Kung napapansin mo, pasikat na ng pasikat ang Networking
dito sa Pilipinas. Sa facebook pa lang makikita mo na ang dami sa mga kaibigan
natin ang nagpopost ng kanilang Company at mga produkto. Kung isa kang networker, mag-iingat ka kung
paano mo i-market o i-present ang iyong business dahil ito ang tatandahan ng
mga taong makakarinig nito. Isa akong
speaker ng Lokal Company dati at ang presentation ay galing mismo sa kumpanya
kung may dagdag man, ito yung tinatawag na closing at pag-oopen mind sa mga
guest na minsan ay di naman talaga close minded, minsan ay networker din na
nangangahoy, anyway, ibang topic ang pangangahoy. Sa Lokal Company ko dati, ang
pinaka-panlaban namin sa ibang mga Network Companies ay Low Entry kami pero big
opportunity, at may system kami na kahit di ka magrecruit at magbenta ikaw ay
kikita. “Walang recruit-recruit, walang benta-benta, pero ikaw ay kikita!” iyan
ang pamatay namin sa mga Flyers dati, at iyang ang pinepresent namin, A.K.A.
Multiline matrix system na kung saan, kada entry ng dalawang codes ay tumataas
ang code mo hanggang sa makarating sa pinakadulo ng tinatawag naming BOARD, at
pag nasa dulo ka na, may dalawang pumasok ulit iyon ang turo(pero 128 kung
bibilangin hindi 2), mag-gagraduate ang code mo at magkakaroon ka ng P500 at
ang code na nag-graduate ay mapupunta sa tinatawag na retirement matrix na
pwede kang kumita ng P1600 per code, kapag sumali ka may dalawang code na
ibibigay sa iyo at kada graduate ng code ay may P500 ka, so P1000, plus P1600 x
2 = P3,200 + P,1000 = P4,200. Iyon ang pinepresent, mapa-out of town man o sa
office, Sasali ka lang at eencode ang mga codes mo, maghintay at magkakaroon ka
ng P4,200. Since ang tagline o pamatay na linya namin is “Walang
recruit-recruit, walang benta-benta, pero ikaw ay kikita!” ang karamihan sa mga
nakuha naming members ay ang mga taong ayaw magbenta, ayaw magrecruit pero
naghihintay na kumita. Ayaw nila sa networking dahil ayaw nilang magrecruit at
ayaw nilang magbenta, pero dahil sa pinakita naming system mapapa-pay in ka
talaga.
Ilang buwan ay gumagalaw ang Multiline matrix system, pero
makalipas ang ilang araw, hindi na ito gumagalaw, ang dahilan ng management,
kasi daw, walang repeat orders at puro entry lang ang pumapasok? Hindi naman
ako tanga para makahalata na kada-entry ng tao ay may dalawa silang CODE na
dapat i-encode, so wala mang repeat orders, may code pa rin na dapat pumila sa
Multiline matrix system at sapat na ang mga entry para magtulak ng mga codes
para mag-graduate ang mga naunang codes, pero until now as of August 17, 2012
ang lugar at ang slot ng aking mga codes at codes ng aking mga downlines ay
nasa same spot pa rin, halos isang taon na ang nakakalipas. It’s obvious na ang
SYSTEM ng multiline matrix ay hindi talaga gumagana, kung sira man ito,
according sa pinepresent namin, ang owner ay nasa linya ng Web Development
business, how come na hindi nila ito maayos?
Today, may natanggap na naman akong text mula sa isa kong
downline na tinetext at ginugulo rin ng mga downlines niya about the Multiline
Matrix system na hindi naman talaga gumagana, napansin na nila na ilang buwan
na at In-Active pa rin ang codes ng karamihan, ibig sabihin ang inaasahan
nilang P4,200 ay hindi babalik sa kanila.
Sira ang credibilidad namin dahil sa nangyari, kahit anong
sabihin at idiscuss namin na ang problema ay ang systema ng kumpanya, hindi
sila makikinig, bakit? Dahil nung pinresent namin ang negosyo, wala naman
kaming sinabi na maaring magkaproblema ang system. So, ngayong nagkaproblema,
hindi ang kumpanya ang babanatan ng mga pinresentan namin, kami ang mananagot.
Hindi na sila maniniwala sa amin, sira ang buong industriya ng networking lalo
na kung NEW BLOOD ang nabiktima, ano ang susunod? Madadala na sila sa Networking,
hindi na kami makakapagpresent sa kanila at kung may kakilala man sila na
pinresentan namin ng kung ano mang bagong kumpanya ang meron kami, hindi maiiwasan
na masabi nila sa kakilala nila na, “Huwag maniwala sa kanila, kami nga ganito
ganyan ganyan, etc. etc.”
Isa sa mga Trainer ng kumpanyang ito na lumipat sa bago kong
kumpanya ay nabanggit sa akin na ang owner pala ay dati ng nagtayo ng Network
na nagsara din naman at itong bago mukhang magiging Malabo na rin, galit na
galit ang trainer na ito dahil 3 months daw siyang hindi binayaran ng kumpanya,
puro daw pangako kaya naman napalipat din siya.
Isa sa mga Speaker din ng kumpanyang ito ay nabanggit ko ang
isang Online Based na MLM na P50 ang entry at pwede kang kumita ng Milyon sa
pamamagitan ng Matrix. Sumali ang speaker na ito sa MLM na ito at hinataw niya
at binanggit ito sa Owner ng Lokal naming kumpanya. Ilang araw ang lumipas at
nagkaroon na rin ng P50 entry ang local na kumpanyang ito at iniisip ko na
ginaya niya ang systema ng nasabi kong Online MLM. Ilang araw din ay nabanggit
sa akin ng Trainer na napasali ko sa current Company ko na, kinopya dawn g Owner
ang systema ng online MLM na sinabi ko sa isang speaker.
Bukod sa pangongopya ng owner na ito sa systema ng may
systema, sinabi pa niyang SCAM daw ang kinopyahan niya dahil daw wala itong
office at wala daw itong product. Well, kung product lang meron naman ang nabanggit
kong Online MLM na ito, pero sa office di ko lang sure. Isa lang ang malinaw sa
akin, ang local na kumpanya ko ay nasasabing may office nga at may product,
pero hindi naman sila nagbabayad kumpara naman sa sinisirahan nilang walang
office at walang product na nagbabayad naman. Sino ngayon ang SCAM? Until now,
may pending payout pa rin ako sa kumpayang ito na hindi na narelease sa di
malamang kadahilanan.
May sabi sabi na kaya daw na-hold ang payment dahil daw sa
kinamada ang systema nila sa binary at ang iba daw ay hindi sumunod sa
patakaran na dapat ang lahat ay may Twitter, Facebook at Linkd account. Well,
kung nakamada man ang systema paano na ang pagpapakilala namin sa owner bilang
may 12 years experience sa Network Marketing. Bakit nakamada siya ng mga member
niya samantalang ang turo namin ay meron siyang 180+ IQ level ang owner na ito
at siya ang may pinakamataas na IQ sa Mensa (samahan ng mga Geniuses sa U.P.)
Sa haba ng post na ito ang pinaka-point lang ay, mag-ingat kung paano mo i-present ang negosyo mo. Remember, nakabase sa sinasabi mo ang mga sasali sa iyo.
No comments:
Post a Comment