Sunday, June 17, 2012

The Bad Guys in Network Marketing

The Virus of Network Marketing


Madalas kong marinig ang turo na "Kaya mo shineshare ang negosyo natin para matulungan mo ang taong sinasabihan mo nito." Magandang pakinggan pero gaano ito katotoo? People helping people. Alam naman natin lahat na we do networking because we want to earn big money, para maabot ang mga pangarap. Ibig sabihin isang TOOL ang mga NETWORKING COMPANIES para maabot ang mga pangarap natin. Kung ang kaibigan mo ay hindi nagustuhan ang presentation mo at hindi niya maintindihan, tapos nakakita siya ng ibang company at naintindihan niya at doon na lang sumali, anong mararamdaman mo? Again, ang mga Networking Companies ay mga TOOLS para maabot ang pangarap ng isang tao. Matutuwa ka ba na magkapareho na kayo ng industriya ng kaibigan mo? Or hahanap ka ng paraan para mapatunayan sa kanya na nagkamali siya ng Company at pangit ang pinasukan niya? gagawa ka ng paraan para mapasali ang iba mong kaibigan at ipamukha sa kanya na mas marami sa mga kaibigan mo ang sumali sa iyo? Where is the respect? Magiging magkaibigan pa kaya kayo? What if ang gawin niyo ay gumawa ng healthy competition where pabilisan kayo ng hataw without ruining your friendship, tapos kapag may trainings or seminar ng mga sikat na tao like John Calub, Mr. Chinkee Tan, Coach SmurkyDad, Francisco Colayco, Vice Ganda, Tado, Willie Revillame kahit sino pa yan basta nagtuturo kung paano maging petrang kabayo, este paano mapalawak ang Network mo at paano maging isang magaling na leader, magsama kayo sa training. Pero ang masakit na katotohanan sa Network Marketing ngayon ay ang pagkakahiwahiwalay ng mga magkakaibigan dahil hindi sila pareho ng kumpanya, minsan pasikatan pa at naghahanap ng butas sa network ng kaibigan. Hindi ba at malinaw na ang isang networker ay umaasa sa network niya para mabuhay at matupad ang mga pangarap(ayan redundant na). Kung iyon ang paniniwala mo, dapat ay hindi ka magsasalita ng mga bagay na ikasisira ng Network ng kaibigan mo, dahil hindi lang naman ang kaibigan mo ang damay doon eh, lahat ng mga kasama sa Network na iyon, crossline man niya o team mates. Isang kang certified na maninira ng pangarap kung ganoon ang ginagawa mo, after all hindi totoo ang pagtulong mo, kaya naman tumutulong ka ay dahil in the end may pakinabang sayo di ba? Eh dahil ibang network ang kaibigan mo, hindi mo na siya tinutulungan, aba'y questionable ang sinasabi mong pagtulong sa kapwa na walang kapalit. Sa madaling salita, Help your people earn so that you will earn too, yan ang transparent, wala namang masama doon, tinulungan mo na ang mga tao mo, tinulungan mo pa ang sarili mo. Pero ang point kasi dito eh, kapag hindi mo na tao o wala kang pakinabang na makukuha sa kanya, wala eh, gumagana ang basic human nature or shall I say basic pinoy nature (Take and take, or Give and take and take and take and take times 1,000). Remember na kapag siniraan mo ang isang Network Company, sinisiraan mo na ang buong industriya, unless na may nakita ka talagang ikakapahamak ng iba sa Company na iyon, pwede mo silang warningan at idetalye ang nakita mong posibleng mangyari basta ang attitude mo talaga is to warn people, not to warn them so that they will join you instead. Pwede mo silang warningan ng ganito, lalo na kung new blood "Maganda ang Network marketing pero hindi lahat ng kumpanya ay mabuti ang layunin, sa company na papasukan mo eto ang nakikita ko, [Details Here], pero ikaw ang bahala, ang sa akin lang ay ayaw ko lang na mapasok ka sa isang kumpanya na baka kapag may ma-experience kang masama, iisipin mo na lahat ng kumpanya ay ganoon." Take note, kung ang kumpanyang papasukin niya talaga ay yung kumpanyang may balita ka na, pangit na ang payout, hindi totoo ang marketing plan at may hidden agenda **(Na experience ko na to)**, may mga masasamang turo sa mga tao, may bad records sa gobyerno, walang mga legalities etc. Hahayaan mo bang papasok ang kaibigan mo sa isang bahay na alam mong may nakatagong bomba? Basta remember, nagwawarn ka ng tao base sa katotohanan, hindi para lang siraan ang kumpanya at sayo na lang sumali.

The Pirate and the Free Slot: The Virus Effect

Totoong ang team mo ay part para matupad ang mga pangarap mo. Ano ba ang pakiramdam kung isa isang kinukuha ng isang tao ang number ng mga downlines mo at inu-unti unti sa text na pasimpleng update sa kumpanya niya? Tinatamingan ang Company mo na magkakonting problema then doon sila aatake? Anong pakiramdam kung unti unting dinidiskartehan ang girlfriend mo ng ibang mga lalaki? Ang mga downlines at leaders mo sa team ay isa rin sa mga susi para mapalawak ang team mo, kung hindi ganoon katindi ang training at mindset sa kanila, madali silang mananakaw ng iba. Tapos idadahilan lang ng iba na ipapakita ko lang ang negosyo ko, pero karapatan naman niya na mamili, ok lang naman yon kung ang mismong downlines mo ang gustong tumingin sa negosyo ng iba. Pero nananahimik ang downline mo at tinargetan siya ng isang Pirata at kinuha ang number para minsan mapakita niya ang negosyo niya sa kanya then later on kapag successfully niyang naipakita ang negosyo nila at pinagtulung tulungan pa siya ng mga top earners ng company nila, nawalan ka lang naman ng downline or hindi man siya nawala sa team mo, nabawas na ang kanyang focus, ano ang mangyayari non? Nasa team mo siya at possibleng magkabalak na mamirata rin sa iba mo pang downlines. Anyway wala naman akong sinasabi na mali yon, nasa iyo kung ano ang palagay mo sa ganoong klaseng kalakaran, at hindi naman ito maiiwasan ng dahil lang sa isang blog post na ito. Mali man o tama, laging tandahan lang ang Golden Rule: "Do not do unto others what you do not want others do unto you." Paano kung ang downline na napirate mo ay pinaghirapan ng dati niyang upline? ibinuhos ang oras para lang mapresent ng maayos ang negosyo? inutang lang ang pinanglibre niya ng Big Mac sa napirate mo, ipinagdasal ng gabi gabi para magpayin siya, ikinasaya niya nang mapasali na niya, tapos biglang mawawala dahil sa pamamirate mo. Ang malupit pa sa iba ay nag-ooffer ng FREE SLOT. Remember ulit, masama man o mabuti,  "Do not do unto others what you do not want others do unto you."  Sa One Piece lang magandang maging Pirata, sa Networking nakakairita.

**
Binary, With Matrix System na HINDI NAMAN GUMAGANA and other platforms na di nag-momove.


No comments:

Post a Comment