Sa panahon ngayon ginagamit pa rin ang mga sikat na sikat na mga linya ni Jose Rizal. Kagaya na lang ng, “Ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan” Anong ang makukuha natin sa mga kabataan ngayon? At anong klaseng pag-asa ang tinutukoy ni Rizal? Kung buhay lang siguro ngayon si Rizal tiyak na iba ang sasabihin niya. Anong makikitang pag-asa sa isang kabataang wala ng ginawa kundi, maglaro ng DOTA, magshopping, mag-facebook, mag-farmville, maglaro ng mga online games, mag-inuman, maglakwatsa at kung ano ano pa. Hindi applicable ang sinabi ni Rizal sa panahon ngayon at hindi applicable sa lahat ng oras, sa panahon niya, oo, dahil ang bansa natin noon ay nangangailangan ng kalayaan na sa palagay siguro ni Rizal na ang mga kabataan na ang mga makakatamasa ng kalayaan na iyon, hindi ang mga matatanda, kaya nadawit ang salitang kabataan. Kung ang tinutukoy naman ni Rizal na ang kabataan ay tatanda at sila ang magiging pag-asa , ang ibig niya talagang sabihin ay, ang mga matatanda ang tunay na pag-asa ng ating bayan. Hindi rin pwedeng sabihin na, kaya nga ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan dahil ang mga matatandang nagbigay ng pag-asa ngayon ay dating mga bata, hindi pwede iyon, dahil kung iyon ang dahilan dapat sinabi na niya lang na “Nasa mga fetus ang pag-asa ng ating bayan” o “Nasa mga spermcells at eggcells ang pag-asa ng ating bayan” Alisin na natin dapat ang mentalidad at paniniwalang “Nasa kabataan ang pag-asa ng ating bayan”, pwede, pero kung iyon ang isasabuhay natin, parang wala ng silbi ang mga matatanda at kasalukuyang namamalakad ng ating bansa. Mas makabubuti kung ganito na lang ang ating isa-isip, “Nasa bawat Pilipino ang pag-asa ng ating bayan” mahirap man o mayaman, bata man o matanda, lalaki o babae, uhm ‘wag na ang mga third sex dahil sa sinabi kong lalaki o babae sila ang “O”.
Teka nga pala, anong pag-asa ang tinutukoy at hinahanap ng ating bansa? Pag-unlad? Kalayaan? Kasikatan? Kalisnisan? Kung ano man iyon, maging ikaw ang pag-asa na hinahanap ng ating bansa.