Sabi sa akin ng mga kaibigan ko, siguro kung nag-abroad ako nung binata ako may better life na ako ngayon. At siguro rin hindi rin kambal ang mga anak ko. Pero kahit nung binata ako nahihirapan na akong umalis ng bansa dahil ayaw ko talagang iwan ang Girlfriend ko, malay ko ba kung nag-abroad ako baka iba ang makatuluyan ko or nagcrash ang eroplano at mapunta ako sa isang island kasama sina Jack, Sawyer, Kate, Locke, Hurley, Jin & Sun, Sayid at iba. Pero dahil sa hindi ako umalis may nakuha akong isang bagay na kahit ipagsama-sama mo ang mga pera sa buong mundo ay hindi papantayan ang kaligayahan na magkaroon ng anak na kambal. About naman sa future ng mga anak ko, Kaya ko pa naman silang bigyan ng mabuting Future kahit nasa Pilipinas ako. Mas maganda ng lumaki sila na kasama ako with my guidance (I think mas masaya ang mga anak ko kung buo kami at sama samang namumuhay, as long as hindi nagugutom). Gusto kong nandoon ako kapag sila ay nalulungkot at nangangailangan ng kalinga ng isa ama, gusto kong masubaybayan ang paglaki nila at nanamnamin ko bawat minuto at segundong kasama ko sila. Mayroon lamang akong 788,400 Oras dito sa mundo at ganoon din sila (Marahil hindi pa aabot, nandiyan ang aksidente at maaring maagang pagkamatay). Hangga't maari ituturo ko sa kanila ang tama at matuwid na daan, alam ko ang mga pagkakamali sa aking buhay kaya maiintindihan ko rin sila kapag sila ay nagkakamali at malaki ang maitutulong ko para matulungan silang ituwid ang kanilang mali. Sabi nga ni Joey Reyes sa talentadong pinoy, Nalulungkot daw siya na malaman na kailangang iwan ng mga Pilipino ang kanilang mga anak para lang sa ikabubuti ng kanilang kinabukasan, Ok, mayaman siya kaya niya nasasabi iyon at kung nagugutom rin siya at tiyak na maghahanap rin ng alternatibo. Nakakalungkot nga na sa ating bansa ay napakaraming mga Pilipinong nagugutom at sakto lamang ang sahod, madalas kulang pa, kaya naiisipan nilang mag-abroad. Ako, lunod sa utang at kulang pa ang sahod, pero hindi nagugutom ang pamilya ko at masaya naman kami. Nakakabusog ba ang kasiyahan? Hindi. Pero hindi rin naman ito nakakagutom, at hindi magiging masaya ang isang tao kung siya ay gutom. Sa sitwasyon ko kaya ko pa dito sa Pilipinas, dito ako nalunod sa utang, dito rin ako babangon, sama sama kaming lalaban ng aking asawa at mga anak. Habang lumalaban kami, sila ay natututo at tinitiyak kong tuturuan ko silang maging makatao, maka-Diyos at maka-bayan, pero kahit ano pang ituro ko, nasa kanila ang pagpapasya kung anong klaseng tao ang magiging sila. Ang mahalaga ay nagawa ko ang obligasyon ko bilang isang mabuting ama. Hindi lahat ng pagpapala ng Diyos ay nasa laki ng sahod, dahil kung sa sahod lang titignan ang kaniyang pagpapala, hindi ko na kailangan ang mag-abroad para humingi nito, dahil kahit sa Pilipinas ay may mga taong malalaki ang sahod, ang punto ko ay "Ang pagpapala ng Diyos ay hindi lang nakapaloob sa isang bansang maunlad, may pagpapala rin dito sa Pilipinas". If God can bless me in United States, He can bless me in the Philippines too.
Kung future ang pag-uusapan para sa aking mga anak ano nga ba ang tingin ko sa future nila? Technology? Education? Sasakyan? Magagandang damit at gamit? Ang totoo nito hindi naman talaga natin hawak ang future nila pero makakatulong tayo bilang mga magulang. Tanging gusto ko para sa kanila ay maging tunay at ganap silang Kristiyano at mamuhay ng tama at matutong tumulong sa kapwa. Mahirap man kami o simpleng buhay, gusto kong matiyak ang destinasyon nila kapag sila ay pumayapa na, ano mang oras maari tayong mamatay, dapat maging handa sa kahit anong oras. Kahit ano pang yaman mo dito sa mundo ay balewala kung ang susunod mong buhay ay palangoy langoy sa impiyerno. Ayaw ko silang maging tao na kagaya ng ilang kakilala ko, sa sobrang talino nila ay past time na lang sa kanila ang mga makaDiyos na bagay, gusto kong ituring nila na ang bibliya ang at kristiyanismo ang basehan ng kanilang paniniwala pagdating sa mga spiritual na bagay. Anong saysay ng isang mayamang matalino kung hanggang doon lamang ang kaya niyang patunayan? Ihanda ang ating mga anak hindi lang para sa kabuhayan dito sa mundo, kundi pati na rin sa susunod nilang paglalakbay -- ang langit. Ngayon, iniisip ko ba talaga ang kinabukasan ng mga anak ko? HINDI! hindi ko ito iniisip, kundi ginagawa ko ang aking makakaya para sa kanilang kinabukasan, kahit sino naman pwedeng isipin ang kinabukasan nila sa kanilang mga anak, dahil libre lang naman ang mag-isip at mangarap. Marami na akong narinig na mga magulang na nagsabi sa kanilang anak na "Para rin ito sa ikabubuti mo". Ikabubuti nga ba? o ikakapahamak? Ang pagnanais na yumaman at magkaroon ng buhay na matiwasay ay hindi maiaalis iyan sa isang tao, at kapag mayaman na sila, nanaisin pa rin nilang mas yumaman kaysa sa kasalukuyang yaman nila. Imbes na ituro ko sa mga anak ang mga makamundong bagay, ituro sa kanila ang mga makaDIYOS na bagay at mga bagay na makakatulong sa kanilang kaligtasan, spiritual man o physical. Ang pamamalagi ko sa aking mga anak ang siyang magiging pundasyon nila tungo sa isang Kristiyanong pamumuhay at TOTOONG KINABUKASAN. Hindi kinabukasan ang tawag sa pagpapayaman at pagkakaroon ng mga latest gadgets at technology, maari itong maging sangkap sa kapahamakan ng iyong anak kung hindi ito ginamit ng mabuti. Ang dami kong nakikitang mga batang magaganda ang kasuotan, nag-aaral sa mga private school, magaganda at mamahalin na mga gamit dahil sa pagsusumikap ng kanilang mga magulang sa ibang bansa, pero ang ugali naman nila ay mas marumi pa sa kasuotan ng mga taong grasa sa daan. Napakabata nila pero marunong na silang mang-mata ng kapwa, although hindi naman lahat. Sa madaling salita, AYAW KONG MAG-ABROAD, iyon lang iyon ang dami mong binasa nasa ibaba lang ang conclusion :P