Habang naka-upo ako sa front seat ng jeep, ang driver at ang
kakilala niya sa likuran ko ay nagkukwentuhan, but more on nagrereklamo with
their love ones, paramian sila ng reklamo sa mga mahal nila sa buhay, mukhang
ang anak ng driver ay nag-asawa ng maaga, walang trabaho, and buong oras na
nakasakay ako puro na lang reklamo. Hindi ko alam kung ano ang point nila, para
ba ipakita na cool sila dahil nangangaral sila sa mga anak nila at narinig ko
pa nga na pinalayas pa niya ang sarili niyang anak dahil sa parang parasite na
sila, and I keep on hearing na masarap daw ang buhay nila na matutulog na lang
at kakain. Sa ginagawa ng driver na ito, kung makikilala ko man ang anak niya
at makikita, ang unang papasok sa isip ko ay ang mga reklamo ng tatay na ito. I
mean, what's the point na siraan mo ang miyembro ng pamilya mo sa maraming
tao, kapag nakita nila ang siniraan mo ano ang mararamdaman o impression ng
makakakita? "Ang taong iyan ay tamad at palamunin lang" gusto ba ng
tatay na ito na negative ang tingin ng mga tao sa anak niya? Walang saysay ang
pagrereklamo mo sa tao kung sa iba mo naman ito sinasabi, ano ba ang magagawa
ng pagsasabihan mo? Siya ba ang makakapagsolusyon sa nirereklamo mo? Ang anak
niya ang pinoproblema niya pero sinasabi niya sa kaibigan niya na puro reklamo
rin. Matatapos ang usapin nila na walang solusyon ang magaganap, kundi puro
kasiraan ng mga nadamay na tao. Base sa aking pagsusuri, ginawa nila ang
walang kuwentang pagrereklamo na iyon for the sake na may mapagkuwentuhan lang.
Minsan kakareklamo natin, hindi natin alam na nasisira na pala ang mga taong nadadamay sa reklamong walang kakwenta kwenta. Bago magreklamo at magkalat ng kung ano ano, isipin mo muna ito:
1. Ano ang point ko sa pagrereklamong ito?
2. May madadamay bang mga tao?
3. Kapag natapos ang usaping ito, may mapapala ba ako? Masosolusyunan ba ang problema ko sa taong nirereklamo ko?
4. Makatarungan ba na pag-usapan ang mga negative na ugali ng isang tao habang wala siya?
5. Sino ba ang mas masama? Ang taong pinag-uusapan habang nakatalikod o ang taong nagkakalat ng kung ano ano sa kanya.
Let no corrupting talk come out of your mouths, but only such as is good for building up, as fits the occasion, that it may give grace to those who hear.- Ephesians 4:29
Do not grumble against one another, brothers, so that you may not be judged; behold, the Judge is standing at the door. - James 5:9
-- More at: http://www.openbible.info/topics/complaining