Friday, December 28, 2012

Reklamador na Driver


Habang naka-upo ako sa front seat ng jeep, ang driver at ang kakilala niya sa likuran ko ay nagkukwentuhan, but more on nagrereklamo with their love ones, paramian sila ng reklamo sa mga mahal nila sa buhay, mukhang ang anak ng driver ay nag-asawa ng maaga, walang trabaho, and buong oras na nakasakay ako puro na lang reklamo. Hindi ko alam kung ano ang point nila, para ba ipakita na cool sila dahil nangangaral sila sa mga anak nila at narinig ko pa nga na pinalayas pa niya ang sarili niyang anak dahil sa parang parasite na sila, and I keep on hearing na masarap daw ang buhay nila na matutulog na lang at kakain. Sa ginagawa ng driver na ito, kung makikilala ko man ang anak niya at makikita, ang unang papasok sa isip ko ay ang mga reklamo ng tatay na ito. I mean, what's the point na siraan mo ang miyembro ng pamilya mo sa maraming tao, kapag nakita nila ang siniraan mo ano ang mararamdaman o impression ng makakakita? "Ang taong iyan ay tamad at palamunin lang" gusto ba ng tatay na ito na negative ang tingin ng mga tao sa anak niya? Walang saysay ang pagrereklamo mo sa tao kung sa iba mo naman ito sinasabi, ano ba ang magagawa ng pagsasabihan mo? Siya ba ang makakapagsolusyon sa nirereklamo mo? Ang anak niya ang pinoproblema niya pero sinasabi niya sa kaibigan niya na puro reklamo rin. Matatapos ang usapin nila na walang solusyon ang magaganap, kundi puro kasiraan ng mga nadamay na tao. Base sa aking pagsusuri, ginawa nila ang walang kuwentang pagrereklamo na iyon for the sake na may mapagkuwentuhan lang.

Minsan kakareklamo natin, hindi natin alam na nasisira na pala ang mga taong nadadamay sa reklamong walang kakwenta kwenta. Bago magreklamo at magkalat ng kung ano ano, isipin mo muna ito:

1. Ano ang point ko sa pagrereklamong ito?
2. May madadamay bang mga tao?
3. Kapag natapos ang usaping ito, may mapapala ba ako? Masosolusyunan ba ang problema ko sa taong nirereklamo ko?
4. Makatarungan ba na pag-usapan ang mga negative na ugali ng isang tao habang wala siya?
5. Sino ba ang mas masama? Ang taong pinag-uusapan habang nakatalikod o ang taong nagkakalat ng kung ano ano sa kanya.


Let no corrupting talk come out of your mouths, but only such as is good for building up, as fits the occasion, that it may give grace to those who hear.- Ephesians 4:29

Do not grumble against one another, brothers, so that you may not be judged; behold, the Judge is standing at the door. - James 5:9

-- More at: http://www.openbible.info/topics/complaining

2 comments:

  1. * siraan, kasiraan, siniraan :)

    ReplyDelete
  2. thanks for correcting, sabi ko na nga ba sablay basta letrang H.

    ReplyDelete