Tuesday, August 31, 2010

Mercury Drug Sukli sa Suki Results

Mercury Drug Sukli sa Suki Results:


Akala ko ako na mananalo dahil sa dami ng coupon ko, sa bagay may chance pa naman sa ibang mga prizes na hindi pa ipinopost. 


Winners ng Mitsubishi L300


Metro Manila:
North: Ms. Bernadette Fuster Legarse
Central: Ms. Peggy Sia Go
South: Ms. Marie Joyce Basilio Del Rosario


Luzon: Francisco Arcega Serrano
Visayas: Ms. Emelita Pingcas Alumbro
Mindanao: Ms. Maritess Alberto Esteban


Congratulations! Natalo niyo ako.

Monday, August 23, 2010

The Mayhem in Manila

Ano ang nangyari? Buong Pilipinas pinapanood ang pagiging mabagal at mahina ng ating kapulisan at ilang rescue team. Hindi dapat nauwi sa ganoon ang naganap na hostage taking sa Manila. Kitang kita kung gaano kahina ang strategy ng mga Pulis natin. Hindi ko alam ang camerang ginagamit ng mga SWAT, pero isa itong camerang pwedeng ipasok kahit sa mga maliliit na butas para makita ang nasa loob nito, wala ba sila non? oras na siguro para magkaroon ng ganoong camera sa mga pulis natin. Wala bang spotlight para ilawan ang loob ng bus? Pasalamat rin sila walang granadang inihagis ang hostage taker sa kanila, dahil kung nagkataon, patay lahat ang mga nakakumpol na pulis, sa likod man o harap. Ano yung lubid na inilagay sa pinto ng bus at hinila nila na wala mang isang minuto ay nabali na?  Hanggang sa napatay ang hostage taker kitang kita ang pagiging mahina at low tech ng mga pulis na nandoon, pinasok nila ang bus na may usok pa ng Tear gas, Kuhang kuha sa camera ang itsura ng mga pulis na pumasok na masakit pa raw sa mukha ang usok ng tear gas, ano ba naman sila, kahit ba gas mask wala silang dala? Buti naman at yung mataas na opisyal ay nakapagdala ng payong para hindi mabasa sa ulan. Anong ginagawa ni PNOY? 'wag namang sabihing hindi siya pwedeng makialam, dahil dapat siyang makialam kung may mga taong nakataya na ang buhay. Kahit man lamang sana tinawagan niya ang Hostage taker or siya mismo ang nakipagnegosasyon at kahit man lang nagsinungaling na ibibigay ang gusto niya para lang mailigtas ang mga hostages. Siguradong kakalma ang hostage taker kung si PNOY mismo ang makikipagnegosasyon. Dahil ba busy si PNOY at hindi niya linya ang ganoong klaseng senaryo kaya hindi siya nakialam? 

Isa pang napansin ko ay ang pagiging magulo ng mga tagapagbalita, si Mike Enriquez na parang hindi nakikinig sa mga kapwa niya tagapagbalita ay hirit ng hirit, hindi man lang pinapatapos na makapagsalita ang mga kasama niya, tanong ng tanong. Kapag pala nininerbiyos si Mike nag-iiba rin ang boses, nawala tuloy ang pagiging astiging imahe niya sa Imbestigador.

Wednesday, August 11, 2010

Debate against INC forum member Part 2

hey chayd, nabasa ko ang mga pinost mo, at medyo naliwanagan na naman ako sa mga post mo, pero, ang pinost ko ay side ng Islam, at paliwanag ng Islam, hindi side ng INC, pero bakit pakirandam ko masama talaga ang tabas mo sa mga INC members? bakit? kung hindi ka naniniwala sa mga myembro ng INC, wag mo naman kami kagalitan, kung pwewede ay ipagdasal mo na lang kami sa Diyos na sana ay maligtas din kami katulad ng ginawa ng Panginoong Hesus nong siya ay nakapako sa krus, pinagdasal niya sa Ama ang mga tumutuligsa sa kanya. 
ok back to topic,

katulad ng sinabi ko, ang mga pinost ko ay side ng mga Islam o di kaya mga Muslim. naniniwala din sila na ang Panginoong Hesus ay nasa kalagayang tao, at siya ay tagapamagitan sa Ama. sana pinanood mo yung pinost kong link sa youtube para meron kang basehan o di kaya counter attack sa mga sinabi ng Minister ng Islam.

I answered:

Sorry kung nagmumukha mang may galit ang post ko sa mga INC.

Well, about muslim, wala akong arguments or masasabi sa kanila dahil koran ang sa kanila at bible ang sa atin, pointless kahit magquote ako ng verse sa kanila dahil koran ang sinusundan nila, hindi bible.

He Said:

tungkol naman don na sisinasabing Anti Christ ang mga INC, nagkakamali kayo, mahal namin ang Panginoong Hesus, siya ang maglalakad ng mga panalangin namin sa Ama, Siya ang magsasabi ng mga kahilingan namin sa Ama, at Siya ang tanging daan namin tungo sa Ama. ang iniisip ninyo ata ay kontra ang INC sa Panginoong Hesus, nagkakamali talaga kayo, hindi kami mga Anti-C, ang tanging tinututulan ng INC ay nasa kalagayang Diyos ang Panginoong Hesus, Sapagkat maraming patunay sa bibliya na siya ay tao, siya ay anak ng Diyos, at meron talagang Ama. pero katulad ng sinabi ko, may mga patunay din na siya ay nasa kalagayan Diyos...

Para naman sagutin ang tanong ng iba, kung bakit namin tinatawag na Panginoon si Hesus, sapagkat ito ang utos ng Ama. Mahal namin ang Ama, at mahal din namin si Hesus..

para sagutin ang tanong mo Chayd, sorry pero hindi ako sasagot ng OO o Hindi. kasi ako ay kasalukuyang naghahanap pa ng katotohanan kaya nandito din ako sa inyo upang makipag discusyon, para makakuha ng maraming opinyon mula sa inyo, katulad ng sinabi ko, ako ay nananatiling Katoliko, kasalukuyang sinusubok sa INC upang mag masid masid pa at mag research, at kasalukuyan din pinag aaralan ang relehiyong Islam....

Kaya siguro Chayd, hindi ko pa pwedeng sagutin ang tanong mong yan sa ngayon... siguro bukas, o sa mga susunod na araw, 

alam mo naliliwanagan din ako sa mga post mo at sa post ng iba, naliliwanagan din ako pag ako ay nag reresearch sa net kung Diyos ba si Hesus. Hindi sarado ang isip ko. hindi din ako bias pagdating sa mga ganyang bagay.pero may mga talata talaga sa bibliya na nagsasabing Tao si Hesus, may mga talatang nagsasabing magkaiba ang Ama kay Hesus, may mga talata din nagsasabi, na kahit si Hesus ay sumasamba sa Ama. at katulad ng relihiyon mo Chayd, may mga talata din sa bibliya na nagsasabing Diyos si Hesus.

yun lang... pero alam mo talaga, tingin ko malaki ang galit mo sa mga INC. sana ipagdasal mo na lang ang INC kung sakaling tama ang relihiyon mo. wag mo kaming kagalitan o kainisan. ipagdasal mo nalang kami katulad ng Panginoong Hesus noong siya ay nasa krus...

I said:

Actually, hindi ako ang nagtanong, si nhawz18 ang nagtatanong yata.

Hindi sa mga member, kundi sa turo ng mga ministro at pagpapaliwanag sa mga bagong miyembro, at pagsasantabi ng katotohanan na si JESUS ay DIYOS. 
Totoong MINSAN naging TAO si JESUS, kaya naman ginawa niya ang mga ginagawa ng TAO, noong nagkatawang tao siya (although siya ay DIYOS) tinaglay niya ang isang katangian ng isang tao (at please wag naman sanang mag STOP sa pagtataglay niya ng katangian ng isang tunay na tao) diyan papasok ang mga tanong na:
Bakit siya nagugutom?
bakit siya nagdadasal?
bakit niya tinawag na Diyos ang AMA?
bakit siya namatay?

at ang sagot diyan DAHIL SIYA AY TAO at wag kakalimutan ang salitang "sa mga panahong iyon" (Dahil siya ay tao sa mga panahong iyon)

at isa pang dahilan kaya ginagawa niya ang mga gawang tao sa kanyang panahon, ay para makapagSET ng example.

ano na lang ang sasabihin ng ibang hindi naniniwala sa kanya kung hindi niya ihuhumble ang sarili bilang isang tao?
sasabihin nila,
tignan mo ang taong iyon, lapast@ngan sa Ama, walang modo, walang galang.

Pero hindi niya ginawa iyon, naging masunurin siya. Ginawa niya ang DAPAT na gawin at nararapat na paggalang sa Ama. Diyan naman papasok ang kanyang

pagdarasal, pagtawag sa Diyos, pagpapakumbaba bilang isang tao at pagpapasalamat sa Ama.

at yan ay pinapatunayan ng:

"Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito ay na kay Cristo Jesus din naman:
Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,
Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: At palibhasa aynasumpungan sa anyong tao, siya ay nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus. -- Philippians 2:5-8"

Bagamat siya ay Diyos, mas pinili niyang maging alipin at maging masunurin. 


John 1:1 

In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God.

Naruto Version para mas malinaw.

In the beginning was the TOBI, and the TOBI was with MADARA, and the TOBI was MADARA.
And the Word was made flesh, and dwelt among us, (and we beheld his glory, the glory as of the only begotten of the Father,) full of grace and truth.
And the Tobi was made Akatsuki, and dwelt among us, (and we beheld his glory, the glory as of the only begotten of the Father,) full of grace and truth.


He Asked:
Ibig bang sabihin nito na ang Ama at si Hesus ay parehas Diyos? pero ang Ama ay ang Ama at si Hesus ay ang Anak. o ang nais mong palabasin ay iisa ang Ama at si Hesus. pwede bang pakiliwanag.. thanks..

I answered:

Paniniwala ko ay Diyos ang ama at si Jesus ay Diyos din, bakit? sapagkat iyon ang sinasabi ng bibliya. at kung itatanong mo saan sa bibliya matatagpuan ang mga patunay na si Jesus ay DIyos, mababasa iyon sa mga nakaraan kong post, bakit siya naging tao, nakasulat na rin sa aking mga post.

Kapatid, hinid lahat ng tumatawag sa ating Panginoon ay makakapasok sa kanyang kaharian, kung ikaw ay naghahanap ng katotohanan at sa palagay mo nakita mo na ang katotohanan sa sektang kinabibilangan mo ngayon, ang payo ko lang, magsaliksik ka pa, hanapin mo ang tunay na katotohanan, hanapin mo katotohanang iniligtas ka ng DIyos, namatay siya para sa iyo at para sa amin, kailangan niyang magkatawang tao para mamatay at tubusin tayo sa kasalanan, dahil kailan man hindi niya magagawang mamatay habang nasa anyong DIYOS, wag gawing dahilan ang kanyang pagiging masunurin at pagkamatay para kalimutan ang tunay niyang uri, isang DIYOS.

Hindi ako ang nagsabi na ang Ama at ang anak ay iisa, ang bibliya na mismo ang nagsabi.

For there are three that bear record in heaven, the Father, the Word, and the Holy Ghost: and these three are one. 1 John 5:7

I and my Father are one. John 10:30

Napakalakas na ebidensiya na ang mga talatang iyan, ano pa ba ang hahanapin ng ibang sekta para kontrahin ang mga nakasulat na iyan? bakit nila ginagawa iyon? Nililito lamang nila ang kanilang sarili. Ang mga talata nakasulat diyan ay SOLID na ebidensiya.


Thus saith the LORD the King of Israel, and his redeemer the LORD of hosts; I am the first, and I am the last; and beside me there is no God. -- Isaiah 44:6

At sinabi rin ni JESUS na:

Saying, I am Alpha and Omega, the first and the last: and, What thou seest, write in a book, and send it unto the seven churches which are in Asia; unto Ephesus, and unto Smyrna, and unto Pergamos, and unto Thyatira, and unto Sardis, and unto Philadelphia, and unto Laodicea.

And when I saw him, I fell at his feet as dead. And he laid his right hand upon me, saying unto me, Fear not; I am the first and the last:
I am he that liveth, and was dead; and, behold, I am alive for evermore, Amen; and have the keys of hell and of death. Revelation 1:17-18

Bro, willing ka ba talagang itaya ang kaligtasan mo dahil lang sa maling turo ng isang tao? Pananagutan ka ba ng ministro sa araw ng paghuhukom? ako man ay hindi basta nagdedepende sa turo ng iba, nanaliksik din ako. Sa ngayon kapatid, hindi ko masasabing nakita mo na ang katotohanan, dahil kahit nasa INC ka na, naghahanap ka pa rin ng katotohanan at diyan pumasok ang pag-aaral mo sa paniniwala ng mga muslim.

Hayaan na lang nating buksan ng Diyos ang ating puso at isipan. Mapalad pa rin tayo, kahit hindi natin nakita si Jesus at tanging mga libro lamang ang ating reference, naniwala tayo, ngunit noon, nasa harapan na nila, gumagawa ng milagro hindi pa rin sila naniwala. 

Tuesday, August 10, 2010

Supertatay

 I never felt this way before, pakiramdam ko kagabi super tatay na ako.Doing the JOB OUT sanding and sealing the plaques, hintaying matuyo, then go to the scanner and scan some photos for IDs (sideline) and while waiting for the scanner, I'm studying and reading some ebooks. Got done at 2AM and woke up at 5AM to take care of the kids (kambal), then go to work.

"It's my life, it's now or never" -- Bon Jovi

Monday, August 9, 2010

Debate against INC forum member

Sorry sa mga kaibigan kong INC, again sinasabi ko ang aking paniniwala at I will defend it no matter what.


He said:
binasa ko naman lahat ng iyong post, at sa makatuwid, naliwanagan din naman ako, o di kaya, lalong naghanap ng katotohanan. maraming talata sa bibliya na pag pinag tagpi tagpi mo, lalabas na Diyos si Hesus, pero ang punto dito ay basahin ang bibliya ng buo, hindi pag tagpi tagpiin ang mga talata, At pag binasa mo ito ng buo at iisa, maraming patunay na si Hesus ay nasa kalagayang Tao.


I answered:
tama yang sinabi mo, at mas lalong applicable yan sa INC , dahil kung talagang binabasa nila ang biblia ng buo, kagaya ng sinasabi mo, MAS MALILIWANAGAN SILA SA SUPER MEGA OBVIOUS na KATOTOHANAN, ang alin? NA SI JESUS ay DIYOS.


He said:
at alam natin lahat ng si Hesus ay pinanganak. oo meron mirakulo na pinanganak siya ng walang tatay, pero siya ay pinanganak. nasa womb ng 9 na buwan, salungat na salungat sa nature ng God, God was not born, Jesus was born.
God had no begginning.

Jesus had a beginning.


I Said:
Ok, Si Jesus ay kailangang maging tao to redeem mankind, KAILANGAN NIYANG MAGKAROON NG KATAWAN para iligtas tayo sa kasalanan, kailangan niyang mamatay, at hindi mamamatay kung hindi siya dadaan sa proseso ng pagiging tao. AT:
"And almost all things are by the law purged with blood; and without shedding of blood is no remission."



He Said:
at ang susunod, tulad ng sinabi ko, wala sa kahit ano mang translation ng bibliya na sinabi ni Hesus na siya ay Diyos. at kapag ang Diyos na ang nagsalita siya ay explicit sa kanyang pananalita katulad ng sa
Isiah 46:9
Remember the former things, those of long ago;
I am God, and there is no other;
I am God, and there is none like me



I answered:
Ok, Halimbawa, may isang batas na ang tanging makakapagpatawad sa isang Kriminal ay dapat ang pangalan ay RICHARD, may isang kriminal na handang paslangin ng mga sundalo at bigla akong dumating at sinabing, "napatawaran ka na" sa kriminal. Well, hindi ko sinabing RICHARD ako, pero dalawa lang ibig sabihin non, its either isa akong taong nagngangalang RICHARD o isa akong manloloko at sinungaling.
so i apply natin kay JESUS, its either DIYOS siya o isang SINUNGALING.

Sa paniniwala ng mga JEWS si JESUS ay kineCLAIM na siya DAW ay EQUAL sa DIYOS.
"For this reason the Jews tried all the harder to kill him; not only was he breaking the Sabbath, but he was even calling God his own Father, making himself equal with God." 5:18

Sa paniniwala ng mga JEWS at sa pagkakarinig nila, ang ipinapahiwatig ni JESUS ay siya ay EQUAL sa DIYOS, May sinabi ba si JESUS na "teka teka nagkakamali kayo, hindi ko iniequal ang sarili ko sa DIYOS". Alam naman natin na masyadong sensitive ang salitang DIYOS, kung gaano kahalaga ang deity na ito, alam iyon ni JESUS at kung alam niya ito, sasabihin niya ng diretso sa mga nagpaparatang sa kanya ng iniiequal niya ang sarili sa DIYOS, na hindi totoo ang pinaparatang nila.
at nung sinabi ni JESUS na BEFORE ABRAHAM, I AM. bakit ang laki na lang ng kapikunan ng mga relihiyosong tao noon? bakit kailangan pa nilang planuhin na patayin siya dahil lang sa salitang iyon?
at teka bakit iba ang paniniwala ng INC sa I and FATHER are ONE gayong ang mga JEWS ay muntikan nanamang pinagbabato si JESUS dahil sa pagkakasabi niyang iyon, ano ba ang ibig sabihin nung I and FATHER are ONE? well, of course sa INC iba ang meaning although obvious naman na, JESUS is CLAIMING that HE IS GOD. Ano ba ang meron ang salitang ito bakit nagkaroon ng kakaibang meaning sa INC, gayung ang mga mismong nakakarining ng sinabi ito ni JESUS ay sinabing "We are not stoning you for any of these," replied the Jews, "but for blasphemy, because you, a mere man, 
claim to be God."

Isa pa, KUNG SI THOMAS na isa sa kanyang mga apostol ay tinawag niyang DIYOS si JESUS, SINO ang INC para sabihing TAO lamang ang DIYOS na aming sinasamba?



He Said:
at si Hesus na din ang nagsabi, na iisa lang ang Diyos. at wala nang iba.. at kung si Hesus man ang Diyos, He must clear stated that "I am God" pero ang sinabi siya "I am the son of God". at hindi niya din sinabi na "I am God, i will save you from all your sins" kundi tinubos niya tayo sa Diyos Ama sa mga nagawa nating mga pagkakasala.

All in all, Jesus never said that "I am God"
Jesus never said "I am your Creator, Worship me"
No explicit statement ever

No one have ever seen God
People saw Jesus
No one can see God in this life



I Said:
But Jesus Said:

"Jesus saith unto him, Have I been so long time with you, and yet hast thou not known me, Philip? he that hath seen me hath seen the Father; and how sayest thou then, Show us the Father?"

kagaya ng sinabi ko, to see Jesus is to see God, to obey Jesus is to obey God, to love Jesus is to love God.


--------------------------------
Sa Acts 20:28 God Purchased us with his own blood

Therefore take heed to yourselves and to all the flock, among which the Holy Spirit has made you overseers, to shepherd the church of God[a] which He purchased with His own blood.

then sa Revelation 1:5,6; Revelation 5:8-9 Jesus Purchased Us by his own blood.

Beside GOD daw there is no other Savior:

Isaiah 43:10,11 - “You are My witnesses,” says the Lord, “And My servant whom I have chosen, That you may know and believe Me, and understand that I am He. Before Me there was no God formed, Nor shall there be after Me. I, even I, am the Lord, and besides Me there is no Savior.”

At si JESUS daw ay Savior

2 Peter 1:1 “To those who have obtained like precious faith with us by the righteousness of our God and Savior Jesus Christ”

OK STOP!
sa dalawang verse na iyan, parang kinocontradict ni Isaiah ang 2 Peter 1:1
Now that's Explicit, BESIDES ME THERE IS NO SAVIOR.

And who is this JESUS CHRIST na sinasabing isa nanaman Savior. So balik sa "Its either Jesus is GOD or a liar"

Ok hanggang dito na muna, marami pang mga proof pero break time na.

Anyway kahit isulat pa sa biblia ng buong buo ang salitang JESUS IS GOD, ang ayaw maniwala ay gagawa at gagawa ng paraan para mawalang bisa ang pagkakasabing ito, ang laki ng bibliya at ang daming nakasulat rito, bakit ang mga taong ayaw maniwala na si JESUS ay DIYOS ay may mga kanya kanyang interpretasyon sa mga obvious na ebidensiya sa bibliya na si JESUS ay DIYOS at ang mga ibang verse naman ay ok lang sa kanila, walang lumalabas na kakaibang interpretasyon.

para kasing may isang libro na biglang may nagustuhan ng mga madla ang isang page, let say page 25 at ang mga nakasulat dito ay pinaniwalaan nila, samantalang may isa naman grupo na nagustuhan ang page 26 at naniwala sa page 26 at bigla na lang silang naglabas ng kanilang interpretasyon na "Ang page 25 daw ay hindi talaga ganoon ang meaning at ganito, ganoon ang meaning niyan" bakit ang page 25 lang ang may biglang kakaibang interpretasyon, samantalang ang libro ay humihigit sa isang libo ang pahina.

Ganyan ang nangyayari sa mga ebidensiya na si JESUS ay DIYOS, nag-iignore sila, napapalitan, out of the blue nagkakaroon ng kakaibang translation, at all of the sudden tanging ang mga ministro lamang ang nakakaintindi.
para ngang 1+1, hindi ka maaring sumagot dahil ang meaning niyan at ang sagot diyan ay napapaloob lamang sa isang ministro.

at another mystery sa mga taong hindi naniniwala na si JESUS ay DIYOS:

ayon sa GENESIS 1:26
"Let US make man in OUR image"

US at OUR ang ginamit. Sasabihin ng iba, mga anghel ang kausap niya,(alin sa mga anghel, ayon sa bibliya hindi lamang iisa ang figure ng mga anghel, alin tayo doon)

babalik tayo sa:
In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God.
The same was in the beginning with God.
All things were made by him; and without him was not any thing made that was made.

Ok isasara ko na ito dito,

kung ano ang iyong paniniwala, iyan ang paniniwala mo, kung ano ang paniniwala ko, ito ang paniniwala ko ayon sa aking nabasa, natutunan at nararamdaman na naayon sa biblia. Hindi ako maililigtas ng iyong paniniwala, tanging si Jesus lamang ang makakapagligtas sa akin.



Well for explicit na sinabi ni JESUS na siya ay DIYOS;

"And he said unto me, It is done. I am Alpha and Omega, the beginning and the end. I will give unto him that is athirst of the fountain of the water of life freely.
He that overcometh shall inherit all things; and 
I will be his God, and he shall be my son."

Sunday, August 8, 2010

JVC at ang dakilang mangungutang

July 27, nang una kong makita ang Camcorder na lalong nagpainit sa akin sa pagiging Filmmaker. Kinabukasan, sinearch ko sa internet ang review ng cam, ok naman ito, at tamang tama sa kagaya kong mahirap na nag-aambisyon na maging isang director, writer at Film editor as in all in one package, soon actor na rin. Sa presyo nung shop na nagbebenta ng cam, masyado na itong mura, kumpara sa presyong nakita ko sa internet, ang second hand nito ay halos kalahati lang ng presyong ibinigay ng shop owner sa akin. Ang malaking problema ay maari itong mabili ng iba kung hihintayin ko pang magkapera ako bago ko bilhin. Ang ginawa ko ay nagpaschedule na sa mga nagpapautang sa trabaho ko, para lang mabili ang cam na iyon. Ilang araw akong pabalik balik para sa cam na ito, para lang tignan kung hindi pa ito nabebenta. July 30, ipinareserve ko na ang cam, pero kailangan pa ring magbigay ng advance para sigurado ko itong kukunin. Kung hindi ko ito makuha hanggang August 6, 2010, sa kanila na ang dineposit ko. Halos araw-araw kong kinukulit ang mga nagpapautang, tinitiyak ko sa kanila na sa Biyernes dapat makuha ko na ang pera. Ipinapakita ko pa sa kanila ang resibo ng cam, na may nakasulat na "Pick up on August 6, 2010". Sinasabi ko sa mga nagpapautang na, "Kailangan ko talaga sa Biyernes ha? kung hindi masasayang ang idiniposit ko." Oo naman sila ng oo, lalo na si Mang Boy na siyang may pinakamalaking halagang ipinangako sa akin. Biyernes 100% sure. Dumating ang Biyernes, isinampal sa akin ni Mang Boy ang balitang hindi buo ang ibibigay niyang pera sa akin, lagot na, bukas pa daw ang ibang hinihiram ko. Kailangang gumawa ng paraan. Dahil sa alam kong BAKA BUKAS ibibigay ni Mang Boy ang kulang na perang ipinapautang niya (20% interest, damn!) nakipagsapalaran ako sa iba kong katrabaho at nangako rin, "Kuya, pahiram muna ako ng pera, siguradong sigurado ako(kahit hindi) na babayaran ko bukas." Ipinahiram naman ako ni kuya Nes at tiniyak rin sa akin na bukas ay dapat ko itong bayaran, at tiniyak ko naman sa kanya na babayaran ko siya bukas (come what may na lang). Humiram rin ako sa pinsan ng asawa ko at ganoon rin ang ipinangako, kailangan kong panghawakan ang sinabi ni Mang Boy na "Ibibigay bukas ang kulang sa mga hinihiram ko". August 6, 2010, Official na nasa akin na ang Cam, ang problema, dapat ko itong isangla sa pawnshop para mabayaran ang taong sumama sa akin para maningil, si Mang Bert na kakaputol lang ng daliri sa makina kanina. Ang tindi niya, putol na nga ang dalawang daliri na nakabalot ng puting tela, sumama pa sa akin para lang maningil. Dahil sa ang salitang MALAS ay nasa espiritu na aking makapal na salamin, hindi tinanggap ang cam sa pawnshop, ang dahilan,  kulang ito ng mga accesories, na pwede namang mabili kahit sa mga bangketa lang. Buti na lang at pwedeng maisangla ng 2,000 ang cellphone ko, umuwi ng masaya si Mang Bert dahil nabayaran ko siya ng 1,100 at may sobra pa ako. Buti na lang napasaya ko siya sa 1,100 dahil kung ako sa sitwasyon niya, kahit bigyan pa ako ng sampung libo ay hindi ako sasaya dahil nawawala ang index at middle finger ko. August 7, 2010, ang araw na dapat sasahod ang yaya ng mga anak kong kambal, wala akong pera kaya babalik din ako sa pawnshop para isangla ang cam na nabili ko, kailangan muna akong dumaan sa mga bangketa para bilhin ang hinahanap nila sa pawnshop na accesories, USB at Jack. Masayang umuwi ang yaya ng aking mga anak dahil naibigay ko ang sahod niya, nabayaran ko rin si Kuya Nes at ang pinsan ng asawa ko dahil maliban sa isinangla ko ang pinapangarap kong Cam, tinupad rin ni Mang Boy ang pangako niya. Isa akong dakilang Filmmaker/Camera man na nasa pawnshop ang camera. Sa Biyernes ko na tutubusin. Focus muna sa screenplay.

Poor Filmmaker

Well, this is it. Nasa akin na ang Camerang gagamitin (August 6, 2010) sa mga pelikulang gagawin namin, Ako ang Director, Screenwriter, Editor at producer. Take note, wala akong pera, gagamitin ko lang kung ano ang meron ako, kagaya ng payo ni Robert Rodriguez. This is the beginning of my journey as a filmmaker. Ewan ko kung bakit na lang biglang nawala ang apoy sa puso ko para sa Photography, I guess, dahil na rin siguro nature ko ang gumawa ng mga novel, short stories, poem, songs at comics, mas malapit kasi at mas related ang film making sa mga hilig ko. Isa pa, masyado ng maraming digital photographers sa panahong ito, halos mga graphic artist na kakilala ko ay nagiging photographer.


"E TUTU" (Di totoo) ang pamagat ng una kong gagawing pelikula. At kasalukuyan kong ginagawa ang Screenplay nito. Actually, sa isip ko may sequel na nga eh, ang pamagat ng Sequel ay "HANAPEROS", at ang hanaperos ay magiging series. Siguro ganito ang mga magiging pamagat, pero di pa sigurado:
1. Hanaperos
2. Hanaperos: Sapangbato
3. Hanaperos: Margot


May big story behing that Camcorder.. Napakalaking pagsubok at struggle ang nangyari bago ko ito nabili,  gagawan ko ng story dito soon.

Tuesday, August 3, 2010

Sariling Lason

Sariling Lason
Written by: Richard  G. “chayd” Tolentino

“Hindi ka ba nagsisisi?”
“Hindi! Bakit ako magsisisi? Masarap naman ha!”
“Ganoon ba? Magsisisi ka rin balang araw.”
“Hmm! Tignan na lang natin.”
“Oo, tama tignan na lang natin.”
Usapan ng dalawang nagkakilala sa isang bahay aliwan.
“Sige pare aalis na ako!”  Sabi ng ‘di kilalang tao.
“Ok, ano nga pala ang pangalan mo?” Tanong ni Jay.
“Tawagin mo na lang akong Miguel.” Nakatalikod na pagkasabi ng misteryosong lalaki.
Dahil sa lasing na rin si Jay, tingin niya kay Miguel ay isang ilaw na nakakasilaw dahil iyon ang huli niyang nakita nang tumalikod siya. Pagkauwi ni Jay, diretso na siya sa kwarto at umaga na nang magising. Masakit ang ulo dahil sa hang-over, at ubos ang pera sa alak at babaeng nagbigay sa kanya ng panandalihang aliw.  “Marissa! Marissa!” Sigaw niya sa kanyang ka-live in. Kaagad namang lumapit si Marissa. “Nasaan ka ba kagabi?” tanong ni Jay. “Nasa sofa, dinaanan mo at hindi mo man lang ako ginising, alam mo namang kapag ginagabi ka, doon ako humihiga hanggang sa makatulog na.” reklamong sagot ni Marissa. “Ah ganoon ba? Nasaan si Ashley?”  tanong ulit niya kay Marissa. “Lunes ngayon, may pasok siya. Saan ka nanaman ba pumunta kagabi at hanggang ngayon ay amoy chico ka pa rin?” Tumataas na boses ni Marissa. Nagsigawan ang dalawa, pero nagkabati rin na parang mga bata. Pinagtimpla ng kape ni Marissa si Jay, at iyon na ang pinaka-almusal niya, wala ng oras para kumain pa, malelate na siya sa trabaho.
            Driver si Jay ng pamilyang Marty, isang mayamang pamilya sa lungsod ng Angeles. Ginagamit niya ang kanyang trabaho para gawing palusot sa kanyang kalive- in tuwing ginagabi siya ng uwi. Kilala si Jay ng mga kaibigan niya bilang isang matinik na babaero, at siya mismo, alam niyang maliban kay Ashley, mayroon pa siyang ibang mga anak sa mga babaeng nakarelasyon na niya dati, hindi nga lang niya alam kung sino sa mga naging babae niya ang nabuntis. Hindi na rin niya mabilang ang mga niloko na niyang babae. Nagpagawa ng pekeng ID si Jay para magamit ito sa kanyang pagsisinungaling tuwing nanliligaw siya. Jun Tolentino, ang pangalang nakalagay sa ID na ipinagawa niya, hindi niya tunay na pangalan at hindi rin totoong address ang nakalagay, kung sakali mang maghabol ang babae, hahabol siya sa wala, at kahit hanapin pa niya ito sa address na nakalagay sa ID, hindi niya rin makikita. May extra cellphone si Jay sa compartment ng kanyang motor, at iyon ang kanyang ginagamit sa panloloko ng mga babae. Pagkatapos makuha ang gusto sa isang babae, itinatapon na niya ang sim card na binili nang araw na makilala niya ang kanyang bibiktimahin, kada isang babae, isang sim card. Sa lahat ng mga naging babae niya, si Marissa lamang ang inibig niya, at lalo pa niya itong inibig nang magkaanak sila.
            Mahal na mahal ni Jay si Ashley at Marissa, pero hindi pa rin nawawala ang paghahanap niya ng, wika nga niya “ibang flavor”.  Hindi masusukat ang pag-ibig ni Jay sa labing pitong taon niyang anak na babae na si Ashley. Dahil sa kanyang pagmamahal, kahit ang mga tambay ng kanilang barangay ay hindi makatingin sa kanyang anak, dahil kung mahuli ni Jay ang sinumang may malaswang tingin sa kanyang anak, tiyak na masasaktan niya ito. Walang taong gustong umaway kay Jay sa kanilang barangay, dahil hindi na mawawala sa isipan ng mga tao ang ginawa niya sa dalawang tambay na nambastos sa kalive-in niyang si Marissa, bugbog sarado ang dalawa at tuwing nakikita nila si Jay, para silang nakakakita ng halimaw. Sabi nga ng iba, may ginawa raw na katakot takot si Jay sa dalawa, kaya ganoon na lamang ang takot nila. Lahat ng bagay na nais ni Ashley, pinipilit ibigay ni Jay, mapa-laptop, ipod, iphone at kung ano ano pang mamahaling mga gamit.
            Napakatalinong bata ni Ashley, hindi man siya ang top 1, lagi naman siyang nasa top 10 mula nang nasa elementarya pa siya. 4th year high school na siya ngayon, at nagdadalaga na, may magandang mukha, kaakit akit na katawan at makinis na kutis. Kahit matalino siya, hindi siya ang tipo ng babae na mahirap lapitan. Kahit ang mga sikat na barumbado sa paaralan nila ay nagiging kaibigan niya. Isang tipo ng babae na gagawin mo ang lahat, maging kaibigan mo lang. Isa sa mga kaibigan niya ay si Daniel, isang lasenggong estudyante. Si Daniel ang pinakaunang nanligaw kay Ashley, at siya rin ang pinakaunang na-busted, kaya naman kinaibigan na lang niya ito. Hindi nawawala ang masamang balak niya kay Ashley, humahanap lamang siya ng pagkakataon para magawa ito, isang paghihiganti sa ginawang pagbusted ng dalaga.
            Biyernes ng hapon, makulimlim ang panahon, pauwi si Ashley at, “Ash, tara sumabay ka na sa akin, may dala akong payong, baka biglang bumuhos ang ulan, mababasa ka.” Halok ni Daniel.  At Bigla ngang bumuhos ang napakalakas na ulan, kaya naman napilitan ring sumabay ang dalaga sa binatang wala ng inisip kundi paghihiganti. “Masyadong malakas ang ulan, punta muna tayo sa bahay.” Halok ulit ni Daniel. “Sige, ihatid mo na lang ako kapag tumila na ang ulan” sagot ni Ashley, “Oo, ihahatid na lang kita.” At nakarating nga ang dalawa sa bahay nina Daniel. Tinext ni Daniel ang bestfriend niyang si Jerry, “Pre, may inuman dito punta ka, may chicks ako, dala ka ng red horse, lasingin natin.” Dahil sa malapit lamang ang bahay ni Jerry kina Daniel, madali siyang nakarating at may dala ng kalahating case ng red horse. “Hindi ako iinom ha?” Pakiusap ng dalaga. “Kahit konti lang Ash, kasama mo naman ako, magkaibigan naman tayo, at hindi ka naman lalasing sa isang baso lang.” wika ni Daniel. Nakuha nila sa pilit ang dalaga at paulit ulit nila siyang pinipilit para inumin ang isang baso na kasunod pa ng isa pang baso. Isang oras ang lumipas, at nalasing na ng tuluyan si Ashley. Kumakanta, sumasayaw at pabirong naghuhubad. “Kunin mo ang cellphone ko sa bag.” Utos ni Daniel kay Jerry. “Ash, tara higa muna tayo sa kwarto lasing ka na eh.” Ang simula ng masamang balak ni Daniel. Dahil sa kalasingan, kahit anong sabihin ni Daniel ay sumusunod ang dalaga. “Magsesex kami, ivideo mo kami. Pagkatapos ko, ikaw naman” bulong ni Daniel kay Jerry, na lubos naman niyang ikinatuwa. Hinubaran ni Daniel ang dalaga at sinimulang halikan ang mga maseselang parte ng kanyang katawan. Mukhang nagugustuhan naman ng dalaga ang ginagawa ng mapagsamantalang binata. Matapos ang kanyang pagsasamantala, pinalitan naman ni Jerry si Daniel, habang siya naman ang humawak ng cellphone habang bini-video ang kahayupang ginagawa ng kasama.
            Gabi na ng makauwi si Ashley sa bahay, buti na lang at wala pa ang kanyang ama na si Jay. Masyadong abala si Jay sa pakikipagtalik sa isa sa mga katulong ng boss niya, kaya naman halos madaling araw na rin siya nakauwi. Si Marissa naman ay alalang-alala hanggang sa makuhang makatulog sa sofa, kahihintay sa lalaking itinuturing niyang asawa.
            Kinabukasan, hindi pumasok si Ashley, kaya kinausap siya ni Jay. “Dati rati, kahit alam mo ng walang pasok, parang gusto mo pang pumasok, ano ang problema bakit bigla ka na lang tinamad?” Tanong ng ama sa anak na matamlay ang itsura. “Wala po!” sagot ng dalagang hindi makatingin ng diretso sa kanyang ama. “Alam mo? Anak kita, kaya alam ko na may problema ka, lalaki ba?” patuksong tanong ni Jay. Napatitig si Ashley sa amang malapit ng ngumiti, at biglang  yumakap si Ashley sa kanyang ama at umiyak, isang masakit na iyak, walang nagawa si Jay kundi manahimik na lang at pinili na lang niyang huwag alamin ang dahilan ng pag-iyak ng kanyang anak, dahil iniisip niyang lalo lang itong makakasama sa damdamin ng anak.
            Naging palaisipan man kay Jay ang pag-iyak ng kanyang mahal na anak, kailangan pa rin niyang kalimutan ang tungkol dito at ituon ang pansin sa trabaho. “Pare, balita ko na jerjer mo na si Che-che.” Pabirong sabi ng hardinero kay Jay. “Hmm! Ako pa! wala namang akong babaeng ginusto na hindi nakukuha.” Mayabang na sagot naman ni Jay. “Navideo mo ba?” tanong ulit ng hardinero, “tanga ka ba? E kung makita ni Marissa, edi lagot ako!” mataas na boses na pagsagot ni Jay habang pasakay sa sasakyan ng boss. Pagkahatid ni Jay sa kanyang boss, dumiretso na siya sa kusina para puntahan si Che-che. Dali-dali silang pumasok sa banyo at sabik na sabik silang naghalikan. “Sandali, gawin mo sa akin ito.” Wika ni Che-che habang kinukuha ang cellphone sa kanyang bulsa. Binuksan ang isang video na kakasend lang ng kaibigan niya kaninang tanghali, ipinakita ito kay Jay, napatigil siya at napaluha. “Bakit?” tanong ng katulong. “Pahiram muna ng cellphone mo, Anak ko iyan, uuwi muna ako!” nanginginig niyang boses. Nagbihis at mabilis siyang tumakbo gamit ang sasakyan ng boss sa paaralang pinapasukan ng kanyang anak. Hinanap niya ang punong-guro at ipinakita ang video. Mabilis namang ipinatawag ng punong-guro ang nakilala niyang dalawang binata sa video, si Daniel at Jerry. Nang makita ni Jay ang dalawang binata, nagdilim ang kanyang paningin kaya nabunot niya ang kanyang baril na inisyu ng kanyang boss at pinagbabaril ang dalawang estudyante. Dahil sa nabigla lamang siya sa kanyang ginawa, itinapon ang baril at tumakbo papalayo. Itinakbo sa hospital ang dalawang binata na parehong nag-aagaw-buhay, ngunit huli na ang lahat bago pa sila nakarating sa hospital. Dahil sa hindi makayanan ng konsensiya ni Jay ang pagpaslang niya sa dalawang estudyante, siya na mismo ang sumuko sa mga pulis. Ikinulong siya sa City Jail, at nang mabalitaan ito ng punong-guro ng paaralan ng mga biktima, binisita niya ito at kinausap.
“Alam mo bang parehong walang ama ang pinatay mong mga bata?” tanong ng punong-guro.
“Lumaki silang magkaibigan dahil sa pareho sila ng mundong ginagalawan, lumaking walang ama.” Dagdag pa niya.
Nakayuko lamang si Jay at nakikinig, alam niyang kahit na ano pang sabihin niya sa punong-guro ay hindi na rin maibabalik ang kanyang ginawa. Umalis ang punong-guro, na siya namang pagdating ng dalawang ina ng mga batang nawalan ng buhay.
Si Clara, ang ina ni Daniel, at si Debbie, ang ina naman ni Jerry. Umiiyak nilang nilapitan ang nakayukong nagsisising si Jay. “Walanghiya ka! Hindi mo alam kung gaano ang paghihirap ko para palakihin si Daniel! At pinatay mo lang siyang parang hayop!” galit na pagkakasabi ni Clara na hakbay naman ni Debbie. Kilalang-kilala ni Jay ang boses ni Clara, kaya napatingin siya. Napaluhod si Clara nang makita niya si Jay at lalo namang napaiyak si Debbie at sinabing, “Jun, pinatay mo ang sarili mong anak!”  Napatingin si Clara kay Debbie, at sinabing, “Anak rin ni Jun si Daniel.” Lalong nadurog ang puso ni Jay sa kanyang narinig. Jun ang pagkakakilala ni Clara at Debbie kay Jay, dahil sa peke nitong ID, dalawa lamang sila sa mga babaeng niloko, binuntis at iniwan niya. Parang inihulog sa napakalalim na bangin si Jay, ang pagsisisi ay hindi sapat na salita para sa nararamdaman niya.
“Sabi ko na sa iyo, magsisisi ka rin balang araw.” Sabi ng isang boses na nanggagaling sa likod ni Jay.
“Miguel? Ikaw ba iyan? Nasaan ka?”
“Tulungan mo ako!”