Sariling Lason
Written by: Richard G. “chayd” Tolentino
“Hindi ka ba nagsisisi?”
“Hindi! Bakit ako magsisisi? Masarap naman ha!”
“Ganoon ba? Magsisisi ka rin balang araw.”
“Hmm! Tignan na lang natin.”
“Oo, tama tignan na lang natin.”
Usapan ng dalawang nagkakilala sa isang bahay aliwan.
“Sige pare aalis na ako!” Sabi ng ‘di kilalang tao.
“Ok, ano nga pala ang pangalan mo?” Tanong ni Jay.
“Tawagin mo na lang akong Miguel.” Nakatalikod na pagkasabi ng misteryosong lalaki.
Dahil sa lasing na rin si Jay, tingin niya kay Miguel ay isang ilaw na nakakasilaw dahil iyon ang huli niyang nakita nang tumalikod siya. Pagkauwi ni Jay, diretso na siya sa kwarto at umaga na nang magising. Masakit ang ulo dahil sa hang-over, at ubos ang pera sa alak at babaeng nagbigay sa kanya ng panandalihang aliw. “Marissa! Marissa!” Sigaw niya sa kanyang ka-live in. Kaagad namang lumapit si Marissa. “Nasaan ka ba kagabi?” tanong ni Jay. “Nasa sofa, dinaanan mo at hindi mo man lang ako ginising, alam mo namang kapag ginagabi ka, doon ako humihiga hanggang sa makatulog na.” reklamong sagot ni Marissa. “Ah ganoon ba? Nasaan si Ashley?” tanong ulit niya kay Marissa. “Lunes ngayon, may pasok siya. Saan ka nanaman ba pumunta kagabi at hanggang ngayon ay amoy chico ka pa rin?” Tumataas na boses ni Marissa. Nagsigawan ang dalawa, pero nagkabati rin na parang mga bata. Pinagtimpla ng kape ni Marissa si Jay, at iyon na ang pinaka-almusal niya, wala ng oras para kumain pa, malelate na siya sa trabaho.
Driver si Jay ng pamilyang Marty, isang mayamang pamilya sa lungsod ng Angeles. Ginagamit niya ang kanyang trabaho para gawing palusot sa kanyang kalive- in tuwing ginagabi siya ng uwi. Kilala si Jay ng mga kaibigan niya bilang isang matinik na babaero, at siya mismo, alam niyang maliban kay Ashley, mayroon pa siyang ibang mga anak sa mga babaeng nakarelasyon na niya dati, hindi nga lang niya alam kung sino sa mga naging babae niya ang nabuntis. Hindi na rin niya mabilang ang mga niloko na niyang babae. Nagpagawa ng pekeng ID si Jay para magamit ito sa kanyang pagsisinungaling tuwing nanliligaw siya. Jun Tolentino, ang pangalang nakalagay sa ID na ipinagawa niya, hindi niya tunay na pangalan at hindi rin totoong address ang nakalagay, kung sakali mang maghabol ang babae, hahabol siya sa wala, at kahit hanapin pa niya ito sa address na nakalagay sa ID, hindi niya rin makikita. May extra cellphone si Jay sa compartment ng kanyang motor, at iyon ang kanyang ginagamit sa panloloko ng mga babae. Pagkatapos makuha ang gusto sa isang babae, itinatapon na niya ang sim card na binili nang araw na makilala niya ang kanyang bibiktimahin, kada isang babae, isang sim card. Sa lahat ng mga naging babae niya, si Marissa lamang ang inibig niya, at lalo pa niya itong inibig nang magkaanak sila.
Mahal na mahal ni Jay si Ashley at Marissa, pero hindi pa rin nawawala ang paghahanap niya ng, wika nga niya “ibang flavor”. Hindi masusukat ang pag-ibig ni Jay sa labing pitong taon niyang anak na babae na si Ashley. Dahil sa kanyang pagmamahal, kahit ang mga tambay ng kanilang barangay ay hindi makatingin sa kanyang anak, dahil kung mahuli ni Jay ang sinumang may malaswang tingin sa kanyang anak, tiyak na masasaktan niya ito. Walang taong gustong umaway kay Jay sa kanilang barangay, dahil hindi na mawawala sa isipan ng mga tao ang ginawa niya sa dalawang tambay na nambastos sa kalive-in niyang si Marissa, bugbog sarado ang dalawa at tuwing nakikita nila si Jay, para silang nakakakita ng halimaw. Sabi nga ng iba, may ginawa raw na katakot takot si Jay sa dalawa, kaya ganoon na lamang ang takot nila. Lahat ng bagay na nais ni Ashley, pinipilit ibigay ni Jay, mapa-laptop, ipod, iphone at kung ano ano pang mamahaling mga gamit.
Napakatalinong bata ni Ashley, hindi man siya ang top 1, lagi naman siyang nasa top 10 mula nang nasa elementarya pa siya. 4th year high school na siya ngayon, at nagdadalaga na, may magandang mukha, kaakit akit na katawan at makinis na kutis. Kahit matalino siya, hindi siya ang tipo ng babae na mahirap lapitan. Kahit ang mga sikat na barumbado sa paaralan nila ay nagiging kaibigan niya. Isang tipo ng babae na gagawin mo ang lahat, maging kaibigan mo lang. Isa sa mga kaibigan niya ay si Daniel, isang lasenggong estudyante. Si Daniel ang pinakaunang nanligaw kay Ashley, at siya rin ang pinakaunang na-busted, kaya naman kinaibigan na lang niya ito. Hindi nawawala ang masamang balak niya kay Ashley, humahanap lamang siya ng pagkakataon para magawa ito, isang paghihiganti sa ginawang pagbusted ng dalaga.
Biyernes ng hapon, makulimlim ang panahon, pauwi si Ashley at, “Ash, tara sumabay ka na sa akin, may dala akong payong, baka biglang bumuhos ang ulan, mababasa ka.” Halok ni Daniel. At Bigla ngang bumuhos ang napakalakas na ulan, kaya naman napilitan ring sumabay ang dalaga sa binatang wala ng inisip kundi paghihiganti. “Masyadong malakas ang ulan, punta muna tayo sa bahay.” Halok ulit ni Daniel. “Sige, ihatid mo na lang ako kapag tumila na ang ulan” sagot ni Ashley, “Oo, ihahatid na lang kita.” At nakarating nga ang dalawa sa bahay nina Daniel. Tinext ni Daniel ang bestfriend niyang si Jerry, “Pre, may inuman dito punta ka, may chicks ako, dala ka ng red horse, lasingin natin.” Dahil sa malapit lamang ang bahay ni Jerry kina Daniel, madali siyang nakarating at may dala ng kalahating case ng red horse. “Hindi ako iinom ha?” Pakiusap ng dalaga. “Kahit konti lang Ash, kasama mo naman ako, magkaibigan naman tayo, at hindi ka naman lalasing sa isang baso lang.” wika ni Daniel. Nakuha nila sa pilit ang dalaga at paulit ulit nila siyang pinipilit para inumin ang isang baso na kasunod pa ng isa pang baso. Isang oras ang lumipas, at nalasing na ng tuluyan si Ashley. Kumakanta, sumasayaw at pabirong naghuhubad. “Kunin mo ang cellphone ko sa bag.” Utos ni Daniel kay Jerry. “Ash, tara higa muna tayo sa kwarto lasing ka na eh.” Ang simula ng masamang balak ni Daniel. Dahil sa kalasingan, kahit anong sabihin ni Daniel ay sumusunod ang dalaga. “Magsesex kami, ivideo mo kami. Pagkatapos ko, ikaw naman” bulong ni Daniel kay Jerry, na lubos naman niyang ikinatuwa. Hinubaran ni Daniel ang dalaga at sinimulang halikan ang mga maseselang parte ng kanyang katawan. Mukhang nagugustuhan naman ng dalaga ang ginagawa ng mapagsamantalang binata. Matapos ang kanyang pagsasamantala, pinalitan naman ni Jerry si Daniel, habang siya naman ang humawak ng cellphone habang bini-video ang kahayupang ginagawa ng kasama.
Gabi na ng makauwi si Ashley sa bahay, buti na lang at wala pa ang kanyang ama na si Jay. Masyadong abala si Jay sa pakikipagtalik sa isa sa mga katulong ng boss niya, kaya naman halos madaling araw na rin siya nakauwi. Si Marissa naman ay alalang-alala hanggang sa makuhang makatulog sa sofa, kahihintay sa lalaking itinuturing niyang asawa.
Kinabukasan, hindi pumasok si Ashley, kaya kinausap siya ni Jay. “Dati rati, kahit alam mo ng walang pasok, parang gusto mo pang pumasok, ano ang problema bakit bigla ka na lang tinamad?” Tanong ng ama sa anak na matamlay ang itsura. “Wala po!” sagot ng dalagang hindi makatingin ng diretso sa kanyang ama. “Alam mo? Anak kita, kaya alam ko na may problema ka, lalaki ba?” patuksong tanong ni Jay. Napatitig si Ashley sa amang malapit ng ngumiti, at biglang yumakap si Ashley sa kanyang ama at umiyak, isang masakit na iyak, walang nagawa si Jay kundi manahimik na lang at pinili na lang niyang huwag alamin ang dahilan ng pag-iyak ng kanyang anak, dahil iniisip niyang lalo lang itong makakasama sa damdamin ng anak.
Naging palaisipan man kay Jay ang pag-iyak ng kanyang mahal na anak, kailangan pa rin niyang kalimutan ang tungkol dito at ituon ang pansin sa trabaho. “Pare, balita ko na jerjer mo na si Che-che.” Pabirong sabi ng hardinero kay Jay. “Hmm! Ako pa! wala namang akong babaeng ginusto na hindi nakukuha.” Mayabang na sagot naman ni Jay. “Navideo mo ba?” tanong ulit ng hardinero, “tanga ka ba? E kung makita ni Marissa, edi lagot ako!” mataas na boses na pagsagot ni Jay habang pasakay sa sasakyan ng boss. Pagkahatid ni Jay sa kanyang boss, dumiretso na siya sa kusina para puntahan si Che-che. Dali-dali silang pumasok sa banyo at sabik na sabik silang naghalikan. “Sandali, gawin mo sa akin ito.” Wika ni Che-che habang kinukuha ang cellphone sa kanyang bulsa. Binuksan ang isang video na kakasend lang ng kaibigan niya kaninang tanghali, ipinakita ito kay Jay, napatigil siya at napaluha. “Bakit?” tanong ng katulong. “Pahiram muna ng cellphone mo, Anak ko iyan, uuwi muna ako!” nanginginig niyang boses. Nagbihis at mabilis siyang tumakbo gamit ang sasakyan ng boss sa paaralang pinapasukan ng kanyang anak. Hinanap niya ang punong-guro at ipinakita ang video. Mabilis namang ipinatawag ng punong-guro ang nakilala niyang dalawang binata sa video, si Daniel at Jerry. Nang makita ni Jay ang dalawang binata, nagdilim ang kanyang paningin kaya nabunot niya ang kanyang baril na inisyu ng kanyang boss at pinagbabaril ang dalawang estudyante. Dahil sa nabigla lamang siya sa kanyang ginawa, itinapon ang baril at tumakbo papalayo. Itinakbo sa hospital ang dalawang binata na parehong nag-aagaw-buhay, ngunit huli na ang lahat bago pa sila nakarating sa hospital. Dahil sa hindi makayanan ng konsensiya ni Jay ang pagpaslang niya sa dalawang estudyante, siya na mismo ang sumuko sa mga pulis. Ikinulong siya sa City Jail, at nang mabalitaan ito ng punong-guro ng paaralan ng mga biktima, binisita niya ito at kinausap.
“Alam mo bang parehong walang ama ang pinatay mong mga bata?” tanong ng punong-guro.
“Lumaki silang magkaibigan dahil sa pareho sila ng mundong ginagalawan, lumaking walang ama.” Dagdag pa niya.
Nakayuko lamang si Jay at nakikinig, alam niyang kahit na ano pang sabihin niya sa punong-guro ay hindi na rin maibabalik ang kanyang ginawa. Umalis ang punong-guro, na siya namang pagdating ng dalawang ina ng mga batang nawalan ng buhay.
Si Clara, ang ina ni Daniel, at si Debbie, ang ina naman ni Jerry. Umiiyak nilang nilapitan ang nakayukong nagsisising si Jay. “Walanghiya ka! Hindi mo alam kung gaano ang paghihirap ko para palakihin si Daniel! At pinatay mo lang siyang parang hayop!” galit na pagkakasabi ni Clara na hakbay naman ni Debbie. Kilalang-kilala ni Jay ang boses ni Clara, kaya napatingin siya. Napaluhod si Clara nang makita niya si Jay at lalo namang napaiyak si Debbie at sinabing, “Jun, pinatay mo ang sarili mong anak!” Napatingin si Clara kay Debbie, at sinabing, “Anak rin ni Jun si Daniel.” Lalong nadurog ang puso ni Jay sa kanyang narinig. Jun ang pagkakakilala ni Clara at Debbie kay Jay, dahil sa peke nitong ID, dalawa lamang sila sa mga babaeng niloko, binuntis at iniwan niya. Parang inihulog sa napakalalim na bangin si Jay, ang pagsisisi ay hindi sapat na salita para sa nararamdaman niya.
“Sabi ko na sa iyo, magsisisi ka rin balang araw.” Sabi ng isang boses na nanggagaling sa likod ni Jay.
“Miguel? Ikaw ba iyan? Nasaan ka?”
“Tulungan mo ako!”