Isa sa mga napapansin kong bagay na hindi masyadong napapansin ng mga hindi gaanong tsismosong kagaya ko, ay ang hindi pagsunod ng ilang kababayan natin sa mga simpleng alituntunin lamang. Kung mapapansin ninyo na bago pa man nila lagyan ng BAWAL ANG UMIHI DITO ang isang pader, kailangan marami muna itong ihing maconsume bago mapromote at malagyan ng vandalism na BAWAL ANG UMIHI DITO, minsan medyo mataas agad ang pagkakapromote "ASO LANG ANG UMIHI DITO". Matapos pagtapunan ng isang libong beses na basura ang isang lugar, may biglang tao ang makakarealize na, "Ang sagwa palang tignan kapag may basura dito, makapaglagay nga ng, "Bawal magtapon ng basura dito" Sa madaling salita, makikita ang BAWAL ANG UMIHI DITO sa isang pader na mapanghi, makikita ang BAWAL MAGTAPON NG BASURA DITO! sa isang mabasurang lugar. Pero ang hindi ko talaga maintindihan ay ang pagsasakay ng mga ilang DRIVER sa mga NO LOADING and UNLOADING area, kagaya na lang ng nakunan ko:
No comments:
Post a Comment