Kagaya ng naisulat ko na sa Ang Talambuhay ni Ahrean.
Sa ating bansa kapag nakakita ang karamihan sa mga Pilipino na isang Puti, sinasabi kaagad nila na siya ay Amerikano. Walang kwenta kung German, Russian, British, Australian o kahit anong puti ka pa, basta puti ka, isa kang Amerikano sa karamihan ng mga Pilipino. Kung maitim ka naman kahit saan ka pa galing, kung hindi ka tatawaging aeta, Negro ang itatawag sa iyo. Hindi rin nakakawala ang mga singkit na mata dahil sila ang tinatawag nating Intsik, Hapon at Koreano. Madali naman malaman kung Hapon ba siya o Intsik o Koreano. Pero kung Indonesian o Malaysian, parang Pilipino na rin. Minsan sa Estados Unidos may isang Pilipino na tinanungan ng isang batang Amerikano kung nababasa ba daw niya ang mga nakasulat sa TV, Chinese ang mga nakasulat. Ang sabi ng Pilipino ay "I'm a Filipino, not Chinese" at ang sabi ng bata ay "what's the difference?". Marahil ganoon din sa kanila, nalilito sila sa atin kagaya ng pagkakalito natin sa ibang Nasyon. Kagaya ng nasabi ko sa Talambuhay ni Ahrean,
"Kapag naman nalaman natin na hindi pala siya sa America nakatira, kundi sa Russia, iko-consider naman siyang Amerikanong nakatira sa Russia." -- Talambuhay ni Ahrean March 20, 2010 - Asenso
No comments:
Post a Comment