One day, may isang matandang umiiyak at humihingi ng tulong sa office namin. May dalang reseta at kung anu ano pa, umiiyak siya at sinasabi niyang nakakahiya man, kailangan niya itong gawin para makabili ng gamot. Walang isip isip binigyan ko na. Some will say, GIMIK lang yan bakit mo bibigyan? Ang tanong dito, paano ka nakakasiguro na GIMIK lang iyon? what if NOT? Gagamitin lang iyan sa sugal, what if not? ang tinitignan dito, kung may lumapit sayo na tao at hihingi ng tulong pinansiyal, kung may mabibigay ka naman, are you willing to give? or magduda na lang na gagamitin lang ito sa kalokohan o ang iba sinasabi, ipambibili lang nila iyan ng DRUGS. Are you really concern sa kalagayan ng tao? Ayaw mo siyang mag-DRUGS? o ayaw mo lang talagang tumulong dahil NAIINIS ka sa pagmumukha ng nagpapalimos sa iyo? Ginagawang palusot ang pagiging MALINIS na kunwari ay ayaw mong magDRUGS ang nagpapalimos sa iyo. Ang part mo is, mamigay sa nangangailangan, hindi naman tayo sigurado kung saan niya gagamitin ang perang ibibigay mo. Kung duda ka at concern talaga na gagamitin niya ito sa drugs or kung saan mang kalokohan. Buy Him/her something nalang na makakain niya, you're concern right?
Ang iba kasi, hindi na sila magbibigay sa mga nagpapalimos, sinisiraan pa nila ito. Walang wala na nga ang tao, sinisiraan mo pa, ANONG KLASENG TAO ka? Kung ayaw mamigay sa mga nangangailangan HUWAG KA NG MAGPALUSOT at gawing PALUSOT pa ang PANINIRA sa kanya.
Well, si Lola na lumapit sa amin, according to her, gagamitin niya sa DRUGS(Gamot) ang pera :)
By the way, hindi ako nag-eexpect ng anumang kapalit sa pagtulong ko kaninu man, but after helping this Old lady, dumami ang mga CLIENTS at INQUIRIES ko sa online business. Maybe coincidence, but I do believe na kung ang BOSS na natutuwa sa kanyang empleyado ay binibigyan ng REWARD, ang DIYOS pa kaya na nakakakita sa mga ginagawa mo. Anyway i'm not helping for the sake of rewards. Gusto ko lang talagang makatulong.
** Hindi siya ang nasa PICTURE
Credit goes to: http://www.treklens.com
No comments:
Post a Comment