Tuesday, June 22, 2010

Latakero

May kasabihan tayong mga mahihilig magtrip na, "Walang basagan ng trip" at "Kanya-kanyang trip lang 'yan". Paano kung ang trip ko ay bumasag ng trip at makialam ng trip ng iba? babasagan rin kaya nila ang trip ko? magbabasagan lang kami ng trip. Ngayon ang trip ko ay pagtripan ang trip ng ibang singer na wala ng ginawa kundi magpayaman sa mga kantang isinulat ng ibang singer/songwritter. 'Yung tipong kasisikat lang kaninang madaling araw, inirerevive na kinabukasan. Ang ganda ganda ng original na kanta, tapos bababuyin ng isang babaeng singer o isang lalaking piling rakista, na idinadaan sa taas ng tono. Anong gusto nilang iparating? mas magaling sila sa original na kumanta? o mas maganda ang version na nagawa nila? Ang tanging naiisip ko lang na kantang dapat nirerevive ay ang mga kanta ng Spongecola na siguradong kahit sino ang magrevive ay mas maganda ang kalalabasan ng kanta, 'wag lang si Chito Miranda. Piling kasi ng ibang mga singer na nagpapacute sa mga sikat na istasyon ay COOL ang kumanta ng mga ROCK / Alternative na mga kanta, dahil akala nila na kapag kinanta nila ang mga ito ay rakista na sila at sikat na sikat na sila sa mga totoong rakista. Hindi nila alam, mas nagmumukha silang POSER sa mata ng mga totoong rakista. Anyway, hindi pala ako rakista, dahil hindi ako mahilig sa ROCK, mas matigas pa doon ang hilig ko, METAL, death, black, heavy, thrash at doom metal. Hmmm, minsan kapag piling ko bakla ako, nakikinig rin ako sa alternative, metalcore, hardcore at nu metal.


Tabi tabi po sa mga fans ni Chito Miranda at Spongecola