Wednesday, June 2, 2010

Sakit ng ulo

    Pumunta ako sa Pawnshop kaninang lunch break, at isinabay na rin ang pagbili ng gatas. Nakakasakit ng ulo ang interest na binayaran ko sa nakasangla kong laptop, tapos bibili pa ng gatas. 

     Ang pinaplano kong bibilhin na Printer ay tuluyan na yatang matutunaw. Maghahanap nanaman ng mahihiraman para mabili ang printer. Kailangan ko ang printer na iyon para sa mga bago kong customers. Ipinagawa ko naman ang dalawa kong nasira T10, hindi naman nagawa nung technician. Ang problema lang ay CLOGGED ang ink, pero nang kukunin ko na, naging dalawa ang problema ng isang printer, ang dating clogged, ngayon ay di na rin madetect ang ink. Lalong nasira, tinamaan daw ang board. Ang masakit pa nito may service charge pa daw na 350. Ang sabi ko, hindi na nagawa magbabayad pa ako? lalo ng gumrabe ang isa magbabayad pa ako? siyempre sa telepono ko lang iyon sinabi, dahil malambot na ako kapag kaharap na mismo ang tao. Nagtampo yata ang technician dahil galit ang tono ko sa telepono, kaya sige daw wag ko na daw bayaran, pero nang pipikapin ko na, naisip niya 100 na lang ang aking babayaran. Hindi ako naniniwala sa karma, pero kung papansinin kong mabuti ang buhay ko, parang nakakarma ako sa isang bagay na hindi ko naman ginawa. Bayad sa kuryente, tubig, bahay, gatas kada ikatlong araw, hulugan at iba pang mga utang. Kahit sahod ko hindi kasya, mabuti na lang at patuloy na ngumingiti sa akin ang kambal kong anak, na siyang nagpapaalis ng aking sakit ng ulo at problema. Salamat na rin sa Diyos at financial problem lang ang hinaharap ko ngayon at hindi isang matinding sakit. Ang iba kahit mayaman na mayaman pero may isang sakit na mahirap ng magamot ng isang taong manggagamot lamang, kung alam lang sana na si Jesus ay manggagamot rin, matagal na sana silang nagamot.

"Remember, kung ano man ang sitwasyon mo, ang una at huli mong gagawin ay ang Magdasal"

No comments:

Post a Comment