalsada siya nakakapanambak para sa mga dumadaan na sasakyan. 

Matagal tagal na panahon na rin iyon, nabigla na lang ako nang makita ko siyang nanghihina na at may gamit ng supporter para makapaglakad. 

Ito ang gamit niyang support tuwing naglalakad siya:


Nilapitan ko siya at tinanong, "Di ba kayo si....?", well, alam naman natin kapag ganoon ang tanong, kunwari dating alam ang pangalan, binibitin ang tanong para ang tinatanong na ang magtutuloy "..._ando" hindi ako sigurado kung Lando o Mando, pero whatever pa man yon, may ANDO sa huli. "Anong nangyari?" tanong ko, isang ngiti lamang ang isinagot niya. Maliban sa napansin ko na mahina na siya, napansin ko rin ang bukol sa kanyang batok, naalala ko tuloy ang Tito ko na pumanaw na dahil sa ganoong karamdaman rin. 


Ngayon, ano ang pakiramdam kung tayo ang nasa kalagayan niya? kung ang tatay natin ang nasa kalagayan niya? Nag-iisa, walang umaasikaso, kung lalagnatin man dahil sa bukol niya, wala siyang magagawa kundi hintaying mawala ang lagnat at sakit, paano kung nagugutom siya?  Madalas mag-complain tayo sa buhay natin na wala tayo nito, wala tayo non, pero kung lalabas tayo sa kalsada at pagmasdan ang mga taong wala ng masasandalan kundi ang kanilang nanghihinang katawan at naglalahong pag-asa, masasabi pa rin natin na napakapalad na natin sa kung anong kalagayang meron tayo. Hindi man tayo kasing yaman ng mga taong kinaiinggitan natin, mas lalong hindi tayo kasing hirap ng mga taong wala ng ibang masasandalan kundi ang tira tirang pagkaing tinatapon ng mga kinainan nating mga restaurants o kaya naman ay ang mga extrang baryang pakalat kalat sa ating mga bulsa, o sa mga plastic na basura na tinatapon natin kung saan saan na siya namang pinupulot nila at ipinapakilo.

Ang taong ito ay masipag at alam ko na kung malakas lang siya at walang nararamdamang sakit, gagawa at gagawa siya ng paraan para tumagal pa ang kanyang buhay.

Gusto ko siyang ilapit sa mga kandidatong humabol ngayong eleksiyon. TUTULUNGAN BA NATIN ANG ISANG TAONG DI NA NAKAKAPAGBOTO?

Please like the Page:




Free Lunch at korean town

Sabi nila, wala ng libre sa panahon ngayon. Well, Cafe Olleh offers FREE LUNCH every Saturday for the less privileged people in Friendship, Anunas, Angeles City (Korean Town). Kung may kakilala kayong naghihirap o isang tunay na struggle ang pang-araw-araw na pagkain, just visit Cafe Olleh every Saturday, Starting 11:00AM to 1:00PM


Wednesday, May 1, 2013

Do Your Network Marketing Business Online

Gusto mo bang gawin ang MLM mo online? pero hindi mo alam kung papaano? gusto mo ba ng SYSTEMA para magawa mo ito na parang isang experto? Gusto mo bang latagan ng Marketing Plan ang mga kaibigan mo sa Facebook pero natatakot ka na baka iwasan ka na nila kapag ininvite mo sila? Meron akong systemang ginawa para sa mga Networkers na gustong gawin ang negosyo nila sa facebook/twitter/linkin etc. Kahit nasa bahay ka, walang panggalaw at hindi makapunta sa opisina dahil kulang ang pamasahe, maaari mo ng gawin ang Business mo kahit nagpe-facebook ka lang sa bahay niyo. Hindi ko na patatagalin, i-download lang ang mga PDF na nandito sa blog na ito at basahin para malaman kung papaano mo ito gagawin ng matagumpay.

PREVIEW:
Ang Solusyon
INSTRUCTIONS

DIRECT DOWNLOAD:
Ang Solusyon
INSTRUCTIONS