Tuesday, January 1, 2013

The 35cents Story

Habang nasa jeep ako, nagbabasa ng ebook sa cellphone, nabasa ko ang kwento ni CHIP COLLINS, at nakakarelate ako kaya naman, maluha luha ako sa paligid ng mata ko. Kung nasa kwarto lang siguro, talaga maiiyak ako, dahil alam ko ang pakiramdam ng  ganoon dahil hindi lang isa o sampung beses sa akin nangyari, kundi maraming beses, at mangyayari pa hangga’t hindi ko totally nawowork-out ang future ko at ng pamilya ko. Si Collins ay may 35cents na natitirang pera, ang sabi niya sa kanyang sarili, “Hindi ko man lang mabibili ng gatas ang aking mga anak at pagkain para sa asawa ko, hindi ko na alam ang gagawin” Nasa Church siya nang mangyari ang bagay na ito. Ang sabi niya “Ok, Diyos ko! Ibibigay ko lahat ng 35cents ko, at walang wala na ako, ibibigay ko na ang huling pera ko, kung uubra man ito para sa akin, gagawin ko lahat ng gusto niyo, di ko na alam ang gagawin ko”. Ibinigay niya ang lahat ng pera niya at umalis. Habang papaalis siya, may tumawag sa kanya “Chip! Chip, halika dito”. “Kilala mo ako?” tanong ni Chip. “Oo, pumunta ka sa opisina last week at tinanong mo kung makakapag-TALK ka”.  “Ah, Oo tama!”. Sabi ng tao, “Nakapag-desisyon ako na kukunin kita para makapag-TALK ng walong beses dahil ang negosyo ay nagiging mabuti itong nakaraan, ayos lang ba sayo kung bibigyan na kita ng Cheque at mag-babayad na ako ng advance?” At nakakuha siya ng $400 na para sa kanya ay parang 4 Million dahil nakabili na rin siya ng gatas para sa mga anak niya at pagkain para sa asawa at mababayaran na niya ang bayad sa bahay nila.  Naaalala niyo ba ang READ MORE >>>

No comments:

Post a Comment