Kung mamamatay ka ngayon, sa palagay mo ba sa langit ang bagsak mo o sa impiyerno? Ano sa palagay mo ang katanggap tanggap para sa Diyos para ikaw ay papasukin sa kanyang kaharian? Pag-aralan mo ang buhay mo ngayon kung sa palagay mo ba ay katanggap tanggap ka sa kanya, gawing basehan ang bibliya at ang kanyang mga turo, pasado ka ba? may points ba sa Diyos ang maghapong pagbabad sa facebook, instead na nagbabasa ng bibliya o magdasal man lang? May point ba kay Jesus ang pagpapasikat sa mga social networking website, post ng post ng mga luho at mga nais sa buhay na wala man lang bahid ng pagiging maka-Diyos? Isipin mo ang buhay mo ngayon at ang buhay ng mga tunay na Kristiyano na nanalig sa ating Panginoong Jesus, May mga kristiyanong pinarusahan, pinahirapan at pinaslang ng dahil lamang sa kanilang paniniwala kay Kristo, ikaw gaano ka ka active sa ating Panginoong Diyos? Narito ka ba para mabuhay lamang at mamatay pagkatapos ng ilang taon, o narito ka para isagawa ang tunay mong layunin kung bakit ka nabuhay, at ito ay ang paglingkuran ang ating Diyos. Nabubuhay ka para mabuhay, nagtatrabaho ka para mabuhay, nabubuhay ka para magsaya. Nasaan ang Diyos sa buhay mo? Sapat na ba ang nagsisimba tuwing Linggo para makapasok sa kaharian ng Diyos? Sa palagay mo?