Astig to para sa mga Anime fans:
Wednesday, June 26, 2013
Para sa mga Magulang
Sa lahat ng mga Magulang,
I mindset niyo na mga anak niyo, mahalagang magaganda ang maitanim sa kanilang subconscious mind habang mga bata pa, dahil pag sila ay lumaki na, ang subconscious nila ang magcocontrol sa buhay nila.
Remember, If you think you can't, You are right! If you think you can, You are also right!
Ito ang kwento ng isang batang estudyante na akala niya ay BOBO siya, nagkatrauma siya dahil sa pagkakahiwalay ng mga magulang niya at dinala niya ito sa pag-aaral, dahil sa traumang ito, hindi siya makapag-focus at dahil dito, kinilala siya bilang "BOBO" tinatawag siyang DUMB ng mga kaklase niya hanggang sa naniwala siya na siya nga ay DUMB. Kapag iniisip mo na mahina ang isip mo, automatic naiisip mo na mahirap ang mga bagay bagay, kagaya ng "Mahirap ang Test", "Mahirap mag-memorize", ":Hindi ako papasa", "Takot ako sa mga pagsusulit", ano ang mangyayari kapag ganyan ang inisip? Bagsak. Napansin ng nanay niya na mababa ang mga grades nito, kaya naman kinausap niya ang bata.
Anak, tandahan mo ito, "Hindi ka BOBO, matalino ka, at binigyan ka ng Diyos ng kakaibang talino, kapag hindi mo ginalingan, magiging taga-map ka lang ng mga factory habang buhay, at hindi gusto ng Diyos na hanggang doon ka na lamang"
Minsan umuwi ang nanay ng batang ito at nakita niya na nanonood ang magkapatid ng TV. Nagalit si nanay at sinabing "Dalawang beses lang kayo manonood ng TV sa loob ng isang Linggo at dapat bago kayo manood tapos na ang mga homework ninyo, ikalawa, hindi kayo makakapaglaro sa labas hanggat hindi tapos ang mga assignment, ikatlo, kailangang magbasa kayo ng dalawang libro weekly galing ng Library at gumawa kayo ng report mula sa binasa ninyo." Well, siyempre magdadahilan ang mga bata, pero ang nasunod pa rin ang kanilang ina.
Isang araw, may itinanong ang teacher ni Ben (Yes, Ben ang pangalan niya). Walang nakasagot, alam ni Ben ang sagot dahil sa natutunan niya kakabasa, kakaiba ang naramdaman ni Ben kaya itinaas niya ang kamay niya at sinagot ito at sinabi niya pa ang kaalaman niya tungkol sa sagot niya "Obsidian". Hindi makapaniwala ang mga kaklase niya at pinuri siya ng kanyang guro. Si Ben ay nakatikim ng isang tagumpay. Naisip niya na tama ang kanyang ina, "Education is the way out of poverty, and reading is the road to achievement." Tumaas ang mga grades ni Ben at nag-graduate siya na kasama sa mga Honor Students at nakapasok siya sa Yale University na kung saan niya na earned ang Degree in Psychology, nag-aral din siya sa University of Michigan at naging interesado siya sa Psychiatry to Neurosurgery. Ang taong ito ay walang iba kundi si Dr. Ben Carson
Dr. Ben Carson |
Dr. Benjamin Solomon "Ben" Carson, Sr. (born September 18, 1951) is an American neurosurgeon and the director of pediatric neurosurgery at Johns Hopkins Hospital. Among other surgical innovations, Carson did pioneering work on the successful separation of conjoined twins joined at the head. He was awarded the Presidential Medal of Freedom, the highest civilian award in the United States, by President George W. Bush in 2008. Since delivering a widely publicized speech at the February 2013 National Prayer Breakfast, he has become a popular figure in conservative media for his views on social issues and the government's role in the health care industry. -- Source: WIKIPEDIA
"Hindi mo kaya yan!"
"Ang bobo mo!"
"Ang tanga mo!"
"Sira Ulo!"
"Ang tigas ng ulo mo!"
"_____ ka lang!" (Degrading, Limiting) fill in the blank.
At lahat ng mga negative na pwedeng tumatak sa isip niya.
The more na tinatawag mong matigas ang ulo ng isang bata, nareregister sa kanya na matigas nga talaga ang ulo niya and that's the way he is. We'll kung matigas talaga ang ulo ng bata, try reverse psychology, always appreciate ang mga nagagawa nilang mabuti at lagi silang parangalan kapag nakaka-achieved sila ng mga bagay bagay, mapa-maliit man o malaki.
Subscribe to:
Posts (Atom)