Wednesday, September 22, 2010

Sobrang paggamit ng sobra


Napapansin ko sa showbiz ngayon, inaabuso na nila ang salitang SOBRA. Sa mga interview na nakikita ko sobra talaga paggamit ng sobra, aba sumosobra na yata sila ha. Ito ang madalas kong marinig:
Sobrang saya ko talaga
Sobrang takot ko
Sobrang ganda
Sobrang galing niya
Sobrang nakaka-excite
Sobrang bait niya
Sobrang bongga
At marami pang sobra-sobrang paggamit.

Pansinin niyo!