Tuesday, September 21, 2010

Diyos, Jueteng, Droga, Alak at Sigarilyo

I was watching Sapul this morning, at guest nila si Catholic Archbishop Oscar Cruz. Dalawa ang  napansin ko sa Archbishop na ito, una, ang pagsabi niya ng SUSMARYOSEP, ikalawa ang pagkuwento niya noong nasa high school pa sila na lima silang magkakabarkada at may limang babae, ang isa napakaganda at ang isa daw ay PANGIT. Alam ba ng taong ito ang kanyang pinagsasabi? Sabihang pangit ang isang TAO? Alagad ba talaga siya ng Diyos? Tama bang sabihing PANGIT ang isang nilikha ng DIYOS? Ano ang tinitingnan niya? Ang panlabas na anyo? Ok, stop na muna sa isyung iyon. Oh My God, Diyos ko at susmaryosep, mga madalas na ekspresyon na naririnig natin sa mga kaibigan, telebisyon, kapamilya, kanto, radyo, reporter, doctor at kung kani-kanino pa. Isang ekspresyon na sikat na sikat kapag may hindi magandang at magandang nangyayari o may isang pangyayaring ‘di pangkaraniwang, sikat na sikat sa mga taong hindi nagbabasa ng bibliya o nilalaktawan ang sinasabi ng bibliya na “Huwag mong gagamitin sa walang kabuluhan ang pangalan ni Yahweh na iyong Diyos. Tiyak na paparusahan ko ang sinumang gumamit nito nang walang kabuluhan.” Na nakasulat sa Exodo 20:7 na nakasulat rin sa Deuteronomio 5:11. Maiintindihan ko pa kung ang nagsasabi ay walang alam sa Bibliya, pero isang Archbishop? Ang daming alam sa jueteng tapos simpleng utos ng Diyos nilalabag, Tsk! Tsk! Tsk! Lahat tayo ay hindi dapat ginagamit ang pangalan ng Diyos sa walang kwentang salita, kuwentuhan, ekspresyon at kung ano ano pang paglalapastangan sa kanya. Pwede namang Juice Buko instead na Diyos Ko, pwede namang vicetadosex instead na susmaryosep, Oh my gay kaysa oh my God.

Hindi ako kampi sa Jueteng, pero totoo ang dahilan ni Erap, eh. Bakit ang malalaking sugal ay hindi nila ipinagbabawal? Dahil ba nagbabayad sila ng TAX? Walanghiyang katwiran naman iyan!

Parang, “Government Warning: Cigarette smoking is dangerous to your health.” Yeah! Right! Alam niyo ba ang kasunod dapat ng warning na iyan? Ganito ang kasunod niyan:

“Government Warning: Cigarette smoking is dangerous to your health, BUT who cares? We don’t care if you die, as long as we collect more taxes.”

Ito pa ang solid, ang daming kaso at masamang epektong nagagawa ng espiritu ng alak, pero hindi ipinagbabawal, bakit? Tax nanaman! Eh, ang droga bakit pinagbabawal? Dahil hindi nagbabayad ng tax, hindi dahil sa nakakasira ito ng kinabukasan, TAX TAX TAX ang dahilan. Gaano ba kalaki ang pagkakaiba ng epekto ng alak sa droga? Malaki, sinlaki ng mga krimen na napapanood ko sa telebisyon na ang dahilan ay inuman at kalasingan. Ano ba ang dahilan kung bakit patuloy ang pagtangkilik ng ilan sa mga CLUB, BAR at VIDEOKE bar na may natatagong agenda? ALAK at BABAE. Laging tinatanong kung ilang buhay na ang sinira ng droga? Eh ang buhay at relasyong sinira ng alak, tinanong na ba? Hindi ako durugista at hindi ako pumapanig sa droga, ang punto ko, kung idadahilan ng gobyerno ang kapakanan natin para puksahin ang isang masamang elemento, sana maging pantay sila, puksahin din nila ang isa pang masamang elemento, kahit pa nagbabayad ito ng buwis.

Alisin ang Jueteng, Alisin ang lahat ng pasugalan!

Puksahin ang Droga, puksahin lahat ng mga bagay na nakakasira ng kinabukasan at pamilya. Kung hindi kayang alisin ang alak at sigarilyo limitahin ang paggamit nito, taasan ang presyo hanggang sa mabawasan ang polusyon at masamang epektong nagagawa nito sa ating lipunan at kalikasan! Iboto! CHAYD para Kapitan!