Wednesday, December 26, 2012

RH Bill can't Stop God's Plan


Hindi ko masyadong naiintindihan ang RH Bill na ito, pero ang malinaw lang sa akin ay against ang mga ilan Religious Group dito. And naririnig kong dahilan ay ang pagiging labag daw nito sa Bibliya, pagpigil sa buhay, kaya nga may PRO-LIFE. If I will support RH Bill, is that mean I am ANTI-LIFE? No. By the way, I’m not ANTI-RH Bill or PRO. Neutral lang ako, pero ipopost ko lang ang napapansin ko sa ilang religious group. As a Christian, I believe na ang pakikialam o paglabag sa batas ng Diyos ay masama. When we say Batas, lahat ng batas niya. Now, let’s talk about PAGPIGIL sa BUHAY ng TAO at pag-CONTROL sa populasyon, but before that, itatanong ko muna ang mga ito:

1.       Do you believe in God?
2.       Do you believe that God’s Plan can’t be change by HUMANS or HUMAN LAW?
3.       Do you believe that God is Powerful?

Since, we are talking about religious group, naniniwala ako na ang sagot sa mga tanong na iyan ay YES!

Gagagawa ako ng example, YOU, the reader of this post. Do you think you’re an accident? Hindi ka pinlano ng Diyos? Of course, naniniwala ka na pinlano ka ng Diyos, unless you're an atheist. Let’s go back bago ka gawin ng tatay mo, bago magsiping si Nanay at si Tatay, kunwari noong time na iyon ay inilabas na ang RH Bill at apektado ang mga magulang mo, palagay mo isisilang ka pa ba? Mapipigilan ba ang pagsilang mo? Ang pag exist mo sa mundong ito? Now, let’s apply that sa lahat ng tao at magiging mga tao. Palagay mo ba ang RH Bill ay mapapalitan niya ang PLANO ng DIYOS kung sino ang gusto niyang gawing TAO? Kung isa kang relihiyoso at naniniwala na ang lahat ng Tao ay pinlano ng Diyos, what makes you think na ang mga future na tao na nakaplanong gagawin ng DIYOS ay mapipigilan ng RH Bill? Mapataong grasa man yan, nagpapalimos, if God said, GO! Go talaga, magiging tao at tao siya. Just look at Nick Vujicic, walang kamay, walang paa just look at how many people ang napapalakas niya ng loob, na-eencourage at na-aapreciate ang buhay nila dahil sa nakikita nila kung gaano sila ka fortunate na may kamay at paa sila. Nick Vujicic although walang paa at kamay, naabot niya ang hindi naabot ng isang taong buo ang mga parte ng katawan, aksidente lang ba si Nick Vujicic? Palagay mo? So let’s go back sa Plano ng DIYOS, since naniniwala ka na HINDI mababago ng TAO ang PLANO ng DIYOS. Why bother? Instead na magsakripisyo ka para makigulo sa mga nagwewelga at nagsspray ng mga kung ano ano sa mga ding ding at pagdidikit ng mga poster sa kalsada laban sa RH Bill, Why not, Spread the WORD of GOD and talks more about JESUS? Am I saying na hayaan na lang silang ipasa ang batas na ito? Ang daming kumontra, ang daming nagwelga, may nangyari ba? May nagbago ba sa desisyon nila? Again, Christian tayo di ba? did we forget the power of PRAYER? Why not pray about it? Isn't Prayer can even move mountains if we have enough FAITH? Bakit hindi na lang magfocus sa tunay na katotohanan? Kung magagawa niyong Christian ang maraming tao, mga tunay na Christian, ano ano ba ang mga maiiwasan nilang kasalanan? Palagay niyo coveered ba diyan ang Pre-marital Sex? Maybe mas maganda ang Mundo kung focus na lang siguro ang mga simbahan sa pagpipreach ng Salita ng Diyos at maparami ang mga Desipulo ng katotohanan.

By the way, kung totoo man ang narinig ko na mag-sstock ng mga Condoms at ibang contraceptives sa mga Barangay Health Center, sino kaya ang hihingi ng Libre dito? Mga walanghiya? (Joke) kung pagbili nga lang na may bayad kasi ikinakahiya ng iba, what more kung hihingi ka lang. 

No comments:

Post a Comment