Mga professional sila dahil may professional na nagturo sa kanila, i can’t afford that. Wala akong sapat na pera para magpaturo sa mga professional photographers at film maker, But I think yun ang susi para matuto ako, magsisimula akong matuto ng sarili kong paraan at ititigil ko na ang pangangarap, uumpisahan ko na para maging isang professional sa sarili kong paraan. Oo, totoong sasabihin ng iba na dapat parin akong umattend sa mga film school at digital photography school para matutunan ang tamang proseso. Wala akong pera kaya magtitiyaga ako sa sarili kong proseso at sarili kong lason. Karamihan ng mga professional dito sa mundo ay may nagturo na isa ring professional na tinuruan din ng isa pang professional at sa pinakadulo ng mga professional na ito ay ang isang taong walang ibang nagturo kundi ang sarili niya at ang mga bagay bagay na nakapaligid sa kanya, siya ang MASTER ng lahat ng mga bagay na natutunan ng mga estudyante ng mga naging estudyante niya. At ako ang taong magiging MASTER ng pansarili kong konsepto sa photograpiya at pagawa ng mga pelikula. May camera ba ako na kagaya ng mga professional na nakikita ko sa facebook? Digital SLR? Wala, kailangan ko iyon pero di kaya ng bulsa, makakapagtiyaga ako sa dalawa kong digital camera na maari namang kumuha ng kuha ng mga mamahaling camera, hindi nga lang ganoon kaganda, pero nandoon ang konsepto at nandiyan naman ang adobe lightroom at photoshop. Ang daming mga lumang kuha dito sa mundo na analog pa ang ginamit na hindi kayang lampasan ng mga DIGITAL na bagay. Sa ngayon pangit pa ang mga kuha ko, nasa proseso pa ako ng pagtuturo sa aking sarili. Naniniwala rin ako na wala sa presyo ng camera ang isang magandang kuha, nasa kinukunan pa rin ito, nakakatulong ang quality ng camera pero ulit, nasa kinukunan pa rin iyan, ang actual na bagay o lugar na kinukunan natin ay iyon ang tunay na maganda, ang likha ng Diyos. Kung mababasa man ito ng buong tao sa mundo, maaring may isang milyong tao , hindi, isang bilyong tao ang ‘di sang-ayon sa sinasabi ko, pero wala akong pakialam, sariling paraan ko ito. Sa pagawa naman ng mga short movies at sa katagalan ay mga mahahabang pelikula na, may Video Cam ba ako na kagaya ng mga sikat na Film maker? Wala rin. Pero ang isa sa mga digicam ko ay kayang makapagrecord ng video na Widescreen HD Movie Clips at 16:9 aspec ratio (1280x720pixel) na may 30 frames per second, pwedeng pwede na itong gamitin para ipanggawa ng pelikula. Pelikulang gawa sa digital camera, maaring nakakatawa, nakakatawa man, maari rin naman itong pumatok, ang iba nga sa ay kuha lang sa cellphone/web cam at i-uupload sa youtube, sikat na sila. Again, wala sa mahal ng equipment, nasa konsepto pa rin. Sina Moymoy Palaboy at Kuya Jobert, pumatok sa kanilang istilo, hindi sa ganda ng kanilang Video Cam. Sa pagsasaliksik ko kung may isang tao akong kagaya na handang magbuhus lang ng konting halaga para sa mga gagawing pelikula, nakita ko na may isang sikat na director na kahit papaano ay kapareho ko ng paniniwala, siya si Robert Rodriguez. Hindi ko sinasabing pareho talaga kami, ngunit napansin kong ang mga itinuturo niya ay halos magkatulad sa mga paniniwala ko, halimbawa na lang ay ang paggamit ng mga bagay bagay sa aking paligid para sa aking gagawing pelikula, paggamit ng mga kaibigan, miyembro ng pamilya at kamag-anak bilang aking mga artista at pag-iwas sa pagsasayang ng malaking pera para sa pelikula, pagdidiskubre sa pansariling paraan sa paggawa ng iba’t-ibang bagay at pagtigil sa pangangarap at mag-umpisang gawin ang aking mga pangarap, pagamit sa iyong kapaligiran para makasulat ng mga scripts o ideya ng iyong gagawing pelikula.
Mga paborito kong sinabi niya na sadyang gawain ko na noon pa ay:
1. Discover your own way of doing things
2. Stop aspiring, start dong.
Kagaya na lamang ng isinulat kong ito, maaring may bilyong tao riyan na magsabi mali ang paggamit ko ng paragraph, comma, tuldok at iba pa, well atleast naintindihan nila ang ibig kong sabihin. Hindi naman ibig sabihin na ayaw kong matutunan ang tamang pagsusulat. Pinag-aaralan ko pa.