Yesterday, I thought was my final day on earth. Sobrang sakit ng tiyan ko at dahil doon nahihirapan akong huminga. Nasa trabaho pa lang ako ay pabalik balik na ako sa CR. Kailangan ko pang pumunta ng bayan para bumili ng mga pinapabili ng asawa ko at diaper sa pamangkin kong nagbabakasyon sa amin. Gusto ko ng umuwi pero parang kaya ko pa naman kaya tuloy lang ako sa pagbiyahe, sakay ng jeep. Habang nasa jeep ako papuntang bayan, ramdam na ramdam ko ang sakit kaya pilit kong tinutulugan para makalimutan ang sakit. Bumili ng gaviscon para kung acid man ito baka sakaling mawala. Bumili rin ng saging dahil tubig na lang ang lumalabas sa akin. Habang nasa CR ng Jumbo Jenra, kahit hindi dapat, dahil sa sobrang sakit, kumakain ako ng saging habang nagbabawas na wala namang lumalabas. Matapos mabili lahat ng kailangan kong bilhin, sumakay na ako ng jeep papauwi. Unti-unti kong nararamdaman ang panghihina at pagkakatuyo ng aking lalamunan, sumisikip ang dibdib at nahihirapang huminga, malapit na akong mawalan ng malay pero pinipilit kong lumaban. Hinang hina na ako, at napakahirap ng huminga, nauubusan na ako ng hangin, pero ‘di ako pwedeng sumuko, kailangan kong mabuhay para sa aking asawa at sa mga kambal kong anak. Alam kong malapit na akong mawalan ng buhay kaya tumawag ako sa Diyos, humihingi ng tawad at gusto ng umiyak. Paulit ulit kong binubulong ang salitang “Jesus is my strength!”. Bigla akong natakot dahil alam kong hindi ko pa nakukumpleto ang mga requirements para makapasok sa kaharian ng Diyos. 100% kapag namatay ako, impiyerno ang bagsak ko. Takot na takot ako kaya nakiusap ako sa Diyos, “Bigyan niyo pa ako ng isa pang chance, kahit last chance na! I promise i-dedicate ko na ang buhay ko sa inyo at bilang tanda (ng aming tipan) magpapagupit ako.” Mahal na mahal ko ang buhok ko at ayaw kong ipagupit gusto ko pang lalo itong humaba, kaya ang buhok ko ang gagawin ko ng tanda ng aking pangako. Nakauwi akong nanghihina, dumiretso sa higaan at nagpabili ng gatorade para makabawi sa dehydration. Gusto na akong dalhin ng aking asawa sa hospital pero hindi ako nagpadala. Marahil nalason ako sa kinain kong ininit na menudo na tira sa handa ng aking mga anak (birthday party Oct. 10, 2010).
Hindi natin alam kung kailan darating ang kamatayan kaya dapat lagi tayong handa. Kung mamatay ka ba ngayon base sa bibliya at ang tunay na buhay ng isang Kristiyano, handa ka na ba? Alam mo ba ang isasagot mo kung tatanungin ka ng Diyos na “Bigyan mo akong dahilan para papasukin kita sa aking kaharian?” Ang pagiging mabait ay hindi sapat para makapasok sa kaharian ng Diyos, ang pagiging Kristiyano TUWING LINGGO ay hindi rin sapat.