Saturday, June 23, 2012

An Alternative to Jueteng and Lotto

Nasubukan mo na bang tumaya sa jueteng? Ako nasubukan ko na kahit alam kong mas malaki pa ang chance ko na tamaan ako ng kidlat kaysa sa manalo. Bakit pa ako tumataya? Trip lang. Napapansin niyo ba kung paano i-relate ng mga tao ang kanilang panaginip sa mga numero? Dahil sa nanaginip si ganito ng ganyan itataya ko ang dos bente nuebe. Ang daming mga Pinoy ang naniniwala na ang kanilang panaginip ang SUPER GUIDE sa pagtaya nila sa Jueteng, ang problema, kaninong panaginip ang naka-Schedule na tatama kada-araw? Kaninong mas makapangyarihang panaginip? Kung ang panaginip ni Juan ay calculated as 1:37 na numero sa Jueteng, tapos si Pedro naman ay 6:28, kaninong panaginip ang tatama? not to mention all the 92,337,852(2010 Census) na iba pang panaginip. Jueteng pa lang yan. How about lotto? mas malaking competition ang haharapin mo doon dahil anim na numero ang pagpaparisan mo. Ginagawa na lang ng mga Pinoy ang pagtaya sa mga ganitong klaseng sugal dahil halos lahat ng Pinoy ay gustong yumaman (Sa pinaka-madali at pinaka-mabilis na paraan) Ang hindi nila alam, ang ginagawa nila ay ang pinaka-mabagal at pinaka-mahirap na paraan. Bakit pinaka-mabagal? at bakit pinaka-mahirap? Unang una, ang lolo ko ay nakuhang namatay na hindi man lang naging milyonaryo sa pagtaya ng mga ganitong klase ng sugal. Ikalawa, isa sa mga kakilala ko ay sampung taon ng tumataya sa lotto at sa tinatawag niyang small town lottery, hanggang ngayon mahirap pa rin, kung sinave na lang sana niya ang mga pantaya niya sa lotto at jueteng kahit papaano malaking tulong na rin sana iyon. Ang pinakamahirap at pinakamabagal na paraan ng pag-asenso ay ang mga paraan na wala kang kontrol. Sa lotto nakikita mo kung paano ang pagbola, pero sa Jueteng, kahit hindi nakikita ng mga Pilipino, naniniwala sila, kasi nga naman may nakikita silang proof na may tumatama naman kahit papaano, yung mga taong mga nagastos na ng 10,000 at sa wakas tumama rin ng 5,000 after a few years. Alam mo bang mas malaki pa ang chance mo na maging artista kaysa sa tumama sa lotto at jueteng? Bakit? Kasi makokontrol mo ang pagiging artista mo, gustuhin mo, i-work out mo, mag-audition ka, mag-video ka at i-youtube mo at galingan mo, mas malaki ang chance kaysa sa, taya sa jueteng o lotto then come what may bahala na hangin sa kung ano man ang mangyari. Kung ganito man din lang naman ang pag-asa mo para sa pagyaman mo, may alam akong paraan para hindi mo na kailangang itaya ang kaluluwa mo kay Satanas ng dahil lang sa pagsusugal. Kung gusto mo pa rin talaga ng sugal pero sa mas matipid na paraan at mas malaking chance mo kumpara sa lotto at jueteng, why not use your mobile phone at konting barya(P2.50). Manood ng mga programa sa GMA7, ABS-CBN, TV5 at kung saan pa may chance ka na maging HOME PARTNER or manalo sa mga simpleng promo. Kailan lang pamangkin ko ay nanalo ng P50,000 sa Programa ni Pacquiao sa GMA7. Magkano ang nagastos? I think (P2.50) lang. Hindi ba at mas mura kumpara sa P20 per ticket sa lotto at P5 - P500 sa Jueteng at mas convenient pa, sa bahay ka lang at nagtetext. Although I considered na mas maganda ang pagsali sa mga TV Shows/Programs by sending SMS kumpara sa Jueteng/Lotto, still, hindi mo kontrolado ang kapalaran mo. Somehow mas madaling masabi ang salitang THANK GOD nanalo ako bilang Home Partner kumpara naman sa THANK GOD tumama ako ng jueteng(dinamay pa ang Diyos sa sugal). So, kung iniisip mo na ang kapalaran mo ay puro na lang BY CHANCE, may isa pang paraan para maging Milyonaryo ka at ang maganda dito ay KONTROLADO mo ang pagyaman mo, ikaw ang gagawa at ikaw ang magdedesisyon kung nais mo itong maabot sa lalong madaling panahon. We all know naman na sa pagiging empleyado ay pangsakto sakto lang at pang survive lang araw araw, so it is not a good option para maabot ang mga pangarap mo, but I'm not saying na iwan mo na ang pagtatrabaho mo or wag ng magtrabaho. How about abroad? Do you think na aabot ka pa ng 80 years sa mundo? Hindi? 80 years sa mundo ay napakabilis lang niyan. Kailan lang binaril si Rizal, ngayon tapos na. Kailan lang sinasabi ko sa mga kaklase ko na "Tignan niyo man niyan ang bilis ng panahon at di natin mapapansin mag-gagraduate na tayo" ngayon, 12 years ago na akong nag-graduate at 14 years ago ko ng sinabi ang mga bagay na iyon, point is, konting taon lang tayo may buhay sa mundo, bakit hindi pa natin i-spend sa mga mahal natin sa buhay? So abroad, Risk din at malaking sakripisyo at saludo ako sa mga taong nasa abroad, mga tunay kayong bayani! 


Online man at offline, may nakikita akong mga taong dating empleyado na naging milyonaryo, dating promodizer ng magic sing na naging milyonaryo, dating jeepney driver na naging milyonaryo, dating Zagu staff na naging milyonaryo, dating taong nagpaflyers na Fita lang ang pagkain na naging milyonaryo, dating construction worker na naging milyonaryo, at marami pang mga dating ganito dating ganyan na naging milyonaryo. Marahil curious ka na kung paano sila naging milyonaryo. Sa paraan at industriya na sasabihin ko, dito kontrolado mo ang oras mo, ang mga aksiyon mo, wala kang boss, walang pipigil sa iyo sa gusto mong gawin. Dito kontrolado mo ang pagyaman mo, nasa iyong kamay, utak, puso at diskarte ang susi. Ano ito? MultiLevel Marketing. Now, kung narinig mo na ang Networking ay SCAM, Pyramiding, at lokohan lang. Hindi ka nag-iisa, narinig ko na rin iyan, pero napatunayan ko na wala palang katotohanan iyon. Anyway, kung talaga masama ang tingin mo sa Networking, no problem, nandiyan lang naman ang Jueteng at Lotto para balikan and you can always HOPE na sana isang araw manalo ka man lang kahit magkano. While sa Networking, parang may checke ka na blanko, it's up to you kung magkano ang gusto mong isulat sa checke na iyon. Ngayon, saan ka mas may chance?

Friday, June 22, 2012

Full Time ka ba sa Network mo?

Dati na akong nagfulltime sa isang Network Marketing and until now masasabi ko pa rin na full time ako sa bago kong network. Alam mo ba na kahit may trabaho ka at may ibang ginagawa pwede mong ifulltime ang network mo? Kahit pa ang labas mo ay saktong closing time ng Service Center ng Network mo, maari pa ring maconsider na pinufulltime mo ang Network mo. I believe magmula ng maglabasan ang mga Social Media ay maari ng ifulltime ang mga MLM natin without leaving home, in fact may MLM nga ngayon na purely pang online lamang. Dati kasi ang definition ng full time sa Networking ay ang maghapong pagtatambay sa mga fast-foods o kaya naman sa Center. Ngayon iba na, kahit nasa trabaho ka pa maari ng gawin ang networking. For me, I consider na ang pag-iisip mo ng mga strategies, techniques, plans, goals at lahat ng mga related sa network mo ay part ng oras mo sa pagnenetwork. Kahit nasa jeep ka pa basta ang iniisip mo at mga pinaplano ay para sa Network mo, may ginagawa ka at may progress. Ang iba kasi akala nila full time na sila sa network nila porke wala silang trabaho at networking lamang ang ginagawa, hindi porke networking lang ang ginagawa mo ngayon ay fulltime ka na dito. Tanungin mo ang sarili mo bago mo sabihin na full time ka sa network marketing. Maari mong itanong ang mga ito para malaman mo kung full time ka talaga sa pagnenetwork.

1. Anong ka gumigising? Maaga ba o halos tanghali na?
2. Kung maaga, bakit maaga? dahil ba ang mga plano mo araw araw ay para sa ika-uunlad ng network mo o dahil lang sa maaga ka talagang gumigising?
3. Mula 7AM to 12PM ilang beses mo inisip o inaksiyonan ang Network mo?
4. 1PM to midnight anu ano ang mga nagawa mo para sa network mo?
5. Ilang beses at ilang oras mo tinatrabaho ang network mo?
6. Madalas mo bang maisip ang network mo o kung ano mang bagay ang related dito?
7. May specific goal ka ba para sa network mo? How about plans? May pansariling quota?
8. Nasisilip mo pa ba lagi ang genealogy mo?

Sa madaling salita, Ilang oras mo tinatrabaho at ginagawa ang networking kada araw?
Ako kasi ganito ako magnetwork, although busy man ako sa ngayon, nagnenetwork pa rin ako sa isipan ko at siyempre kailangan aksiyonan mo rin matapos mong maisip kung ano man ang naisip mo para sa network mo, dahil kung hindi, wala ring kwenta, always bring pen and a piece of paper para kung may maisip ka man, isulat mo para di mo makalimutan, you can also use your phone.

Mapasakay man ako ng jeep nag-iisip para sa team, maglakad man sa maraming tao, networking pa rin ang iniisip. Kung saan man ako mapunta, iniisip ko kung paano ko maaattract ang mga tao sa paligid ko para sila ang lumapit at magtanong tungkol sa negosyong ginagawa ko.

Kapag nag-login ka sa facebook at nakakapaglaro at inuuna mo pa ang mga browser games like tetris, hidden chronicles, empire & allies etc. aba'y tanungin mo ang sarili mo, "Gaano ako kaseryoso sa Networking?". Makikita mo naman talaga ang tunay na seryoso sa Networking sa facebook pa lang eh, walang tigil sa paghataw, ako nga naglalogin na lang sa facebook para magnetwork. Kailangan rin pati ang attitude mo sa network marketing ay maging full time hindi fooling time.

Sunday, June 17, 2012

The Bad Guys in Network Marketing

The Virus of Network Marketing


Madalas kong marinig ang turo na "Kaya mo shineshare ang negosyo natin para matulungan mo ang taong sinasabihan mo nito." Magandang pakinggan pero gaano ito katotoo? People helping people. Alam naman natin lahat na we do networking because we want to earn big money, para maabot ang mga pangarap. Ibig sabihin isang TOOL ang mga NETWORKING COMPANIES para maabot ang mga pangarap natin. Kung ang kaibigan mo ay hindi nagustuhan ang presentation mo at hindi niya maintindihan, tapos nakakita siya ng ibang company at naintindihan niya at doon na lang sumali, anong mararamdaman mo? Again, ang mga Networking Companies ay mga TOOLS para maabot ang pangarap ng isang tao. Matutuwa ka ba na magkapareho na kayo ng industriya ng kaibigan mo? Or hahanap ka ng paraan para mapatunayan sa kanya na nagkamali siya ng Company at pangit ang pinasukan niya? gagawa ka ng paraan para mapasali ang iba mong kaibigan at ipamukha sa kanya na mas marami sa mga kaibigan mo ang sumali sa iyo? Where is the respect? Magiging magkaibigan pa kaya kayo? What if ang gawin niyo ay gumawa ng healthy competition where pabilisan kayo ng hataw without ruining your friendship, tapos kapag may trainings or seminar ng mga sikat na tao like John Calub, Mr. Chinkee Tan, Coach SmurkyDad, Francisco Colayco, Vice Ganda, Tado, Willie Revillame kahit sino pa yan basta nagtuturo kung paano maging petrang kabayo, este paano mapalawak ang Network mo at paano maging isang magaling na leader, magsama kayo sa training. Pero ang masakit na katotohanan sa Network Marketing ngayon ay ang pagkakahiwahiwalay ng mga magkakaibigan dahil hindi sila pareho ng kumpanya, minsan pasikatan pa at naghahanap ng butas sa network ng kaibigan. Hindi ba at malinaw na ang isang networker ay umaasa sa network niya para mabuhay at matupad ang mga pangarap(ayan redundant na). Kung iyon ang paniniwala mo, dapat ay hindi ka magsasalita ng mga bagay na ikasisira ng Network ng kaibigan mo, dahil hindi lang naman ang kaibigan mo ang damay doon eh, lahat ng mga kasama sa Network na iyon, crossline man niya o team mates. Isang kang certified na maninira ng pangarap kung ganoon ang ginagawa mo, after all hindi totoo ang pagtulong mo, kaya naman tumutulong ka ay dahil in the end may pakinabang sayo di ba? Eh dahil ibang network ang kaibigan mo, hindi mo na siya tinutulungan, aba'y questionable ang sinasabi mong pagtulong sa kapwa na walang kapalit. Sa madaling salita, Help your people earn so that you will earn too, yan ang transparent, wala namang masama doon, tinulungan mo na ang mga tao mo, tinulungan mo pa ang sarili mo. Pero ang point kasi dito eh, kapag hindi mo na tao o wala kang pakinabang na makukuha sa kanya, wala eh, gumagana ang basic human nature or shall I say basic pinoy nature (Take and take, or Give and take and take and take and take times 1,000). Remember na kapag siniraan mo ang isang Network Company, sinisiraan mo na ang buong industriya, unless na may nakita ka talagang ikakapahamak ng iba sa Company na iyon, pwede mo silang warningan at idetalye ang nakita mong posibleng mangyari basta ang attitude mo talaga is to warn people, not to warn them so that they will join you instead. Pwede mo silang warningan ng ganito, lalo na kung new blood "Maganda ang Network marketing pero hindi lahat ng kumpanya ay mabuti ang layunin, sa company na papasukan mo eto ang nakikita ko, [Details Here], pero ikaw ang bahala, ang sa akin lang ay ayaw ko lang na mapasok ka sa isang kumpanya na baka kapag may ma-experience kang masama, iisipin mo na lahat ng kumpanya ay ganoon." Take note, kung ang kumpanyang papasukin niya talaga ay yung kumpanyang may balita ka na, pangit na ang payout, hindi totoo ang marketing plan at may hidden agenda **(Na experience ko na to)**, may mga masasamang turo sa mga tao, may bad records sa gobyerno, walang mga legalities etc. Hahayaan mo bang papasok ang kaibigan mo sa isang bahay na alam mong may nakatagong bomba? Basta remember, nagwawarn ka ng tao base sa katotohanan, hindi para lang siraan ang kumpanya at sayo na lang sumali.

The Pirate and the Free Slot: The Virus Effect

Totoong ang team mo ay part para matupad ang mga pangarap mo. Ano ba ang pakiramdam kung isa isang kinukuha ng isang tao ang number ng mga downlines mo at inu-unti unti sa text na pasimpleng update sa kumpanya niya? Tinatamingan ang Company mo na magkakonting problema then doon sila aatake? Anong pakiramdam kung unti unting dinidiskartehan ang girlfriend mo ng ibang mga lalaki? Ang mga downlines at leaders mo sa team ay isa rin sa mga susi para mapalawak ang team mo, kung hindi ganoon katindi ang training at mindset sa kanila, madali silang mananakaw ng iba. Tapos idadahilan lang ng iba na ipapakita ko lang ang negosyo ko, pero karapatan naman niya na mamili, ok lang naman yon kung ang mismong downlines mo ang gustong tumingin sa negosyo ng iba. Pero nananahimik ang downline mo at tinargetan siya ng isang Pirata at kinuha ang number para minsan mapakita niya ang negosyo niya sa kanya then later on kapag successfully niyang naipakita ang negosyo nila at pinagtulung tulungan pa siya ng mga top earners ng company nila, nawalan ka lang naman ng downline or hindi man siya nawala sa team mo, nabawas na ang kanyang focus, ano ang mangyayari non? Nasa team mo siya at possibleng magkabalak na mamirata rin sa iba mo pang downlines. Anyway wala naman akong sinasabi na mali yon, nasa iyo kung ano ang palagay mo sa ganoong klaseng kalakaran, at hindi naman ito maiiwasan ng dahil lang sa isang blog post na ito. Mali man o tama, laging tandahan lang ang Golden Rule: "Do not do unto others what you do not want others do unto you." Paano kung ang downline na napirate mo ay pinaghirapan ng dati niyang upline? ibinuhos ang oras para lang mapresent ng maayos ang negosyo? inutang lang ang pinanglibre niya ng Big Mac sa napirate mo, ipinagdasal ng gabi gabi para magpayin siya, ikinasaya niya nang mapasali na niya, tapos biglang mawawala dahil sa pamamirate mo. Ang malupit pa sa iba ay nag-ooffer ng FREE SLOT. Remember ulit, masama man o mabuti,  "Do not do unto others what you do not want others do unto you."  Sa One Piece lang magandang maging Pirata, sa Networking nakakairita.

**
Binary, With Matrix System na HINDI NAMAN GUMAGANA and other platforms na di nag-momove.