Sunday, December 16, 2012

Organic Market at Museo ning Angeles

If you’re an organic person and want an organic market with an organic vendors selling organic products, you can visit Museo ning Angeles every Saturday.

Because of this organic event, parang naramdaman ko na gusto kong maging hardinero, isa sa mga nagustuhan ko sa market na ito ay ang mga Produkto ng Zabala’s Home Garden, dahon palang may lasa na, pinatikim sa akin ni Aling (teka! Di ko alam ang pangalan) yung mga dahon ng paninda niya. May lasang asukal, may parang vicks at may parang tea. Gusto ko sanang matry yung lasang asukal, titignan ko kung pwedeng gamitin ang dahon niya sa kape. Sa side ng event na ito,nariyan naman ang mga nagtitinda ng mga bibingka at puto bumbong. Here are some photos of this event.






Monday, December 10, 2012

Pacquiao - Marquez 4: Ang pakiramdam ng pagkatalo

Iba talaga ang pakiramdam kung marami kayong nanonood at iisa ang nais na mangyari pag lumalaban ang ating pambansang kamaho, lahat ng kasama ay gustong manalo si Pacquiao kaya naman tuwing nakakapuntos siya ay maganda ang aura na nilalabas ng sigawan at tuwa ng bawat manonood na kasama. Ang nakakalungkot at tatamaan ka talaga ang pakiramdam mo ay hindi makuha ang ineexpect at gusto mong mangyari, ang matalo si Pacquiao. Kung matatalo siya sa desisyon ok pa sana di gaanong apektado, pero ang makita mong dumapa ng dalawang beses ang iniidolo mo sa boxing ay isang tunay na nakapanlulumo. Dahil sa nagsama sama ang aura ng pagkabigo, mararamdaman talaga ang kalungkutan nang matalo si Pacquiao. Maybe God has a bigger plan kay Manny. Manalo o Matalo, Idol kita Manny! Watch and feel: 


The 10th PGG Family Reunion Experience


Pamintuan – Gantan – de Guzman

From the Clan of Arsenio de Guzman, kaya kami nakapunta, first time kong umattend ng ganoong kalaking reunion. Plano ko lang ihatid sina Nanay at ang mga kapatid ko, pero nagstay na rin ako, mukhang enjoy, at enjoy nga.
Free Swimming
Free Swimming sa lahat mapabata man o matanda.


Free Food
Although matagal sa pila dahil sa dami ng tao, worth it naman ang pagpipila. Sa food, color coding ang pagkuha, kung anong kulay ng stub mo, dapat doon ka pipila. 


At ito ang bunga ng aking pagpila:


Food Review: 8 out of 10 (10 is the highest) 
Nakakabusog and masarap.

Free Pacquiao - Marquez Live viewing
First time kong manood ng laban ni Pacquiao na may kasamang sumisigaw. But the sad part is, nung natalo siya, nagsama sama ang negative aura kaya naman napakalungkot at emotionally affected ang mga tao.





Best of all sa experience is:
Quality time with your loved ones

Oh, I forgot about the Raffle.
Lahat ng dumalo 18 years old above, may free raffle ticket. Two of my Clan ay nanalo, si Darang Dang  (Erlinda de Guzman) ay nanalo na Turbo and Racquel de Guzman ay nanalo ng P500.